Chapter 5

3233 Words
Chapter 5 (Third Person's POV) "ANO bang problema nya." Napapakamot sa ulong saad ni seph. Iniisip nya pa rin kung anong ginawa ng amo nya sa leeg nya. Para kasing namaga dahil kumikirot ng konti. Umiling-iling nalang sya bago itinuon yung atensyon sa trabaho. Kasalukuyang inaayos ni Seph yung mga gamit na nasa mesa nya nang humahangos na lumabas yung amo nya mula sa opisina neto. Namumutla ito habang nagmamadaling naglakad palapit sa kanya kaya agad syang dinapuan ng pag-aalala para dito. "S-seph! Help me!" "Bakit? Anong problema?" Nilapitan nya agad ito at chineck, "Bakit ka nagmamadali?" "Someone called in your stone aged phone and I answered it then the girls screamed something---" "Hah? Phone?" Mabilis na ini-abot ni Vero yung cellphone nyang luma kaya nagtataka syang tumingin dito, "Pano napunta sayo toh?" "A-ahm... Y-you... Ahm..." Naglumikot yung mga mata nya dahil hindi nya alam kung ano ang isasagot. "Hayaan mo na muna." Isinilid nya sa bulsa iyon, "Ano bang nangyari?" Saad nya sa nag-aalalang boses. Napatitig si Veronica sa kanya nang dahan-dahan sya netong paupuin sa upuan neto. Hinagod-hagod pa ni Seph yung likuran nya. Umiling-iling sya. "Uhm... Y-your sister called, uh... She screamed and s-sabi nya yung m-mommy mo inatake sa puso." She saw how he frozed. Bumakas agad yung takot at taranta sa mukha nya bago tumango-tango. Sakto namang nag-vibrate yung phone nyang de stone aged. "O-okay, S-sandali lang." Kinuha nya yung phone nya, "Excuse me." (Veronica's POV) Tumango lang ako habang pinagmamasdan syang lumayo ng kaunti saken. Kitang-kita ko kung paano bumakas sa mukha nya yung pag-aalala saken anng makita nya ako kanina, lalo na ng marinig nya yung tungkol sa mommy nya. OMG, What if I killed his mother earth unintentionally? I'm scared! I don't want to be in jailed! Ayokong makulong just like what happened to my cousin! It's an accident. A prank. Ugh! B-bakit ba kasi naisipan ko pang sabihin iyon? I just want to know if he has a girlfriend or something! Nilingon ko sya, He's walking towards my direction. Ibinulsa na nya yung cellphone nyang de stone age pero nakakunot na yung noo nya. N-no... D-did he know already? Napalunok ako nang hawakan nya yung pulsuhan ko. H-hahaltakin nya ba ako? "Miss Vero---" "Is she dead...?" I almost whispered. Lalong lumalim yung gatla sa noo nya, "Huh? Sino?" My eyes grew bigger, "Your mommy! Is she dead?" "Hinde ah!" Napakamot sya sa ulo nya, "Syempre buhay pa sya." "Really?" I blinked my eyes many times. "Oo naman." He smiled, "Buhay pa si Inay. Malakas yun noh." "P-pero your sister screamed! S-sabi nya i-inatake si mommy nyo!" Parang nag-echo pa sa pandinig ko yung sigaw ng sissy nya kanina, my gosh! Is this conscience knocking on my brain and ears? "Sabi ni Inay nahilo lang sya, naabutan sya ni Stephanie na muntik ng matumba kaya akala nya inaatake si Inay." "Oh." I never felt so relieved like this. Parang nabunutan ako ng isang mahabang sangang maraming tinik. I thought I killed someone already, "I'm glad that she's okay." Pilit kong ngiti. Naputol yung pagdidiwang ko sa isip ko nang bumaba yung kamay nya mula sa pulsuhan ko pababa sa kamay ko. Humawak sya ng mahigpit doon, ramdam ko tuloy kung gaano kalaki yung palad nya at kung gaano kahaba yung bawat daliri nya. Magaspang din iyon at matigas. I gulped. Oh no, what a gifted hands he has. I wonder what could be the feeling if that kind of hands touches every inch of my body. *GULP* I might lose my sanity just because of his mere hands and fingers. Ugh. What a pervert b***h I am! "Sorry." I frowned, "F-for what?" "Eh natakot ka yata dahil don sa pagtawag ng kapatid ko." He let out an apologetic smile, "Sorry, kinabahan ka ba ng sobra? Pasensya ka na. Tignan mo," Humigpit lalo yung paghawak nya sa kamay ko, "Nanginginig yung mga kamay mo." Nilingon ko yung kamay naming magkahawak naming kamay and I saw that he's telling the truth. My hands are trembling. Gosh naman kasi, bakit naman kasi hindi ako kakabahan? I feel so guilty! Kasalanan ko pa ren naman kung bakit nangyare yun even though his mom is fine tapos ngayon saken pa sya concern. Why is he so kind? He's sincere to everyone. "I'm so sorry." Nakita ko kung paano sya mag-alala. Then a sudden flashback played through my mind. "I'm so sorry, Veronica." He said before he removed my hand on the hemn of his shirt, "Hindi ko na kaya. I can't handle you anymore. You're too immature, I can't bare to live with you because you're killing me with your obsession and paranoia. Nakakasakal kang kasama." "Ayos ka lang ba?" Tinignan ko sya. He's looking at me straight on my eyes. No. I'm not going to lose again. I'm matured enough to handle myself. I'm strong. I can handle myself. I'm not paranoid. I'm not obsessed. I smiled. "Yeah. I'm fine." (Seph's POV) "INAY, Sigurado ka bang ayos ka na?" Nag-aalala kong tanong. Narinig ko yung pagtawa nya, "Oo naman anak, Ano ka ba! Okay na okay ako noh! Ako pa ba?" Hindi ko na tuloy mapigilang mapakamot sa batok ko dahil doon. Sobra-sobrang pag-aalala kasi ang naramdaman ko kanina ng marinig ko yun. Kung nagkataong nangyare yun ay agad-agad na akong uuwi samin. Natakot ako ng sobra, ayoko pang mawala ang Inay. "Wag ka ng mag-alala. Ayos lang ako. Totoo!" Bumuntong hininga ako, "Basta. Kahit anong mangyare lagi nyo po akong babalitaan ng kung anong kalagayan nyo. Gusto ko pong makasiguro na ayos lang kayo at ng mga kapatid ko." "Oo na! Oo na! Eto talagang anak ko." Napangiti nalang ako dahil doon. Ang dami pa nyang kinwento at ibinilin saken. Mataman naman akong nakikinig sa kanya. Natutuwa ako sa mga binabalita nya sa akin tungkol sa mga honors at awards na natatanggap ng mga kapatid ko---pwera kay Stefan na medyo tagilid ang grado dahil napapabarkada. Hindi ko naman sya pwedeng pagalitan sa pamamagitan ng tawag dahil hindi naman sya makikinig at isa pa ay hindi iyon tama, mas magandang mag-usap kami ng personal. "Hayaan mo na, Nay. Ako na po ang personal na kakausap kay Stefan kapag nakauwi na ako dyan sa atin. Mag-iipon lang po ako ng pang-puhunan para makapagpatayo tayo ng tindahan dyan tsaka ako uuwi sa atin." "Hay nako anak, wag kang magmadaling umuwi dito. Ayos lang kami ng mga kapatid mo, ano ka ba?" "Pero nay---" "Huwag kang masyadong magpakasubsob sa trabaho anak. Nasa Maynila ka naman na, balita ko ay maraming nag-gagandang dalagita dyan na halos kaedaran mo rin." Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi nyang iyon. Pauwi na kasi ako galing sa building ni Miss Vero, Alas-nuebe ng gabi ako umalis don pero mag-a-alas onse na ngayon. Wala na kasi akong pamasahe kaya nilakad ko lang mula doon katulad ng ginagawa ko araw-araw. Ni wala pa ko sa 1/4 ng kalsada patungo sa tinutuluyan ko, sobrang layo kaso neto doon. Matapos nyang umalis kanina ay ako na ulit ang gumawa lahat ng papeles nya. Hindi ko din naman sya ma-contact kaya humingi ako ng pasensya sa lahat ng taong nakatakda nyang i-meet para sa appointments nya. Ni-reschedule ko nalang yung iba. Nag-aalala ako dahil baka kung napano na sya. Pero ano daw? Dalagita? "Kelan ka ba magdadala ng nobya dito sa atin, hah Seph?" "H-hah?" Muntik na kong mapatid dahil doon, "A-ano bang sinasabi mo dyan, Nay?" "Ang sinasabi ko lang naman anak ay kung kelan ka ba mag-uuwi ng nobya dito. Aba syempre naman gusto kong makilala yung babaeng nagbibigay inspirasyon sa iyo noh! Ang sipag-sipag mo kasi anak." Bahagya akong natawa dahil doon, "Inay, ang tanging babae sa buhay ko na nagbibigay inspirasyon saken para magsipag ay kayo at ang mga kapatid kong babae. Syempre pati na rin si Stefan at Stephen." "Hay nako tigil-tigilan mo ko Seph ah! Seryoso ako, dapat magkanobya ka na! Gusto ko na ng apo ano, naiinggit ako sa mga kapitbahay natin may mga apo na!" "Inay naman." "Hindi ako nagbibiro ano!" Patuloy lang ako sa pakikipag-usap kay Inay habang naglalakad nang madako yung tingin ko dun sa isang Hotel sa kabilang kalsada. Mukhang may party sa loob dahil sa naggagandahang mga ilaw na sumasabay sa saliw ng musika mula doon. Pero hindi iyon yung nakakuha ng atensyon ko. "I want to party! Let me in!" Napukaw yung tingin ko nang tuluyang makilala yung babaeng naka-suot ng mataas na pulang takong, bagsak ang bahagyang kulot na buhok neto at mukhang kinulang sa tela nanaman ang damit. Makintab na micro skirt na maong ang suot sa ibaba at hapit na tank crop top na kulay itim. Mukhang lasing yata sya. "I said let me in! I want to party! Shoo!" "Nay, bukas nalang po tayo ulit mag-usap." Matapos mag-paalam ni Inay ay ibinulsa ko na ang cellphone ko bago ako tumawid. Hawak sya ng isang matipunong lalake sa magkabilang pulsuhan na mukhang isa sa mga nakikisaya doon. Kinakausap sya neto ng pabulong kaya hindi ko naririnig mula sa malayo, pwera sa pangungulit na sigaw ni Veronica. Hindi ko gusto yung paraan ng pagtingin nung lalaki sa kanya. "I can't let you in!" "What? Why not?! I'm invited here!" Sigaw nanaman nya. Naku po, mukhang lasing nya. Namumungay yung mga mata nya. "I know but you shouldn't be here especially it's already late!" Nakita kong ngumiwi sya habang pilit na inaalis ang kamay ng lalake mula sa pulsuhan nya. Mukhang nasasaktan sya sa hawak neto. "Veronica!" Pareho silang napalingon saken. Marahan kong hinila yung magkabilang kamay nya mula sa lalake at tinignan iyon, Namumula at nagmarka iyon. Nasaktan nga sya. "Seph..." Halata yung pagtataka sa mukha nya habang pinagmamasdan ako. Ilang segundo nalang yata ay pipikit na sya. Nginitian ko nalang sya, "Ihahatid na kita." Hindi naman sya kumibo. Pumwesto ako sa gilid nya at hinawakan ko yung kabilang balikat nya habang ang isa ay nasa kamay nya para alalayan syang maglakad, para na rin maiwasang matapilok. Nakaka-ilang hakbang palang ako nang may humatak sa kwelyo ko, dahilan para mapa-atras at mapabitaw ako sa kanya. "Gosh, Seph!" Muntik na syang ma-out balance, Mabuti nalang at nahawakan ko sya. "Dahan-dahan lang, baka matapilok ka." Nilingon ko yung humatak saken, "Pasensya ka na pero may problema ba?" "Who the hell are you?" Nagtagis yung bagang nya at gumalaw yung panga nya, senyales na nagpipigil syang patulan ako. Humugot ako ng malalim na hininga, "Ako si Seph." Nagulat ako ng hilahin nya ko sa kwelyo, tumili naman si Veronica. Napa-luhod sya sa sahig. "Stop it!" Awat nung lalaking kakalabas lang mula sa loob. "I don't fuckin care! Ako ang maghahatid kay Veronica!" Tinulak ko sya na ikinagulat nya. Pinagpag ko yung polo ko tsaka ko narinig yung pagbagsak ng ilang butones sa sahig. *SIGH* Ito na nga lang yung pinakamatinong polo na meron ako, natanggalan pa ng butones. De bale, tatahiin ko nalang. Muli ko syang tinignan, "Pasensya na, pero di ako papayag na ikaw ang maghatid sa kanya pauwi." Lalong bumakas yung galit at inis sa mukha nya. Gulat naman ang rumehistro sa mukha nung isa. "Hindi ko hinihingi yung permiso mo! Ihahatid ko sya sa ayaw at sa gusto mo kaya tumabi ka dyan!" Akmang hahatakin na si Veronica mula sa pagkakaluhod nang humarang ako. Muli ko syang tinulak palayo. "The f**k---" "Pasensya na talaga pero hindi pwede lalo na't hindi ko gusto yung paraan ng pagtitig mo sa kanya." Sinamaan ko sya ng tingin, "Alam ko kung anong nasa isip mo ngayon kaya sinasabi ko sayong hindi kita hahayaang gawin yon." Magsasalita pa sya ng tuluyan na syang harangin nung bagong dating na lalaki, "Hayaan mo na." Nagtatagis ang mga ngipin nya habang masama ang tingin saken. Hindi ko nalang sya pinansin at binalingan nalang si Veronica na papikit-pikit nang sinusubukang tumayo. "Ayos ka lang ba?" Iniakbay ko sya saken para alalayang tumayo pero sumandal lang sya saken, "Kaya mo bang tumayo?" "Hmn... I want to dance..." Nakapikit nyang saad. Naamoy ko yung masaganang amoy ng alak mula sa bibig nya. Mukhang marami na nga syang nainom. Ipina-ikot ko nalang yung isang kamay ko sa likod ng tuhod nya at yung isa naman ay nasa likuran nya. Bumwelo muna ako bago ko sya tuluyang binuhat, ang ulo nya'y nakasandal sa dibdib ko habang ang kamay nya ay kusang umangkla sa batok ko. "Uuwi na tayo." (Third Person's POV) Tinabig ng lalaki yung kamay ng kaibigan nyang nasa balikat nya at sinamaan ito ng tingin. "Just what the f**k, Eren?!" Tinuro neto ang direksyon kung nasaan nakapwesto kanina sina Veronica, "Why did you stop me?! Kinuha nya si Veronica!" "Stop it already! Hayaan mo na sila, Jace. That guy is right, lasing kayo pareho. You can't drive her home and I won't let you either!" "Nagtitiwala ka sa lalaking yun? Ni hindi natin sya kilala!" Umiling ang lalaking nagngangalang Eren, "Bro, May tiwala ako dahil sa tingin ko ay magkakilala sila ni Vero." "What do you mean?" Kunot-noong saad ni Jace. "What I mean is, I think that guy is Vero's new boyfriend." Natigilan naman si Jace. Tinuro ni Eren yung leeg nya at ngumuso. "May kissmark sya ni Vero sa leeg," Bumuntong hininga sya, "Just like what she used to do to you before." Lalong nagtagis yung mga ngipin nya sa inis. Kumuyom ang mga kamao nya at nilingon yung direksyon ng pinaglakaran paalis nina Seph. (Veronica's POV) ~My anaconda don't My anaconda don't My anaconda don't want not unless--- "Whaaaaaaaaat? It's so early in the morning and you're disturbing meeeeeeeeee? How dare youuuu?" I carressed my own back. Ouch, it hurts. Damn, pati head ko masakit. My whole body is aching! What happened to my soft comfy queen sized bed na inorder ko pa all the way from America? Geez! I want to sleep all day. I want to take a rest. Tumihaya ako mula sa pagkakadapa habang ang phone ay nasa tenga ko pa ren. Sheez... Where are my pillows? Ugh. Sumasakit yung ulo ko. I want to bang my head on the wall. "It's already ten fuckin AM in the fuckin morning, Veronica Ruth Saavedra Verdan and I'm fuckin disturbing you because I'm your fuckin one and only older brother named Vincent Reese Saavedra Verdan." Automatiko akong napabangon at napadilat nang marinig yung baritonong boses na iyon. *GULP* "K-kuya Vince!" I gasped. "Where the f**k are you woman? And don't you dare lie to me!" Napapitlag ako sa pagtaas ng boses nya, Oh no! He'll kill me for sure! "N-nasa ano ako... s-sa... sa ano..." Inilibot ko yung paningin ko, "sa cheap na barong-barong----F-f**k?" Umawang yung labi ko nang mapagtanto ko kung nasaan ako. Pader na hollow blocks, hindi pantay na bubong na yero, yerong pinto, kahoy-kahoy sa gilid at mga cheap na gamit---Oh em geeeeee!!! This is definitely not my unit! This is Seph's cheap barong-barong! "I-Ill just call you back kuya." "Veronica---" Pikit mata kong pinatayan sya ng tawag bago ko shinut down at kinalas yung battery ng phone ko. May possibility na i-track nya yung location ko through GPS. I'll be doomed if he knew where I am, Siguradong hindi lang sya ang susundo saken! He'll be bringng the rest of our crazy male cousins together with their stupid friends! Baka kung anong gawin nila kay Seph! Noooo! I'm so tinatamad nang maghanap ng baong secretary! Muli kong iginala yung tingin ko sa paligid. Super cheap talaga ng house na toh, It can be easily destroyed anytime. I can't imagine myself living in a house like this like duh! I'm not gonna survive in this of cheap environment! Napatingin naman ako sa kinahihigaan ko kanina---It's a bed made of some pieces of plywood. Kaya pala nananakit yung katawan ko! It's hard and the pillow is so small! Parang pillow case na pang sofa na nilagyan lang ng retaso ng lumang damit sa loob. I can feel it because it's not as soft as my pillows! "Ugh. Everything is so cheaaaap!" I screamed in a very low voice. May butas din yung bubong, Pumapasok tuloy yung sunrays at tumatama sa mukha ko. I felt so hot too! Well medyo mahangin pero maalinsangan! Maybe because it's already 10 AM just like what kuya said a while ago. Plus there's no electric fan! "I feel so stickyyy..." I looked at myself then my eyes grew bigger in shock, "Oh my gosh... This is absolutely not my clothes!" I can feel my undies but not my brassiere! Napayakap tuloy ako sa katawan ko, kaya pala mahangin! My boobies are exposed inside this big shirt that I'm wearing! I'm also wearing an old jersey shorts! I must say it's too old na kasi may mga patches ng ibang tela, parang tinapalan yung mga butas-butas something like that. Then I felt something on my feet, I saw my clothes arranged properly. Maayos iyong nakatupi habang nasa gilid naman yung 5-inch stilletto heels ko. Did... Did he raped me? Of course not! He can't do that to me! He can't rape me! But I can? Right...? "My gosh, Veronica! Think! Think! Isipin mo kung anong ginawa mo kagabi!" I smacked my own head so many times but I can't remember anything! s**t! Did he f**k me or Did I f**k him? Oh my gosh! Masyado ba akong naging wild kagabi kaya wala akong maalala? Walanjong fingers kase yan! Nakaka-arouse! Wala sa sariling napatingin ako sa pulsuhan ko, It has some bruises tapos it's a little bit shiny kaya inamoy ko. It smells like an old woman's oil, parang yung nilalagay sa likod ng matatanda kapag nanakit iyon. Tas dumako yung mata ko sa hita ko. I frowned when I saw a bandage on my right knee, then I also smelled the same oil. "What happened?" I asked myself, "Seph?" Tumayo ako para sana tawagin sya nang may maapakan akong magaspang---It's a cardboard. I lowered my head and saw him, Peacefully sleeping in a fetal position. Tinablan ako ng guilt nang makita kong isang medyo mahabang karton yung hinihigaan nya. Ginawa nyang unan yung sariling braso then yung mga paa nya ay nakatiklop dahil bitin yung karton sa kanya. T-shirt na itim na nagiging grey na ang kulay dahil sa pagkakupas at shorts yung suot nya. Then I saw a piece of cardboard na mukhang pinunit pa mula sa hinihigaan nya mula sa kamay nya. Wait---So that's why ngayon ko lang naramdaman yung init ng panahon? Gosh! P-pinaypayan nya ko buong gabi? "Seph..." Napatitig ako sa kanya. His rounded brown eyes, thick long eyelashes, well defined jaw, a little bit curly hair, pouty lips and your tanned-skin that shines everytime that your sweats are dripping because of my evil orders. That long legs that made you tall, flexing muscles in your arms and thighs. But why are you like that, Seph? Why are you so kind? Sincere? Humble? Caring? And yummy? Hmnnn~ Why?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD