Chapter 6

3464 Words
Chapter 6 (Seph's POV) "Late ako. Late ako. Late ako." Paulit-ulit kong sambit habang tumatakbo. Alas-onse na ko nagising. Sa sobrang puyat ko eh hindi na ako nagising ng maaga, alas-kwatro na rin kasi ako nakatulog. Nag-aalala kasi ako para kay Veronica. *FLASHBACK* Naglalakad ako habang bitbit sya na natutulog ng mahimbing sa bisig ko. Hindi naman sya ganon kabigat pero napapagod na din akong magbuhat, kaso hindi naman pwedeng huminto nalang ako basta sa paglalakad dahil kailangan ko ma syan mailapag sa higaan para makatulog sya ng mas maayos. Baka kasi sumakit yung likod nya sa pagkaka-higa sa mga braso ko. Nahinto ako sa paglalakad nang may bumusina mula sa likod. Nilingon ko ito at nakita ko ang isang pampasaherong jeep na tumigil sa gilid namin. "Seph!" Nakangiti nyang bati matapos sumilip mula sa upuan sa tabi ng driver. "Ate Sasha." "Sumakay ka na, Isasabay ka na namin pauwi." "Ay naku nakakahiya naman po." Humigpit yung kapit ni Veronica sa leeg ko. "Ano ka ba! Gagarahe na rin naman kami ng Kuya Adon mo! Sige na sumakay ka na." Gusto kong tumanggi dahil nahihiya ako pero sumakay pa ren ako. Iniupo ko si Veronica katabi ko. Pinasandal ko sya sa balikat ko habang naka-akbay sa kanya yung isa kong kamay para di sya gumewang sa twing lumiliko ang jeep. "Aba't sino ba yang kasama mo Seph?" Tanong ni Kuya Adon habang sinisipat-sipat kami mula sa rearview mirror, Asawa ni Ate Sasha, "Nobya mo ba?" "Ah hindi po. Uhm. K-kaibigan ko lang po." Anya ko tsaka umiling. Lumingon naman si Ate Sasha saken, "Naku kahit kelan napaka-mahiyain mo talaga, Seph. Wala namang problema kung magka-nobya ka eh!" "Eh h-hindi naman kasi talaga." Kinakantyawan nila ako na baka daw asawahin ko na si Veronica kaya ko daw iuuwi. Gusto daw nilang maging ninong at ninang sa kasal kaya panay ang tanggi ko dahil hindi naman talaga totoo. Nangamusta din sila kung ayos lang ba yung bagong trabahong pinapasukan ko, magalang ko naman silang sinagot hanggang sa naging makabuluhang kwentuhan na. Maya-maya'y nakaramdam ako ng pagyakap sa akin ng dalawang braso sa palibot ng bewang ko kaya nilingon ko sya. "Hmnnn..." Anya sabay siksik ng mukha sa leeg ko. Inayos ko nalang yung pagkakasandal nya saken. Mukhang nilalamig din sya, wala naman akong pwedeng ipang-patong sa mga balikat nya kaya hinawakan ko nalang ang mga kamay nya. "Oh nilalamig na yang nobya mo ah." Pansin ni Ate Sasha, "Ka-ikli ikli naman kase ng suot nyan." "Naiinggit yang si Sasha kasi hindi sya nakapag-suot ng ganyang ka-ikling damit nung kabataan namin!" Tatawa-tawang pangangantyaw ni Kuya Adon. Nginitian ko nalang silang dalawa. *** "Maraming salamat po." Matapos kong magpasalamat ay nagpaalam na akong papasok sa loob ng tinutuluyan ko. Bit-bit si Veronica na himbing na himbing na ang tulog. Nang makapasok ay agad ko syang inihiga sa papag para maka-unat. Inilapag ko sa paanan nya yung mataas nyang sapatos. Pano nya nakakayang maglakad nang suot ang ganitong klase ng sapatos? Sinukat ko yung taas non sa pamamagitan ng daliri, isa, dalawa, tatlo, apat---limang dangkal ang taas. Tatayo na sana ako nang bigla syang uminat, maya-maya pa'y nanlaki yung mata ko nang biglang bumuka yung mga hita nya na tila nag-iinat kaya umiwas ako ng tingin. Hinawakan ko yung magkabilang pisngi ko, ang init! Ang init-init nung pisngi ko! "Goooosh... My feet hurts... Kuyaaaa..." "Kuya?" Pasilip ko syang nilingon at nakabaluktot na sya. Panay yung himas nya sa binti nya. Bumuntong hininga ako bago kinuha yung kumot na gawa sa tagpi-tagping lumang damit na ako mismo ang nagtahi. Ipinantakip ko yun sa palda byang lumililis dahil sa kalikutan nya. "Teka lang." Kinuha ko yung langis sa gilid at naglagay sa palad tsaka ipinahid sa mga hita nya. "Hmnn... Kuya, here. Up here po." Turo nya sa bandang itaas. Bumuntong hininga nalang ako habang sinusunod ng hilot lahat ng kumikirot sa bahagi ng hita nya. Mukhang sa ganitong sitwasyon ay kuya nya ang nag-aasikaso sa kanya, malapit siguro sila sa isa't isa. Parehas siguro kami ng kuya nya, maalaga sa kapatid. Nilagyan ko na din ng langis yung pulsuhan nya, ewan ko kung makakatulong yun basta nilagyan ko nalang din. Yung tuhod nya din na nagasgasan dahil sa pagkakaluhod kanina ay dinampian ko ng basang malinis na bimpo para malinis bago nilagyan ng band-aid na lagingnasa sling bag ko. Nang makabalik sya sa pagkakahimbing ng tulog ay tumayo na ko para maglinis ng katawan at magbihis. Kinusot ko muna yung mga pinagdamitan ko gamit yung sabong perla tsaka isinampay sa alambreng nasa itaas ng paliguan ng banyo, isusuot ko kase yun sa susunod na araw. Alternate lang kase yung mga damit ko kaya kailangang labhan agad. Matapos kong mag-asikaso ay agad ko syang binalikan. Wala tuloy sa sariling napakamot ako sa ulo, grabe. Ang likot nyang matulog. Lumilis na talaga ng tuluyan yung palda nya paitaas kasama yung kumot tas nakapasok yung isang kamay nya sa loob ng tank top nya---dun sa mismong tyan nya tapos yung isang kamay nya nasa ulunan. Nasa sahig na din yung unan. Nameywang ako, "Hindi kaya lamigin toh?" Nagdesisyon nalang akong kumuha ng pares ng damit ko mula sa karton na lalagyan non. Ilang beses pa akong bumuntong hininga bago umupo sa gilid ng papag at pikit matang hinubaran sya. Hinubad ko lahat ng damit nya---PWERA lang sa damit panloob nya. Bumuga ako ng marahas na hangin bago isinuot sa kanya yung mga damit ko. Sa kabutihang palad ay nabihisan ko naman sya ng maayos. Pero may problema... Naka-bra pa sya, ang alam ko eh hindi dapat natutulog ang mga babae ng may bra. Bilin ko din kasi sa mga kapatid kong babae yun bago sila matulog, magko-cause kasi yun ng cancer o ng iba pang saket sa dibdib ng mga babae. Tumingala ako tsaka pumikit, "Inay, wag po kayong mag-alala. Wala po akong gagawing masama." Tsaka ko inumpisahang kapain yung hook ng bra nya sa likod sa loob ng T-shirt na suot nya. "Huh?" Bakit walang hook? Wala akong makapa? Posible bang walang hook ang bra ng babae? Sinilip ko pa iyon. Wala talagang hook! "Eh saan toh kinakalas?" Takang tanong ko sa sarili ko kahit hindi ko din naman alam ang sagot. Wala sa sariling dumako yung tingin ko sa harap ng dibdib nyang nakalantad ng bahagya dahil sa pag-angat ng T-shirt nang hanapin ko yung hook ng bra nya sa likod, may kumikinang doon. Lumobo yung pisngi ko nang mapagtanto kung ano yun. Ibinaba ko yung t-shirt nya. "Nasa harap, Seph. Nasa harap." Inipit ko yung mga pisngi kong umiinit nanaman, "Magaleng." Gusto kong sampalin yung sarili ko. Sige. Hingang malalim, Seph. Mag-concentrate ka, sikapin mong kalasin yung hook ng bra nya nang hindi man lang nadadaplisan ng kamay mo yung balat nya. Wag ka ding titingin. Ipinikit ko na ng bahagya yung mata ko bago ko muling tinuluyang ipasok yung kamay ko sa loob ng t-shirt na suot nya. Agad kong nakapa yung hinahanap kong hook, tapos dahan-dahan kong kinalas. Tube style pala yon kaya madali kong nahatak paalis. *SIGH* Sa wakas. Hindi na ko nag-aksaya ng oras at agad kong itinupi yung mga damit nya kasama yung bra tsaka ipinatong sa tabi ng sapatos nya doon sa sulok ng papag. Naglatag na ako ng karton na hihigaan ko sa sahig tsaka ko pinatay yung gasera. Hindi ako nagbubukas ng ilaw para hindi malaki yung babayaran ko sa upa. Humiga na ako at pumikit na para matulog. "Tsk... Ano ba... Ang inet..." Dinig kong reklamo nya. Oo nga pala, hindi sya sanay sa hindi aircon. Mayaman nga pala sya. "Teka nga't wala akong electric fan." Umupo ako tsaka pinunit yung maliit na bahagi ng karton, "Pasensya na, wala akong pambiling electric fan." Hingi ko ng tawad kahit na hindi naman nya ako naririnig. Pinaypayan ko sya hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na din ako. *END OF FLASHBACK* At nang magising ako ay wala na sya sa kinahihigaan nya, wala na din yung damit nya tapos yung pinagsuotan nyang damit ko ay naka-kalat sa papag na hinigaan nya. Nakakahiya, hindi ko man lang sya naalok na mag-almusal muna bago umalis. Natatakot din ako. Ke bago-bago ko lang dito sa trabaho kong ito pero may late agad ako. Hindi na ko magtataka kung bigla nya akong sisantehin. "Oh!" Gulat na bati ni Mang Carding, "Seph, iho! Himalang late ka, bata ah!" Hinihingal na huminto ako sa harap nya, "O-oo nga po eh." "Nako. Wala ka yatang tulog magdamag, sigurado ka bang ayos lang talaga?" "O-opo. A-ayos lang po ako." Grabe, napagod ako. "Sige hala't pumasok ka na! Tinanguan ko sya tsaka nakahawak sa dibdib na nagpatuloy sa paglalakad papasok. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makasakay na ako ng elevator. Babayaran pa rin ba nya yung isang linggo mahigit na ipinasok ko? Sana oo. Humigpit yung kapit ko sa strap ng sling bag ko. Galit kaya sya dahil late ako? Kinakabahan ako ng husto. Mabilis akong lumabas mula sa elevator. Mabigat yung yabag ng mga paa ko habang naglalakad patungo sa opisina nya. Okay, wala ng katok-katok. Binuksan ko nalang agad yung pinto. "Pasensya na kung hindi na ako ku...matok." Nahinto ako sa pagpasok nang makita ko sila. Nagpalipat-lipat yung tingin ko sa kanila. Kita ko sa mga mata ni Veronica ang lungkot, Isang pitik nalang ay tutulo na ang luha nito. Kaharap nya yung lalaking kausap nya sa tapat ng mamahaling hotel kahapon. Ngayon sa braso naman sya neto hawak. Dumako yung tingin ko sa sahig. Nagkalat yung mga papeles at ibang gamit na nakapatong sa mesa nya, mukhang sadya iyong ikinalat. Kumunot tuloy yung noo ko. Nagtatalo ba sila? "Seph..." Umiwas sya ng tingin, "Uhm... It's okay, w-what do you need?" Hindi ako sumagot. Tinitigan ko yung kaharap nya. Matalim yung titig nya saken na ginantihan ko naman ng seryosong tingin. Ito yung may dahilan kung bakit nagkapasa yung pulsuhan ni Veronica, sya din yung dahilan kung bat nagasgasan yung tuhod nito. Hindi ko alam kung bakit mainit yung dugo nya saken pero wala naman akong pakielam doon. Hangga't alam ko sa sarili kong wala akong ginagawang kahit na anong masama sa kanya ay hindi ko sya papatulan. Nobyo nya ba ito? Kung ganon bakit sya sinasaktan? "Seph, huh?" Pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa tsaka nakakainsultong tumawa, "You replaced me with a trash like him? Really? Veronica? Really?" Nilingon ko si Veronica. Kung ganon dati nya nga itong nobyo. Kaya pala gusto syang ihatid nito kagabi. Humihingi ng pasensya yung tingin nya, "I'll talk to you later." Wala akong nagawa kundi tumango at dahan-dahang tumalikod para lumabas. Kailangan nila ng privacy. Dapat ko silang hayaang mag-usap na sila lang dalawa. "Bitawan mo nga ako!" Anya, "Why do you even care?! Let me go, Jace!" "No! You listen to me, Veronica. This guy is no good for you! He'll dig for some gold from you!" "Ah really?! Just like what you did to me?!" Isang malutong na tunog ang nagpahinto saken sa paglalakad. Umawang yung labi ko tsaka dali-dali silang muling nilingon. Wag mong sabihing... "How dare you..." Tuluyan ng bumagsak yung mga luha nya. (Veronica's POV) "KUYA I'm very, very very sorry talaga for hanging up your call earlier." Hingi ko ng tawad sa kanya, "I'm in a safe state naman, I'm just a little drunk yesterday and I don't remember anything but I asure you that I'm fine." "Fuckin fine? Safe fuckin state? Are you fuckin hearing yourself, young lady? How did your 'I don't-fuckin-remember anything' made you fuckin fine?" "Eeeeh! Kuya naman, pleaaaase! Malaki naman na ako, Look. Ni hindi nga ako hinahanap nina Mommy't daddy kasi nga I'm old enough to take care of myself." Oh em gee, It's really hard explaing everything when It comes to my Kuya. Napaka-sungit and napaka-over protective nila! I heard how he groaned out of irritation habang ako naman ay nagpapa-ikot-ikot sa swivel chair ko. Ugh. I love my kuya so much but I can't stand his possessiveness when it comes to my safety like, duh? I'm old enough na! I'm a CEO na nga eh. Gosh. "Just so you wait till I come back from my work, Vero." Anya pa na tila nambabanta. He continuosly told me so many do's and don'ts especially when I'm going out with my girl friends to have fun in a bar, Goodness grace, I feel so young because of my Kuya! Kung paalalahanan nya ko eh para akong highschool student! Matapos nyang manermon at maglatag ng batas nya ay nagpaalam na sya. He's always like that, daig pa nya si Mommy't daddy na kahit papano ay hinahayaan na akong gawin yung gusto ko dahil na iintidihan na nila na nasa tamang edad na ko---Well, sometimes daddy is still paranoid. Umiling-iling nalang ako bago tumingin sa sched na ibinigay ni Seph kahapon. I smiled. Look at how industrious he is, buong linggo ginawan na ng schedule. Ang sipag-sipag nya talaga. I can't believe that a certain kind of man like him really exist---I mean, seriously? 99.9% of the boys living in our current generation are an absolute bunch of horny dogs always looking for women whose willing to scratch their asses for them like what the f*****g hell? Do we, women look like a scratcher or something? Seph is not a just a 'dude' or a 'guy' and he's definitely not just a 'boy'. He's truly a man and I'm so proud that I have him as my secretary. Napaka-rare nya. Then I looked at one of my knees, naalala ko yung bandage. *Chuckle* He's such a gentleman. Pati wrist ko timely nyan gamutin but still ended up a bruise. Tinamaan lang talaga ako ng malupitang guilt kaya umalis ako agad kanina, imagine? He let me sleep in his cranky bed and he slept on the floor. I'm such a bad girl! A very gorgeous and oh so hot bad girl! . Narinig kong bumukas yung pinto ng opisina ko kaya dumako yung tingin ko doon. Nawala yung ngiti ko sa labi nang makita kung sino yun. "J-jace." Agad akong napatayo sa gulat lalo na ng makalapit sya sa pwesto ko. What the heck is he doing here? "Hi." He greeted before he tried to kiss me in my cheek but I dodge it, "Okay. That was rude." Then he chuckled. I glared at him, "What are you doing here?" Kitang-kita ko kung paano nya hinagod paitaas yung buhok nya. Just by looking at him I know that he's up to something. "I just want to check if you're okay. You're drunk yesterday and I was worried like hell about you." "Well, thanks for your concern but I'm pretty much fine now." I crossed my arms, "You can go." Nakipagtagisan sya ng titig saken kaya nginiwian ko lang sya. Gosh, Ano bang problema nya? "Why don't you tell something about the guy who replaced me?" I rolled my eyes, "Jace, you don't have to concern yourself about me and my relationship to my new secretary." I was shocked when he suddenly pulled one of my arms harshly kaya hindi ko sinasadyang nahawi yung mga nakalagay sa table ko, It fell on the floor. I tried to get off from him pero malakas sya! No fuckin way, He's using force again! "I. am. concern." He glared at me, "We just broke up a few months ago yet you easily replaced me? Ganon ka na ba ka-desperadang makahanap ng katulad kong pilit umiintindi sa pag-uugali mo?" "Get off me, Jace." I warned him. "Why? Is it because I'm correct, right?" "Sinabi ng bitiwan mo ko!" Napa-igik ako ng hatakin nya lalo yung braso ko kaya napalapit ako sa katawan nya. Hindi naputol yung masama kong titig sa kanya but just let out a wide smirk. "We both knew na wala naman talagang ibang makakatagal sa pag-uugali mong yan kundi ako lang so stop acting like a bratty b***h, Veronica." Wala sa sariling nakagat ko yung labi ko. Not because I'm scared of him, but because he's right. Walang tumatagal sa ugali ko. I'm a brat, a b***h, a party girl. Isang matapobreng mayaman na minamata ang lahat ng mahihirap, I always stereotyping everyone because of him yet I can't accept the fact that he's totally right. Hindi na ako nakasagot. I just glared at him straight in the eyes nang marinig kong bumukas yung pinto kaya sabay na dumako doon yung tingin namin, and there he is. Nervously standing on the side of the door while panting. "Pasensya na kung hindi na ako ku...matok." Then he stopped. He look at the both of us then to the floor before his forehead creased. I gulped. s**t. I'm such in a pathetic situation. Baka iniisip nyang takot ako sa lalaking toh! Not a chance! "Seph..." I looked away, "Uhm... It's okay, w-what do you need?" He didn't answered. He just looked at Jace. They are looking at each other. "Seph, huh?" Jace started laughing in a very insulting tone, "You replaced me with a trash like him? Really? Veronica? Really?" I want to raise my brows to him because of his foolishness. Like, what the f**k? What a malicious mind he has! Seph is definitely not my type even though he's hot and has a huge jumbo XXL hotdog hiding inside his old underwear! He's still not my type! I looked at him and apologetically smiled "I'll talk to you later." And thank god he just nodded. He turned his back from us kaya nilingon kong muli si Jace. "Bitawan mo nga ako! Why do you even care?! Let me go, Jace!" Sinubukan kong bawiin yung braso ko pero ayaw talaga nyang bitawan! "No! You listen to me, Veronica. This guy is no good for you! He'll dig for some gold from you!" Hindi ko napigilang kumawala ang isang ngisi mula sa labi ko. This guy is ridiculous! "Ah really?! Just like what you did to me?!" *SLAP* Umawang yung labi ko sa gulat. What... the f**k? Did... did he just... slap me...? Hinawakan ko yung pisngi kong namamanhid sa lakas ng pagkaka-sampal nya bago ko sya nilingon. "How dare you..." I felt my tears bursted after that. I feel abused. Maybe I'm over reacting but the f**k? No one ever hurted me like this before. Ni hindi nga ako pinadadapuan ng lamok. My family treasures me the most, my father never lay a finger on me, nor my mom or my older brother. They never hurted me. I don't even know the feeling of what they called 'Palo'. I was about to curse him to death when someone pulled him and started to beat him. "S-seph..." I don't know how to react. Seph is dragging him away from me. As in, literally dragging. He's throwing a lot of punches on Jace's face back and forth, Maya-maya'y nagpapalitan na sila ng suntok. I gulped while watching both of them beating each others to death, faces are now full of cuts and bruises yet I'm still standing here. "You b-bastard! Get off me!" Jace shouted while Seph is still punching him. "Manahimik ka!" I unconsciously stepped back after hearing Seph's angry voice. Dinagundong ng matinding takot at kaba yung puso ko dahil sa galit nyang sigaw. It's scary. He's damn scary. He looks furious! "S-seph..." Naglakad ako palapit sa kanila, still fighting, "Seph... Jace... Stop it." But it seems that they can't hear me. I want to stop them, pero halata sa kanilang wala ni isang may gustong magpapigil. "Get off me! Bastard! You coward---" Seph cut him off by giving him a hard blow on his right face. I gulped when Seph pulled Jace by his collar. He's glaring at him intensely. Habol-habol nya yung hininga nya habang nakahawak sa kwelyo ni Jace. Nagpapalitan sila ng masamang tingin sa isa't isa. Maya-maya'y ngumisi si Jace, "What? Is that all you got?" Naningkit yung mata nya, "You're fuckin weak! Para kang hindi lalake kung lumaban!" "Talaga ba?" Ganting sagot ni Seph sa nagpipigil ng galit na tono, "Pwes, malamang sa malamang hindi mo pa narinig tong sunod na sasabihin ko sayo." I saw how he gritted his teeth before pulling Jace's collar further more. I'm amazed. He looks so perfect when he's angry. "Ang tunay na lalake, hindi nananakit ng babae." My jaw dropped. *Thump *Thump *Thump
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD