Chapter 4

2847 Words
Chapter 4 (Seph's POV) "GOOD morning, Seph!" Napilitan akong lingunin yung bumati saken at tsaka nginitian. Si Mang Carding yon, yung security guard na naka-duty sa umaga. "Good morning din ho." "Aba naman talaga at ang aga-aga mong pumasok!" Lumapit sya sa counter ko at sumandal doon, "Biruin mo? Ikaw lang yung empleyadong nauunahan ako sa pagpasok sa umaga, pati si Ompong napapabilib mo sa kasipagan mo eh!" Tukoy nya sa partner nyang sekyu din na nakatoka naman sa gabi. Palitan kasi sila, Pumapasok si Mang carding ng ala-sais ng umaga tas uuwi ng ala-sais ng gabi tas si Mang ompong naman sa ala-sais ng gabi hanggang ala-sais ng umaga. Doon sila lagi naka-toka sa main entrance pero nag-ro-ronda sila kada floor pagkapasok na pagkapasok nila. Napakamot ako sa ulo ko habang mahinang napapatawa, "Madami pa po kasi akong inaasikaso eh, kaya kailangan ko po talagang pumasok ng maaga." Pasimple kong nilingon yung orasan, 6:15 am na. Maya-maya darating na din yung ibang empleyado, 7:00 kasi yung oras ng pasok pero before seven nandito na din yung iba. "Tsk. Tsk. Tsk. Napaka-swerte ng nanay mo dahil napaka-sipag mong magtrabaho." Iiling-iling nya pang saad. "Ah, hahaha! Kayo po talaga mang carding, lagi nyo kong pinupuri ni mang ompong." Wala akong masabi. Hinihintay ko na kasing umalis sya dahil may mga ita-type pa ako. May mga ilang papuri pa syang sinabi saken bago tuluyang bumaba pabalik sa ground floor kung nasaan yung pwesto nya. Agad naman akong bumalik sa pagta-type sa computer. Alas-otso yung deadline netong documents na ine-encode ko, Dapat talaga tapos ko na toh kagabi kung hindi lang kinailangang mag-sara ng coputer shop na pinagre-rentahan ko. Limang folder lang yung natapos ko kagabi, kaya ngayon ko tinatapos yung natitirang tatlo. Ipinagpatuloy ko na ulit yung pagtatype. Maya-maya lang ay isa-isa na ngang nagdadatingan yung iba pang empleyado. Inasahan ko na din yung pag-akyat nila dito sa floor kung nasan ang opisina ng CEO para iabot lahat ng folders na naglalaman ng iba't ibang klase ng reports at request. "Seph, eto na yung finished document." "Yung file nasa flashdrive." "Heto yung request galing sa isang advertisement company." "This is the revised contract for the client." "Hi! Ito na yung financial report." Ini-i-scan ko muna lahat ng mga ipinapasa nila, kapag may kung anong mali ay kino-correct ko. Nakakatuwa dahil minsan ay nagdadala din sila ng almusal o tanghalian. Nakakatipid ako sa kanila. "What the f**k? You're still here?" Inangat ko yung tingin ko palayo sa computer at dumako doon sa may-ari ng boses. Si Sir Theo. Naka-suot sya ng makulay na polong may disenyong bulaklak na naka-tuck in sa kulay cream brown nyang pants. Gulat na gulat syang nakatitig saken na para bang isa akong nilalang mula sa ibang planeta. Nginitian ko lang sya bago ako tumayo at bahagyang yumuko bilang pagbati. "Goodmorning, Sir." "Yeah. Morning." Nakataas yung kilay nya habang papalapit sa direksyon ko, "Weird." Umiling-iling sya, "You actually survived a week here." Mas lalong lumapad yung ngiti ko, "One week and one day, Sir." Ako din, hindi ako makapaniwalang tumagal na ako ng isang linggo. "Wow. Wala ba syang... uhm... ginawang ano sayo... yung alam mo na?" Ngumiwi sya, "Kahalayan? Ganon." Umiling ako. "Hindi ka ni-rape?" Mas lalo akong umiling. "Edi congrats." Naka-irap nyang saad Isa pa yan, hindi ko talaga lubos maisip na wala syang ginawang kahit na anong mahalay sa akin. Lagi lang syang nakakulong sa opisina nya. Tatawagin nya lang ako kapag may ipapagawa sya at seryoso ang ekspresyon ng mukha sa twing nakakasalubong ko, ni hindi nga ako matignan ng maayos tapos parang hangin lang ako kung daanan. Pero mas mabuti na ang ganon, kesa naman sa kung ano-anong ginagawa nya saken tulad nung huling beses na hinawakan nya ko ay muntik na nyang ipasok yung kamay nya sa loob ng pantalon ko. Pilit ko nalang syang inuunawa. "Thank you." "Tss. Whatever!" Umirap nanaman sya, "By the way, Nandyan na ba yung amo mong laitera?" "Wala pa po, Sir." "What? Wala pa?! Ugh. Kaasar." Sumandal sya sa counter at pinag-ekis ang mga braso, "Tsk. Mga anong oras ba sya darating?" Sinulyapan ko yung orasan, "Alas-nuebe na, mga ilang minuto pa ay darating na sya." Sa sobrang busy ni hindi ko namalayan yung oras. "Wala talagang kwentang CEO yang amo mo." Ngumiti nalang ako sa sinabi nya. Sa tingin ko ay matalik silang magkaibigan, napansin ko kasing komportable silang maglaitan noong unang beses pa lang na makita ko silang magkasama. "Teka nga, nag-almusal ka na ba?" Sulyap nya saken. Napakamot ako sa ulo ko, "Hindi pa eh." Hindi ko naman maramdaman ung gutom. Sanay na akong hindi nag-aalmusal. Walang-wala na kasi akong pera. Mabuti nalang talaga ay inaabutan ako paminsan-minsan ng ulam ng kapitbahay, kapag wala naman ay sinaing nalang mismo yung kinakain ko. Pinagkakasya ko yung binili kong isang kilong bigas. Yun lang kasi yung nabili ko sa tirang singkwenta, hanggang ngayon nga ay hindi ko pa din natatawagan sina Inay. Wala kasi akong pang-load, buti pa sila meron kaya sila na mismo ang tumatawag saken. Nakita ko kung pano sya sumimangot. Teka bakit sya sumimangot? "Tsk. Hindi mo dapat inuumpisahan yung araw nang hindi nag-aalmusal!" Nagitla ako nang padabog nyang inihagis yung makulay na box na dala nya saken at inilapag nya pati na din ang basong plastic na may takip sa counter. Mabuti nalang at nasalo ko yung box! *SIGH* "P-para saan po ito?" Taka kong tanong, Magaan lang naman yung box at di gaanong malaki. Umirap nanaman sya, "Eat that." "H-hah?" Nabingi yata ako. "Kainin mo yan!" Hinatak nya ulit yung box mula saken bago binuksan, "Oh, kuha na." Napalunok ako nang makita yung laman nun. *GULP* Ang sasarap tignan. Mga doughnuts iyon, Napakatingkad non kasi ginto yung kulay. Naramdaman ko agad yung pag-kulo ng tyan ko kaya napahawak ako doon. Ugh... Nakakahiya, baka naririnig nya yung tunog non. "A-ahm... N-nakakahiya naman po---" Halos mabulunan ako ng isaksak nya sa bunganga ko yung kulay gintong doughnut. "Ang dami mong sat-sat." Napipikong saad nya, "Ayan ang kape. Ubusin mo lahat yan nang mabusog ka. Tsk." Pumihit sya patalikod tsaka kumaway, "Pakisabi sa boss mo dumaan ako. Ciao!" Tsaka sya tuluyang umalis. Napakurap-kurap nalang ako habang nasa bibig ko pa din yung doughnut. Anong problema nya? Hmn... Pero masarap yung doughnut... Lasang ube, matamis pero di nakaka-umay pero ngayon lang ako nakakita ng ganitong doughnut? Wala namang ganito sa Dunkin donuts o kaya sa Mr. donut. Sinilip ko yung labas ng kahon at binasa. "Manila Social Club..." Bumaba yung tingin ko sa address, "Williamsburg----B-b-brooklyn, N-new york...?" Literal na lumaki yung mata ko, New york?! Paano sya nakabili ng doughnut sa New york?! Nilunok ko yung natitira sa bibig ko, "T-teka magkano ba toh... Naku... Nakakahiya." Dali-dali kong tinakpan yung box at ibinaba sa mesa ko, ganun din yung kape bago ako humarap sa computer. Tinipa ko yung pangalan nun at halos mahimatay ako sa gulat. $100 isa, at dahil dose piraso iyon ay nagkakahalaga iyon ng $1200. May 24 karat gold iyon na toppings. *GULP* A-ang mahal... Nalingunan ko yung kape, H-hindi kaya? Nagtipa ako ulit at gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko. Black Ivory Coffee.... $50 p-per cup? At s-sa T-thailand sya g-galing. Dollars... Plural kasi may 's'... *GULP* A-ang mamahal. "What's wrong honey?" "M-ma'am!" Alerto akong tumayo. N-nakakagulat sya! "I told you, call me babe, baby or honey or whatever call sign that you know just don't call me ma'am." Anya na tumitikwas-tikwas pa ang daliri, "My gosh, I feel so old." Lumunok ako habang pinasadahan sya ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi talaga ugaling magsuot ng office attire. Napaka-ikli ng suot nyang damit. Maikling itim na highwaist micro skirt iyon na hapit na hapit sa hubog ng katawan nya. Tapos tube na akala mo bra, bumagay pa iyon sa kanya dahil itim iyon. Nagpapatingkad yun sa maputi nyang kutis. Kita yung maliit na bahagi ng tyan nya. Bilib ako sa kanya dahil paikli ng paikli yung tela ng mga sinusuot nya, nung isang araw red spaghetti strapped dress ang suot nya, tapos kahapon naman off shoulder na bulaklakin tapos ngayon sobrang ikli na nga tube pa. Hindi ko maunawaan kung bakit ganon, mayaman naman sya pero yung mga sinusuot nya na damit kulang na kulang sa tela. Naka-sandal sya sa counter habang ang siko ay nakapatong doon. Wala kang maipipintas sa kutis nya kasi bukod sa sobrang kinis ay wala ni isang pekas/peklat. Nagising ako sa biglaang pagpitik nya ng daliri sa harap ko. "Hey sweetheart, Eyes up here." Ngumisi sya. *GULP* "G-goodmorning." Naku. Baka iniisip nyang pinagpapantasyahan ko sya. "Yeah, wala namang good sa morning pero..." Humalumbaba sya, "You're here. So yeah, definitely my morning is good." Kumurap-kurap sya dahilan para pumilantik yung mahahaba nyang pilik-mata. Parang nagbu-beautiful eyes lang. Pilit akong ngumiti, "Ah. Hinahanap po pala kayo ni Sir Theodore." "I don't care." Anya, "Let's talk inside my office, Babe." Sinundan ko sya ng tingin nang mauna syang maglakad. Kumekendeng-kendeng pa yung balakang habang papalayo saken. *Sigh* Sana maayos yung pag-uusapan namin. *** "Heto na po yung mga files na pinagawa mo saken, pati na din yung sa ibang employees. Ito naman yung schedule mo para sa araw na toh." Inilapag ko sa mesa nya yung limpak-limpak na folders. Oo, limpak-limpak talaga. Hindi ako OA, totoong madaming folders yon. Yun yung 'work' na sinabi nyang naghihintay saken noong umpisa. Mga papeles at dokumento yun na dapat nyang pirmahan at ayusin pero ako ang gumagawa. Kasama na din doon yung mga folders na iniabot ng mga empleyado nya kanina. Mabuti nalang at natapos ko kanina bago sya dumating. Bukod pa dun ay ako ang laging naghahanda ng schedule nya, ako din ang tumatanggap ng e-mails galing sa ibang kumpanya, sa akin din kumokonekta lahat ng tawag mula sa iba't ibang tao. Ako na din ang umo-order at naghahatid ng lahat ng kinakain nya, ako din ang naglilinis ng opisina nya dahil ayaw nyang may ibang pumapasok sa opisina nya bukod saken. Ako din ang nagbabantay sa kung sinong umaakyat baba dito sa floor nya. Hindi ko alam kung anong pinagkaka-abalahan nya sa loob ng opisina nya pero lagi lang syang nakakulong doon. In short, Hindi lang ako basta secretary. Isa akong Secretary/CEO/Waiter/Call center agent/Janitor/Guard at CCTV dahil sa lahat ng pinapagawa nya saken pero hindi naman ako nagrereklamo dahil ayos lang naman saken. Naupo na sya sa swivel chair nya habang ngiting-ngiti akong hinarap, "Seph, baby." Yun lang talaga ang problema ko, kung ano-anong bansag yung itinatawag nya saken. "Po?" "Come here." Nagtataka akong lumapit ng bahagya sa kanya. Hindi nya ba ako marinig ng maayos? "Sit." Automatiko akong naghanap ng upuan para maka-upo na ako pero umiling sya, "No. Hindi dyan. Sit..." Tinapik nya yung mapuputi nyang hita, "here." Nangiwi ako dahil doon, "Hindi na po." Hinatak ko yung upuan sa harap ng mesa nya at doon ako naupo, "Ayos na po ako dito." Nakita ko kung paano sya sumandal na sa kinauupuan nya na tila nai-stress saken. "Ugh. Why are you like that? Napaka-hard to get mo, I've been trying to get in your pants since day one pero parang hindi ka tinatayuan saken." Ngumuso sya at nagitla ako nang bigla nyang dakmain yung sarili nyang dibdib, "Like I have a body to die for kaya! Big boobies, delicious ass and an exceptional goddess face! Aren't you attracted to me? Hmn?" Hindi ko inalis yung tingin ko sa mukha nya para hindi dumako pababa yung mata ko, "H-hindi po natin dapat p-pinag-uusapan yung mga ganyang klase ng usapin sa opisina." "Oh." Tila natauhang saad nya, "Well then, let's go to my unit and talk about it perhaps?" Sabay ngiti. Humugot ako ng malalim na hininga. Bakante nanaman yung mesa ko, paniguradong dagsa nanaman yung tawag doon sa telepono pagbalik ko. "Nag-almusal ka na po ba?" "My gosh, oo nga pala." Umiling-iling sya, "I haven't had any breakfast yet." "Ano pong gusto mong almusalin?" Saan nanaman kaya nya ako pag-o-orderin? Nung isang araw kasi ay pinatawag nya ako sa mga hindi pamilyar na restaurants. Humalumbaba sya sa mesa nya at lumapit ng husto sa akin, Napalunok ako dahil iilang sentimetro nalang yung layo ng mukha nya mula sa akin. Isang tapik lang sa ulo ko ay lalapit yung labi namin sa isa't isa. "Can I have you for my breakfast, hon?" Saad nya sa garalgal at tila uhaw na boses. "A-ano... S-saan ba ako o-order---T-TEKA!" Hindi ako nakapalag nang sumampa sya sa mesa nya at hinawi lahat ng folder na nilapag ko doon. Hinawakan nya yung magkabilang kamay ko sa arm rest ng upuan tsaka walang sabi-sabing sumampa sa kandungan ko. Jusko po! Sisigaw na ba ako ng rape? May maniniwala kaya saken? Anak ng tokwa! "H-hindi tama toh! U-umalis ka na po dyan k-kasi---" "Kasi may tumatayo?" Humagikgik pa sya. "Hindi! Kasi hindi tama toh!" Pilit kong ibinabaling sa gilid yung tingin ko dahil siguradong magkakahalikan kami kapag humarap ako sa kanya, "M-mali ito ma'am. Maling-mali." "Bakit naman?" "K-kase oras po ng t-trabaho---" "Then bakit hindi nalang ako ang trabahuhin mo? Hmn?" Naramdaman ko yung mainit nyang hininga sa tenga ko, "C'mon, Seph. Don't you want it?" Dumikit na yung mismong katawan nya saken kaya siniksik ko yung sarili ko sa upuan lalo para mapalayo sa kanya, "Don't you want me?" Pumikit ako at umiling. Mukhang kulang nanaman sa tulog tong amo ko. Ako ang paborito nyang pagtripan. "M-maam---AH s**t!" Tokwa! Ano yon? Ang sakit! Kumirot kasi bigla yung leeg ko tapos nakaramdam ako ng kung anong malambot na dumampi doon. Napahawak ako sa leeg ko at tumatawa naman syang tumayo palayo saken habang pinupunasan ang sariling bibig. Napatayo naman ako sa pagkakaupo ko. "Ang sexy ng pagkaka-mura mo." She chuckled. "S-sorry," Nailing nalang ako, "T-tawagin mo nalang ako kung may k-kailangan ka." Tumango muna ako sa kanya bago ako tuluyang tumalikod para lumabas. Nakakatakot talaga sya. Kung ano-anong kahalayan yung pumapasok sa isip nya bigla. (Veronica's POV) "Ugh, my head hurts like hell..." Pabagsak akong naupo sa swivel chair ko. Honestly, Kanina pa talaga masakit yung ulo ko. I'm just temporarily distracted because of Seph. Until now, I can't believe that he's obeying every orders that I gave to him pero whenever I'm starting to tease and seduce him eh daig pa nya yung sundalong naglalagay ng lust-proof shield sa pagitan namin. He's so formal and... gentleman. Nakakatuwa at nakaka-asar at the same time dahil parang sya yung living proof na hindi lahat ng lalaki ay kaya kong akitin. Ugh. I'm so frustrated! Pero syempre hindi yan yung main cause ng headache ko, may hangover ako yun yon. *Bzzt *Bzzt Kinapa ko yung kung anong nag-va-vibrate sa bulsa ng skirt ko. Oh, yung cheap na phone nya lang pala. Yes, I took his phone earlier. I just want to know if he's a freakin two-timer or not. Netong nagdaang linggo kase ay lagi syang may kausap sa cellphone, I heard that he's talking to a girl named Stef then the other day naman ay Stephanie ang pangalan. Ang sweet sweet nya habang kausap iyon. I wonder kung pagpapanggap lang ba yung pagiging inosente nya or what. I check the caller---at lumitaw dun sa cellphone nyang mabigat pa sa wallet kong puno ng pera ang pangalang 'STEPHANIE'. Hmnnn. *Click* Gosh, anong klaseng phone ba toh? Parang gawa sa bato sa sobrang bigat. "Hello?" Hmn... Boses palang, malambing na. Tumikhim ako, "Hello? Who's this?" "Bakit mo tinatanong? Teka? Sino ka ba? Bat ikaw yung sumagot?" Aba't palaban ang isang toh ah. Ipinatong ko yung paa ko sa mesa, I crossed my legs while I'm resting my back in my chair. "I'm Veronica Ruth Saavedra Verdan, and I answered the call because I have the right to check my BOYFRIEND's cellphone." Uhm! Take that! Sandaling katahimikan yung nangibabaw. "B-boyfriend?" "Yep. He's my boyfriend." Hindi ba makaintindi toh? Tsk. Nanahimik nanaman sya sandali bago ako nakarinig ng iilang kalabog na tila tumatakbo, "Naaaaaaaay!!! May girlfriend na si Kuya Seph!" Muntik na kong mahulog sa kinauupuan ko nang marinig iyon. K-kuya? So this Stephanie must be one of his siblings? "Inaaaay! Si kuya! May nobya na sa Maynila---N-nay?! Nay! Kuya Stefaaaan! Inatake sa puso si Inay!" I gulped so many times and I felt my whole body frozed after hearing those words. Naramdaman ko ang pamumutla ng buong mukha ko. Shit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD