LUIS did not bother to look back although he could clearly see Cassie smile. He knew for sure he had convinced her to take him.
Binigyan na siya ni Pat ng head ups patungkol sa dalaga. Masaya siya at nalaman na niya agad ang pagkametikolosa ni Cassie. Unang tingin pa lang ng dalaga sa kanya halos nananaliksik ng buong pagkatao niya.
Hindi nagkamali si Pat na bigyan siya ng babala.
Pinili na lang niyang hayaan ang dalaga sa paghuhusga habang ginawa niya ang lahat upang makuha ang loob nito. Napagtanto niyang umalis siya na magaan na ang loob ni Cassie sa kaniya.
Naglakad siya patungo sa kanyang sasakyan. Naiisip niyang bumalik na muna sa head quarters ng RNJ upang ma-report ang naganap na pagkikita sa Council. Gusto rin niyang humingi ng permiso mula sa masungit na si Council JC para mabigyan ng access si Cassie sa Gala mamayang gabi.
Napahinga siya ng malalim ng maalala niya ang naganap kanina. Kinailangan niyang pag-igtingin ang seduction skills niya. Hindi biro ang pagka-pihikan ng dalaga.
Alam niyang magaling siya mangharot ng mga babae at ultimo Madre ay minsan ng naging cliente. Ngunit hindi siya pinapatulog ng kanyang konsyensya.
[Sir, the Secretary of the Mayor’s office already followed up on our cash flow report and timeline of project completion. Should I stall or proceed already?]
Madalang na siya sumali sa mga meeting ng kompanya pagdating sa mga government projects. Ngunit sa pagkakataong ito. Tila’y hindi niya ma-iwan ang pagsara ng proyekto sa kaniyang CEO. Masyadong mainipin ang kausap niyang Mayor.
Nagdalawang-isip muna siya bago pinindot ang call button sa screen sa dashboard ng sasakyan. Mabuti na lang at naka-link ang kanyang telepono sa sasakyan.
Dali-dali naman sumagot ang kanyang secretary.
“Claire, tell the Architect to handle everything. I do not want to hear anything about the project unless it is about the investment. He should be competent enough to respond to the Secretary of the Mayor.” He was venting his frustrations to her.
“Yes, sir Luis.” Wika nito.
“Also, tell the CEO if this Architect bothers me again. Kindly fire him. He should know who to reach out first.” He instructed her again. Binagsak na niya ang tawag bago pa narinig ang sagot sa kabila ng linya.
Umu-ugong ang machina ng sasakyan niya habang ina-apakan niya ang pedal. Umiling siya sa kanyang relo, gayun man dismayado siya sa sarili at konti na lang ang naiiwan na oras bago magsimula ang Gala.
Noong una ay binalak niyang mag-ayos ng sarili sa buong maghapon ngunit sa takbo ng araw niya mukhang kinailangan niyang bilisan ang mga kilos at isang oras lang ang matitira sa pag-aayos.
Mabuti na lang at hindi siya sasalang sa auction. Kung hindi malalagot talaga siya kay Council JC.
Bigla naman nag-flash sa utak niya ang nakaraang taong Gala, kung saan si La Diva mismo ang nag-bid upang maging husbando siya. Ang ngiti sa kanyang mukha habang nakikipaglaban sa ibang cliente. Tumaas ang mga balahibo sa kanyang katawan sa naisipang kaganapan.
It was enough to give him an adrenaline rush to comb thru the EDSA traffic. His trip took an hour even though Mandaluyong City was just adjacent Makati City and the Café was roughly 10KM away from his destination.
His left foot hurt from interchanging from the brake pads and the gas pedal.
“Can I talk to Sir JC?” Mahinahong wika niya kay Agent Pat habang binati ito mula sa parking lot.
“Ang ganda naman ng ngiti mo. Sino kaya ang dahilan?” may halong pagtutukso ang boses niya habang tinatanong ang kaibigang Agent.
“Wala ito. Masaya lang akong bumilad sa palubog na araw.” Sabi ni Pat na tila’y isang bugtong.
Hindi niya tuloy ma wari kung ano ang ibig sabihin nito.
“You are acting weird once again. Is Council JC there? I have some request that I need to discuss with him.” Luis played it cool so that Pat would respond in a normal way for once.
“Oh, JC my loves, he is in his office as always. Would you like me to accompany you?”
Pumilantik ang kamay ni Pat. Bahagyang nahawakan ng kamay nito ang kanyang balikat.
Lumabas na naman ang isang side ng pagkatao ni Pat.
Hindi talaga niya alam kung ano ang gusto nito. Babae ba or lalaki. Kanina lang nakikipag-flirt ito kay Cassie at ngayon naman siya ang hinaharot.
Dahan-dahan siyang lumayo dito. “Salamat Pat, ngunit ako na ang bahala. Siya nga pala, good job today. Tingin ko nakuha ko na ang loob niya.” Wika niya habang patuloy niya kinukumbinsi ang sarili.
Naglakad siya papunta sa opisina. Meron itong sariling entrance mula sa parking lot kung kaya hindi na siya kinailangan pumunta sa hotel lobby.
“Council JC?” He blurted out as he stepped into his office.
Walang sumagot sa kanya pero dinig niya ang ingay ng keyboard habang pinipindot ito. Pinilit niyang hindi magkaroon ng ingay ang mga yapak habang palapit siya sa upuan at mesa.
“Ala eh, nariyan ka pala?” Council JC acknowledged his presence but was still glued to his laptop screen.
“Yes, I wanted to ask about the Gala tonight?” Saad niya. He was hoping things would go smoothly. Kaunti na lamang ang natitirang oras niya sa pag-aayos.
“Sya na! I am adding you to the list of husbandos to be auctioned off. Happy now?” Council JC involuntary said as he typed a few letters. The click clack sound was funny to say the least. It felt like how he said “Sya na” earlier.
Gusto niya sanang makipagtalo dito ngunit ‘di na niya tinuloy. He might be digging his grave if he pissed him off. No one messes with the Council of Gigalos. He learned it the hard way when he went against Council Xean’s instructions.
“Thanks,” kinamot niya ang kaniyang batok. Panandalian nawala ang stress niya. “I wanted to ask for an invitation for my date tonight.” Binigyan niya ng diin ang huling dalawang kataga.
Napahinto ito sa ginagawa at inikot nito ang gaming chair upang ahrapin siya. Gawa ito sa leather at may tatak pa ng brand sa likuran. Umingay ang upuan habang gumagalaw ito.
“You what?!” tinaasan nito ng boses. Kasama sa pagtaas ang dalawang kilay nito. Masyadong makapal ang kilay nito para hindi mapansin.
Nakapako ang ngiti sa mukha niya habang inaantay huminahon ang kausap. Matindi ang pangangailangan niya kaya kahit lunukin pa niya ang pride niya ay walang problema basta’t payagan lang siya sa hiling niya.
“I wanted to ask for an invitation…” mahinahon siyang nagsalita sa harap ni Council JC. Halos hindi na marining ang kanyang boses. Gustuhin man niyang lumayo sa kinatatayuan ngunit hindi maari.
Council Xean, who was looking at the mirror a while ago, ay nakatingin na sa kanila.
“You want some make-up? You look pale Luis my papi.” Natawa ito sa sarling joke nito.
Tila’y may sariling mundo ang tatlong Council at nakaramdam siya ng weird vibes mula sa mga ito. Kahit si Council Nathan ay hindi ligtas. Parati itong tahimik at hindi pa niya naririnig nagsalita ito maliban sa trabaho.
“Thanks, but I can manage.” May halong sinseridad sa sagot niya.
He looked back to Council JC who was still looking at him.
“You know that the Gala is an exclusive event and it takes a week to background check anyone and everyone who is invited. We only have a few hours.” He spoke in straight english this time. Gawain nito kapag galit na o ‘di kaya ay stress. Bingo siya at sa dinami-dami ng araw ngayon pa niya naisipang guluhin ito.
“Isa siyang prospective client at gusto ko sanang makuha ang approval niya ngayon gabi. Balak kong suyuin siya sa Adonis Gala.” Nanginginig ang kanyang kamay habang nagsasalita. Never pa siya nakalapit ng ganito ka lapit sa Council of Gigalos. Ang huling beses na-grilled siya ay noong unang bisita niya sa headquarters pero matagal na panahon na iyon.
Halos hindi siya makalunok sa namumuong tinik sa kanyang lalamunan. Pinilit niyang manatili para marining ang sagot. Nakapag-aya na siya kay Cassie at bawas pogi points din iyon kapag hinarangan ito sa entrance.
“Ganire ang gawin natin, ask Agent Pat Ting to send her background check information to me and I will send her name to our people on the Gala. If and only if I see her fitting with our crowd tonight.” Inangat ni Council JC ang kanyang hintuturo and waved it like he was holding a wand.
Pinigilan niya na tumawa sa ginawa nito.
Bumalik naman ito sa laptop at nagsimulang mag-type sa keyboard.
Hindi na siya nagtanong ulit at lumabas na ng silid. “I will have them sent here in a few minutes Council JC.”
Mabilis na hinanap niya si Pat upang kunin ang imbitasyon ni Cassie dito.