3.

789 Words
Luis NAKAUPO siya sa opisina niya habang nakikinig sa tele-conference na nagaganap sa kasalukuyan. Isang malaking proyekto ang pino-propose ng kompanya niya na tatahakin upang maging pinakaunang real estate developer na gagawa ng business center district sa Bacolod. Ang kanilang Architect at CEO ay nakikipag-discussion sa mayor ng Bacolod. “Mahal na Alkalde, isang malaking karangalan na pinayagan ninyo ang aming kompanya na magtayo ng ganito kalaking development sa inyong nasasakupan. Huwag kayong mag-alala at nasa mabuting kamay ang inyong tiwala.” Ang CEO na si Tristan ang nagsalita. Nasa kabilang room ito sa conference room kasama si Neil na architect nila sa project. Nakikinig lang siya sa usapan habang inaaral niya ang budget nitong proyekto. Malaking halaga ang kailangang pondo na bubuoin niya upang masimulan ito. Special request ng dad niya na tutukan itong project habang inaasikaso ng ama niya ang kanilang bagong kompanya. “Sino ang magiging investor nitong project? I hope you understand my concern. Ayokong makarinig na ang kalaban ko noong halalan ang mag-i-invest dito,” tanong ng mayor. Binata pa itong mayor at mukhang maraming gustong abutin sa larangan ng politika. Iyon ang observation ni Luis dito. “I will personally finance this project, Mayor. You do not need to worry about this.” Luis assured him. At the back of his head, he was regretting he said this. Now, he needed to take another client from RnJ Services to secure the project’s initial phase. “Thank you, Luis. I am looking forward to seeing you in person and start this project.” The mayor smiled as he said this. The architect and the CEO both said their goodbyes as they had closed the deal. Nagpaalam rin si Luis at ang mayor sa isa’t isa. Dahil naging mabilis ang meeting at hindi inabot nang isang oras, umalis na si Luis sa kanyang opisina. “Claire, clear my schedule for the rest of the day. I have personal matters to attend to,” habilin niya sa kanyang secretary. “Yes, Sir Luis,” sagot naman nito. Wala naman siyang kailangang gawin sa kompanya dahil nandyan na si Tristan na namamahala sa daily operations. Malaking ginhawa iyon sa kanya dahil simula nang pumasok siya sa RnJ services bilang husbando ay naging busy na siya. Iba-iba ang naging kliyente niya pero lahat ay demanding sa oras kung kaya napagkasunduan nilang mag-ama na kumuha na ng CEO habang siya ay nakatutok sa paghanap ng investors. Hindi alam ng ama nito ang pagiging husbando niya. Ang alam lang nito ay parating nakikipag-socialize si Luis sa mga prospective investor. Unknown person ISANG magandang dilag ang lumabas sa NAIA terminal 1 airport. Nakasalamin siya na Ray Ban at nakaitim na dress. Kinuha niya ang maleta na nakalapag sa trolley at sabay hinila ito. Isang Louis Vuitton na handbag naman ang hawak niya sa kabilang kamay. “Miss, are you looking for a taxi?” Isang taxi driver ang nagtanong sa kanya. Matigas na ingles ang pagkakabigkas nito kaya hindi naintindihan ng dilag. “Excusez-moi, monsieur, (Excuse me, sir,)” wika ng dilag. Natulala ang taxi driver sa sinabi nito. Tila alien ang sinabi ng dilag at napakamot na lang ito ng ulo at tumalikod. “Jullian, j'ai besoin d'une voiture s'il vous plait, (Jullian, pakisuyo kelangan ko ng sasakyan,)” sabi ng dilag sa telepono habang naghihintay ng sagot mula sa kabilang linya. Ilang minutong pag-uusap at sumang-ayon na rin si Jullian sa dilag. Matapos ang isang oras na paghihintay ay isang grey Ford Everest ang tumambad sa harap ng dilag. “Ms. Jeanne?” tanong ng driver. “Oui, (Yes,)” sagot niya at binuksan ang passenger seat habang kinuha naman ng driver ang kanyang maleta. No’ng nakabalik na ang driver sa upuan nito, “Ascott hotel s’il vous plait, monsieur, (To the Ascott hotel po pasuyo sir,)” utos ni Jeanne. “Yes, madame,” sagot ng driver sa kanya. “Emil . . . mon cher Emil je te trouverai. (My dear Emil, I will find you.)” pangako ni Jeanne sa sarili ng nagsimulang tumakbo ang sasakyan ay tumahimik na ito at nagmasid sa paligid. Inalala niya ang isang linggo nilang dalawa ni Emil na magkasama. ’Di nito inakala na sa maiksing panahon na iyon ay nahulog ang damdamin niya sa binata. Pinilit niyang limutin ito pero isang taon na ang lumipas at ito pa rin ang laman ng puso’t isipan niya. Bagama’t alam niyang hindi totoo ang pangalan ni Emil pero inisang-tabi muna niya ang kanyang career upang hanapin ang kanyang minamahal. 'I will find your true identity by hook or by crook,' ipinangako niya sa kanyang sarili sa wikang French. Ano pa ang silbi ng pagiging tracker niya kung ’di niya magagamit sa pansariling kaligayahan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD