2.

1043 Words
Cassie KARARATING lang ni Cassie mula sa party. Magdamag siyang nakipagsayawan at inuman kasama ang mga kaibigan sa MO2 club, isa sa mga kilalang clubs sa Bacolod. “Cassandra! Saan ka na naman galing?” bungad sa kanya ng ama. Nakapatay pa ang mga ilaw sa sala nila at bukod-tanging lamp na katabi ng upuan sa isang corner ang nakabukas. Idinilat nang maigi ni Cassie ang mata upang maaninag niya ang ama. Nakasimangot ito at halos magsalubong ang mga kilay nito sa pagkakusot ng noo. “Daddy! How are you?” palambing na salita niya sa ama habang inaayos niya ang lakad upang tumuwid. Halatang lasing na naman siya dahil sa amoy ng alak na nakadikit sa kanya. “Lasing ka na naman, Cassandra. Kailan ka ba titino? Akala ko noon titigil ka na kapag tumanda ka pero hindi pala. Diyos ko! Magbebente-cuatro ka na pero asal teenager ka pa rin. Kailangan na namin ng katuwang sa hacienda ng Mommy mo. Pagod na rin kami,” galit na sabi ng ama niya. “Dad, tara matulog na tayo. Bukas na tayo mag-usap. Pagod na rin ako. Please, can I help you go back to your room?” paglambing ulit ni Cassie. Pero hindi iyon umubra at sabay tumayo ang ama nito papunta sa sariling kuwarto. Umiling ito muli sa anak at nagsalita. “I expect you to be up and ready to work tomorrow morning. We will discuss this at breakfast,” habilin nito bago isinara ang pinto. Napabuntonghininga na lang si Cassie at tumuloy na rin sa sariling kuwarto niya. Tumingin siya sa relo at mag-alas-dos na ng umaga. ’Di na ito nagpaligoy-ligoy at naghubad na lang siya ng damit. Naghilamos ng mukha at bumalik sa kama. CASSIE WAS STILL HAVING a hang over but she had no choice. Pinilit niya ang sarili na gumising at magsuot ng damit pang hacienda: naka-botas siya at maluwag na damit habang naka-maong na pantalon. “Saan ang lakad mo, Cassandra?” bungad nang ina niya. May pagtataka sa mga mata nito na tila’y nagkamali ang anak nito sa piniling isuot na damit. “Good morning, Mom! Just here on the farm. Dad asked me to help out,” Cassia replied to her as she kissed her cheeks. Parang merong anghel na dumaan sa katahimikan na nanaig sa paligid. Kasabay nito ay ang mga yapak nang ama palabas ng opisina nito. “Cassandra! Mabuti naman at nakinig ka. Mag-almusal muna tayo, pagkatapos ay kakausapin ka namin ng mom mo sa opisina ko,” mariing sabi ng ama niya. Yumuko na lang si Cassie at umupo sa harap ng ina habang naupo naman sa kabisera ang ama. Tanging ingay lang ng kutsara at tinidor ang naririnig. Walang nagsasalita sa kanilang tatlo. Kahit ang mga katulong ay nakatikom ang bibig habang naglalagay ng pagkain sa lamesa. Pagkatapos na pagkatapos nilang kumaing tatlo ay dumiretso sila sa opisina ng ama. “Dad, what is it you want to talk? I thought I will help in the hacienda starting today,” wika ni Cassie. Halos uminit ang tainga ng ama sa pagtataray ng anak. “Why are you in a rush? You seemed annoyed helping us out. Would you like to help or not?” her Dad said with a serious tone. He was already upset early this morning but right now he was fuming with anger. “Enrico, calm down. We should tell her about our plans. Besides, she will be the one to accompany him not us.” Batid sa mukha ng ina niya ang pag-aalala. Tila may hindi magandang mensahe ang mga magulang niya. “Very well, as it seemed that you my dear child is unwilling to help out in the hacienda. Ako at ang iyong mom ay nagpasya na ipakasal ka sa anak ng kaibigan naming haciendero. Sa makalawa magaganap ang inyong engagement party at sasusunod na buwan ang kasal. Mamayang gabi ay pupunta rito ang iyong mapapangasawa upang magkakilala kayo,” her father said with a no bullsh*t tone. “But, Dad . . . who is this guy? I’d rather help you than marry a stranger. Look at me . . . I even dressed the part,” maarteng sabi ni Cassie na may halong paglambing. Hindi yata nakuha sa lambing ang ama niya dahil umiling lang ito. “Our decision is final. We gave you a lot of chances yet binalewala mo lang. Ilang beses ka na ba tumulong sa amin? No’ng huli, isang linggo kang tumino pero kalaunan nagbakasyon ka rin at bumalik sa dating ginagawa mo,” muling paggunita ng ama niya ng nakaraan. “Mom, please help me. This time I am willing to help not for a week but the rest of my life. Just let me freely choose my own husband. I wanted to be like you and Dad. Your love story is my inspiration.” Ang ina niya naman ang kanyang hinarap. Ang mga mata ni Cassie ay halos lumuha na sa narinig na desisyon ng magulang. Lumuhod siya sa harap ng ina at humagulhol sa iyak. Walang magawa ang Ina nito kung ‘di ay ang yakapin ang anak. “Tahan na, Cassie. Sa ngayon ay hindi mo pa naiintindihan ang lahat ngunit balang-araw ay magpapasalamat ka rin sa amin.” pagpapaliwang ng kanyang Ina. “No! Kayo ang magpakasal sa kung sino man ’yang lalaki na iyan! Huwag na ninyo akong hanapin at sigurado akong magagalit lang kayo. I would rather till the soil in our hacienda than marry anyone I do not love.” Padabog na umalis si Cassie at dumiretso sa mga kabayo niya. Nangabayo siya sa buong lupain nila at nang kumalma na ang dibdib niya ay bumalik siya sa bahay nila. Inempake niya ang mga damit at kumuha ng pera sa safe. Habang palabas siya ng kanilang bahay ay hinarangan siya ng ina sa pintuan. “Cassie, please. Just give this guy a chance. He is very responsible and we are sure you will love him,” wika ng ina niya habang pumapatak ang mga luha nito. ’Di naantig ang puso ni Cassie sa sinabi ng ina at dire-diretso siyang lumabas ng bahay at kinuha ang kotse niya sa garahe. Pinaharurot niya ang kanyang kotse hanggang makarating siya sa airport.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD