5 (t***k)

1324 Words
Erica decided to stay longer. Not for good but, a little longer. Longer means, isang buwan. Kabilaan ang commitments nito at hindi ito nababakante. Laman ito ng TV ads at rampa. Kung meron mang pagkakataong libre sa modeling commitment, nakababad ito at ang boyfriend sa kung saan. Naging karaniwan na nga ang makita si Noah Alcantara sa tahanan ng mga Ledesma. Sinusundo o ‘di kaya ay inihahatid si Erica sa bahay. Dinig niya, busy raw sa negosyo si Noah pero hindi nakakaligtaang pag-ukulan ng pansin ang kapatid niya. Noah became a staple sight in the Ledesma mansion. Mas malawak at mas mainit pa nga ang pagtanggap dito kaysa sa kanya. Pabor ang tatay niya at labis na pagkagiliw ang ipinapakita ng kanyang Tita Claudette sa binata. He had become a son to her father. Sino nga naman ba ang aayaw rito? Presidente lang naman ito ng multi-billion corporation na ang pangunahing line of business ay ang paggawa ng mga sasakyang pandagat bukod pa sa iba pang mga negosyo ng pamilya nito. Rinig niya nasa Balamban, Cebu raw ang shipyard ng mga Alcantara. Involved din sa operation ng cruise ship ang pamilya. “Erica is his top priority.” Minsan ay narinig niyang proud na pahayag ni Claudette sa isa sa mga amiga nitong bumisita sa bahay. Buong pagmamalaking sinabi na tila iniinggit ang mga amiga. “Noah is not just handsome but he is everything that a mother would want to become the husband of her daughter. And the guy is so intelligent.” Matalino nga si Noah. Nag-masters lang naman ito sa ibang bansa. Bukod pa roon, isa itong sought-after bachelor na hinahangaan at pinagnanasahan ng mga kababaihan. ‘Yon ang nakalap niya sa munti niyang pananaliksik. Noah was a great catch. Women were swooning over him pero tanging si Erica ang nangingibabaw. Ang swerte ng kapatid niya na ito ang minamahal ng isang Noah Alcantara. Habang nakikita ang binata, ang hunghang niya namang puso ay nagiging aligaga. Lalo na sa mga pagkakataong nagpapakita ito ng kabutihan, kapag sumisilay ang matamis nitong ngiti, at kapag pinaparamdam nito na may halaga rin siya. Mas pamilya pa nga ang turing nito sa kanya kumpara sa kapatid niya. Noong nakaraang gabi lang, nag-offer pa ito na tulungan siya sa assignment niya nang maratnang nangungunot ang noo niya sa pagsagot sa worksheets niya. “May kasalanan ba ang worksheets mo sa’yo at gusto mo nang kuyumusin ang papel mo?” Napaatras siya nang walang patumanggang umupo sa bakanteng bangko si Noah. Nasa hardin siya at sinasagutan ang assignment niya. With his ready smile na labas ang magagandang pares ng mga ngipin, sino ba ang hindi kakabog ang dibdib. “I could be of help.” Pinilit niyang ngumiti. “Tapos na ho.” Bahagya niya lang itong tinapunan ng sulyap. Para kasing nakakapaso ang paningin nito, saka niya sinimulan ang madaliang pagliligpit ng mga gamit. “Excuse me, po.” “Alina.” Napilitan siyang lingunin ito. “Be comfortable with me. I’ll be a family soon.” Na-appreciate niya naman iyon pero mahirap nang maabutan ni Claudette o Erica na nag-uusap sila. Higit sa lahat, mas mahirap para sa sarili niya. Aminado naman siya, may espesyal itong puwang sa puso niya pero dapat hanggang doon lang. She had always been a realist at ang sampal ng reyalidad, mali ang kahit hangaan si ‘Kuya’ Noah. Kaya, nagpakaiwas-iwas siya. Gumagawa siya ng paraan na hindi nagpapang-abot ang mga daan nila. “Lutang ka na naman? Record-breaking iyan, ah. Ilang araw ka ng ganyan.” Kanina pa nagsasalita ang propesor nila tungkol sa buhay ni Jose Rizal pero kakatwang wala siyang maintindihan. Karaniwan naman ay excited siya sa mga araling may kinalaman sa kasaysayan. “May boyfriend ka ba?” tahasang bulong ni Clarisse sa kanya. Mahina lang ang tinig nito ngunit napalingon pa rin si Nathan sa kanila. Hindi na niya ito nasagot nang natuon sa kanila ang mga mata ng guro nila. “Miss Montoya, Miss Aguilar, seems like you are discussing matters other than Rizal’s life.” “No, Ma’am. We were just too amazed of how women were deeply enamored with Rizal,” witty na palusot ng kaibigan sa professor na halatang hindi kumbinsido sa kanila. Pero muntikan na iyon. Umayos na rin siya ng upo. Ayaw niya namang magmumukhang ingot sa guro at sa mga kaibigan. Natapos ang klase nang wala siyang gaanong nauunawaan. Basta ang tumatak sa utak niya- Rizal, Josephine, Leonor, Bagumbayan. Ewan. “Do you think, one great love ni Rizal si Josephine? O si Leonor?” wala sa isip na tanong ni Clarisse sa kanila ni Nathan. Magkakaagapay silang naglalakad sa pasilyo ng gusaling kinaroroonan. Kahit ang usapan ng dalawang kaklase ay lumalampas sa tenga niya. Iisa lang naman ang alam niyang one great love- si Erica. One great love ito ni Noah. Hayst! Si Noah na naman ang tumatakbo sa utak niya. 'Di ba ito napapagod? Kasi siya, pagod na rin ang utak at puso niya. Ang sarap lang talagang iuntog ng ulo niya sa pader nang matauhan siya. “Hoy!” siko ni Clarisse sa kanya sa braso. “Makisali ka naman sa amin ni Nathan.” Kiming nginitian niya lang ang dalawa. “A-ano ‘yon?” “Tsk! Lumilipad na naman ang utak mo, Alina Marsella Montoya. Ilang beses na pag-space out na 'yan, ha. Magtatampo na si Papa Nathan niyan sa ’yo.” Napapahiya namang napapakamot sa ulo si Nathan. Hindi naman siya manhid para hindi mapansin ang kakaibang kilos nitong si Nathan. Graduating na ito sa civil engineering, naging kaklase lang dahil hindi nakuha ang minor subject na ito. Gwapo naman ito, matangkad din at may mga babaeng nagpapasaring dito pero wala talaga, eh. “Kanina pa nagyayaya si Nathan na kumain muna tayo.” Halatang hinihintay ni Nathan na um-oo siya. “Ehh…” Nathan understood. Ngumiti ito at inunahan na siya. “I know, tatanggi ka na naman.” Ilang beses na itong nagyaya, ganoon na rin karaming ulit siyang tumanggi. “No worries. Next time na lang.” May kinuha ito sa backpack nito. Dalawang katamtamang size ng chocolate. Tig-isa sila ni Clarisse. “Magtatampo talaga ako, Nat, kapag walang akin.” Biro iyon pero hindi nakaligtas ang kakaibang kislap sa mga mata ni Clarisse. Tahimik man pero keen observer siya. Sa iilang pagkakataon ay nahuhuli niya si Clarisse na nagnanakaw ng tingin kay Nathan. Kapag nagpa-practice ito ng soccer sa field, nagyayaya itong doon tatambay at magbasa. Nakakahiyaan lang nitong aminin at syempre mas nahihiya siyang magtanong. Kaya nga, binalewala niya Nathan. Sino ba naman kasing magtatapon ng pansin sa isang kagaya niya? “So, paano, see you around?” paalam ni Clarisse. Nagkanya-kanya na sila pagkatapos. Si Nathan ay kinailangan pang pumasok sa computer shop na pag-aari ng pamilya nito malapit lang sa campus habang si Clarisse naman ay sinundo ng Tatay nito at tutungo pa sa pwesto ng kainan sa may Quiapo. Naiwan siyang mag-isang nag-aabang ng masasakyan. Mukhang uulan pa yata. Umiitim ang ulap at wala siyang dalang payong. Great. Just great. Hindi nga nagtagal at pumatak ang ilang butil ng ulan. Naitaas niya ang canvass bag at ipinanggalang sa kanyang ulo. Sumiksik siya sa ibang estuydyante na nakahanay sa canopy. Ngunit may dala pa yatang malakas na ihip ng hangin. Nakapalda pa naman din siya at kasamang sumayaw-sayaw ang himlayan niyon sa bawat pag-ihip ng hangin. Mabuti na lang at mahaba iyon, ‘di siya masisilipan. “Hey! Alina!” Wala naman sigurong ibang Alina rito maliban sa kanya. Hinanap niya ang pinanggalingan ng boses na sumambit ng pangalan niya at nangibabaw sa lahat ng ingay sa paligid. Maitim na sportscar ang nakita niyang nakahinto sa hindi kalayuan mula sa kanya. Mula sa nakabukas na bintana ay sumungaw ang lalaking natatakpan ng sombrero ang mukha. Hindi niya masyadong mabistahan ang hitsura nito. But, her heart recognized who it was. Her heart knew too well.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD