4 (His Smile)

1053 Words
Something was familiar about this man. Dahan-dahang nag-angat ng mukha ang lalaki. And when he did, Alina was stunned. Ang mundo ay tila natigil sa pag-inog nang masilayan ang gwapong mukhang iyon. Ang mukhang laman ng kanyang utak sa buong maghapon. Ang nakabangga niya kanina sa mall, ang may-ari ng putting panyo, ang nag-iisang laman ng utak niya maghapon sa eskwela. Paanong naririto ang lalaking ito? Makailang beses siyang napalunok, ang kanyang paghinga ay naging mahirap na para bang may nakaharang sa kanyang lalamunan. At ang puso ay tila nagwawala na naman. Her heart became restless. Hanggang sa napadako sa gawi niya ang tingin ng lalaking yon. Their gazes locked. Sa pangalawang pagkakataon ay hinigop na naman ng matitiim na mga titig sa iyon ang buhong atensyon niya. Nabatid niya na lang ang dahan-dahang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito. May rekognasyon sa panig nito. “It’s you.” Humakbang ito palapit sa kanya. “Small world, huh? Twice in a day. That must be a record.” As if, napakahirap paniwalaang makikita siya rito. “So, dito ka nakatira?” amused itong nakatitig sa kanya na tila naging audience sa pagkatulala niya. “O-oho.” Heto na naman ang paggralgal ng tinig niya at ang pangangatog ng kanyang tuhod. Nahihirapan siyang pigilin talaga. Her mind and body had different mind on its own. “So, kaanu-ano ka ng mga Ledesma?” curious nitong tanong. Ibubuka na sana niya ang bibig para sumagot nang marinig ang pagsasalita ni Erica sa likuran niya. “What took you so long?” Parehong napadako ang tingin nila ng lalaki ng kapatid na pababa sa hagdanan. Para itong diosa na bumababa sa pedestal. Nakita niya kung paanong nangislap ang mga mata ng lalaki habang nakatitig kay Erica na matamis ring nakangiti pabalik sa binata. Na para bang ang mga ito lang ang nasa ibabaw ng mundo at humihinga. DI kaya ito ang kausap sa phone? Ang “babe” ng kapatid? Napatotohanan ang hinala nang walang anumang pumulupot ang mga bisig ni Erica sa leeg ng bagong dating at hinalikan ito sa mga labi. They are kissing. Nag-iwas siya ng mga mata dahil na-iweskandalo siya. Higit na dahilan ay ang nararamdamang tila pagsuntok sa puso niya. Para siyang nasasaktan sa nakikita. “Babe, hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa cute na dalagitang ito?” Natuwa na sana siya sa cute. Pero ang tawagin siyang dalagita. Paano nga naman, parehong kapre ang mga kaharap niya, nauunano nga naman siya. Erica is 5’9” at itong lalaking crush niya ay lumampas pa yata sa anim na talampakan. “She is Alina.” Ang simpleng pagpapakilala ng kapatid niya sa kanya. “So this is she? Finally, I get the chance to meet you.” Doon siya napaangat ng mukha. Genuine ang ngiting nakikita niyang nakapinta sa mukha ng lalaki. Na para bang may isang kapatid na matagal nawalay at ngayo’y natagpuan. Ano kaya ang naikwento ni Erica tungkol sa kanya? Wala naman itong pinagkwentuhan ng tungkol sa pagkatao niya. Ni ayaw nga siyang maging friend sa social media. Nakakapag-message siya, oo, pero hanggang doon lang. “Hey, I am Noah. You can call me, Kuya if you want.” ‘Di na niya kailangang manghula. Boyfriend ito ni Erica. Naghalikan na nga sa harap niya at kung makapulupot ang kapatid niya sa beywang ng lalaki, parang takot na maagawan. Iba rin naman kung maglaro ang tadhana. Crush niya ang boyfriend pa mismo ni Erica. Kuya. Ang gustong ipatawag sa kanya. Mabigat yata sa loob niya na tawagin ito ng ganoon. Fate is really such a tease. Kasunod nang pagpapakilala nito ay ang paglalahad nito ng malaking palad. Muli siyang napalunok. Napadako ang mga mata niya kay Erica, hinihintay niya ang reaksyon nito. Judging by the look in her eyes, hindi tumututol, but she knows deep inside, ayaw ni Erica na nakikipagkaibigan ang boyfriend nitong si Noah sa kanya. Very territorial din ito, kagaya ni Claudette. Ni ayaw ngang i-share ang ama nila. “Hey.” Muntikan pa siyang mapaatras nang si Noah mismo ang kumuha ng palad niya at ikinulong sa sariling palad. She flinched. Naroroon na naman kasi ang kakaibang init and she was ever so careful na walang mabasang anumang reaksyon ang kapatid niya. Mahirap na. Binawi na lang niya kaagad ang sariling palad. “So, you are not joining the party?” Sinuri ni Noah ang ayos niya. Malamang, naalala pa rin nito ang damit na suot niya kanina. Na-conscious tuloy siya at baka madungis at mabaho na siya. “She is busy with her studies, Hijo.” Mula sa kung saan ay bigla na lang sumulpot ang madrasta. Wow ha. Ngayon lang yata naging ganito ka-concern sa kanya ang Tita Claudette. Lumapit pa talaga sa kanila. “Tena sa garden. I’m dying to formally introduce my future son-in-law to my friends. You are not a family friend anymore, hijo. You are family.” Iginiya na ng Tita niya ang binata. But Noah’s eyes were still fixed on her. “So, susunod ka, right?” “Marami ho akong worksheets na sasagutan.” Para mabawasan ang pagsisinungaling ni Claudette at ng kapatid niya ay siya na ang kusang sumagot. Kahit naman pilitin siya ay ayaw niya ring makihalubilo sa mga taong nasa labas. “Wow, that’s good. Ang galing mo. You prioritize your studies.” Nanlaki ang mga mata niya nang bigla na lang guluhin ni Noah ang buhok niya. Na para bang amused ito sa kanya. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nahuli niya ang parehong pagkapatda ng dalawang babae. Nasi-sense niyang ayaw ng mga ito ang sudden fondness sa kanya ni Noah. Na para bang maagawan niya ang isang Erica. Napatikhim si Claudette. Naningkit naman ang mga mata ni Erica. “Excuse me, po.” She knows best when to vanish. Bahagya siyang tumungo at naglakad patungo sa silid niya, to her little kingdom na magkakanlong sa kanya habang nagkakasiyahan sa labas ang pamilya. Bago tuluyang lumiko patungo sa kwarto, minsan pa ay nagawa niyang lingunin ang gawi nina Noah. Nakatitig ito sa kanya. Tila may pang-uunawa sa mga mata. He smiled at tuluyan na ngang itinuon ang pansin kay Erica. 'Well, at least, I get to see you smile at me.' Gumaang na rin ang kalooban niya kahit papaano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD