Paanoo ba sasabihing napipipi ang ingay na kanina lang ay bumabalot sa paligid? Sa isang iglap ay tila naglaho ang sinuman sa paningin niya at ang tanging nakikita na lang ay ang lalaking nakatayo ngayon sa gilid ng kotse at kumakaway sa kanya. Ang puso niya, alam kaagad kung paano rumesponde. Naging kakaiba ang sikdo at nang damhin niya, marubdob ang naging t***k nito.
“Ang gwapo naman niyan.”
“Sundo niya ‘yan?”
“Macho at mukhang mayaman, ha.”
Ilang bulungang naririnig niya sa kanyang likuran. ‘Yon ang tila humahatak sa kanya pabalik sa reyalidad and this reality means standing face to face with this one hell of a gorgeous man.
‘Kanina, nasa isipan lang kita, ngayon ay kaharap na.’
Bumaba na pala’t lahat si Noah nang hindi an lang namamalayan at tuluyan na ngang nakalapit sa kinatatayuan niya. Dapat bumati siya pero ano ba ang sasabihin niya? “Hey!" untag ni Noah sa kanya.
“A-anong ginagawa mo rito?”
Naging unsteady ang boses, may halong nginig. Ano ba ‘yan? Pati speech ability niya apektado na rin? Nakakasuya naman.
“Nakikipag-usap sa’yo.”
Andiyan na naman ang ngiting nakakawala ng bait niya. ‘Yong ngiting nakakahigit ng hininga. Ngitian lang siya nito ay nag-iinit na ang sulok ng pisngi niya. Isa pa, mas natuon kasi sa kanya ang pansin ng mga nasa paligid sa kanya. Pinilit niyang umaktong okay sa harap nito kahit pa nga disimulado ang t***k ng kanyang puso.
“Mas lalakas pa yata ang ulan maya-maya lang. I suggest, sumabay ka na sa akin. Sa inyo din naman ang tungo ko.”
May ilang pitak ng basang sanhi ng mahina pang tubig-ulan ang ngayon ay namuo sa damit ni Noah. Pati iyon ay nawala pa sa isip niya.
“Huwag na lang ho,” magalang niyang tanggi.
Ano ‘yon, baka manigas siyang kasama ito sa loob ng kotse. Baka talagang sa morgue na ang ending niya. Cause of death: loss of breath dahil katabi si Noah.
“Alam kong tatanggi ka but it would be practical if you come with me.”
Paano pa nga ba siya tatanggi kung naagaw na nito ang aklat niya. Umiiwas nga ako, eh. Pero practical nga din naman na sumabay na siya kaya kinain niya na lang ang hiya at kaba. Nakakamanghang pinagbuksan pa siya nito ng pintuan ng passenger’s side. Gwapo na, gentleman pa si Noah. Hinawakan pa nito ang bumbunan niya upang huwag mauntog sa pintuan. Kaya siguro na-inlab ang kapatid dito, naisip niya habang tinititigan itong mabilis ang mga kilos na lumigid sa driver’s side.
“Magpunas ka muna.”
Puting bimpo ang ibinigay nito sa kanya na kinuha mula sa dashboard. Naalala niya tuloy ang putting panyolito na nahulog noong isang araw. Nasa bag niya lang naman iyon pero ayaw niyang isoli pa muna. Baliw nga nga yata siya.
“Bakit?”
“Wala. Wala.”
Nagsimulang umusad ang sasakyan. Banayad lang ang takbo. Sa loob ng ilang sandaling nakaupo ay tahimik lang siya. Ano naman ang sasabihin at ikikuwento niya? Tama ang hinala niya kanina. Nakakailang lang sa pakiramdam na nagsosolo siyang kasama ito. And what is even weird, ay kakaibang init at kilabot na umalipin sa kanya.
Isip ka ng mapag-uusapan, Alina.
Ano naman kaya? Stock market? Wala pa siyang gaanong alam doon. Kaya, sa marahang patak ng ulan na tumatama sa salamin niya mas piniling ituon ang pansin. Manaka-naka rin ay ang interior ng magarang kotse ang naging pokus niya. Hindi man maalam sa kotse pero sa tingin niya, mamahalin ang sasakyan nito. Parang customized pa nga ang disenyo sa loob.
“Nabilang mo na siguro lahat ng droplets diyan sa salamin.”
Nagulantang pa siya nang biglang magsalita ang katabi niya. Napapahiyang iniwanan niya ang pagkakatitig sa labas ng bintana at nilingon ito.
“Are you always like that?” May pagkamangha sa mukha nitong tinapunan siya ng sulyap.
“H-ho?”
Napapailing ito. “You’re unbelievable.” Binuntutan pa nito ng mahinang tawa ang sinabi.
Napaawang ang bibig niya. Ang sexy lang ng tawa nito at kahit ang paggalaw ng adam’s apple nito. But how else would she know about sexiness? Natuon ang mga mata niya sa braso nitong nakahawak sa manibela. It was lean and strong. Ilang beses na kayang nakulong si Erica sa bisig na iyon?
Nag-init na naman ang sulok ng pisngi niya sa kagagahan niya. Yong kainosentehan niya, habang nakakasama si Noah ay tila nababawasan ng bahagya. Bahagya na sanang napapayapa ang loob niya pero heto na naman. Bakit kasi tila kalaban niya ang oras at ang tagal nilang umabot sa bahay?
“Ganyan ka lang ba katihimik lagi? Maraming beses na naman tayong nagpapang-abot sa bahay ninyo, ah. Maging komportable ka sa akin like I always said.”
Mahihirapan yata siyang gawin ‘yon.
“Naninibago lang.”
Napatangu-tango ito. “You have to get used na nakikita ang pagmukha ko’ng ito,” turo nito sa sarili.
Iyon ang nararapat.
“So, you have been holding that snack bar for like how long now?”
Alam niya, pinapagaang lang nito ang kalooban niya. Ginagawang at ease ang kanyang pakiramdam. Pipilitin niya na rin na maging kampante.
“The chocolate?”
“Ah, ito. Bigay ng kaklase ko.”
“Suitor?”
Naging sunud-sunod ang iling niya. “Hindi ho…I mean, Kuya.” Tama nga siya, muntikan na niyang malunok ang kanyang lalamunan habang sinasambit iyon. Deep within her heart, she dreaded the fact na tatawagin ito sa ganoon. Pero wala siyang choice. Nakakailang naman na first name ang itatawag niya rito dahil mas malaki ang agwat ng edad nito sa kanya. Mamang-mama na nga ito, eh. Malayo ang mga kaklse niya sa physique nito. Noah screamed of masculinity.
“Hm, that’s good to hear. Masyado ka pang bata.”
Baby-faced daw siya ayon kay Clarisse at may kaliitan siya kaya madalas siyang natatawag na bata. Pinukpok na kasi ang height niya at kamuntikan pang hindi umabot sa 5’2”. Pero this time, ayaw niyang tinatawag na bata. Paano naman ba siya mapagkakamalang dalaga kung ang buhok niya ay nakahati pa sa gitna at tinali niya sa elastic band ang magkabilang dulo at ang bawat hati ay nakalugay sa magkabilang gilid ng pisngi. Flatshoes pa ang pansapin niya sa paa. At ang suot niya, saka lang niya natapunan ng pansin, printed na mahabang palda.
“Kapag may nanliligaw na sa’yo, dapat dumaan muna sa akin.”
Acting like a big bro.
“Ilang taon ka na nga?”
“Nineteen ho.” Tumaas na naman ang kilay nito sa ho. “I mean, Kuya.”
“Better.”
Sanayan lang din siguro.
“So, you’re only nineteen. With your age, hindi ka pa talaga dapat nagseseryoso sa lalaki.”
Napangiti na lang din siya.
“Ilang taon na po kayo?” Wala siyang ibang naisip na pag-usapan. ‘Yon na ang pinakamagandang maibabato na pangungusap.
“Turning twenty-eight. Marriageable already.”
Pakakasalan na kaya nito si Erica? Pero twenty three pa lang si Erica. Ayaw pa nitong mag-asawa. Isa pa, masyadong mabait itong si Noah para sa half-sister niya. But she knew better. Ang justification na iyon ay hindi para Kay Erica kundi para sa sarili niya.
“Saan ho tayo pupunta?”
Iba ang daang nilakbay nila. Iniliko ni Noah ang kotse sa isang eskinita.
“May dadaanan lang. Relax.”
Nilinga nito ang likurang bahagi ng kotse para masigurong walang mabubundol. Sa ginawa nito ay ‘di sinasadyang maipatong sa likuran ng upuan niya ang kanang braso nito. Dumantay ang palad nito sa balikat niya at nasaling ang kanyang pisngi. In an instant, tila may spark na nasindihan sa kaloob-looban niya. She stiffened as she was enveloped with that foreign sensation.
Saglit lang iyon pero ang paglunok ng laway na ginawa niya ay sunud-sunod. Walang malisya lang iyon pero iba ang epekto sa kanya. She is a complete innocent pero hindi nangangahulugang hindi niya naiintindihan ang nagiging reaksyon ng katawan niya.
‘Lord, mental case na ba ako? Bakit ba ako nagkakaganito?’
Thankfully, natapos ang kalbaryo. Nakahinga siya ng maluwag nang tuluyang bumaba si Noah. “While I am inside, aliwin mo muna ang sarili mo sa pagbabasa ng mga ito, ” bilin nito bago pumasok sa flowershop na hinintuan nila.
Gazetter ang iniabot nito sa kanya. Isang malaking cruise ship ang nasa cover page. Pinasadahan niya iyon ng tingin pero wala siyang maintindihan. Minuto lang yata ang lumipas nang muling lumabas si Noah sa pinasukang flowershop. Ang saya lang nitong tingnan habang bitbit sa kamay ang isang malaking bouquet. Kaagapay nito ang isang sa tingin niya ay assistant o 'di kaya ay may-ari ng shop na bitbit naman ang isa pang bouquet.
Kakaiba ang kislap sa mga mata ni Noah. Mahal na mahal nga talaga nito ang kapatid niya.
“Noah, your girlfriend must feel so ecstatic. Dala-dalawang bulaklak ba naman ang ibibigay mo?”
Binubuksan ng babae at ni Noah ang magkabilaang pinto sa backseat at parehong inilagak ang mga bulaklak.
Nahagip siya ng mga bata ng babae.
“Oh, siya ba?”
Mulagat ang mga mata niya sa sinabi ng babae na natutop pa ang bibig. Paano ba naman nito siya napagkakamalan, eh, ang layo ng qualities niya kay Erica?
“Noah, ha, corrupting minor ka.”
Sinisilaban na talaga sa puwet ang pakiramdam niya. Naiilang siya. Si Noah naman ay natatawa lang.
“No, Nadine, she is my girlfriend’s sister.”
“Oh, my bad!” sabay tutop ng bibig ng tinawag na Nadine. “Sorry.”
Kiming ngiti ang itinugon niya rito. “Okay lang po, Ma’am," bahagya pa niyang iniyukod ang ulo.
“As for the other bouquet, it’s for my girlfriend’s mother.”
“Wow, ha! Pati future mother-in-law, nililigawan mo pa. Iba talaga kung ma-in love ang isang Noah Alcantara,” bubbly na wika ni Nadine na kumindat pa sa kanya.
Kung tutuusin, hindi naman na nito kailangang ligawan pa si Tita Claudette. Lulong na lulong na iyon sa paniniwalang si Noah na nga ang mapapangasawa ni Erica. Napasulyap siya sa nakangiting si Noah na abalang inaayos ang bulaklak sa backseat. Iilang lalaki na lang ba ang ganito sa mga kasintahan nila? ‘I bet, you are one in a million.’ All the more na mas naragdagan ang paghanga niya rito. He wasn’t just some handsome face but way more than that.
Sumisilip na naman ang inggit sa puso niya. Napabuntung-hininga siya. Once again, she had to remind herself.
'Careful there, Alina. He is your sister’s boyfriend. He is forbidden.'
Kahit ang sulyapan ito na may halong malisya, kasalanan na. He is Erica's property. Ang ginawa niya na lang ay ang muling ituon sa labas ang pansin partikular sa mga patak ng ulan na tumatama sa bintana ng sasakyan. Hiling niya na sana kasamang liparin ng hangin ang damdamin niya o 'di kaya’y sasama sa daloy ng mga butil na dumadapo sa bintana at namalisbis paibaba.
Ngayon niya mas nauunawaan ang nanay niya. Kung paanong nagawa nitong pumatol sa taong may-asawa. Kasi, katulad ng nanay niya ay natutong tumibok ang puso niya sa maling tao pa. However, she is wiser than her mother. Naniniwala siya. She will never be like her. Lumapat ang palad niya sa kanyang dibdib.
‘Puso ka lang, kayang-kaya kitang diktahan.’