Life went on just fine. Sinisikap ni Alina. Lubusan niya ring tinupad ang pangako sa sariling lalayuan si Noah. Sa mga pagkakataong nasa bahay ito ay sinisigurado niyang huwag magpang-abot ang mga landas nila. Lumalabas lang siya ng kwarto kapag nasisiguradong nakaalis na ito. Kadalasan naman ay hatid at sundo lang nito si Erica. Ni minsan nga hindi pa ito nakapaghapunan sa mansion. It was okay with her, it made her heart safer.
Pansamantala.
“Magandang gabi po, Nanay.”
Humalik siya sa pisngi ng matanda bago nakiumpok kay Bebing na abala sa paggagayat ng mga gulay.
“Wala ka bang aralin? Nagbababad ka dito sa kusina,” si Nanay Mareng na pansamantalang nahinto sa paglalagay ng asin sa niluluto.
“Friday po ngayon, ‘Nay. Wala po akong assignments. Tsaka, na-miss ko po kayo, eh.”
Tila kinilig naman ang matanda sa sinabi niya. “Na-miss ka nga namin dito sa kusina, anak.”
“Sipsip kay Nanay,” si Bebing na nakaingos pa.
“Inggetera.” Pabiro niyang iwinagayway sa harap ng mukha nito ang isang stalk ng celery na gagamitin sa gagawing Waldorf Salad. Very American talaga ang panlasa ni Erica kahit pagdating sa appetizer o side dish.
Iniusog ni Bebing ang bangko at dumikit sa kanya. “Psst, may iniiwasan ka, ‘no?”
“Iniiwasan? Sino naman?” Napanguso siya at napakunot-noo. Sa likod ng kanyang utak ay may hinala na siya sa kung ano ang iniisip nitong si Bebing.
“Sinungaling.”
Hihirit pa sana ang kaibigan ngunit naagaw ng sinabi ni Ate Glenda ang atensyon nila. “Nanay Mareng, ihahanda ko na ang lamesa at mag-set ng dagdag na cover.”
“Dito ba maghahapunan si Sir Noah?”
‘Opo, Manang.”
“Ito ang unang beses na maghahapunan siya rito.”
Naririyan lang si Noah sa labas, aligaga na siya hindi pa man. Parang gusto na niyang bitiwan ang hawak at magkanlong sa kwarto. Tityempo lang siya. Kailangang swabe ang pagtayo at pag-alis niya sa kusina.
“Opo, pero para kay Alina ang idadagdag ko. Nakapag-set na naman ho ako ng para sa kanya.”
Literal na nagkatinginan sila ni Bebing, kapagkuwan ay si Nanay Mareng. Pareho ang katanungan nila. Bakit siya sasabay sa mag-anak? Matagal na nang huli silang nagkasabay sa hapag. Bagong salta pa lang siya rito sa mansion. Nag-tantrums si Erica nang makitang nakaupo siya sa dining at kasalo ng mga ito. Kung saan-saan tumapon ang mga plato at kubyertos na pinagbabato nito at nagkulong ito sa silid.
“Hindi na lang ho ako sasabay sa inyo, ‘Tay.”
Simula sa araw na ‘yon, ang mga kasambahay na ang nakakasama niya sa mesa o 'di kaya ay kakain siyang mag-isa. Lumipat din siya sa silid sa ibaba para hindi siya nito laging nakikita.
Ang makasalo ang mga ito ngayon ay sadyang nakakapanibago lalo na ang pagsilbihan ng mga katulong. Nag-two thumbs up sign pa si Bebing sa kanya, nang pa-sekreto. May hinala na siya na si Noah ang may pakana nito. Ngumiti pa ito sa kanya nang umupo siya.
Nakaupo sa kabisera ang tatay niya, sa kanan nito si Claudette at siya naman ang katabi nito. Sa kabilang side ay si Erica ang nasa kaliwang bahagi ng ama. Ang nakakailang pa ay katapat niya ang mismong si Noah. Kada angat niya ng mukha ay direktang ito ang natatamaan ng paningin. Kaya, ginagawa niyang promise sa sarili na sa pagkain lang siya titingin. Itatwa man kasi niya, na-miss niyang titigan ang mukha nito.
Bakit kasi sinama-sama pa siya sa dinner na ito?
“Noah, I am so surprised na ikaw ang nag-request na dito maghapunan. I felt compelled tuloy na ihanda ang masasarap na putahe ko.”
Putahe kamo ni Nanay. Puro nga naman espesyal ang nasa mesa.
“I’ll be celebrating my birthday tomorrow.”
So, that’s it. Napaangat siya ng mukha at tinitigan ito. Sa kanya din pala ito nakatitig. Gusto niyang bumati pero nag-aalangan siya. “H-happy birthday po.” Bumati na rin siya.
“Thanks, Ali.”
Ali. Ang sarap naman sa pakiramdam niyon. Unang beses na may tumawag sa kanya ng ganoon. It sounded so sweet coming from his mouth. Ito na naman siya. Nadadala na naman sa ka-sweet-an ni Noah.
“Since I’ll be away for a business trip tomorrow, I decided to celebrate it in advance. With you, guys.” May kasama pang hawak at pisil sa palad ni Erica. Mas matamis pa yata sa dessert na isi-serve mamaya ang lampungan ng dalawa. Nakita niya iyon bago tuluyan napokus sa plato niya ang mga mata.
Nagsimula ang dinner. Tahimik lang siyang kumakain. Well, she is the most uncomfortable when she is with her so-called family. Ang awkward ng pakiramdam niya. Wala naman siyang maiambag sa usaping negosyo nina Noah at sa political career ng tatay niya. Mula sa pakikinig ay nalaman niyang family friend nga ng mga Ledesma at Llamanzares ang mga Alcantara at ang isa sa pinakamalaking source of fund ng kampanya ng ama. Siguro, isa sa mga close ni Claudette ang nanay nito.
“Alina, bakit ang tipid mong kumain? You should try this.”
Naagaw ang pansin ng lahat nang kusang lagyan ni Noah ng dagdag na pagkain ang plato niya. Awang ang bibig niyang napatitig rito. Bahagya pa itong tumayo upang maabot ang plato niya para malagyan ng dagdag na pagkain.
“T-tama na ho.” Para siyang takot na iniusog ang kanyang plato. Cautious siya sa magiging reaksyon ng mga kaharap. Walang problema sa ama niya pero ang dalawang babaeng kasalo, iba kaagad ang mga titig na ipinukol sa kanya. “Salamat,” nasabi na lang niya at tinuloy ang pagkain. But she can never deny the fact na bahagyang pumalakpak ang puso niya sa simpleng act of kindness ni Noah.
“So, Alina, you can have your OJT with me if you like.”
Patapos na silang kumain nang sa kanya na naman natuon ang usapan makalipas ang ilang sandali. Iba na naman ang titig ni Claudette. Erica might seem disinterested but she knows her well.
“Next year pa naman siguro iyon, hijo,” ang tatay na niya ang sumagot.
“And she can have her internship with me.”
Nagulat siya na nanggaling pa iyon mismo sa bibig ni Claudette. Ayaw nga ng Tita Claudette na nakikita ang pagmumukha niya. Naiisip niya tuloy na nilalayo siya nito kay Noah. Akala ba nito na magugustuhan siya ni Noah?
“In case, she changes her mind, pwede siya sa akin.”
“Babe, Mom’s boutique can surely accommodate her.”
Sa unang pagkakataon ay nakisali si Erica sa usaping siya ang may kinalaman. Napatuwid tuloy ang titig niya rito pero kay Noah nakatuon ang buong atensyon nito.
“How’s your grandmother, by the way, Hijo?”
“Strong as a bull, Sir.” May kabuntot na tawa ang sinabi ni Noah.
“Your Lola is quite a woman, Noah. Ilang beses ding naging benefactor ng mga programa ko si Senora Constancia.”
Senora Constancia. Pangalan pa lang ay tunog-aristokrata na. May naririnig-rinig na siya tungkol sa pangalang binanggit. Kasingbait din kaya ito ni Noah? Siguro nga dahil involved daw sa mga charity programs. Ang dami pang napag-usapan sa hapag. Mas mabuti na rin at nang nalilihis ang usapan at ‘di sa kanya nakasentro ang limelight. Sa buong durasyon ay may mga bits and pieces siyang nakukuha ukol kay Noah. The more she listened, the more curious he became about him. Parang ang sarap tuklasin ng mga bagay-bagay tungkol sa lalaki.
Para sa coffee break ay sa lanai isinuhestiyon ni Claudette na tumambay.
“Well, I guess, it is time to blow your cake, babe,” malambing naman na wika ni Erica kay Noah na hinaplos pa ang panga nito.
PDA talaga? Napainom tuloy siya ng juice. Nauuhaw siyang bigla habang pinapanood ang sweetness ng dalawa.
“Some candles are meant to be blown.” Ngayon niya lang yata nakikitang ganito ka-excited ang madrasta sa isang birthday cake. Pa-impress din itong si Tita Claudette.
“Ako na ho ang kukuha ng cake sa kusina, Tita. Isusunod ko na lang ho sa lanai.”
Paraan niya lang naman iyon para makaiwas. Wari niya kasi ay nahihirapan siyang huminga na kasama ang mga ito at nadaragdagan ang kaplastikan ng madrasta niya. Pagdating sa kusina ay kumuha siya ng tatlong dessert saucers at ipinatong sa tray. Hiniwa niya ang cake na inilabas niya mula sa chiller at isa-isang nilagyan ang mga iyon. Inihanda rin niya ang katernong dessert forks at table napkins pagkatapos. Si Bebing na ang pinakiusapan niyang magbitbit niyon patungo sa lanai. Si Ate Glenda naman ang nagdala ng mga tasang may lamang umuusok na brewed coffee.
“’Teh, kuting ka ba?”
Kunot-noong napalingon siya kay Bebing. Nagpapakamisteryoso na naman ito sa pamamagitan ng pagbibitiw ng punchline.
“Paano po kasi mukhang nakukyutan talaga sa ’yo iyang si Sir Noah.”
Tuluyan na siyang napahinto sa gagawin sanang pagbabalik ng layer ng cake sa chiller. “Bakit?” curious niyang tanong. May gitla pa ng kunot sa kanyang noo.
“Hinanap ka, Day. Nasaan ka na raw. Wow, ha! Na-miss ka kaagad,” exaggerated ang facial expression nito na sumandal pa sa island counter sa malapit.
“H-hinanap ako?” ‘Di niya mapigil ang paglukso ng kanyang puso.
“Oh, iyang reaksyon mo na ‘yan, ha. Halatang nai-excite. Lumalandi ka na, ‘Te, at doon pa sa Noah.”
Napanguso siya. Kapagkuwan ay napasandal na rin katabi ni Bebing. “Hindi ha.”
“Sus! Kaila pa. Halata ka na kaya. Madalas kitang mahuli ‘no, nagnanakaw ka ng tingin do’n sa gwapong mama, nagliliwanag pa ‘yang mga mata mo ‘pag nakikita siya. Para ka lang si Marian ‘pag nakatitig kay Dingdong at ano ‘yong doodle, ha? Bistado ka na. Kanina nga panay sulyap mo sa kanya habang sumusubo. Kulang na lang at siya ang isubo mo.”
Namilog ang mga mata niya. Ganoon na ba siya kahalata? “Hoy, marinig ka ng mga tao riyan.” Mabuti na lang silang dalawa lang ang nasa kusina. “Bakit, masama ba ang humanga?” Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Parang pag-amin na rin. “I mean, ang bait kasi niya.” Pasimple niyang itinuloy ang paglalagay ng pinaghiwaan ng cake sa ref, para na rin itago ang pagkapahiya. Sumemplang na kasi ang depensa niya. Kumbaga sa korte, may butas na kaagad.
Pero hinanap daw siya. It’s enough reason para matuwa siya. Pero hinanap lang, hindi ibig sabihin, gusto nang makasama. ‘Kaya, ‘wag kang shunga, Alina, ha,’ pagpapaalala pa niya sa sarili.
“Hindi masama ang humanga, Day, ha. Pero, kung diyan sa poging Noah na iyan? Naku! Magiging Gabriela Silang ‘yang si Ma’am Claudette at ang kapatid mo, alam mo kung gaano ka-maldita ‘yan. Bulkang Pinatubo ang magiging peg niyan.”
May point ang kaibigan. At any cost, ‘di siya dapat magpakalunod sa hindi pamilyar na mga emosyon. Talo rin siya sa bandang huli. Mulat ang isipam niya. Alam na alam niyang dehado siya.
Kaya magpigil ka pa, Alina, paalala niya sa sarili. Kaya mo pa.
She won’t ever be a slave to her own emotions.