Parang red carpet event lang ang kaganapan sa bahay. Sa labas ay nakahanay ang mga magagarang sasakyan ng mga bisita ni Erica. Pati tuloy siya ay pinagharian na rin ng excitement. Excited na siyang makita ang kapatid niya. Mahigit dalawang taon din itong hindi umuwi sa Pilipinas. Nang grumadweyt ito ay hindi umuwi at naging full-time na nga sa pagmomodelo.
Bago tuluyang pumanhik sa loob ay tinapunan niya muna ng pansin ang sulok ng bakuran kung saan may mangilan-ngilang guests na nagkukumpulan. Napagiti siya. Tama nga ang hinala niya, ang gandang titigan ng mga nakasabit na kristal na natatamaan ng
ilaw. Naengganyo tuloy siyang mag-selfie na iyon ang background kahit nasa malayo lang siya. Hindi niya ugali ang nagpo-post sa social media pero gagawin niyang display photo ang isang ‘to.
Kinikilig pa siyang makita ang nakangiting larawan. Isinuksok niyang muli sa bag at pumanhik na nga sa kabahayan.
“Ate Glenda, para kay Erica ba ‘yan?”
Lemonade na may nakalutang na hiwa ng ginger ang bitbit nito nang makasalubong niya
malapit sa hagdanan. Si Erica lang naman ang mahilig sa gano’n. Parte ng beauty
regimen nito. Minsan naman ay nilalagyan ng honey.
“Para kay Ma’am Erica nga.”
“Nasa itaas na po siya?” excited niyang tanong na napatingala pa sa itaas. Mas napaaga yata sa ala sais y media ang dating nito. “Pwede bang ako na lang ang maghatid niyan, Ate?”
“Mabuti pa nga at maraming iniuutos si Manang. Kahit naman kasi may catering service, may ipinaluluto pa rin si Ma’am Claudette.”
Inilpag niya muna sa console table sa malapit ang bag niya. Kabado na excited siyang umakyat sa hagdanan bitbit ang bar tray. Lagi naman siyang ganito pagdating kay Erica. It has always been her wish to be close to her. Iyong katulad ng ibang magkakapatid na malapit sa isa’t-isa. ‘Yong naghihiraman ng gamit at nagkikuwentuhan. Kaya nga, kahit alam niyang tinatapon lang nito sa basurahan ang mga homemade cards na gawa niya ay todo effort pa rin siya sa mga birthdays nito. Kahit sa messenger, nagmi-message siya kahit sini-seen lang nito at ayaw tapunan ng pansin.
Ilang silid pa ang naraanan niya bago narating ang silid ng prinsesa. Ginamit niya ang kanang bahagi ng katawan upang itulak pabukas ang pintuan. Ang malamig na buga ng aircon kaagad ang sumalubong sa kanya. Sa loob ng iilang beses na nakapasok siya sa silid na ito ay hindi niya maiwasang mamangha. Lahat ng nasa loob ay nakakahanga. Ang white with a hint of pink interior ay napakaaya sa mga mata. Ngunit ang pinaka-attractive para sa kanya ay ang four-poster bed sa gitna. Ito yata ang pangalawa sa pinakamalaking silid ng mansion. Pangalawa sa master’s bedroom.
Sa isang bahagi ng silid ay nakasabit ang malaking self-portrait ng kapatid niya. The Erica in the painting was smiling sweetly at her. Kung sana lang ganoon din sa tunay na buhay.
“Where are you? I’m expecting you to be here already.”
Ang malambing na tinig ng kapatid na papalabas mula sa walk-in closet nito ang umagaw sa kanyang pansin. Napasinghap siya nang matanaw ang kapatid. In all aspects, ang ganda nito sa suot na simpleng tabas na one-shoulder knee-length white dress. Litaw ang magandang hubog ng katawan at makinis na balat nito. Ang gilid na bahagi ng skirt ng one-piece dress ay may mahabang slit na sa bawat pagkilos nito ay sumisilip ang mahaba at well-toned na hita. Exquisite, ganoon Ang awrahan ng kapatid niya. Wala itong masyadong suot na alahas. Well, she is already a gem. Kumikinang, napakaganda.
Hihintayin niya munang matapos sa pakikipag-usap sa kung sinumang ka-videocall nito bago siya magsasalita.
“Babe, I won’t miss it for the whole world.”
Teka, parang pamilyar yata ang boses ng kausap nito. Babe ang tawag sa malambing na boses. Sino nga naman ba ang hindi lalambingin ang isang Erica Justine Llamanzares Ledesma. A politician’s daughter, intelligent, sexy and beautiful at kilala sa larangan ng fashion.
“Babe, someone’s in your room.”
Bahagya lang siyang nilingon ng kapatid. “Oh, never mind. Just a nobody.”
A nobody. Ang sakit naman no’n. Kapatid kaya siya. Since time immemorial, Erica never seemed to care for her. Para lan siyang hangin sa paningin nito.
“I’ve got to go.”
Natapos ang usapan ni Erica at ng boyfriend nito. O, sadyang tinapos dahil may usyuserang nakapasok.
“You’re invading my privacy.”
Pa-de-kwatro itong naupo sa sofa na katerno ng coffee table na pinagpatungan niya ng inumin nito. A gaping silence wrapped between them. Gusto niyang mag-hi sa ate niya pero napipipi siya. Sa halip ay ang lemonade ang inatupag niya. Iniusog niya
ang basong nakapatong sa coaster.
“Lemonade ho ninyo.” Kung sana magawa niyang idugtong ang salitang ate. “K-kumusta ka na? Na-miss kita,” lakas-loob niyang sinabi ngunit para lang itong walang narinig at sinimulang inumin ang lukewarm beverage.
“Save the pleasantries. I wanna be alone.”
Hilaw na ngiti ang sumilay sa mukha niya. Ayaw nito ng presence niya. Ayaw nitong kausapin siya. Walang pinagbago. Inakala pa naman niya na na-miss din siya nito kahit papaano. Kung sinuman ang nagsabing ‘distance makes the heart grow fonder,’ ang laki niyang sinungaling.
Lumabas siyang kipkip ang sama ng loob. Tama si Bebing. ‘Di na siya nadala pa. Alam na nga niyang ayaw ng mga ito sa kanya, pinagpipilitan pa rin niya ang sarili.
But one day. Just one day.
Umaasa siya. Ang masungkit ang favor ni Erica ay para din lang pag-apak sa bawat baitang ng hagdanan. It will take one step at a time. Sa kaso ng relasyon nila ng kapatid, sadyang napakabagal lang ng bawat hakbang na iyon. Gustung-gusto na niyang makipag-bonding kay Erica.
Nasa paanan na siya ng staircase nang mag-angat siya ng mukha. Direktang natuon ang mga mata niya sa gawing maindoor kung saan may isang bulto ng katawan ang papasok doon. Ewan niya ngunit pansamantala niyang nakalimutan ang hinampo sa kapatid at buong-buong kinain ng bagong dating ang kanyang kamalayan.
Nahiya yata ang manggas ng suit nito sa lean nitong muscles. Pati ang muscles sa legs nito ay humuhulma sa skinny slacks na suot nito. This man really knows how to carry himself in a suit. Nakatungo ito at nasa cellphone ang buong atensyon kaya hindi niya naaninag ang mukha nito. His dark hair was worn in a slick back style. Bumagay iyon sa kabuuang ayos nito.
‘Pero, teka, parang nakita ko na ito, ah.’