2 (Pagtatagpo)

1324 Words
“Are you okay?” She was always quiet and shy. Ngunit, ito ang kauna-unahang pagkakataon na naging pipi siya ng ganito. Forming a coherent word became too hard for her. Tila sinapian siya ng matinding hiya dala ng magandang tinig na iyon. Ang tanging nagawa niya lang ay baybayin ang kabuuan ng nilalang na nakabanggaan ilang segundo lang ang lumipas. Puting polo na bahagyang nakabukas ang huling dalawang butones ang una niyang namalas. Bahagya pa niyang nasilip ang matipunong dibdib na iyon na para bang kaysarap hiligan. Umakyat ang mukha niya sa makinis na leeg nito, sa adam’s apple at patungo sa pangahang mukha na may mga tumutubong stubbles. Alina, ha, alisin mo ang mga titig mo. Aware siya na mali ang ginagawa niya. But her gazes travelled upward, to that pair of thin red lips na tila ba kaysarap… Namilog ang ulo niya sa naiisip. Ang halay niya ha at naisip niyang halikan ang lalaking halos kayakap na niya na ang matitipunong mga braso ay nakapulupot halos sa kanya. Hindi kaaya-aya ang posisyon nilang dalawa ng estranghero. Awtomatikong naitulak niya ito dala ng kakaibang init at kilabot na tila nanulay sa kanyang katawan. It was a foreign feeling na sa tanang buhay niya ay ngayon lang dumapo sa kanya. Nakakapaso rin. Ano ba ‘yon? “Matapos kitang sagipin sa muntikang pagsadsad sa sahig, manunulak ka?” Napatitig siya sa buong mukha nito. The man was not just good looking. He was gorgeous. No, he was drop-dead gorgeous! Ang gwapo niya talaga. Demigod. Achilles. At ang tangkad niya. Sa tantiya niya ay umabot lang siya hanggang sa dibdib nito lalo at naka-flats siya. The man was sporting a dazzling smile. At ang mga mata nito ay tila ba ‘yong kay Ian Sommerhalder na kapag naglandas ang mga titig ay tila nanghihigop at dinadala siya sa bangin. “Hey, snap out of it!” Para siyang nagising sa mahabang paglalakbay nang ipitik nito sa mukha niya mismo ang dalawang daliri nito. 'It was impolite to stare, Alina.' Nahihiyang nagbaba siya ng tingin. “Marumi ba ang mukha ko?” Buong akala niya ay magagalit ito ngunit minsan pa ay ngumiti ito ng matamis. To her surprise ay lumuhod pa ito upang samsamin ang mga gamit niyang nagkalat sa sahig. Nakakahiya naman at ito pa ang pumulot. “Ako na lang, ho. Nakakahiya po sa inyo," pigil niya rito at dali-dali na ngang lumuhod sa sahig. "Pagtulungan na Lang natin." He chuckled. Bakit parang kaysarap sa tenga ng tawa nito? Parang ang sexy? Nakakaalarma naman ng mga naiisip niya. Ano ba ang alam niya sa male sexiness? All her life, wala pa siyang hinangaang lalaki pero ang isang ito... Hindi napigilan ang sariling tapunan ito ng sulyap. Nakatungo ito at naka-side view kaya nagawa niyang manitig rito. In all angle yata ay kay pogi nito. Nasalo na yata nito ang lahat ng kagandahang lalaki sa mundo. Gwapo na ay napakabait at gentleman pa. “I believe, ito na lahat ng gamit mo.” Mabuti na lang at nakapag-iwas siya in kaagad ng tingin, kundi ay para siyang kriminal na nahuli sa aktong pagkakasala. Nauna itong tumayo at inilahad ang malaking palad sa kanya tanda na tutulungan siyang tumayo. Napatingin siya sa napakalinis na kamay nito at napalunok ng ilang beses bago iyon inabot ng dahan-dahan. May kagaspangan ang palad nito. Nakaka-turn off nga naman sa lalaki ang sobrang lambot ng mga kamay. Ibig sabihin, batugan. ‘Yon ang madalas na sabihin sa kanila. Pero hindi iyon ang una niyang napansin. Kasi ang pokus niya ay napunta sa tila kuryenteng gumapang sa kanyang balat mula sa palad nito. Nakikiliti siya na ‘di mawari at ang mga balahibo ay tila nag-isang kumpas na tumayo at parang may nanulay na kung anong kiliti sa kanyang puso. Bago pa man panawan ng tamang pag-iisip ay bumitaw siya sa kamay nito sabay nag-iwas ng paningin. You are getting crazier by the minute, Alina. “So, you are a college student who studies accounting and Rizal?” “H-ho?” nauutal siyang bigla. Natawa na naman ito. Wala na talaga siyang nagawa at nasabing tama. Siguro ay nabobobohan na ito sa kanya. Nakakahiya talaga. “Oo.” She tried to sound sane. “Salamat. Sorry na rin.” “That’s okay. So, okay ka na rin?” Sinipat pa nito ang kabuuan niya at ewan niya ngunit nag-iinit na naman ang sulok ng pisngi niya knowing na nasa kanya ang atensyon nito. Tulirong napatango siya. Nagkaka-crush na ba siya sa gwapong mamang ito? “Next time, tumingin ka sa dinadaanan mo nang hindi ka nabubunggo ng kahit na sino. Ang liit mo pa naman.” Tila may lambing sa mababang boses nito, may hagod sa kanyang puso. “I better go.” The tall and masculine figure sped away in confident strides ngunit, lumiliit na ang lalaki sa kanyang paningin, namamagneto pa rin siyang sundan ito ng mga titig. She was enchanted, that’s definite. Di sinasadyang napahawak siya sa kanyang dibdib. Patuloy sa malakas na pagkumpas ang puso niya. Tila yata may alon sa kanyang kaibuturan na nahihirapan siyang sabayan. In all her years of existence, ngayon lang siya naging ganito sa isang lalaki. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Gusto niyang alisin ang kakatwang daloy ng pag-iisip. “Nagagwapuhan ka lang, Alina.” Hahakbang na sana siya nang mapatungo siya. Sa sahig ay ang puting panyong sigurado siyang naiwan roon ng mama. Mabilis niya iyong pinulot na para bang may ibang aagaw sa kanya. May tatak na mamahaling brand ang panyo. Napatingin siya sa landas na tinungo nito para maibalik sana sa lalaki ang panyolito. But there was no sight of him anymore. “Itatago na lang kita. Magiging remembrance kita sa mamang iyon,” napapangiti niyang sabi sa sarili. ‘Sino kaya iyon?’ naglalakad na siya nang matanong ang sarili. Isinuksok niya sa bag ang panyo at nagmamadali nang lumabas ng mall. Eksaktong narating niya ang gusali nila nang tumunog ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase nila sa accounting. Segundo lang yata ang pagitan nila ng professor. Engrossed siyang nakinig. Maya’t-maya ay nagsimula ang exercises. Kinukuha na niya ang ballpen at notepad sa bag nang mahagip ng kanyang mga mata ang panyolito. Hinawakan niya iyon. Ewan niya ngunit bigla na lang siyang napangiti nang walang patawad na nag-replay sa utak niya ang gwapong mukha ng lalaking iyon. Alam niyang hindi akma ngunit tila ramdam niya sa kanyang balat at likod ang init ng palad at katawan nito. ‘Bakit tila nakapagkit pa rin sa kanya iyong pakiramdam na halos yakap-yakap ang mamang ‘yon?’ She bit her lower lip to suppress a smile and a giggle. Ewan niya pero ngayon lang siya kinikilig ng ganito. “Alina.” Kung hindi pa siya siniko ng kaklaseng si Clarisse ay hindi siya aayos ng upo. “Magsisimula na,” bulong nito. Dali-dali niyang tinapos ang ginagawa at sinikap na maging focused sa aralin. Sa gitna ng ginagawa ay sumisingit ang panyo at ang mukhang iyon. Sa buong durasyon na sinagutan ang exercises ay iilang beses din siyang napapatanga. Her mind travelled back to that stranger. “Time’s up!” Si Clarisse na ang nagpasa ng sheet niya. Ni hindi nga niya namalayang nakuha na pala iyon ng kaibigan mula sa kanya. ‘Bakit ganito katindi ang kabog ng dibdib mo, Alina?’ Na-love at first sight ka na ba?’ Napailing siya. It was totally unacceptable. Ang dapat na iniisip niya ay ang pag-aaral, hindi ang lalaking ‘yon na hindi man lang niya alam ang pangalan. What happened to her was just impression formation. Masyado lang siyang nagaguwapuhan sa mamang iyon. No more, no less. Pero bakit iba ang tinatakbo ng puso niya. Deep in her heart, she hoped that one day, she would be able to meet him again. That stranger who made her heart beat so fast. Ang pinakaunang lalaking inaamin niyang nagpawindang ng kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD