2 (Paghahanda)

2044 Words
Ang malawak na bakuran ng mansion ng mga Ledesma ay napapalamutian ng mga magaganda at mamahaling dekorasyon. Imported flowers and Swarovski crystals dotted strategically all over the place. Pinaghahandaan ng husto ang okasyong magaganap mamayang gabi lamang- a princess’ homecoming. May mga kalalakihang nakauniporme ng isang catering service na abala sa paglalagay ng mga mesa at upuan. May ilan ding naglalatag ng kulay cremang table cloth sa mga lamesang naroroon. May nagset-up din ng sound system malapit sa pinaka-stage ng venue. Ang pinakanagustuhan niya sa lahat ay ang nagkikislapang mga crystals na nakasabit sa matayog na puno sa isang sulok ng bakuran. Kapag nasisinagan na ng ilaw mamayang gabi, siguradong magiging highlight ito at magri-reflect din sa tubig sa pool. Bawat okasyon naman sa bahay, her Tita Claudette never failed to impress people. Kinabukasan din o sa iilang minuto lang ay malalathala sa mga internet portals ang magarang okasyon at ang perfect hosting ni Claudette. Quite an impression she made in the upper echelon of society where the Ledesma's belong. “Everything should be perfect, Rona.” Sa gitna ng lahat ng preparasyon ay ang Tita Claudette niya. Kumukumpas ang mga kamay nito habang poised na naglalakad kasunod ang executive assistant nitong si Rona na abala sa pagta-type sa cellphone nito ng kung ano mang instructions ng aristokratang babae. “I am making sure of that, Ma’am. All details have carefully been checked and scrutinized.” Tita Claudette is quite a sight to behold. Cuarenta y nueve na ito pero ang tindig, poise at ganda ay tila walang ipinagbago sa sikat na supermodel noon. Nakasuot ito ng puting blusa at flowy slacks, simple pero elegante. Sa bawat araw naman, lagi itong maganda at nakapostura. Pagsuotin ito ng pambahay, maganda pa ring titigan. Napadako ang mga mata ni Claudette sa kanyang direksyon. Nakatayo siya sa isang sulok at namamanghang nakatitig sa kaganapan. Lihim niyang hinihintay na may iuutos si Claudette sa kanya. As usual, wala itong kangiti-ngiti sa mukha. Cold. Ganito si Claudette simula’t-sapol pa. Eye sore, ang tingin nito sa kanya at tanggap niya. “Magandang araw po, Tita,” magalang niyang bati na pinintahan pa ng ngiti ang mukha. As expected, parang hanging nilampasan lang siya nito. Napabuntunghininga siya. ‘Para namang hindi ka pa sanay, Alina.’ Pero kahit paulit-ulit siya nitong ini-snob, patuloy pa rin siyang magiging magalang dito. “Cariño brutal lang ang peg?” Napatda siya sa biglaang pagsasalita ng katulong na si Bebing sa tabi niya. Sinusundan nito ng tingin ang papalayong sina Claudette at Rona. “Alam mo namang para ka lang hangin, pinipilit mo pa rin talagang magpapapansin do’n. Papansin at epal ka rin, ano?” nakaismid nitong turan, kulang na lang yata ay duruin siya ng kaibigan. "Hayaan mo na,” sagot niyang pinagsalikop ang mga palad sa gawing harapan. Uhaw siya sa pagmamahal ng pamilya, buti na nga lang at naririyan ang mga kasambahay. Kahit paano ay naging normal ang takbo ng buhay niya. Pinipilit niyang maging masaya. Sa mga pagkakataon kasi na binibisita siya ng lungkot, ang bilin kaagad ng nanay niya ang kanyang naalala at paulit-ulit na nagri-replay sa kanyang utak. “Ikaw lang ang makabubuo ng sarili mong kaligayahan, anak. Huwag mong iasa sa ibang tao." Dati, hindi niya maunawaan kung ano ang kahulugan ng sinabi nito pero dahan-dahan niyang naintindihan. “Para kanino ang mga iyan?” baling niya sa usapan at ang mga sandwiches na dala nito ng pinagdiskitahan. “Para sa mga ‘yon, oh.” Ngumuso pa ito. Napangiti siya nang matantong nag-i-spark ang mga mata nito na nakatuon sa grupo ng mga nagsi-set up sa bakuran partikular sa lalaking nakahubad-baro at namamawis ang malapad na katawan. “Ikaw kaya ang papansin,” biro niya sa kaibigan na kapag nakakakita lang ng lalaking macho ay kaagad nitong sinasabing crush. “May kukunin pa ba sa kusina?” “Hep! Hep!” Ibinaba nito sa mesa ang tray at itinaas ang kanang palad, tanda na pinipigilan siya sa gagawin. “Huwag ka nang tumulong at baka masapawan ako. Pumasok ka na lang sa loob. Alam na dis, kapag ginawaran mo na ng mahiyain mong ngiti ang mga ‘yan, sa bangin na ako pupulutin. Tsaka, may pasok ka, ‘di ba?” "Para namang mang-aagaw ako sa 'yo." Iyon na ang pinakahuli niyang gagawin, ang mang-agaw ng kahit anong bagay na pag-aari ng iba. "Ikaw bahala. Basta nag-offer ako ng tulong ha." Naiiling na iniwan na lang niya ito kahit pa hindi niya masakyan ang sinabi nito. Nasa bungad na siya ng main door at makakasalubong niya ang ama. Baka may session sa Batasang Pambansa dahil nakasuot kasi ito ng barong. Ang tikas ng ama niya. No wonder na na-in-love ang nanay niya rito. Kasama nito ang entourage- ang assistant at ang mga bodyguards. Tumabi siya sa gilid ng pintuan upang bigyan ng daan ang mga ito. Alanganin siya kung babati sa ama. May ibang mga kasama kasi ito. Up until now, she remained the invisible piece of his father’s glamorous and decent life. Hindi nga naman kapuri-puri ang kanyang pinanggalingan. Anak siya ng prostitute na sadly ay naanakan ng isang Congressman Ledesma. Mabaho at umaalingasaw ang kanyang pinagmulan. She is the news ‘pag nagkataon. Worth the time of those critics na naghihintay lang na may maisaboy na dumi sa perpektong political career ni Congressman Ledesma. “Good morning, po,” magalang niyang bati nang huminto ang ama sa mismong tapat niya. Bahagya pa siyang yumuko. Huminto din ang mga alipores ng ama. Ibinaba nito ang phone na nakasalansan sa tenga at nilingon siya. Sa mga pagkakataong ganito, kahit papano ay umiigpaw ang puso niya. Tapunan lang siya ng kaunting pansin ng ama ay sapat na, masaya na siya. Hindi naman siya humihiling ng higit pa roon. She knew her place well enough not to meddle with their lives. Kanya-kanya sila ng buhay kahit na nga magkakasama sa iisang bahay. “May inilagay ako doon sa silid mo. Bukas kaya pumasok na ako.” Ano kaya ‘yon? Sa halip na magtanong ay nagpasalamat na lang. "Salamat po.” She is ever grateful for everything that her father has provided. Ilang sandali pang tinitigan siya ng ama, tila may nais sabihin pero nag-aalangan. Minsan, gusto na niyang isipin na gusto rin nitong makipag-bonding sa kanya. Well, she and her father, wala silang napanday na matatag na father-daughter relationship. Kahit pa kasi sabihing si Joseph ang lalaki, pero sa pamamahay na ito, si Claudette ang nagdodomina. Hinanayaan naman ng ama niya. Siguro, ganoon nito kamahal ang madrasta. But, sadly, her father was just a puppet in a show. Pamilya ni Claudette ang humubog sa karera ng ama. Ang anumang meron siya, utang nito sa mga Llamanzares, ang angkan ng madrasta. “Sir, the session starts in thirty minutes. Kakailanganin kayo sa plenaryo para sa sponsored bill ninyo. Pag hindi pa tayo umalis ay baka ma-late na tayo.” Nasundan na lang niya ng tingin ang ama. Excited siya sa kung ano ang ibinigay ng tatay niya sa kanya ngunit nang pumihit siya para pumanhik, kaagad ding napahinto nang matanaw si Claudette na nakatunghay sa kanya. Para itong reyna na nakatayo sa pinakagitna ng grand staircase. With those piercing eyes, takot niya lang. Tinanguan niya ito. Imbes na tutungo sa silid na nasa tabi ng library ay sa kusina ang naging tugpa niya. Claudette, with just a snap of her fingers, or with her simple gaze, always managed to send chills to her spine. Nakakapangilabot ang magandang impakta, ayon na rin kay Bebing na inaayunan niya naman ng lihim. “Anyare sa ‘yo, Day?” si Bebing na kapapasok din lang ng kusina at kasalukuyang inilapag ang tray sa mesa. “Para kang nakakita ng multo.” Multo nga naman talaga ang nakita niya. Maganda at malamig na multo na sa kasawiang palad, ngayon ay nasa kusina rin. Sinusuri ang kaganapan sa loob pati na ang mga nakalatag na rekados sa mesa para sa hapunan mamaya. “'Yong carbonara, Mareng, siguraduin mong malasa. Baka kapusin na naman sa white sauce. Make sure to put lots of parmessan cheese.” Tungung-tungo siya sa mesa habang nagbabalat ng carrot. Ang kawawang carrot ang napagbuntunan niya. It’s just that Claudette’s presence was too much to handle. Habang nagsasalita ito ay ‘di niya maiwasang maramdaman ang mabibigat na mga titig nito sa kanya. Pero nang tapunan niya ng tingin, ang mga rekados ang tinitingnan nito. Lumabas na rin ito pagkatapos. “Hay, salamat at lumabas ang tigre.” ‘Di maiwasang magkatawanan sila ng mga kasambahay. Natigil lang nang titigan ng masama ni Nanay Mareng si Bebing. “Alina, baka ma-late ka na sa klase mo. Sumabay ka na sa driver para hindi ka na mahirapang mag-commute. Tsaka, huwag mo nga palang kalimutan ang ipapadala ko sa anak ko, ha?” “Areglado po, Nay! Pero alam mo, Nanay, dapat mag-install na kayo ng online banking app sa phone ninyo. Mas madali ho ang pagpapadala ng pera sa pamilya ninyo po,” aniya na inilapag ang vegetable peeler sa malapad na wooden cutting board dahil natapos nang balatan ang gulay. “Eh, paano ba ‘yan? Hanggang ngayon, keypad pa rin ang cellphone na ginagamit ni Nanay,” nakabungisngis na biro ni Ate Glenda, isa sa mga katulong na ikinatawa ng lahat. “Touch screen naman na ang phone ni Nanay kaya lang, ang screen ni Nanay ay puno na amag. Wala nang makikita.” Mas nagging matunog ang tawanan sa dagdag-birong iyon ng kapapasok na gwardiya na nagsalin ng tubig sa lalagyan nito mula sa dispenser. “Kayo talaga, mamaya lasunin kayo ni Nanay,” hirit pa ni Bebing. Naiiling na lang na tinungo niya ang kinaroroonan ng bag at pinulot iyon. Humalik muna siya matanda at nagpaalam sa mga kasambahay at binagtas ang kinaroroonan ni Mang Boy na kasalukuyang tsini-tsek ang sasakyan. “Sakay na ho ako, Mang Boy, ha? Sa pinakamalapit na mall sa uni ninyo na lang ho ako idaan.” May kakailanganin siyang bilhing libro at iba pang kagamitan. Friday ngayon at dalawang subjects lang ang mayroon siya. Maaga pa kaya una niya munang bibilhin ang mga kakailanganin at pagkatapos ay maghahanap ng courier para naman sa ipapadalang pera sa Masbate. Maikli lang ang pila sa office and school supplies department kaya madali siyang natapos. Naglalakad na siyang hinalungkat ang bag at hinanap ang piraso ng box ng cornstarch na sinulatan kanina ng address ni Nanay Mareng. “Nasaan na ba ‘yon?” Nagusot ang kanyang mukha nang hindi iyon matagpuan. Inilabas niya mula sa bag ang mga gamit at binuklat-buklat ang mga libro at kwaderno hoping na makita ang hinahanap. “Nasiraan ako ng kotse. I’m afraid I couldn’t join the race or maybe, I'll be late. Besides, may lakad ako mamaya.” Sa lakas ng ingay sa paligid ay kakatwang tila nangingibabaw ang magandang tinig na iyon. Parang ang sexy lang ng dating ng boses nito. Nakakatawa at pansamantala niyang nakalimutan ang nawawalang piraso ng papel. At sexy pa talaga ang naisip niyang adjective. Muli niyang itinuon sa paghahanap ang pansin. Patuloy din siya sa paglalakad. “Nandiyan ka lang pala.” Napangiti siya nang matagpuan ang hinahanap. Naipit lang pala sa notebook niya sa accounting ngunit kukunin na sana iyon mula sa pagkakaipit nang maramdaman niya ang pagbangga ng sarili sa kung anong matigas na bagay. “Aray ko po!” Napaigik siya sa sakit nang may tumamang kung ano sa kanyang ulo. Ang kanyang mga kagamitan ay awtomatikong nagkalat sa tiles. Muntikan pa siyang mabuwal. Mabuti na lang at may maagap na mga kamay na nakapigil sa kanya. In an instant ay yumakap ang kaaya-ayang bango ng taong nakabangga niya at siyang sumagip sa kanya. His sweet and clean manly scent invaded her senses. Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha. Ang balak niya lang naman ay sabihin ritong bitiwan siya but what she had to say hang on a thin wire. She never imagined how this man rendered her speechless. Tila napipi siya ngunit ang labis na nanaig ay ang kakaibang pintig na nabubuhay sa kanyang dibdib. Just by simply looking at this stranger and her heart pounded so wildly. Ang dibdib niya ay nagtaas-baba nang hindi masawata. Breathing became difficult. Bakit naman?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD