Venus Sebastian
Mabilis na napalitan ang expression ng gwapong mukha ni Sir Ace. Mula sa pagkagulat ay biglang rumehistro ang inis sa mukha nito. Alam kong galit siya kagaya ng kahapon na nauna ko siyang nakita. Gano'n din kasi ang paraan ng pagtingin niya nang na-badtrip sa akin.
Biglang tumalim ang tingin ni Sir Ace na parang tumatagos sa akin kahit nandoon pa lang siya sa pintuan.
Mas lalo tuloy nanginig ang mga tuhod ko dahil naglakad na si Sir Ace papalapit sa akin. Yung kalabog ng dibdib ko ay parang mas malakas pa sa tunog ng yabag ni Sir Ace na habang papalapit sa akin ay mas tumatalim ang tingin.
"What are you f*cking doing in my room?" Sambit nito matapos ang ilang hakbang.
My gulay! bakit ba pasmado ang bibig ni Sir? Kahapon ay sinabihan niy akong tanga at stupid. Ngayon naman ay mukhang magsasalita na naman ng masama sa akin.
May towel doon sa bulsa ko na agad kong kinuha at pinunasan kunwari ang frame na hawak ko. Ewan ko kung nahalata niya talaga ako kanina na pinagpapantasyahan ang picture niya. Baka hindi niya naman napansin ang pagtitig ko sa picture. Not sure kung oo. Pero sana ay hindi... Dahil baka isipin pa nito na na-love at first sight ako sa matandang kagaya nito.
"S-sir, n-naglilinis lang po ako ng kwarto niyo!" agad na sabi ko bago pa siya muling magsalita. Tapos ay yumuko ako.
Hanggang sa tuluyang nakalapit sa harapan ko si Sir Ace dahil nakita ko na ang sapatos nito habang nakayuko ako. Napasinghap ako dahil sa distansiya ko mula sa kanya ay naamoy ko na ang mabango niyang katawan. 'Yung pabango na gamit niya ay hindi masangsang sa ilong. Hindi gaya sa mga classmate kong mga lalaki doon sa school kapag nilalapitan ako para pumorma ay nahihilo na ako. 'Yung sa kanya ay parang nagagayuma ako sa amoy. Maarte kasi ang ilong ko sa pabango. Ayoko ng matatapang na amoy kaya nga ang gamit ko lang ay baby cologne.
Natatakot akong ibaling sa mukha ni Sir Ace ang paningin ko at lamunin ako sa pamamagitan ng mata nito. Parang tingin pa lang kasi ng mata nito ay nakakapanghina na.
Bwisit na dibdib pa ito dahil ang lakas ng kabog. Ayaw makisama! Napatigil tuloy ako sa pagpunas sa frame at napahigpit ang hawak doon. Parang doon ako kumuha ng lakas para labanan ang nagririgodon kong dibdib dahil sa labis na kaba.
"Who gave you the permission enter my room, woman!?" Mariing tanong ni Sir Ace.
Dahilan para mahinto ako nang panandalian ang paghinga ko. Sobrang lapit niya sa akin. Parang kulang dalawang dangkal ang pagitan ng mukha namin ni Sir Ace. Tiningala ko pa siya dahil sa matangkad siya.
Tumambad na sa akin ang gwapong mukha ni Sir Ace. Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko habang pinipilit na labanan ang tingin nito. Napansin ko na ang tingin nito at naglandas na sa labi ko.
Binitawan ko ang pagkakagat sa ibabang labi kaya alam kong nagdulot iyon ng pamamasa mula sa laway ko. Nakita ko ang reaksyon ni Sir Ace... parang natigil na sa labi ko ang tingin nito.
"S-sir, d-dito po kasi ako naka-toka maglinis." Biglang sagot ko sa tanong.
Natatakot akong ituro si Ate Gladdy at baka mapagalitan ito, kaya hindi ko na lang binanggit ang pangalan niya. Doon muling binaling ni Sir Ace sa akin ang tingin.
"I dont f*cking care kung dito ka nakatoka na maglinis sa kwarto ko! Are you really stupid? Hindi ba na sinabi ko sayo na ayoko kitang makita. Matapos mo akong ipahiya kahapon? Just be thankful na pinigilan ako ng mga magulang ko na palayasin ka! Kung hindi ay sa kalsada ka pupulitin."
Napipi na ako sa sinabi ni Sir Ace. Anong pinagsasabi niya na pinahiya ko raw siya? Parang baliktad yata? Sa pagkakaalam ko ay ako ang pinahiya niya at pinaiyak pa niya pa sa harap ng mga kamag-anak.
Magsasalita pa sana ako pero bigla akong nakarinig nang pag-ring ng cellphone. Napukaw na rin ang atensyon ni sir Ace at napunta na doon sa cellphone na kinuha niya sa pants niya. Narinig ko pa ang pabulpng na mura bago sinagot ang tawag at tumalikod sa akin at lumapit sa drawer.
Humakbang ako paatras dahil malapit lang ang distansya sa akin ng drawer na katabi ng side table kung saan ko kinuha ang picture frame. Ayokong magkalapit ang mga katawan namin.
"Hello, Rose!" sambit ni sir Ace doon sa kausap niya.
'Yung tono ng boses niya ay galit pa rin. Napapaisip tuloy ako na baka na-normalize na ang pagiging masungit ng amo ko na 'to. Napansin ko pa ang pagtingin ni Sir Ace sa wristwatch niya habang tila nakikinig sa kausap sa kabilang linya.
"Just do all you can para hindi muna mainip si Mr. Robinson , or i will fire you! I'll be there within 30 minutes. Make sure na hindi siya aalis!"
Nanlaki ang mata ko sa pinaghalong gulat at takot sa naririnig sa amo. Mukhang pinapagalitan pa nito ang empleyado. I think, nagmamadali talaga si Sir Ace today. Malamang may nakalimutan lang kaya bumalik. At kung minamalas nga naman ay natyempuhan pa ako dito.
At mukhang tama nga ang hinala ko dahil pagkabukas niya ng drawer ay may kinuha siyang isang brown envelope. Padabog pa nito na isinara ang drawer at tumingin muli nang matalim sa akin.
"You're so lucky today because I'm in a hurry now. But I'm warning you. I don't want to see your face here in my room, kung hindi ay gagawa ako ng paraan para mapalayas ka sa mansyon na ito! Understood!?"
Parang nabarahan pa ang lalamunan ko bumuka ang bibig ko pero walang salitang lumabas. Tumingin pa si Sir Ace sa may bandang dibdib ko. Unconsciously pala ay nakayakap na ako sa picture frame at nakita niya pa tuloy. Sunod-sunod na tango na lang ang ginawa ko kahit labag sa loob ko. Sobrang naman manghamak ang amo ko na ito! Nakaka-degrade ng pagkatao.
Nang magtama ang tingin namin ay salubong ang kilay nito kaya inalis ko sa pagkakayakap ang picture frame.
Sakto naman na biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Donya Tasha. Mukhang nagulat rin ito dahil sa tensyon na abutan sa pagitan namin ng anak niya na.
"Ace, nakalimutan mo raw 'yung importanteng documents na ipapakita sa kliyente." sambit ni Donya Tasha na kay Sir Ace na nakatingin.
Bigla ay parang na-out of place naman ako dahil nandito ang mag-ina.
"It's here, mom. I'll make sure na makakaabot ako sa meeting!" sabi ni Sir Ace na winagayway pa ang hawak na envelope at humakbamg papalapit sa may pinto.
"Bakit kasi hindi mo na lang pinakuha sa driver mo? Para at least na na-entertain mo na si Mr. Robinson doon sa meeting place niyo." Narinig kong tanong ni Donya Tasha.
"You, know that I don't want to take a risk , mom. Lalo na at huling beses na may ka-meeting ako ay may sumabotahe sa akin. I want to personally explain and hand this document to Mr. Robinson!" Mariing sabi ni Sir Ace.
Hindi ko tuloy alam kung kikilos na ba ako at lalabas ng tuluyan dahil nandun sila sa pinto. Ayoko rin mag-excuse at baka mabaling pa sa akin muli ang pansin ng masungit na biyudo.
"Leave now bago pa magalit si Mr. Robinson. Don't disappoint us again!" Sambit ni Donya Tasha.
Yumuko na lang ako para hindi ko na makita ang mag-ina. Nagkunwari kasi ako na wala na lang naririnig.
Hindi ko na narinig na sumagot pa si Sir Ace sa sinabi ng mommy niya. Naramdaman ko na lang ang yabag niya. Tapos ang pagsara na pinto.
Nang muli akong tumingin ay nakita ko si Donya Tasya na lang ang nandito sa loob na lumapit sa akin. At least ay lumuwag na ang dibdib ko dahil wala na ang presensya ng masungit na amo. Nagkaroon pa ako ng pagkakataon na huminga na ng normal. Dahil kanina ay sobrang tense ako, at least ngayon ay nabawasan na ang panginginig ng tuhod ko.
"May nangyari ba, hija? May ginawa ba ang anak ko?"
Nagdadalawang isip ako magsisinungaling o sasabihin ang totoong nangyari na kung ano-anong masasakit na salita ang sinabi sa akin ng anak niya.
Sa huli ay naisipan kong huwag na lang magsinungaling.
"Ahm kasi po... Huwag na daw po akong maglilinis dito sa kwarto niya dahil ayaw niya po akong makikita. Pasensya na po Donya kung mainit po ang dugo sa akin ng anak niyo."
"It's okay, hija. Dont mind him. Just do what you're job requires." Sambit ni Donya Tasha na tipid na ngumiti sa akin.