Chapter 5

2564 Words
Venus Sebastian "Venus, anong nangyari!?" Kinakabahan na tanong ni Ate Gladdy matapos lumabas ni Donya Natasha dito sa kwarto ni Sir Ace. Kinatok kasi ako ni Ate Gladdy dito sa kwarto at akala siguro ay mag-isa lang ako at patapos nang maglinis ng kwarto. Hindi niya alam ay nandito rin si Donya Tasha. Pero agad rin naman na nagpaalam sa amin ang Donya matapos na magbilin na magpatuloy na lang daw muli kami sa trabaho. "Ate Gladdy!" Agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa kamay. "Si Sir Ace bumalik siya at nahuli niya ako dito sa kwarto!" "Hah? Bumalik?" Biglang namutla si Ate Gladdy. "Oo, Ate... may nakalimutan kasi siya!" Napatakip naman sa umawang na bibig si Ate Gladdy. Nanlalaki pa ang mata niya na parang hindi makapaniwala sa akin "Diyos ko! Paano 'yan at nakita ka pala dito? Galit na galit ba? Nasaan na siya? Baka pati ako pagagalitan niya?" sunod-sunod na tanong ni Ate Gladdy na parang mas kabado pa sa akin na nakatanggap ng sermon mula kay Sir Ace. "Oo, Ate. Galit na galit siya... pero nagmamadali rin kasi siya kaya wala siyang time magalit ng matagal sa akin. Tapos dumating pa bigla si Donya Natasha at pinapalis na siya kasi mukhang importante ang meeting ni Sir." Ilang saglit ay napahawak naman si Ate Gladdy sa sentido niya at mukhang biglang sumakit ang ulo. "Oh, siya sige! Hayaan na lang natin muna. Malay mo pag-uwi niya mamaya ay malimot na niya ang nangyari." Ang sabi na lang ni Ate Gladdy. Alam kong halata pa rin sa mukha ko na parang hindi pa rin ako mapalagay. Ilang sandali ay sinabi ko pa kay Ate Gladdy na baka tanggalin na ako. Siguro ay naawa siya sa akin dahil sa pag-aalala ko. Pero nang sinabi ko kay Ate Gladdy na binanggit ko kay Donya Tasha na pinagalitan ako ni Sir Ace ay ako naman ang kinampihan ng Donya ay medyo kumampante na rin siya. Kasi nga raw ay medyo ilag si Sir Ace sa mga magulang nito. Sila lang ang mga sinusunod ng masungit na lalaki na 'yun. Sigurado raw na kahit papaano ay protektahan ako ng mga magulang ni Sir Ace. Ayaw naman ng mga 'yun na may inaagrabyadong tao ang anak nila. Kahit papaano ay pinakalma na lang din ako ni Ate Gladdy sa mga binanggit niya sa akin. Pinilit ko na lang alisin si Sir Ace sa utak ko nang umagang iyon para mas makapagtrabaho ng maayos. Natapos rin naman agad ang pagliligpit ko sa kwarto ng masungit na amo. Malinis naman kasi 'yung kwarto nito. Konting punas-punas lang kahit wala naman akong makitang alikabok. Tinulungan ko rin si Ate Gladdy na maglinis doon sa kwarto ng pamangkin ni Donya Tasha na sina Sir Giovanni at Grayson. Nang pagkatapos namin na maglinis ng mga kwarto ay halos wala na rin naman akong ginawa. Nagkaroon ako ng time magpahinga at naging busy muli nang lunch time para sa pagtulong sa paghahanda ng pagkain ni Donya Natasha. Siya lang naman kasi ang naroon na naiwan dahil lahat ng mga lalaking amo namin ay nagtatrabaho. Kahit si Don Ramon ay nagpupunta pa sa opisina para mag-asikaso ng negosyo nila kahit senior citizen na. Sabagay, sa laki ba naman ng negosyo nila ay kailangan talaga nilang tutukan. Ang mga Ibañez ba naman ang nagmamay-ari ng isa sa pinakakilala at mayamang Shipping Line sa Pilipinas. At hindi lang iyon ang negosyo nila. Marami pa silang iba't ibang line of businesses. Pero yung Ibañez Shipping Corporation ay ang isa sa pinakamayamang negosyo sa Pilipinas kaya 'yon ang tinututukan nilang mag-anak. Si Don Ramon daw ay isa sa board of directors at si Sir Ace naman ang kasalukuyang CEO. Habang ang dalawang pinsan niya ay parehong officer sa kumpanya. 'Yun lang din yung mga sinabi sa akin information para raw may alam ako tungkol sa mga Ibañez. "Venus, halika na at maghain na tayo para kay Donya Tasha." Pagkayag sa akin ni ate Trish. Nasa kusina kami. Tapos ng magluto sina Lola at kami na raw ang maghain. Sumunod din naman ako agad kay Ate Trish dala ang isang tray ng fruits at dumerecho ng dining area. Nang ihahain na namin sa dining area ay bigla namang dumating si Donya Tasha na halata ang pag-aalala sa mukha niya. Bihis din ito at may dalang bag... sa tingin ko hindi siya kakain dito sa mansion dahil mukhang may lakad sa postura niya. "Venus, Trish." Sambit niya sa amin. "Iligpit niyo na lang ang mga pagkain dahil may kailangan akong puntahan." Pero hindi pa nakakaalis si Donya Tasha ay bigla namang dumating 'yung isa niyang pamangkin dito sa dining. Halatang nanggaling pa sa opisina dahil naka-business suit s'ya at may dalang attache case. "Grayson, ang aga mo yata?" tanong ni Donya Tasha. Nakita ko muna na tinapunan ako ng sulyap ni sir Grayson bago tumingin sa Tita niya. Seryoso lang naman ang mukha nito, parang mukhang badtrip nga nang pagkarating dito.. "Tita, nag-half day lang ako." "May problema ba?" Narinig kong tanong muli ni Donya Tasha habang kami ni Ate Trish ay kumikilos na para ligpitin sana ang mga pagkain. "Wala na ako sa mood magtrabaho, tita. Sinira na ni kuya Ace ang araw ko. Pinahiya niya ako sa isang investor natin. Ibinida niya na naman yung mga ideas niya at hindi man lang ako binigyan ng chance para doon sana sa proposal kong bagong project." Paliwanag sa Grayson. Narinig ko na lang ang pagbuga ng hangin ni Donya Tasha. "Hayaan mo, hijo, at kakausapin ko siya. Kumain ka na lang muna at ako ay may kailangan na puntahan." Natigil tuloy ang pagliligpit namin ni Ate Trish dahil dito pala kakain si Sir Grayson. Halata naman ang pagmamadali sa kilos ni Donya Tasha at hindi na kami nilingon pa at tuluyan nang umalis. "Sir Grayson, halika na po at kumain muna po kayo." pag-aaya ni Ate Trish. Nakita ko naman na ngumiti na si Sir Grayson. Mabilis pala siyang magpalit ng emotion dahil kanina lang ay inis na inis doon sa pinsan niyang masungit. Pero hindi siya kay Ate Trish nakatingin kundi sa akin. Nilapag muna Sir Grayson ang hawak niyang attache' case sa isa sa mga upuan at tapos ay lumapit sa akin. "Hi, I'm Grayson." nilahad nito ang kamay. Ayoko namang mapahiya ang amo ko kaya agad ko yung kinuha at nakipag handshake. Naramdaman ko pa na parang ayaw pa niyang bitawan ang kamay ko. "Venus po." tipid na sabi ko at matapos ay pinilit kong bawiin ang palad ko. "Venus... I like your name. Kasing ganda mo. Hindi pa pala tayo nagkakilala dahil sa nangyari kahapon about Kuya Ace. Pagsensyahan mo na si Kuya, ha. Siguro ay gano'n talaga kasungit kapag walang lovelife." "Salamat po, Sir." simpleng sagot ko at tapos ay ngumiti ako kay Sir Grayson. Ayoko naman kasing makipag-close dito at halatang type ako. Sa paraan pa lang ng pagtingin niya sa akin na parang hinuhubaran ako kahit maluwag ang suot ko. Ang lagkit kasi ng tingin niya. Tama sina Lola na babaero itong si Sir Grayson. Mabuti naman at hindi na rin ako kinausap ni Sir Grayson hanggang sa matapos kaming magsilbi sa kanya pero nahuhuli ko siyang madalas na tumitingin sa akin habang may nilalapag doon sa table. Kaya nang pagbalik namin ni Ate Trish sa kusina ay panay tukso niya akin na type araw ako ng binatang amo. At ng malaman ni Ate Gladdy ay naki-tukso na rin siya. Mabuti at wala doon si Lola. Ako naman ay napapailing lang sa kanilang dalawa. Kasi naman ang katulad ko ay hindi dapat tinutukso sa mayayamang kagaya ni Sir Grayson. Para naman kaming langit at lupa n'yan. At nakakahiya na malaman pa yun ni Donya Tasha at isipin na ambisyosa ako. Salamat na lang din at lumipas na rin ang araw na iyon na halos hindi na ako nagkaproblema. Kinagabihan kasi ay hindi ko naman na naingkwentro si Sir Ace. Siya lang naman ang parang tinik sa dibdib ko sa mansyon na ito. Pero nang nandun na kami sa maid's lounge bago pa man magsipagtulog sa kanya-kanyang kwarto ay nagkaroon kami ng pagkakataon na magka-chismisan at sinamantala namin dahil wala naman sina Lola at Nanay Ime na nagpapahinga na. Ayun topic na naman namin ang biyudo na masungit. Hindi pa raw kasi umuuwi at naglalasing sa bar. Narinig daw kasi ni Ate Gladdy na kausap ni Don Ramon ang anak sa phone at tungkol na naman sa pag-aasawa ang topic. Kasi naman ay 36 years old na si Sir Ace at mukhang wala na raw balak na mag-asawa muli. Kaso si Don Ramon ay gusto ng magkaroon ng apo. Kaya ayon at baka daw i-forced marriage niya na lang at hahanapan ng mapapangasawa by hook or by crook. "Kasi naman bakit pa kinukulit ni Don Ramon ang anak niyang bitter? Hindi pa nga nakaka-move on sa heartbreak kahit ilang taon na ang nakakaraan! Kaya minsan ay tayo ang napagbabalingan, eh" yamot na sabi ni Ate Trish. "Kaya nga, eh." sagot naman ni Ate Gladdy. "Maiba tayo... ikaw, Venus, ha. Ang lakas ng karisma mo. Tinatanong nga pala ni Sir Grayson kung ilang taon ka na." Nauwi naman sa panunukso ang pagcha-change topic namin. Kaya nagpaalam na lang ako sa kanila na pupunta na sa kwarto ko at matutulog. Pagdating naman sa kwarto ko naaalala ko ang pinag-uusapan namin tungkol kay Sir Ace. Kung ganun ay pinag-aasawa na pala siya ni Don Ramon. "Sino naman kayang malas na babae ang ipapakasal sa kanya?" tanong ng isip ko. *** "GOOD morning, Venus." Napakislot ako sa gulat nang marinig ang boses ni Kuya Anton. "Ahhh, Kuya Anton, ikaw pala!" "Oh, bakit parang tulala ka d'yan? Baka naman imbes na gumanda ang tubo ng mga bulaklak ay magsimatay ang mga iyan." Bigla ko naman na-realize na nalulunod na sa tubig ang mga bulaklak na dinidiligan ko. Umalis rin naman si Kuya Anton at ako ay naiwan na lang na natitigilan. Paano ba naman ako hindi matutulala papunta ako dito sa garden ay nakasalubong ko si Sir Ace... at as usual ay sinungitan na naman ako nito. Sa halos magdadalawang linggo kong pagtatrabaho dito sa mansyon... eh, hindi ko naman maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi pa ako masanay sanay sa treatment sa akin ng amo. Simula talaga nung first day ko hindi na nagbago si Sir Ace sa akin. Parang first impressions last na ang tingin niya sa akin ay tatanga-tanga ako. Madalas niya akong sigawan lalo na kung walang tao sa paligid at may utos siya sa akin. Parang nag-eenjoy ito kapag nakikita akong naiinis. Kasi 'pag nandoon si Donya Tasha, o si Don Ramon ay nagpipigil pa ito, eh. Pero kapag may utos ito at konting mali ko lang ay puro panghahamak ang naririnig ko sa bunganga ng masungit na biyudo. Walang katapusan na d*m it at f*ck f*ck f*ck ang sinasabi nito na kulang na lang ay lumipad ako sa dami ng f*ck! May mga pagkakataon rin na sumagot ako ng pabalang kay Sir Ace kapag hindi ko na kinakaya ang panghahamak nito sa akin. Minsan ay naiku-kwento ko 'yun kay Lola at sinasabi niya lang sa akin habaan ko ang pasensya ko kung gusto kong magtagal. At oo, gusto kong magtagal dahil para ito sa pag-aaral ko. Pero ewan ko ba sa tingin ko talaga ay nahumaling na ako sa isang Ace Bryan Ibañez. Kahit na lagi niya akong sinusungitan at binubulyawan may nararamdaman akong kakaiba sa kanya. Nagkaroon ako ng lihim na crush sa lalaking doble ang tanda sa akin. Kung bakit? Hindi ko rin alam. Basta ang alam ng puso ko ay crush ko ang masungit na iyon dahil laging nagririgodon ang puso ko kapag nasa malapit siya. Pero tinataga ko sa utak ko na simpleng pagkahumaling lang iyon dahil lang siguro dahil nga gwapong gwapo ako kay Sir Ace. Gwapo naman kasi talaga niya kahit may edad. Kasi naman. Hindi rin naman nasunod 'yung sinabi sa akin nila Nanay Imelda na iiwas raw nila ako kay Sir Ace para hindi ako mapag-initan. Nagsisilbi rin naman ako sa hapag kapag nar'yan ang masungit na amo Kaya ayon, nasusulyapan ko tuloy siya minsan ng palihim. Parang ang perfect kasi ng itsura ni Sir Ace para sa akin. Kaya gaya nga ng sabi nila Ate Gladdy. Marami pa daw talaga nagkakagusto sa amo namin. At kapag ako ang isa sa mga nagsisilbi ay napapansin ko si Sir Ace na nag-iiba ang timpla ng mood. "Venus, pagkatapos mo raw d'yan ay tumulong ka sa pag-set up sa may pool, ha." Nilapitan ako ni Ate Trish na mukhang galing ng pool para maglinis doon. Araw ng linggo ngayon at busy ang araw na ito dahil mamaya ay may event na magaganap. Pool birthay party ng isang pamangkin ni Donya Tasha na Sir Giovanni. Though may mga caterer naman at magiging tagasilbi mamaya kaya hindi naman sa amin ang lahat ng pagod, ay marami pa rin kaming tatrabahuhin ngayon umaga. Lalo na mamaya na after party na kami ang magliligpit. Nang matapos ako naglakad na ako papunta sa pool area ng bigla akong harangin ni Sir Grayson. "Sir Gray, may iuutos po ba kayo?" Nakangiting tanong ko. "Ah, yes. Pwede bang ipalinis 'yung kwarto ko, kahit mamaya kapag hindi ka na overloaded sa work. Pupunta kasi ang girlfriend ko mamaya sa party, eh." "Sure, sir." ngumisi pa ako na may halong panunukso. "Congrats pala Sir at sinagot ka na pala." dagdag ko pa na matamis na nginitian si Sir Grayson. "Thank you, Venus. Ikaw kasi, eh. Bawal kang liwagan. Ayan tuloy napilitan akong manligaw ng iba para kalimutan ka agad." Tinawanan ko lang si Sir Grayson sa biro nito. Kasi naman ay kahit papaano ay nakagaanan ko na ito ng loob. Nang mga unang araw ko ay sobrang naiilang ako sa kanya dahil nga obvious na type ako. Pero nang isang beses na kinausap ako nito at nagtatanong kung may boyfriend na raw ba ako ay sinabi ko na wala naman akong balak na mag-boyfriend pa hanggang hindi tapos sa pag-aaral. Parang simula no' ay dumistansya na rin siya sa pagpapa-cute sa akin. Simula noon ay medyo gumaan na rin ang loob ko na kausap si Sir Gray. Madalas sa gabi ay tumatambay ito sa garden at magpapatimpla ng kape. Ewan ko sa trip ni Sir Grayson at mahilig talaga siya magkape sa gabi. So, ayun, kapag nag-serve na ako sa kanya ng kape ay may kaunting interview sa akin kaya siguro medyo naka-close ko at nakaka-kwentuhan. "Sige na, Sir Gray at baka kailangan na ako sa pool area. Pupunta na lang ako sa kwarto niyo pagkatapos." "Okay, I'll just buy something from mall, for my girlfriend." Pagkasabi ni Sir Grayson ay nilagpasan na niya ako at doon na siya patungo sa may parking ng sasakyan niya. Ako naman ay akmang maglalakad na pero natigilan ako dahil napansin ko sa di kalayuan si Sir Ace na naniningkit ang mata na nakatingin sa akin. Nagsimula itong maglakad papalapit sa akin at habang lumalapit siya ay mas lumalakas naman ang kabog ng dibdib ko. Nang isang hakbang na lang ang pagitan namin ay doon na nanikip ang dibdib ko habang hindi tinatanggal ang eye contact sa mata ng gwapong lalaki. "I knew it... bukod sa pagtitimpla ng kape gabi-gabi ay nakikipagbiruan ka na rin sa pinsan ko? What's next, miss golddigger?" "S-sir?" Nagpintig ang tainga ko sa narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD