Chapter 3

2610 Words
Venus Sebastian “S-sir, bakit po. May problema po ba sa timpla ko—” “D*mn it!” Agad na pinutol ni Sir Ace ang sinasabi ko. Nanginig ang tuhod ko sa takot. “And you’re really going to ask that foolish question to me?! Tanga ka ba? Ibubuga ko ba ‘yan kung lasang kape ang tinimpla mo?—" Bigla ay parang nanggilid na ang mga luha ko. Nabigla ako sa narinig at napahiya ako na sa harap pa ng Lola ko ay pinapagalitan ako. “Kuya Ace, ‘wag mo namang bastusin ang babae.” Napatingin ako do’n sa nagsalita. Yung lalaking katabi ni Sir Ace na kanina pa ako nililingon ‘yon. Nilingon naman ni Sir Ace ‘yun lalaki at doon ko kinuha ang pagkakataon na tumingin kay Lola na papalapit pala sa akin. “Sir Ace, pagpasensyahan niyo na po ang apo ko!” Biglang singit ni Lola. Tinabihan ako ni Lola at naramdaman ko ang paghagod niya sa likod ko. ‘Yun pa yata ang dahilan na biglang tumulo ang luha ko. Nakita ko pa ang mukha ni Sir Ace na natigilan nang nagtama ang tingin namin at nakita na ang luha sa mata ko. Parang nagulat pa ito. Pero sinubsob ko na ang mukha ko sa dibdib ni Lola at umiyak. “Lola…” Hikbi ko. Tapos ay niyapos ko si Lola. Mas naramdaman ko pa ang hagod sa likod ko. Nakakainis na mababaw ang luha ko. Ayoko sanang umiyak. Pero hindi ako sanay ng napapahiya sa harap ng maraming tao. Sinabihan niya pa akong tanga. Nakakapangliit. Ganito 'yung napapanood ko minsan na mayayaman na nang-aapi ng mga mahihirap. Narinig ko na lang ang paggalaw ng mga upuan. Parang may mga tumayo at hindi ko alam kung sino-sino ‘yon. “Ace, bakit pati bata ay pinapaiyak mo!?” Tinig ni Donya Tasha na bakas ang galit sa boses nito. “Ace, please lang ‘wag mong sigawan ang bata! Lisa, ilayo mo na ang apo mo.” Narinig kong sabi ni Don Ramon. “H-halika na apo.” Natatarantang sabi ni Lola. “P-pasensya na po Sir Ace. Hindi na po mauulit! Patawarin niyo po siya.” Mas lalo akong nanliit dahil naririnig ko si Lola na nagmamakaawa. Nanliliit ako sa sarili ko. “Talagang hindi na mauulit, Nanay Lisa. I don’t wanna see her face. Ever again!” Ramdam ko ang galit sa boses ni Sir Ace. “Ace!” Narinig kong sambit muli ni Don Ramon. Nanahimik naman si Sir Ace habang hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil nagmamadali na akong inilayo ni Lola sa dining area at dinala sa kusina. “Diyos ko! Ano ka bang bata ka!” Niyakap ako ni Lola pagkarating namin ng kusina. “Okay ka lang ba?” “Lola… I’m sorry po… Tatanggalin na po ba ako? Mawawalan na po ba ako ng trabaho?” Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko. “Naku, hija. Paano ba ito? ‘Wag ka munang umiyak. Uminom ka ng tubig!” Nakita kong problemado na siya nang pumunta sa may ref habang naiwan akong nakatayo. Pinunasan ko ang luha ko. Nakakainis. Pinag-uusapan na siguro ako ng mga amo sa labas. Nakakahiyang sinigaw-sigawan lang ako. Bigla naman na pumasok si Ate Gladdy sa kusina. “Venus! Anong nangyari?” Natataranta siyang lumapit sa akin. “Ate Gladdy. Nagalit si Sir sa tinimpla kong kape.” Pinigil ko na ang mapa-iyak muli. “Ha? Bakit naman. Ano ba ang nilagay mo?” Bigla naman na dating ni Nanay Ime sa kusina na may dalang tasa. “Naku, Venus asin yata ang nailagay mo dito sa kape!” Problemado na sabi rin rin ni Nanay Ime. Nang makarating si Nanay Ime ay kinuha ko ang tasa ng kape. Kahit tinikman na iyon ni Sir Ace at ni Nanay Ime ay tinikman ko pa rin kung ano ang lasa at masuka suka ako nang malaman kung bakit nagalit si Sir Ace. Nagkagulo kami sa kusina. Doon ko nalaman na mali nga ang nailagay ko. Kasalanan ko dahil sobrang nataranta ako kanina. Sobrang nahihiya ako sa lahat ng mga kasama ko at pati sila ay napahamak. Kasi nasabihan ni Nanay Ime si Ate Gladdy at Ate Trish kung bakit hindi nalagyan ng label ang lalagyan ng asukal. Dati naman daw ay meron ‘iyon. Iyon pla ay nilinis iyon ni Ate Trish at kapapalit lang ng lalagyan. Sobrang natangahan lang din ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang napansin ang texture ng asukal o asin. Siguro nga dahil nagmamadali na ako kanina at labis na nataranta. Imbes na magtatrabaho pa sana ay pinabalik na ako ni Lola sa kwarto ko. Maghintay na lang daw ako kung ano ang mangyayari. Lalo na at galit na galit si Sir Ace at gusto raw akong tanggalin. Na-late pa nga raw ng alis papuntang trabaho dahil kinausap ng mga magulang. Mas lalo tuloy akong natakot dahil mukhang matutuloy ang pagkasibak ko sa trabaho. Inutusan ako ni Lola na matulog para makabawi sa puyat ko. Nang makarating sa kwarto ay nahiga na lang ako sa kama. Hindi ko na nagawang maiyak dahil napagod na rin akong laging iniyakan ang mga problema ko. Nakakapanlumo na isipin na isang araw lang ang itatagal ko dito sa mansion. Ngayon pa lang ay hindi ko na alam ang susunod kong hakbang dahil kapag bumalik ako kay Nanay ay hindi naman ako nito pag-aaralin. Iniisip ko tuloy kung saan ako pwedeng mag-apply na tatanggapin ako kahit hindi pa ako tapos mag-aral. Mag-working student na lang ako kahit alam kong mahirap. Hindi rin ako makatulog dahil hanggang ngayon ay hindi pa nawala sa akin ang itsura ni Sir Ace. Sobrang gwapo niya pero masungit. Hanggang sa lumipas ang ilang oras bago mananghalian ay bigla akong kinatok ni Lola. “Apo, okay ka lang ba?” bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha ni Lola. Pero hindi na kagaya ng kanina. “O-okay naman po… kaso sobrang nag-aalala ako kasi baka po pati kayo mapaalis dito sa mansion.” Ngumiti naman si Lola kahit paano at nilapitan ako. Umupo siya sa may dulo ng kama at hinawakan ako sa balikat. “Good news, apo. Hindi ka nila tatanggalin dito. Mabuti at mabait si Don Ramon. Pati si Donya Tasha ay sinabihan ang anak nila na hindi ka tatanggalin. Patawarin ka na lang daw dahil first time mo naman, eh.” Bigla naman akong nabuhayan ng loob sa narinig kay Lola. “Talaga po, La!?” “Oo, apo… kaso simula ngayon. Mas kailangan mong mag-ingat, ha. ‘Wag ka nang lalapit doon kay Sir Ace dahil pag-iinitan ka na no’n. ‘Wag kang mag-alala. Kinausap na ako ni Ate Ime... ipapa-iwas ka na lang daw kay Sir Ace para hindi mo na sya masyadong nakikita dito sa bahay. Tutal naman at sa umaga at gabi lang siya nandito. Tapos weekdend ay minsan ay umaalis siya. Hindi naman siguro kayo madalas magkikita. At kung makita mo siya ay umiwas ka na lang.” Mahabang paalala ni Lola. Puro tango na lang ang ginawa ko at sinigurado sa sarili na susundin ang mga payo ni Lola. Sumunod na ako kay Lola dahil inaya na rin niya akong kumain. Nang dumating ako sa kusina ay nakahanda na ang lahat ng pagkain. Nakita ko sina Ate Gladdy at Ate Trish at nag-sorry agad ako sa nangyaring gulo kaninang umaga. Hindi naman sila galit sa akin kaya medyo gumaan ng loob ko. Actually wala namang nagalit sa akin kahit sino sa kanila. Naawa pa nga sila sa akin dahil nasigawan ako ni Sir Ace. "Ayan, na-sampolan ka tuloy, Venus. Siguradong pag-iinitan ka na no'n!" Sambit ni Ate Gladdy habang kumakain. Hindi naman ako nakasagot. Ayoko na sanang maalala ang bad experience ko sa lalaking iyon. "Pero, ano masasabi mo, Venus? Ang gwapo ni Sir Ace, noh? Ang hot kahit may edad na? Parang ang sarap i-jowa kahit masungit." Kinikilig na sabi naman ni Ate Trish. "Kayong dalawa, puro jowa ang tinuturo niyo sa apo ko, ha. Bata pa 'yan at magtatapos ng pag-aaral bago mag-boyfriend!" Bigla naman na singit ni Lola Lisa. "Naku, hindi pa ba nagkaka-boyfriend 'yan, Lisa?" Biglang singit naman ni Nanay Ime na biglang pumasok sa kusina. "Ang gandang bata n'yan, ah. Sigurado ay ligawin doon 'yan sa school nila. Pati nga si Sir Grayson ay tinanong sa akin ang pangalan. Nabighani pa 'yata!" Ngumiti na lang ako kay Nanay Ime. Pakiramdam ko ay namumula na ako sa panunukso nila at nahihiya pa akong naririnig ni Lola. "Naku, 'wag ka masyado makipag-usap do'n kay Sir Grayson, ha. Babaero 'yun! Ilang babae na nga ang dinala dito sa mansyon." Singit naman ni Ate Gladdy. Napilitan na lang akong tumango kahit hindi ko kilala kung sino doon si Sir Grayson sa mga nakaupong lalaki kanina. Mabuti na lang at inaya na ni Nanay Ime si Lola Lisa at may gagawin yata sila sa may sala. Naiilang kasi ako na pinag-uusapan namin ang mga lalaki sa harap ng dalwang matanda. "A-ahm, bakit kasi ang sungit ni Sir Ace? Paano naman s'ya makakapag-asawa uli kung gano'n ang treatment niya sa mga babae?" Nakanguso na tanong ko sa dalawa. Kahit ayoko nang maalala ang existence ni Sir Ace sa Earth ay hindi ko maiwasan na ma-curious sa lalaki. Tumingin muna si Ate Trish sa pinto kung meron bang paparating bago ako sinagot. "Bitter kasi si Sir Ace sa hiwalayan nila ng asawa niya. Hindi na 'yun mag-aasawa!" Halos pabulong na sabi ni Ate Trish pero sapat na para marinig ko. Kumunot ang noo ko. "Akala ko ba ay namatay ang asawa ni Sir Ace?" Kasi ayon sa pagkakasabi sa akin ni Nanay Ime ay namatay ang asawa ni Sir Ace. "Oo. Namatay." singit naman ni Gladdy na halos pabulong rin ang pagkakasabi at halos hindi ko naman narinig. "Namatay kinabukasan na nakipag-hiwalay si Sir Ace. Pero bawal pag-usapan ang tungkol sa buhay ng mga Ibañez. Kaya shut-up na lang tayo. At 'wag mong sasabihin kay Nanay Ime na sinabi namin sa'yo, ha. Kasi may isang kasambahay na pinalayas dati si sir Ace nang malaman na pinag-uusapan namin siya. Halos pati kaming dalawa ni Trish ay matanggal na!" Tumango na lang ako at hindi na nagtanong kahit lalo akong na-curious. Tinuloy na lang namin ang pagkain. Pagkatapos kumain ay ako na lang ang naghugas ng pinggan. Hindi na rin ako pinaglalaw ng mga kasamahan ko at pinapunta ako ni Lola sa kwarto ko para daw magpahinga at tanggalin ang sama ng loob ko. Kinahapunan ay tumulong din ako sa gawaing bahay. Hanggang sa malapit ng mag-gabi at isa-isa ng uuwi ang mga amo namin. Pinag-stay ako ni Lola sa kusina. Bawal daw akong lumabas at baka may makakita sa akin ng isang Ibañez lalo na si Sir Ace at pag-initan ako. Sumunod naman ako kay lola. Pero 'yun lang nahihiya ako at parang special treatment ang ginagawa sa akin. At natapos na nga ang araw na iyon at mabuti ay hindi ko na naka-enkwentro si Sir Ace. Kinagabihan pa ay tila tumatak na sa isip ko ang itsura ni Sir Ace. Pinilit kong makatulog ng maaga kahit medyo hirap dahil nga naiisip ko pa rin ang bad experience ko sa amo. Nang makatulog pa nga ako ay napanaginipan ko pa si Sir, kakaiba pa ang t***k ng puso ko nang bumangon ako sa isipin na hanggang panaginip ay naroon ang lalaki. Kinabukasan ay maaga uli akong nagising. Alas kwarto ng umaga uli. At least medyo nabawi ko ang puyat ko. Kahit paano ay mas maaga akong nakatulog kesa kahapon. Iba ang mga pinagawa sa akin. Imbes na samahan si Ate Trish sa garden at pool area at pinag-stay ako dito sa kusina para tumulong sa paghahanda ng agahan. Pinaghiwa ng prutas at gulay. Pinaghugas ng pinggan. Tapos tinuruan na rin ako sa paggamit ng mga appliances na hindi ko alam i-operate. Pati ang mga condiments kung saan nakalagay ay sinabi na sa akin para hindi na raw ako magkakamali. Okay naman ang naging takbo ng umaga ko. Magkakasabay pa kami kumain. Hanggang sa oras na nga ng almusal ng mga Ibañez. Naging busy na rin ang mga kasamahan ko. Ilang minuto rin ang nakalipas ay natapos ang agahan ng mag-anak. Umalis na raw ang sina Sir Ace at ang dalawa niyang pinsan Bumalik na sa kusina sina Ate Trish at Ate Gladdy at tumulong ako sa paglilinis sa kusina. "Pagkatapos nito, Venus, samahan mo kami sa taas para maglinis sa mga kwarto ng amo natin, ha?" Kayag naman sa akin ni Ate Gaddy. Matapos namin sa kusina ay umakyat na rin kami sa second floor ng mansyon kung nasaan ang mga kwarto ng amo namin. "Venus, tutal wala naman si Sir Ace. Dito ka na lang maglinis sa kwarto niya. Tig-isa kami ni Gladdy sa room ni Sir Giovanni at Grayson." sambit ni Ate Trish. "Sige, Ate Trish, walang problema." Nakangiting sambit ko. Hindi ko naman alam kung bakit parang na-excite pa ako na pasukin ang kwarto ni Sir Ace. Umalis na si Ate Glady at Ate Trish sa harap ko at nagpunta na sila sa magkatapat na pinto. Pagkapasok nila sa kanya kanyang room ay ako naman ay hinawakan ko ang doorknob ng pinto ni Sir Ace. Marahang pagbukas lang ang ginawa ko at ng makapasok sa loob ay humanga ako sa pagiging elegante ng kwarto ng lalaki. Wow! ganito pala talaga ang kwarto ng mga mayayaman. Parang sa TV ko lang nakikita ang ganitong kabongga na kwarto. Nilibot ko ang tingin habang nakaawang ang labi. Lahat ng appliances ni Sir Ace rito ay halatang mamahalin mula sa TV na parang nasa 60 or 65 inches. Parang may sariling entertainment room dito. Sa tingin ko ay mahilig na manood ng movie ang amo dahil sa laki ng TV nito. Maaliwalas ang kwarto na kulay cream ang dingding. Ang sarap lang sa mata. Kung magkaka-kwarto rin kasi ako ay ganitong kulay ang gusto ko. Lumapit na ako sa kama ni Sir Ace na parang kasya ang limang tao sa laki. Hindi ko alam kung anong klaseng sukat iyon... parang doble ng king size ang lapad ng kama niya. Siguro ay takot sa masikip ang lalaking iyon? Sa isip-isip ko. Kasi wala naman siyang asawa pero ang laki ng kama. Napukaw ang atensyon ko nang tumingin ako sa side table. May nakita akong picture frame. Lumapit ako at kinuha ang picture frame. Parang napigil ko naman ang paghinga nang makita ang picture ni Sir Ace. Parang medyo bago lang ang picture na yun dahil hindi naman nagbago ang tingin ko doon sa picture versus nang nakita ko siya kahapon. Nakasuot siya doon ng polo shirt at parang nasa late twenties ang itsura niya doon. Wow! Ang gwapo talaga ni Sir Ace. Mas lalo tuloy tumatak sa akin ang mukha niya simula pa kahapon na nakita ko siya. Well, sa edad ko na ito ay hindi ko rin naman naiiwasan ang nagkakaroon ako ng crushes. At sa tingin ko ay isa na si Sir Ace sa lalaking unang kita ko pa lang ay crush ko na yata. Pero alam ko naman ang limitation ko. Pag crush. Crush lang. Pero mukhang 'face value' lang nito ang crush ko dahil sa gaspang naman ng ugali ng amo. Hindi ko na namalayan na hinahaplos ko na pala ang picture frame habang napapangiti at kakaiba ang t***k ng puso. Nang bigla kong naramdaman ang mabilis na pagbukas ng pinto. Huli na para hindi makita ang kilos ko dahil nakita ko ang mukha ni Sir Ace na biglang nagulat na nadatnan ako dito sa loob ng kwarto niya. "My gosh!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD