Chapter 2

2427 Words
Venus Sebastian “Good morning, apo. Maayos naman ba ang tulog mo?” Tanong ni Lola na nabungaran ko pagkabukas ng pinto. Mabuti na lang at nauliningan ko pa ang ang katok ni Lola. Sobrang antok ko pa kasi. “Medyo late na po ako nakatulog, La. Namahay po kasi ako. Sobrang lamig din po, kahit hininaan ko ang aircon. Hindi ako sanay. Parang pumapasok sa katawan ko ang lamig.” Kinukuskos ko pa ang mata habang sinasabi iyon. “Hayaan mo, hija. Kapag sahod mo ay bumili ka na ng mga kailangan mo dito, bumili ka ng mga pajama mo para balot ang legs mo. Halatang puyat ka. Anong oras ka na ba nakatulog?” “Eh, lagpas na po yata ng alas dose ‘yun, La, eh.” “Ay sus! Ikaw na bata ka. Bumawi ka na lang ng tulog mo mamaya kapag hindi na masyadong marami ang trabaho. No choice kailangan maaga bumangon dito.” Tumango ako kay Lola. “Opo, La.” “Oh, siya sige. Mag-ayos ka na at sumunod na sa kusina, ha. Para makatulong ka na doon. Mamaya ka na lang bumawi ng pahinga kapag wala na masyadong gawain. Kailangan mo munang magpakitang gilas dahil bago ka pa lang… hindi bale at kapag nakapasok na sila Don Ramon sa trabaho ay halos wala na tayong gagawin dahil si Donya Tasha ay aalis daw mamaya. ‘Yun ang sinabi sa akin ni Ate Ime kagabi.” Iniwan na ako ni Lola pagkatapos magbilin kung saan ako pupunta at ano ang gagawin ko pagkabihis ko. Mabilis ang kilos kong naligo at nagbihis. Umikot pa ako sa harap ng salamin para pasadahan ang suot kong simpleng navy blue dress na lagpas tuhod na binigay sa akin ni Gladdy kahapon. Wala naman kasi kaming uniform ng maid pero pinagbawalan kami na magsuot ng mga sexy na damit sa oras ng trabaho. Bawal daw ang shorts, spaghetti or mga tank top. Kung gusto daw namin magsuot ng ganon ay sa gabi na lang or during day-off pero bawal ang pagala-gala sa mansion na sobrang sexy ang suot dahil halos lalaki ang mga amo namin dito sa mansion. Pinusod ko ang buhok ko na lagpas balikat. Bawal din ang nakalugay ang buhok during working hours. Kahapon kasi ay nag-briefing na si Nanay Ime sa akin ng mga bawal at pwedeng gawin dito sa mansion. Pareho lang kami nila Gladdy at Trish na parang general ang trabaho dito. Tagalinis, tulong sa kusina, laba. Si Lola ko ay in-charge naman sa kusina. Tapos 'yung nagbukas ng pinto kahapon na si Anton ang boy dito sa mansion. May 4 na driver rin na empleyado. Kinabisado ko na rin ang mga pangalan ng amo namin. Si Don Ramon at Donya Natasha na may isang anak, 'yung Sir Ace ang pangalan. Tapos 'yung dalawang pamangkin ni Donya Tasha na sina Giovanni at Grayson. Hindi ko pa sila nakikita dahil ginabi na sila ng uwi kahapon at ako naman ay pinagkulong na lang ni Lola sa kwarto ko dahil ngayong araw pa lang naman ang simula ng trabaho ko. So, ayun sila-sila lang ang mga amo namin na nandito as per Nanay Ime. Medyo tahimik lang daw sa mansyon na ito dahil wala pa ngang bata. 'Yung Sir Ace daw kasi ay biyudo at ilang taon na nang namatay ang asawa. Hindi naman nagkaroon ng anak. May mga itatanong pa nga sana ako about sa pamilya Ibañez, pero sinabihan na ako ni Nanay Ime na ayaw ng mga Ibañez ang mga tsismosa at pinag-uusapan ang buhay nila kaya 'wag na raw ako matanong. Na-curious lang naman ako actually dahil kahapon nga ay puro pananakot sa akin si Ate Trish at Ate Gladdy na masungit daw 'yung Sir Ace. Naglagay na lang ako ng powder sa mukha at tuluyan ng lumabas. Magkakape na lang siguro ako para mabuhayan ng dugo dahil ramdam ko na ang pagod agad kahit hindi pa ako nag-uumpisa. Dumerecho ako sa kusina at doon ay nadatnan ko na nga sina Lola, Ate Trish at Ate Gladdy na nagkakape. "Good morning, Venus," si Ate Gladdy ang unang bumati sa akin at ngumiti sa akin si Ate Trish. "Halika, breakfast na at mapapasabak ka na sa trabaho." Umupo naman ako sa table at nag-breakfast na. Si Lola na ang naghanda ng breakfast ko. Sandwich at juice ang binigay niya sa akin na ininom ko na lang dahil sayang naman ang effort niya. "Mamaya, Venus ay kumain ka na lang ng heavy breakfast kapag medy nagutom ka," sabi n Lola. Napansin ko ang mabilisan na kilos ng mga kasamahan ko kaya nagmadali na rin akong kumain. Ako na ang pinaghugas nila ng pinagkainan at matapos ay sinama ako ni Ate Trish para mag-ayos at maglinis ng kalat sa mansyon. Si Ate Gladdy naman ay katulong ni Lola sa paghahanda ng agahan. Alas singko na ng umaga iyon. Nagwalis ako, kahit parang wala naman kalat, nagtanggal ng alikabok, nagpunas ng kung ano-ano, vase etc. Sinamahan ko rin si Trish at doon kami naglinis sa bandang garden. "Hi, Venus. Good morning." Bati pa sa akin ni Anton nang nakita namin sa may garden area. Nagtatabas siya ng damo. "Good morning, Kuya Anton." Ganting bati ko sa binata. Bigla naman na parang nadismaya ang lalaki. "Now you know, Anton. Na-kuya zone ka. Bawal daw ligawan itong si Venus sabi ni Nanay Lisa. Pagtatapusin niya muna raw ng pag-aaral." Tukso naman ni Ate Trish sa lalaki. Nakita ko na lang na napakamot sa ulo si Kuya Anton at umiling. "Ikaw talaga, Trish... mapang-asar ka. Nag-gu-good morning lang ang tao eh." "Ay sus, ikaw pa ba, Anton? Type mo si Venus eh. Ang ganda niya 'di ba? Kaso ang tanda mo na para sa kanya noh, teen-ager pa lang ito." Ngumisi na lang ako sa dalawang nag-aasaran. Ilang sandali lang ay nag-seryoso naman na sila ng trabaho. Nagdilig lang kami ni Ate Trish ng mga halaman. Maliwanag na at sa tingin ko ay mahigit isang oras na in kaming kumikilos. Kahit papaano ay nawala na ang antok na nararamdaman ko. "Venus, halika na at doon tayo sa may pool area. After no'n pwede na tayong pumasok sa loob. Pahinga muna sandali at kapag naka-alis na sila Sir Ace papasok ng trabaho ay maglilinis naman tayo ng mga kwarto ng amo natin,. "Sige Ate Trish." Sumunod naman ako agad doon sa may swimming pool area. Tinulungan ko si Ate Trish na magtanggal ng mga tuyong dahon na nilipad ng hangin papunta doon sa pool. "Isa itong pool ang lagi natin na i-check, Venus. Mahilig kasing mag-swimming 'yung dalawang pamangkin ni Donya Tasha. Pati na rin si Sir Ace, na sa tuwing gabi naman dahil ayaw nito ng pinapakita ang katawan niya. Kaya ayaw ni Donya Tasha na marumi ang pool." Sambit naman ni Ate Trish habang seryoso sa pagtatsnggal ng ga dahon. Ilang minuto lang naman kami nagtagal doon sa pool at umalis na kami. Bumalik kami sa kusina at nakita pa namin si Ate Gladdy habang naglalabas ng breakfast ng pamilya Ibañez dahil magsisimula na raw ang breakfast nila. Mukhang aligaga na sila dahil pati si Lola ay papalabas na rin at halos hindi na ako pinansin. "Venus, antabay ka lang saglit dito at baka may biglang iutos o kaylanganin, ha. Ihanda ko lang ang mga panglinis natin ng kwarto mamaya." Paalam ni Ate Trish na iniwan ako nang tuluyan mag-isa. Ako naman ay inabala muna ng libot ng tingin ang kusina. Medyo makalat pa. Tambak ng hugasin ang lababo. Narito pa sa mesa ang mga condiments na ginamit sa pagluluto ng agahan. Pati mga prutas at juicer at pang-timpla ng kape. Nang makita ko ang ang pinaglalagyan ng coffee ay inisip ko muna na magtimpla ng kape para hindi ako antukin agad. Kasi kanina ay ang juice na tinimpla lang ni Lola ang ininom ko at baka antukin naman ako mayamaya kapag naglilinis na ng kwarto nila Sir Ace. Kumuha na ako ng tasa at ininit ang tubig sa electric kettle. Nilagyan ko na ng mainit na tubig ang tasa at ng black coffee matapos. "Venus, mabuti at nariyan ka," "Nanay Ime, kayo po pala—" "Sakto, hija... Nagtitimpla ka na ng kape. Pwede ba na iyan na lang ang kay Sir Ace at magtimpla ka na lang mamaya?" Akmang maglalagay sana ako ng creamer ay pinigilan pa ako ni Nanay Ime. "Lagyan mo na lang ng asukal, hija. Isang kutsara lang. Black coffee ang gusto no'n. Ikaw na ang magdala sa dining ha para makita ka rin nila at makilala.. Medyo nagmamadai yata si Sir Ace at kailangan niya raw magkapagkape dahil puyat. Kadadating niya lang din kasi doon sa dining kaya hindi pa natimplahan ng kape." Pagkasabi ni Nanay Ime ay agad akong iniwan na mag-isa sa kusina. Bigla tuloy akong nataranta dahil mukhang aligaga sila. Tipong mapapagalitan ako kapag nagbagal ako. Lalo na at bilin nila Lola na masungit yung sir Ace Hindi naman ako magkandaugaga na kinuha na lang ang lalagyan ng asukal at naglagay ng isang kutsara sabay halo sa kape. Kumuha ako ng platito at doon nilagay ang tasa. Pinagpag ko ang damit ko kung marumi ba. Inayos ko pa at hinawakan ang mukha ko at tiningnan kung oily na ba. Bigla tuloy akong napapasabak nito. Ang aga pa naman at feeling ko ay haggard na ako dahil sa dami ng ginawa ko pero no choice at kailangan kong mag-serve na. Umalis agad ako sa kusina dala ang tasa at nagtungo sa dining. Papunta roon ay nakasalubong ko pa si Ate Gladdy na pabalik naman ng kusina. Nag-offer pa siya na siya na ang magdala pero tumanggi ako dahil sa akin inutos ni Nanay Ime. Nabungaran ko si Lola na naroon inaayos pa sa hapag ang ibang pagkain. Pati si Nanay Ime ay naroon din sa dining area. Kinabahan ako nang makita ko ang pamilya Ibañez. Nasa gitna ng pang-sampuan na eleganteng dining table ang sa tingin ko na si Don Ramon. Bigla muna akong napahinto ng paglalakad at ilang hakbang pa ako bago makarating ng mesa nila. Hindi ko alam kung nasaan don si Sir Ace. Napatingin agad sa akin si Don Ramon nang mapansin akong papalapit. Ngumiti agad ako sa kanya ng tipid. Binaling ko ang tigin sa nasa kabila nitong babae na sa tingin ko ay yung Donya Tasha. May edad na pero bakas pa rin ang ganda sa mukha niya. Pero mukhang seryoso siya nang magtama ang mata namin. Ngumiti ako sa kanya at tipid lang ako nitong nginitian na hindi umabot sa mata nito. Katabi ni Donya Tasha ang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa late twenties na. Nakasuot ito ng business suit. May itsura ang lalaki at natigilan din nang nakita ako. May dalawa naman lalaki na nasa tapat ni Donya Tasha at nung lalaki. Likod ko ang nasisilayan nila kaya hindi ko pa makita ang mukha nila. "Siya ba ang bago?" Biglang tanong ni Donya Tasha. "Opo, Donya Tasha." Si Nanay Ime ang sumagot. "Batang bata, ah." Biglang napalingon sa akin 'yung isang lalaki na nasa tapat no'ng lalaking nasa late twenties. Nang binaling ko ang mukha doon sa lumingon ay medyo hawig nong nasa tapat niya. So I assume na sila ang magkapatid na pamangkin ni Donya Tasha, yung Giovanni at Grayson. 'Yung lalaking lumingon sa akin at natigilan pa. Nagtama ang mata namin at nakita kong umawang pa ang labi nito. May itsura siya. In fairness. Mukhang ilang taon lang ang tanda sa akin. Feeling ko na nasa 22 or 23 years old lang siya. So ibig sabihin, yung nasa tapat ni Donya Tasha si Sir Ace. Tumuloy ako ng lakad at na-tense na. Sa gilid ng mata ko ay parang nakalingon pa rin sa akin yung isang lalaki na hindi ko na binigyan ng pansin. "Please, dito mo ilagay kay Sir Ace," biglang turo ni Nanay Ime. At tama ako na doon nga sa tapat nga ni Donya Tasha at nasa gilid ni Don Ramon. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang papalapit na doon sa lalaki. Malapad ang likod nito at sa tingin ko at matangkad na tao kahit na kaupo siya. Mula dito ay halata ang tikas nito. Hanggang sa makarating na ako sa may gilid ni Sir Ace. "My God!" sigaw agad ng isip ko nang makita ng side view ang lalaki. Kita ko agad ang matangos nitong ilong at chiseled jawline. Napalunok agad ako. "H-here's your coffee, Sir Ace." Mahinang sambit ko. Pinilit kong kumalma, pero hindi ko maintindihan kung bakit parang nag-iba ang t***k ng puso ko. Siguro dahil ay kabado na agad akong pumalpak dahil takot agad ako. Pero mas natigilan ako nang lumingon sa akin si Sir Ace nang maibaba ko sa table na ang coffee nito. "Sh*t! Ang gwapo ni, Sir." Agad nagtama ang mata namin at natigilan ako nang makita ito nang malapitan at nakaharap sa akin. Madilim ang mata nitong nakatingin sa akin. Seryoso ang mukha. Pero sobrang gwapo nito kahit na biglang kumunot ang noo nito sa akin. Napatingin ako sa mapula nitong labi at napaawang ang bibig ko. Hindi ko na namamalayan ang paligid at namagneto na ang mata ko sa lalaki kasabay ng lalong tuminding t***k ng puso ko. Nang binalik ko ang tingin sa brown na mata ni Sir Ace ay doon siya nakatingin sa labi ko. Mas dinaga tuloy ang dibdib ko. "What's your name, hija?" Bigla akong napakislot sa tanong ni Don Ramon. Umayos ako bigla ng tayo at tumingin kay Don Ramon. Bigla akong na-tense dahil pakiramdam ko ay lahat ng mata ay nakatingin sa akin. "Venus, po, Sir." tipid na sabi ko at sa gilid ng mata k0 ay parang tinanggal na ni Sir Ace ang tingin sa akin. "Welcome to Ibañez mansion, hija." Nakangiting sabi sa akin ng Don. "Salamat po, Don Ra—" "What the hell!" Bigla akong nagulat sa sigaw ni Sir Ace sa tabi ko. Pero agad na kaba ang naramdaman ko dahil binuga ni Sir Ace ang kape na hinigop na nito. Biglang tumingin sa akin si Sir Ace. Sobrang talim ng tingin nito sabay padabog na tumayo sa silya nito. Bigla ay parang nanliliit ako sa sarili ko nang nakaharap na ito sa akin. Ang tangkad niya na sa tingin ko na nasa 5'11 or 6 feet ang tangkad kaya nakatingala na ako sa kanya sa height kong 5'3. "Are you the stupid one who made my coffee?!" Dumagundong na tanong sa akin ni Sir Ace na parang gusto na akong kainin ng buhay sa nakikita kong galit sa mukha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD