Chapter 1

2398 Words
Venus Sebastian "Hoy! Venus, apo, halika ka ngang bata ka!" Bigla akong napakislot nang hinila ako ni Lola sa braso dahil natigilan ako sa bahay na hinintuan namin. Iron fence ang gate ng mansion na pinuntahan namin kaya kita sa loob kung gaano ka-engrande ang bahay na naroon. Hindi pala bahay ang pinagmamasdan ko kung hindi isang mala-palasyo na mansyon. Natuod kasi ako sa kinatatayuan ko matapos mag-doorbell ni Lola. Natulala na lang ako sa ganda ng tanawin. "Lola, talagang dito po ba ako titira simula ngayon?" tanong ko kay Lola na hindi ko na pinagkaabalahang tingnan man lang habang nagsasalita dahil namagneto na ang mata ko sa mansion. "Venus, baka mapasukan ng lagaw ang bibig mo!" Narinig ko na lang na sambit ni Lola at matapos ay naramdaman ko ang palad ng matanda na nilagay sa may ilalim ng baba ko at pilit na isinara ang bibig ko. "Oo, hija. Dito ka na titira simula ngayon. Masasanay ka rin sa laki ng bahay na 'yan. Pero kailangan kitang balaan, ha." Doon lang ako tumingin kay lola. Seryoso ang mukha nito ngayon sa akin. "Ano po 'yon, La?" Kumunot naman ang noo ko. "Magpakabait ka, ha... hindi lahat ng tao d'yan sa mansyon na 'yan ay mabait. Merong nakatira 'd'yan na bugnutin at masungit. Baka masigawan ka lang ay umiyak ka na. Kagaya no’ng papalitan mong kasambahay na nag-resign na lang dahil sa kabubulyaw sa kanya." "Opo, La. Don't worry. Gagalingan ko pong magtrabaho. Hindi po kayo mapapahiya. Tsaka, hindi na po ako iyakin. Big girls don’t cry." Ngumiti na lang ako kay Lola. Nakita ko naman ang mapait na ngiti sa labi ni Lola, iyon ang ginanti niya sa akin. Nang tumitig ako sa mata niya ay nakita ko ang awa niya. Napalunok ako matapos ay nagpakawala ng malalim na buga ng hangin. "Hayaan mo, hija. Magiging okay ang lahat. Konting tiis lang. Kapag ako ay naka-ipon ng pang-matrikula mo, igagapang ko ang pagtatapos mo sa kolehiyo." Nakagat ko na lang ang ibabang labi. Parang maiiyak ako sa sinabi ni Lola tungkol sa pag-aaral ko. Bakit siya kaya niyang sabihin 'yun? Bakit si nanay, hindi! Ultimo, kahit na sinabi na lang ni nanay na hindi niya kayang ipatuloy pa ang pag-aaral ko dahil hirap siya at walang choice… mas magaan pa siguro na tanggapin iyon sa dibdib. Kaso hindi, eh! Sabi sa akin ng sarili kong ina ay hindi niya raw ako pag-aaralin dahil magiging pabigat ako. Ang bigat din sa loob ko na narinig ang word na ‘pabigat’ Iyon ang dahilan kung bakit narito ako ngayon ng magarbong mansion. Para magbanat ng buto dahil wala na akong maaasahan sa mga magulang ko. Though no’ng nag-aaral pa ako ay tumutulong naman si Lola sa akin at nag-bibigay ng allowance ay hindi pa rin naman magiging sapat iyon. “S-salamat, La. Mabuti na lang po, nand’yan po kayo para sa akin.” “Aba, siyempre naman, apo… Alam mo naman na ikaw ang first love ko. Ikaw ang first apo ko.” “I love you, La.” Niyakap ko siya. Para akong maiiyak dahil sa sitwasyon ko. Pero dahil may tao pang nagmamahal sa akin ay lalaban pa ako sa buhay. Kahit pakiramdam ko ay others na lang ako sa paningin ng mga magulang ko. Kahit anong pilit ko naman kasi na ipaintindi ang sitwasyon sa isip ko ay hindi pa rin matanggap na talagang pinabayaan na ako ng mga magulang ko. Sampung taon ako nang maghiwalay nang tuluyan ang mga magulang ko. Ang tatay ko noon ay nambabae. Pinagpalit kami sa ibang pamilya at ang ipinalit sa nanay ko ay may anak na rin. Simula noon ay nagdamdam na ako sa sarili kong ama. Kahit papaano ay naitawid naman namin ng nanay ko na kaming dalawa lang. Hirap kami sa buhay at kumakayod si nanay at nagkaroon ng trabaho bilang isang office clerk sa isang small enterprise. Pinag-aaral ako ni nanay kahit minsan ay nagigipit pa rin dahil hindi naman ganoon kataasan ang sahod niya. Pero matapos ang dalawang taon ng hiwalayan nila ni Tatay ay nagulat na lang ako nang may ipinakilala si nanay na boyfriend sa akin. Ka-officemate niya raw. Pinakita ko ang disgusto ko sa pakikipagrelasyon ni nanay. Naging malayo ang loob ni nanay sa akin. Naramdaman ko iyon at hindi pinahalagahan ang damdamin ko na hindi ko na gustong mag-asawa pa siya. ‘Wag daw sana akong maging selfish dahil karapatan niya rin naman daw na maging masaya simula nang iniwan na kami ni tatay. Ang totoo ay naiintindihan ko naman iyong sinabi ni nanay, pero natatakot akong tanggapin na baka kagaya ni tatay, mawalan na rin siya ng atensyon sa akin. Takot akong maiwan sa ere. Ang ma-out of place. Pero dumating pa rin ang kinatatakutan ko. Nabuntis si nanay. Hindi pa nga niya sinabi sa akin ‘yon. Kusa ko na lang nahalata dahil lumaki ang puson niya. Napansin ko na minsan ay nagsusuka siya lalo na sa umaga. Nang hindi ko na natiis ay nagtanong ako at sinabi niya sa akin na nabuntis na siya ng boyfriend niya. Pinanagutan naman si nanay ng boyfriend niya. Lumipat kami ng bahay at doon tumira sa lalaki. Wala na akong choice kung hindi tanggapin na nagkaroon ako ng bagong tatay. Medyo okay naman ang boyfriend ni nanay. Natuto na rin akong tawagin siya na tito. Kinakausap naman ako paminsan-minsan. Masipag naman si tito at hindi pinapahirapan si nanay. Pinag-resign niya pa nga sa trabaho dahil bawal sa office nila ang mag-asawa at para hindi na raw mapagod si nanay. Nang nakapanganak na si nanay ay doon ko na naramdaman na parang nag-iisa na lang talaga ako. Nandoon na halos ang atensyon niya sa anak nila ng bago niyang asawa. Kaya pati sa pag-aaral ay hindi na nga ako nabigyan ng atensyon dahil mag-aaral na rin ang half-sister ko sa kindergarten. Syempre, yung asawa lang ni nanay ang may trabaho, hindi ako ang priority na pag-aralin dahil hindi naman ako ang tunay niyang anak. Ang tatay ko naman ay wala akong maasahan dahil gipit din. Tuwing pasko na nga lang ako no’n nabibigyan ng pera. Ang hirap pala na lumaki sa broken family. Anak ang nagsa-suffer. Kagaya ko. Mabuti at narito ngayon si Lola para tulungan ako. 5 taon na siyang nagtatrabaho sa mansion ng mga Ibañez. Mas okay na rin daw kasi na nagtatrabaho siya dahil dati na kasama namin siya sa bahay ay nakikita niya ang away ng mga magulang ko bago nagkahiwalay. May 2 din naman siyang anak pa na may kanya-kanya na rin na buhay at hindi naman na siya nakikipisan doon. Mga gipit din at lagi siyang hinihingan ng tulong ng ibang anak niya. Nang nagsabi ako kay Lola na maghihinto na ako ay siya ang pinaka-unang nag-alala. Ayaw niya na maghinto ako. Pero hindi niya rin kasi kaya ang tuition fee ko per semester. Engineering ang course na kinuha ko at mahal ang tuition fee. Mabuti at natapos na ako ng isang taon. Pero itong first semester ng 2nd year ko ay napilitan na akong mag-drop dahil wala na raw pambayad si nanay ng pang-full p*****t sa tuition. Sinabi na lang sa akin ni Lola na sumama ako sa kanya dahil may umalis na bagong kasambahay at ako na lang daw ang ipapalit. Imbes na malungkot ay natuwa pa ako. At least malayo na ako kung nasaan sina nanay. Parang ‘yun pa kasi ang dahilan ng kung bakit ako laging umiiyak. Hindi alam ni nanay minsan iniiyakan ko na lang ang pagiging sad girl ko. Hindi na rin ako makapagsabi sa kanya ng sama ng loob. “Nay Lisa! Iyan na ba ang apo niyo!” Bigla kaming napalingon ni Lola doon sa lalaking tumawag nang malakas at nagbubukas ng gate. “Halika na, apo! Tama na ang drama.” Ang sabi ni Lola nang binaling sa akin ang tingin at hinawakan ako sa kamay. Hinila niya ako para makalapit doon sa mismong gate na binuksan na no’ng lalaki. “Anton, oo… siya ang apo kong si Venus.” Tiningnan ko ‘yung Anton at nginitian siya. Parang nasa mid twenties na ang itsura na. Bigla naman na napakamot sa batok ‘yung lalaki at nag-iwas ng tingin sa akin. “Ang ganda naman ng apo mo, Nay Lisa.” Sambit pa ni Anton. “Hoy, Anton… bata pa ang apo ko, ha. ‘Wag mong pormahan dahil magtatapos muna iyan ng pag-aaral.” “Opo, Nay Lisa… hintayin ko na lang siyang makatapos muna.” Sagot ni Anton. Ngumisi na lang ako kay Anton. Sanay naman ako sa mga ganitong diskarte ng mga lalaki, eh. Sa school pa lang ay marami ng nagpapalipad hangin sa akin. Kaya parang balewala na lang sa akin ang mga ganyang pick-up lines nila. Parang mas kinilig pa nga si Anton nang tinawanan ko siya. Hanggang sa pumasok na kami sa loob ng mansion. Doon kami dumaan sa likod bahay na daanan raw ng mga kasambahay papasok ng mansion. Meron doon na derecho na sa dirty kitchen at kusina ng mansion. Tahimik ang buong mansion at wala man lang akong nakita na tao na naroon. Nang tinanong ko si Lola ay dahil daw wala ang buong mag-anak at may pinuntahan na event. Pagkatapos naman daw ay dederecho sa isang party. Sabado ngayon at usually kapag weekends ay may lakad ang pamilya Ibañez. Kanina lang nang dinaanan namin ang garden ay naglulumikot na ang mata ko dahil ang ganda ng area. Parang pwedeng pagdausan ng event ang lawak. Tapos meron pa akong nadaanan na swimming pool na malaki. Tapos ngayong narito na ako sa kusina ay dito naman ako humanga sa mga appliances na naroon. Sa mamahaling ref, oven, microwave at kung ano-ano pang appliances na nakikita ko lang kapag napapadpad ako sa appliance store kapag nagliliwaliw kasama minsan ng mga classmate ko para magpalamig sa mall. “Ate Ime, ito na pala ang apo ko.” Biglang sabi ni Lola sa isang matanda na naabutan namin. Nakaupo sa isang table na kasya ang walo. “Ay, siya na ba ang apo mo. Kagandang bata.” Pinasadahan ng matanda ang mukha ko. Ngumiti siya at binaling ang tingin doon sa pocketbook na binabasa niya. “Siya nga pala si Nanay Ime mo, Venus. Siya ang in-charge dito sa mansion. Ang mayordoma” Bulong sa ‘kin ni Lola. “Nay Ime, dalhin ko muna siya sa kwarto namin, ha.” Muling baling ni Lola doon sa matanda. “Sige, Lisa. Pasensya na at ang ganda nitong binabasa ko. Mamaya ay kakausapin ko siya para sa mga rules and regulation. I-bonding mo muna kay Gladdy at Trish. Naroon sila sa sala natin.” Tiningnan ako muli ni Nanay Ime at ngumiti sa akin. Tumango na lang ako kay Lola at wala naman ang atensyon sa akin no’ng matanda. Ganito pala sila dito kapag wala ang amo. Mukhang relax lang. Dinala ako ni Lola sa isang pasilyo na naroon daw ang kwarto ng mga maid ng mansion. Nasa first floor lang din naman iyon. Dinala muna ako ni Lola sa magiging kwarto ko na nasa tabi lang ng kwarto niya. Matapos kong ilagay ang mga gamit ko at nilibot ko lang saglit ng tingin ang kwarto. Maliit lang na kumasya ang ang single size na kama. Tapos isang drawer. May nakita akong aircon, kaya nasosyalan na ako, dahil wala naman kaming aircon. Tapos may sarili naman na bathroom. Okay naman at kasing laki lang din ng kwarto ko sa bahay. Sinundo agad ako ni Lola sa kwarto ko at dinala sa kabilang kwarto. Doon ay nadatnan ko ang dalawang babae na prenteng nakaupo sa sofa. Pareho silang nagse-cellpone. Ang isa ay mukhang nag-sss, ang isa naman ay nag-games. “Apo, dito kayo pwedeng tumambay kapag wala kayong trabaho, kapag day-off o wala ang mga amo.” Sandali kong nilibot ang paligid at parang entertainment room ito ng mga tagasilbi sa mansion dahil may TV pa. Airconditioned din ang kwarto. “Mga hija, Eto nga pala ang apo ko na magiging bago natin na kasama.” Dagdag pa ni Lola at doon na nabaling ang tingin sa dalawang babae. Bigla naman na nagsilingon ang dalawa. “Ay ikaw na pala ‘yon. Batang bata, ah. Fresh na fresh! Ako nga pala si Gladdy. Isa sa maid dito.” Sabi nong babae na naglalaro ng games. Mukha naman na mabait at siguro ay nasa early twenties ang edad. “Siya pala si Trish.” Turo niya sa katabi. “Hi, ano nga ang pangalan mo?” tanong nung Trish. “Venus.” “Ang ganda mo naman, Venus. Mukhang may bagong paiiyakin si Sir Ace, ah!” “Hoy, kayong dalawa, ‘wag niyong takutin ang apo ko. Mabait naman ito.” Biglang saway ni Lola sa dalawa.” “Eh, bakit mabait naman si Kath, pero pinaiyak at pinag-resign lang sa trabaho ni Sir Ace.” Sabi no’ng Trish. “Hay naku, sissy… Huwag mo nang ipagtanggol ang frenny mong si Kath… Hindi naman siya matatanggal dito kung hindi dahil panay pa-cute niya kay Sir Ace, ayan tuloy ay puro mali-mali na ang ginagawa niya. Akala niya tatalab ang beauty niya.” Singit naman ni Gladdy. Parang silang dalawa naman ang nag-uusap na at hindi na kami pinapansin ni Lola. Ako naman na hindi aware kung sino ang pinag-uusapan ay tumingin na lang kay Lola. “La, sino po si Sir Ace?” “Naku, apo. Siya yung sinasabi ko na isa sa amo natin dito. Iwasan mo na lang siya kasi masungit na bugnutin iyon.” Mahinang sabi ni Lola. “Oo, tama ka d’yan Lola.” Biglang singit ni Trish. “Kahapon nga lang ay nasungitan ako ni Sir. Hmmp. Pasalamat siya at gwapo siya! ‘Pag ako nainis sa kanya, halikan ko siya sa lips, eh!” “Tsk, kaloka ka, Trish…” Biglang sabi ni Gladdy. Tapos tumingin siya sa akin. “Kaya ikaw, Venus. Ingat ka, ha. Ayaw kasi ng biyudo na ‘yun ng lalampa lampa at aanga-anga sa trabaho. Madali ‘yung mairita, baka malapit na mag-menopause. Kahit magandang bata ka ay hindi tatalab do’n.” dagdag warning pa ni Gladdy. “My God… ‘wag naman sana akong pagalitan ng Sir Ace na iyon kung sakali. Kailangan ko ng trabaho na ‘to at ayoko muna na bumalik kay nanay.” piping dalangin ko naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD