KABANATA 5

2270 Words
KULAS “BOSS! May balita na naman tungkol kay Miss Ganda!” tawag sa akin ni Marlou. Nakatambay na naman kasi ito rito sa bahay. Magmula ng mag-break sila ni Anita ay kulang na lang ay dito na ito tumira. Okay lang naman sa akin ‘yon dahil boring naman kasi minsan dito sa bahay. Nanonood ito ng TV. Wala kasi ang tatay dahil siya ang namasada ngayong araw. Nagpumilit ang matanda kahit na ilang beses ko ng kinumbinsing huwag ng mamasada. Inartehan akong mas lalo daw mapapadali ang kamatayan niya kung hindi ito mamamasada. Kaya hinayaan ko na lang. Sa awa ng Diyos, malakas pa naman kaysa sa kalabaw ang aking tatay. “Boss! Naku… Anak sa labas pala ‘yong si Miss Ganda! Tsaka ang yaman nga, Boss! Saavedra pala si Miss Ganda!” bulalas ni Marlou. Nasa kusina ako at nagtitimpla ng juice para sa merienda namin. Magtatanghali na rin kasi at masyado ng mainit sa labas. Nanonood kami ng local basketball or PBA. Kasalukuyang advertisement dahil break time pa. “Marl, wala ka sa bundok. Hindi mo kailangang sumigaw,” wika ko at inilagay sa maliit na lamesa na nasa harap ng sofa ang pitsel ng juice at tinapay na may palamang mayonnaise. “Sorry, boss. Na-excite lang,” tatawa-tawang sabi ng bungal. Umupo na rin ako sa tabi niya at pinanood ang “nagbabagang balita”. Wala na talagang magawa ang mga tao ngayon. Pati buhay ng may buhay ay pinapakialaman. “Ang ganda, Boss, ‘no?” saad ni Marlou habang kumakain. Umungol lang ako bilang sagot. Maganda naman talaga ang babae. One week na nang mangyari ang muntikan ng pag-kidnap at pagpatay sa babae. Oo, isang linggo na ‘yong ginawa kong pangingialam. Nagawa ko lamang iyon dahil hindi ko naman maatim na masaksihan ang ganoong eksena tapos wala akong gagawin. Alam kong pagsisihan ko lang sa huli kung hindi ko tutulungan ang babae. “Hindi ka ba binigyan ng pabuya, Boss? Ang yaman niyan, ah. Niligtas mo ‘yong buhay niya kaya dapat binigyan ka niya ng pabuya.” Salita ng salita si Marlou habang kumakain. Punong-puno ng pagkain ang bibig niya. Tsk. “Hindi ko naman siya tinulungan dahil sa pabuya, Marl. Talaga lang na hindi ko maatim na may masaksihang hindi maganda at wala akong gagawin. Kargo de konsensiya ko rin ‘yon,” komento ko tsaka uminom sa baso ng aking juice. “Ang bait mo talaga, Boss. Iyan ang gusto ko sa’yo, eh,” malapad ang ngiting sabi ng bungal. Napailing-iling na lamang ako ng aking ulo. Kamukhang-kamukha talaga ng lalaki iyong yumaong komedyante na si Rene Requestas. “Dapat bukal sa loob ang pagtulong, Marl. Huwag kang umasang may kapalit. Kasi hindi na tulong ‘yon kung umaasa ka palang babayaran ka sa gagawin mo,” pangaral ko rito. “Tama ka diyan, Boss! Tatandaan ko ‘yan,” wika naman nito. “Pero Boss, hindi ka man lang ba binigyan ni Miss Ganda ng numero niya? Baka pwedeng… alam mo na, Boss. Bagay naman kayo.” Nahimigan ko ang panunukso sa kanyang sinabi. Napailing-iling ulit ako ng aking ulo. Hindi ko alam kung hindi pa alam ni Marlou ang stand ko sa mga babae or nagkukunwari lang itong walang alam. “Tumigil ka na nga. Manood na lang tayo,” walang interese na tugon ko. Natahimik na rin si Marlou dahil nagsimula na ang laro. Naging abala na kami sa pangchi-cheer sa aming paboritong basketball team at players.   PAGDATING ng hapon ay tumambay ang mga kaibigan ko sa bahay. Nasa terasa kami sa second floor at nagkayayaang mag-chill. Food trip lang pero alam kong maya-maya ay mauuwi na naman ito sa inuman. “Balita ko ay nagpaka-hero ka raw noong nakaraang araw, pare,” wika ng kaibigan kong si Isko. Si Isko De Dios ay aking kababata at isa sa matalik kong kaibigan. Gaya ko ay twenty-five years old na rin ito. Pogi pero medyo chubby. Nakapagtapos ng Polilitcal Science at may balak magtuloy ng law. Ang tatay nitong si Tatay Leopoldo ang kapitan ng Barangay Petmalu at kasalukuyang kagawad naman si Isko. Single at laging nagmi-mingle. Sa aming magkakaibigan, ito ang pangalawang playboy. “Tsaka maganda at mayaman daw. Balato mo na lang sa akin, Kulas,” sabad ni Ason. Gaya ni Isko, si Asunta “Ason” Villar ay kababata at matalik kong kaibigan. Nag-iisang babae sa aming grupo pero pusong lalaki. Tomboy si Ason pero siya ‘yong klase ng femme lesbian. Bukod kay Athena, ito ang isa pang babaeng hinahayaan kong mapalapit sa akin. And yes, siya ang number one playgirl ng grupo. Kaya wala itong permamenteng girlfriend. “Basta chicks talaga hindi magpapatalo ‘tong si Ason. Huwag ka na kasing maghanap ng iba, nandito lang naman ako,” ani Badong. Kababata ko rin at matalik na kaibigan si Badong o John Mar Estrada. Graduate ng automotive servicing at may talyer sa Apple Street. May anak itong five years old na. Single pa rin ito dahil iniwan ito ng nanay ng anak niya. “Nakakadiri ‘tong si Badong. Para na tayong magkakapatid dito tapos maggaganyan kayo ni Ason,” komento ni Victor na kunwari ay naduduwal. Si Victor Padilla, ang bunso ng grupo. Mas bata ito ng isang taong sa aming apat. Lumipat ang mga ito sa Barangay Petmalu noong ten years old pa lamang si Victor. Nagtapos ito ng IT at nagtatrabaho sa isang Business Processing Outsourcing (BPO) sa bandang Mandaluyong. Silang ang maituturing kong mga best friends at para na ring mga kapatid. Ang common sa aming lima ay hindi lang dahil nakatira kami sa iisang barangay pero parehong mga jeepney driver ang aming mga tatay. Retired na ang mga ito pero minsan ay namamasada pa rin. Ang tatay ni Ason ang dating presidente ng FOJDIP or Federation of Jeepney Drivers in Petmalu, pero ngayon ay na-take over na ni Ason. Nakapagtapos ito ng two year course secretarial pero mas pinili nitong magtayo ng mini-grocery sa Kaimito Street. Iyon naman ang pinagkakaabalahan ng babae. “Incest ka diyan. Huwag ka ngang magmalinis, bata ka. Batukan kita diyan, eh,” wika ni Badong na inakbayan si Victor at kunwaring sasakalin ito gamit ng kanyang braso. Dahil mas malaking lalaki si Badong, hindi makapalag si Victor. “Hoy, mapapatay mo ‘yan. Kita mo na ngang lampayatot ‘yang batang ‘yan,” sita ni Ason kay Badong na tinapunan pa ng chips ang huli. “Sorry, loves,” ani Badong na binitawan na si Victor. Sanay na kami sa ganyang kunwaring pagpi-flirt ng dalawa. How we wish they could end up together pero alam kung hindi mangyayari ‘yon. “Hindi na kasi ako bata! Tsaka hindi ako lampayatot! Nag-gi-gym kaya ako. Tsaka look at this…” Itinaas ni Victor ang  T-shirt hanggang sa dibdib. Ipinakita nitong may abs na siya. Natawa na lamang kami. “Oo na. May abs ka na,” komento ni Isko na kumakain ng pringles. “Wala ka namang jowa,” asar nito kay Victor. “Boom! Panes!” sabay na asar din ni Ason at Badong sa lalaki. Napanguso na lamang si Victor sa pang-aasar nila. Nakatawang nagmamasid lamang ako. Ito ‘yong mga moment na nami-miss ko tuwing nakasakay ako sa barko. May mga kaibigan naman ako sa kapag nakasampa ako sa barko pero iba pa rin iyong mga kaibigan kong narito lang sa amin. “Balik tayo kay Kulas. Huwag kang tumahimik diyan, gunggong. Para kang unggoy na tumatawa,” sita ni Isko sa akin. “Kung ako unggoy, ikaw naman ay parang chipmunk diyan. Pumunta ka lang dito para kumain ‘no?” tanong ko sa kanya. Ang lobo na kasi ng cheeks niya kakakain. Gwapong chubby naman si Isko. Kamukha niya nga si Daniel Padilla, chubby version nga lang. “Siyempre! Iba pa rin ‘yong libre,” bulalas nito. “Pero ‘di nga, anong nangyari roon sa pagpapaka-hero mo?” muling balik nito sa topic. Hindi talaga ako tatantanan ng mga ito hangga’t hindi ko ikwekwento kung anong nangyari. Kay isinalaysay ko ang nangyari sa kanila. Magmula sa kunwaring pagsingil ko sa pamasahe ng babae, pagtulong ko rito, at pagdala ko sa kanya sa hospital. “Waah… Parang movie lang, ah…” komento ni Victor pagkatapos kong magkwento. “Oo nga,” they agreed. Ako rin mismo ay hindi makapaniwala sa nangyari. Maybe, that was just my lucky day. Hindi ako marunong sa kahit na anong martial arts pero sa tagal kong nakatira sa Barangay Petmalu, matuto ka na lang ng self-defense. At ang pag-sparring ay isang hobby rin naming magbabarkada noon. “Small word, eh, ‘no? Biruin mong iyon pala ‘yong bebot na hindi nagbayad ng pamasahe,” ika ni Badong na nilalantakan na rin ang isang junk food. “Small world nga,” sang-ayon ko tsaka lumagok sa hawak kong bote ng softdrinks. “Pero iniwan mo na lang basta? Hindi ka nagpaalam? Kinuha mo sana ang number!” nanghihinayang na sabi ni Ason. “Pareho kayo ni Marlou ng sinabi. Sinapian mo yata ‘yon,” puna ko. “Dios ko, Kulas. Kung hindi mo naman tipo ‘yong babae, narito lang naman ako. I can take care of those girls for you,” mayabang na sabi ni Ason. “Hay naku, Ason. Kaya ka laging napapahamak dahil sa pagiging playgirl mo. Sa susunod talaga hindi na ako magugulat na bumulagta ka diyan sa daan dahil inambush ka na ng mga babaeng pinaasa at sinaktan mo,” lahad ni Isko. “Aba. Hoy, Kagawad Isko, mawalang galang na po. Sino po kaya ang chini-chismis sa barangay hall na kilabot ng mga empleyadong babae roon? Sa pagkakarinig ko, Ang The Great Isko De Dios daw po na taga-Mangga Street ang pangalan ng gumagalang playboy doon,” counter attack naman ni Ason. “Chismis lang ‘yon,” giit ni Isko. “Chismis my ass,” ika ni Ason. “Pero... pero… may tanong ako…” putol ni Victor sa pag-aaway ng dalawa. Lahat kami ay napatingin sa kanya at naghihintay sa kanyang tanong. “Naniniwala ba kayo sa destiny?” “Oh, come on…” angal ng tatlo pa naming kasama. “Ayan ka na naman sa pagiging hopeless romantic mo, Victor,” sabi ni Isko. Yes, Victor is the hopeless romantic in our group. He believes in destiny, fate, and true love. Though wala nga siyang jowa na nakakapagtaka dahil pogi naman at stable na ang lalaki. But I guess, he is just waiting for the right woman. “Pero ‘di nga. Kasi look, sa palagiang pagbababyahe ni Kulas, ni minsan ay hindi sila nag-meet. Then ngayon, sunod-sunod silang nagkita. I don’t think that’s coincidence,” back up ng lalaki sa kanyang theory. “Alam mo, Tor, magjowa ka na. Malala na iyang obsession mo sa mga ganyang bagay. Kaya nga may word na coincidence kasi nag-e-exist din ‘yan. Huwag mo ngang sinisira ang balance ng mundo,” pangaral ni Ason dito. “Wah. Ngayon lang ako nakarinig ng may sense na argument mula kay Ason,” asar ni Isko sa babae. “Kagawad, hindi porke’t magla-law ka, my friend, mas matalino ka na sa akin. Ibahin mo to, uy!” mayabang na wika ni Ason na itinuro pa ang sintido. “Pero ‘di nga kasi---“ “Kumain ka na lang, baby boy. Huwag mo ng ipilit iyang pagiging romantiko mo sa amin,” putol ni Badong sa sasabihin ni Victor kasabay ng pagsubo nito ng maraming chips sa bibig ng katabi. Madalas kaming mag-asaran pero hindi naman madalas magkapikunan. Pero kapag minsan ay sumusobra naman kami sa pang-aasar sa isa’t isa ay tumutulong naman ang iba sa pag-awat. Kaya kung tutuusin wala talaga kaming naging major na away. Kung nagkakasamaan man ng loob, nagbabati rin naman agad. “Pero kung magkita kayo ulit, Kulas. Kunin mo na ‘yong number at ibigay mo sa akin. Ako ng bahala doon.” Kumindat pa si Ason pagkasabi n’on. Mahina na lamang akong natawa. “Ang kulit ng mga ‘to. Huwag niyo na kasing inaano si Kulas. Ilang beses na ba niyang sinabing wala siyang interes. Period,” sabad ni Isko. “Eh, bakit ka nagagalit? Si Kulas ka ba? Mind your own business daw, Kagawad!” Binelatan ni Ason si Isko. “Tama na ‘yan. Maghanap na lang kayo ng pwede nating gawin bago pa mauwi ‘to sa inuman,” awat ko sa kanila. Matagal ko na silang mga kaibigan at parang bukas na libro ang buhay ko sa mga ito. Alam nilang woman-hater ako at alam din nila ang rason kung bakit ako naging ganito. Minsan ay naasar nila ako sa ganoong bagay dahil hindi naman ako nao-offend kapag galing sa kanila. Pero ibang usapan na kapag hindi ko close na mga tao ang nang-uuyam tungkol sa bagay na ‘yon. Bago pa nakasagot ang aking mga kasama ay sumulpot ang humahangos na si Marlou sa terasa. “Boss! Boss!” parang hinabol ng ilang demonyong na naghahabol ng hiningang sabi ni Marlou. “Oh, bungal, anong nangyari?” tanong ni Isko. Kaming lahat ay nagtatakang nakatingin dito. Mas kumunot pa ang noo ko nang makitang malapad ang ngiti nito kahit na nahihirapan na itong huminga. “May bisita ka, Boss,” nagniningning pa yata ang mga mata ni Marlou habang sinasabi iyon. “Sino?” kinakabahang tanong ko. Bakit ba ako kinakabahan? “Si Miss Ganda!” kinikilig pang balita nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD