KABANATA 4

2118 Words
GEORGE IT WAS another exhausting day but I felt so productive. Kahit medyo foul ang mood ko dahil sa report ng sales sa Makati Branch kanina ay napalitan naman iyon ng kagalakan dahil sa balitang may iilang mga Chinese investors na gustong makipag-partner sa George Beautique. Sulit na sulit ang stress at pagod ko kapag may mga ganito akong milestone na nararating. At sulit na sulit din ang paggamit ko sa apelyidong Saavedra dahil isa rin iyon sa mga point kung bakit nagtiwala ang mga investor sa akin. Iyong iba sigurong ma-pride ay hindi gusgustuhin ang nangyari pero ibahin nila ako. Gagamitin ko ang apelyidong ‘yon sa paraang gusto ko.  For now, that surname is helping me to achieve my goals kaya magtitiis ako hanggang sa maabot ko ang aking tunay na layunin. Walang iba kundi ang mapabagsak ang lahat na negosyo at karangyaan ng pamilya ng aking ama. Hapon na naman at uwian na pero hindi ko namalayan ang oras. Kung hindi pa ako pinuntahan ng isa ko pang assistant secretary na si Ayana ay hindi ko pa mapapansin ang oras. Actually, hindi pa ako uuwi. May importanteng pupuntahan pa ako na napangakuan kong bibisitahin ngayon at doon na rin magdi-dinner. Ayana went to my office to remind me about my schedule. Lumabas na ako sa aking office. Will was nowhere to be found and I was expecting that because he said he will be out early. Malamang ay pinuntahan nito ang kapatid sa Makati pagkatapos naming mag-usap kanina. “Ingat po, Ma’am George,” narinig kong sabi ni Ayana nang mapadaan ako sa table niya. “Ikaw din,” monotone na wika ko tsaka nagpatuloy sa paglalakad. I checked my phone and I saw multiple messages from the person I am meeting today. Napangiti ako sa pagbabasa ng mga text nito. Nagreply ako saglit na papunta na ako at ibinalik na rin ang phone ko sa aking purse. Lumabas na ako sa boutique after the guard opened the door for me at diretsong naglakad papunta sa kung saan naka-park ang kotse ko. Wala akong pakialam sa paligid at dire-diretso lang akong naglakad. Nang medyo malapit na ako ay ini-unlock ko ang pinto ng kotse. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse pero biglang may tumawag sa aking pangalan. “Georgina Saavedra,” tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako rito. I am sure that my face cannot hide the irritation I am feeling when I saw him. “Is that how you address your boss?” walang ganang tanong ko sa lalaki. “Former,” sabi nito. “You fired me, remember?” humakbang ito para lumapit. Hindi naman ako natinag sa aking kinatatayuan. Pinagmasdan ko ang mukha nito. Mukhang malala na talaga ang kalagayan nito. Pumayat ito, balbas sarado, bloodshot eyes, at maitim ang eyebags. He looks miserable and… ugly. “Hmm… your brother fired you, Bill. But yes, technically, that was me kasi ako rin naman ang nag-utos sa kanya na gawin iyon. Anong kailangan mo? You should be resting now. You look tired and you really look horrible,” walang prenong sabi ko. And yes, ito ang manager ng aking boutique sa Makati Branch na kapatid ni Will. Mapait na ngumiti ang lalaki sa aking sinabi. “You are as tactless as ever, Georgina. But yeah, magpapahinga ako pagkatapos kong masiguradong magpapahinga ka na rin habang buhay.” Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Kung kailan siya nakalapit nang gahibla sa akin ay hindi ko namalayan. Ang alam ko lang ay may nakatutok na kung ano sa giliran ko habang kunwaring nakaakbay ito sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang dulo ng bagay na iyon. I am sure na isa ‘yong patalim! “Subukan mong gumalaw o humingi ng tulong ngayon, Georgina. Hindi ako mangingiming paliguan ka ng sarili mong dugo dito mismo sa gilid ng maganda mong kotse,” banta ng lalaki. Parang tuod na hindi ako makagalaw at hindi ako makapagsalita. I have received a lot of threats in my life. Magmula nang mahanap ako ulit ng tatay ko ay kakambal ko na rin ang mga pagbabanta sa aking buhay. Pero lumipas naman ang ilang taon na walang nangyayari sa akin kaya naging kampante ako. Iba pa rin talaga pala kapag mararanasan mo na ‘yong peligro. I did actually try to learn karate and judo to protect myself pero kung nasa eksena ka na talaga ay magiging blangko na ang iyong isipan. “Pasok sa kotse, Georgina,” narinig kong utos ni Bill. Susunod na rin sana ako pero natigilan kaming pareho ni Bill nang may tumikhim sa aming likuran. Sabay kaming napalingon sa tumikhim. “Miss, maniningil ako. Hindi ka nagbayad noong sumakay ka sa jeep ko,” sabi ng estranghero na bukod sa poging pigura at mukha nito, napaka-sexy din ng boses nito. It was deep and very manly. Napakunot ako ng noo sa kanyang sinabi pero nang makita kong mabuti ang mukha niya ay naalala ko kung sino ito. Iyong hot na jeepney driver! How can I forget him?! sigaw ng aking isipan. “Oh honey, that’s really embarrassing. Sorry, pare ha. Bayaran mo na siya honey kasi may pupuntahan pa tayo,” wika ni Bill. His voice was soft pero ang mga mata nito ay nagbabanta. “A-ah… y-yes…” natarantang sabi ko at nagmamadaling hinalungkat ang aking purse. Napakislot ako ng kaunti nang matamaan ang giliran ko ng dulo ng patalim. Hinigpitan naman ni Bill ang pagkakakapit sa balikat ko para hindi ako makatakbo rito. I was mentally screaming for help. I hope this man will notice. How can I make him notice that I am in danger? “Bilisan mo, honey…” halatang naiinip na si Bill. Hindi ko na rin alam ang gagawin. Kapag hindi kasi ako gumawa ng paraan ngayon ay alam kong mas lalo akong malalagay sa kapahamakan mamaya. Nararamdaman ko na ang pag-agos ng malalaking pawis ko sa batok. I was cursing myself mentally dahil useless lang ang mga natutunan ko para sa self-defense tapos hindi ko pala magagamit dahil natutuliro ako. Damn it! Patuloy akong kunwaring naghuhukay sa loob ng aking bag, at the same time ay sumusulyap-sulyap ako sa estranghero. I was trying to send him signals through my eyes that I am in danger. I really hope he can read my actions. But then I saw his handsome face na wala lang namang reaction at nakatitig lang sa amin. Ugh! The stranger is taller at mas malaki ang katawan kay Bill. Kaya alam kong kakayanin niyang patumbahin si Bill if ever. I mouthed the word “help” and I am not sure if he caught it but I saw his face reaction changed in a second tapos bumalik na ulit iyong walang pakialam na expression na mukha niya. I was losing hope but then I heard him ask, “Okay ka lang, Miss?” “Okay lang siya, pare,” sagot ni Bill para sa akin. Then he faced me with a smile and a warning look. “Ibigay mo na ang bayad mo, honey,”utos nito. Mas naramdaman kong mas hinigpitan niya ang pagkakapit nito sa balikat ko. Napakagat labi ako sa sakit na dinulot no'n. “Bitawan mo siya,” wala pa ring expression na utos ng jeepney driver kay Bill. “Huwag ka nang makialam dito, pare. Bayad lang naman kailangan mo, ‘di ba?” sabi naman ni Bill. “Give the payment to him now or I will cut you here right away,” bulong na banta nito sa akin. Muli akong napakagat sa aking labi dahil hindi lang ang pagkakahawak niya ang humihigpit, pati na rin ang patalim sa giliran ko ay nagsisimula ng tumusok sa aking balat. Agad na akong sumunod at kumuha ng pera sa wallet ko. Nakita kong wala pala akong barya at small bill. Ang nag-iisang papel na pera ko lang na naroon  sa aking pitaka ay five-hundred pesos. Kasi naman ay card ko ang lagi kong gamit sa kahit na anong transaction. I rarely keep cash in my wallet. “I-ito… Bayad…” Inabot ko ang five-hundred pesos sa lalaki. “Wala akong barya. Samahan mo na lang ako diyan sa kainan, magpapabarya tayo,” wika ng jeepney driver. “Bullshit!” hindi na nakatiis na wika ni Bill. “Pumasok ka sa loob ng kotse, Georgina!” narinig kong utos ni Bill sa akin. “Huwag kang pumasok sa loob ng kotse, Georgina,” saad naman ng jeepney driver na nakikipagsubukan na ng tingin kay Bill. “You son of the b***h! Pakialamero ka!” sigaw ni Bill at sinugod ang jeepney driver. Napasinghap na lang ako sa bilis ng pangyayari. Sinugod ni Bill ang jeepney driver at nakatutok ang patalim dito pero mabilis na nakailag ang jeepney driver. Then the next thing I know, the jeepney driver is pinning down Bill on the floor. Bill’s face is facing the floor and his two hands are on his back. Ang patalim nito ay hawak na ng jeepney driver. Doon naman nagsilapitan ang mga security guard and I heard someone called the police. Then just like that, I was saved. The next thing I knew, the jeepney driver was driving my car and we stopped in the nearby hospital. Tinignan ng docrot ang sugat ko at ginamot. Agad na may mga sumunod na mga pulis para makuha ang pahayag namin kaya hindi ko na nakausap ang lalaki. Lumabas ito sa hospital room kung saan ako kinausap ng mga pulis. At pagkatapos akong makausap ng mga pulis, pinahanap ko ito pero umuwi na raw ang jeepney driver. I never got the chance to thank him.   ONE WEEK after the incident… Medyo tumahimik na rin ang buhay ko. Noong mangyari kasi ang muntikang pagpatay sa akin ni Bill ay naging panandaliang celebrity na naman ako. Though lagi naman akong napi-feature sa magazines, news, at online platforms dahil sa achievements ko, pero this time is different. Plus sinakyan pa ng media. Saying I was really a bad boss and I did not treat my employees well, kaya deserve ko raw ang nangyari. Tapos dinawit na naman iyong pagiging anak ko sa labas. Lahat na. It was hell of a week pero gaya ng ibang mga walang kabuluhan na news, mabilis naman nag-die down ang issue kasi mas may malaking scandal ang naganap. May isang sikat na artista, na ang pangalan ay Callie Jimenez, na nabaliw daw dahil sa pag-ibig. Ang resulta ay pina-kidnap niya ang current fiancé ng ex-fiance niya and tried to murder them. Kaya natabunan ‘yong issue tungkol sa akin. I was not happy hearing about the news but I am relieved na nawala na sa akin ang spotlight. Hindi rin ako lumabas ng aking lungga for a week kasi ang daming reporter sa labas ng aking bahay at opisina. Kung paano nila nalaman ang aking address, iyan ang hindi ko alam. Kaya sa bahay na rin ako nagpatuloy sa aking mga gawain para sa opisina. Dinadala na lamang ni Ayana sa akin ang mga papeles na kailangan ko. Nahihiya raw kasing magpakita sa akin si Will. Hindi niya raw ako kayang harapin sa ngayon dahil sa ginawa ng kapatid. I have already talked to him multiple times, na wala naman siyang kasalanan sa mga choices ni Bill sa buhay niya pero hindi pa rin yata maka-get over si Will. Kaya hinayaan ko na lamang muna siya. He even tried to resign pero hindi ko tinanggap. Will is one of my people, so I just can’t let him go that easily. Hindi naman niya talaga kasalanan kung may saltik ang kapatid niya. Anyway, to make him busier, I dumped my other tasks to him para mawala sa isip niya saglit ang mga nangyari. Of course, nakakulong na rin si Bill. Kidnapping at frustrated murder and kaso nito kaya matagal-tagal rin siyang hihimas ng rehas sa kulungan. As for the jeepny driver, hindi ko pa rin siya nahahanap. I did ask Ayana to look for him but I am not sure what is taking so long kung bakit hindi pa rin niya ito nahahanap. I asked the police personally pero ang iniwan lang daw na details ng lalaki ay ang palayaw nitong si “Kulas”. Kaya naisipan kong mag-hire na lang ng private investigator kasi wala ring kwenta iyong paghahanap ni Ayana. I am hoping a positive feedback this week, so crossed fi ngers na sana mahanap na ito. Ang laki ng utang na loob ko rito. I really want to thank him… and see him.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD