KABANATA 6

2496 Words
GEORGE I WAS in a Zoom meeting when my phone rang. May importante kasing presentation ang marketing team para sa extension ng George Beautique sa Cebu at hindi ko pwedeng ipagpaliban. Hindi ko gustong ma-behind kami sa schedule. Napakaimportante sa akin na ma-achieve ang mga goals ko on time. Kaya kahit nasa bahay ako ay kailangang ako mismo ang makakita at makarinig sa kanilang presentation. Tinignan ko ang caller at nakitang ang private investigator na aking hinire ang tumatawag. Wala sana akong planong sagutin iyon kung ibang caller ID ang nag-appear sa screen ng phone ko. I muted myself and still listened to their presentation while I answered my phone. “Hello. This better be good. I am really busy right now,” banta ko sa aking kausap sa kabilang linya. Tumawa ito ng mahina. “Magandang araw din, Ma’am George. And yes, good news po itong hatid kong balita. I found him,” anunsiyo nito. “Really?” Napatayo pa ako sa excitement dahil sa narinig ko rito. Napabalik ako ng upo nang makita kong tumigil ang mga kausap ko sa Zoom.  “Teka. Diyan ka lang,” bilin ko sa aking kausap at hinold ang line. I unmuted myself sa zoom then said to my team, “Just send the copy of the presentation to Ayana. Ayana, bring it to me right now. Bring the company driver, Joem, with you, too. Right now, Ayana. Okay?” “Yes, Ma’am George,” narinig kong sagot ng assistant secretary. Agad kong pinatay ang zoom conference ko with my team at bumalik sa kausap ko sa phone. “Hello, yes, sorry about that. So, where were we?” My whole being felt excited. Sa wakas kasi ay makikita ko na ang aking tagapagtanggol. Ang tagal ko rin siyang hinanap. Masahol pa kasi ito sa criminal kung  makapagtago, eh. “Okay lang, Ma’am. So, ayun, na-send ko na po sa email niyo ‘yong full details ni Kulas,” wika ng kausap ko sa kabilang linya. “Okay… wait. I will just open my email. Diyan ka lang…” bilin ko. Dali-dali akong nag-open ng email and voila! May email nga ako mula sa private investigator na kausap ko ngayon. Ini-loud speak ko ang aking phone habang binabasa ang attachment na sinend nito sa email. “Hercules ‘Kulas’ Panes… Interesting name,” wika ko. “Yes, ma’am. Twenty-five years old. Seaman at nagpa-part time jeepney driver kapag hindi siya nakasampa sa barko. May isang kapatid na babae, buhay pa ang tatay at nanay niya pero ang tatay niya lamang ang kasama nila. Ayon sa source ko, iniwan daw sila no'ng nanay nito when he was about ten years old. No girlfriend since birth kaya he is still single until now,” mahabang litany ng P.I.. May kung anong nagpakiliti sa puso ko nang malamang single ito. Pero parang may mali naman sa NGSB. Sa gwapo at macho niyang ‘yon, wala pa siyang naging girlfriend? “Baka naman bakla?” ang katagang lumabas sa bibig ko. Parang gusto ko ng umiyak sa aking sinabi. “Iyan ang hindi ko nalaman, Ma’am,” sagot ng kausap ko. Inutil! ang gusto kong sabihin sa kanya. Ngunit nagpigil na lamang ako ng aking sarili. “Hindi bale. If he is gay, I will make sure to turn him into a straight guy,” confident na sabi ko. “Good luck, Ma’am,” sabad ng P.I.. Hindi ko na lang pinansin ang parang pang-uuyam nito. “Anyway, is this the exact address?” tanong ko. “Yes, Ma’am. Durian Street, Barangay Petmalu. Isang relocation area ng mga dating nasunugan sa Pasig,” confirm ng aking kausap sa kabilang linya. “Okay, good. I will transfer the half of my payment to your bank after kung mapuntahan itong address na ibinigay mo,” sabi ko. “Okay, Ma’am. Text niyo na lang po ako. Tsaka oo nga pala, Ma’am, mag-iingat po kayo roon. Balita ko ay medyo magulo roon sa Barangay Petmalu kasi marami raw mga dating taga-eskwater,” bilin nito sa akin. “I can take care of myself. Thank you,” ‘yon lang ang aking sinabi at pinutol na ang aming pag-uusap. I maybe a billionaire now but I don’t judge people by their status in life. At hindi rin naman ang mga taong nandoon ang concern ko, ang gusto ko lang na makita ay si Kulas. “Hercules Panes…” ulit ko sa pangalan niya. Napangiti ako at parang kinikilig nang maalala kong muli ang mukha niya. Kung paano niya akong iniligtas mula kay Bill. Kung paano niya akong ipinagmaneho papunta sa hospital. He was just wearing simple clothes but he was still so hot in my eyes. Ang pogi niya tapos, err… yummy. So, he is actually a seaman at hindi jeepney driver lang. That explains his well-built physique. Napagat labi ako ng maalala ko ulit ang sexy’ng biceps niya. Damn it! I really need to see Kulas! I am not that type of a person that really believes in love. But I think I am actually in love with the guy. At hindi lamang coincidence ang aming pagkikitang muli! Originally, I was planning to look for him but I got really busy kaya medyo nawala sa isipan ko but now, I won’t miss this chance. Nasa ganoong pagde-daydream ako nang marinig kong nagbukas ang aking back door. I instantly knew it was my assistant secretary, Ayana. Bukod kay Will ay ito ang isa pang may alam ng passcode sa bahay ko. “M-ma’am George, n-nandito na po ako,” humihingal pa na sabi nito. “Good. Ilapag mo na lamang diyan ang dala mo. And I need you to do something for me, Ayana,” utos ko sa babae. Mag-two two years pa sa company si Ayana but she showed na kayang-kaya niyang makisabay sa mga demands ko. Kaya ginawa ko siyang assistant secretary pagkatapos niyang ma-regular. Alam ni Ayana ang pinasok niyang trabaho and I am glad na I have someone to rely on other than Will. Kahit na minsan ay pumapalya rin ito. Minsan lang naman. “Yes, ma’am!” umayos ito ng tayo na parang sundalo. I can still see her heavy breathing. Lakad-takbo siguro ang ginawa nito para makarating dito agad. That’s my girl, I mentally cheered on her. “Nakita mo namang may mga iilang reporter pa rin labas, ‘di ba?” tanong ko rito. Tumango naman ito bilang sagot. “I need you to lure them for me. Aalis ako with Joem. I need you to pretend that you are me. Use my car,” utos ko at ibinigay ang susi ko sa kanya. Papasok na sana ako sa aking kwarto para magbihis nang pigilan niya ako. “P-pero ma’am…” “Yes, Ayana? Hindi mo kaya? Simple lang naman ang ipinapagawa ko, ‘di ba?” nakataas ang isang kilay na tanong ko rito. Nameywang na rin ako. “H-hindi naman, Ma’am. Kaso… h-hindi po ako marunong mag-drive,” lahad nito na nakayuko pa ng bahagya. I sighed, deeply. Nairita ako ng saglit sa sinabi niya. “Ilang beses ko na bang sinabi sa’yo na mag-take ka ng driving lesson. You are making me mad, Ayana,” pigil ang galit na sabi ko. “M-ma’am, sorry, ma’am. Medyo naging busy lang po talaga kasi, tapos takot din po akong magmaneho, m-ma’am,” rason nito. “Pointless! This is pointless! Wala akong mapapala kung magagalit ako ngayon sa’yo dahil nagmamadali rin ako. Kaya do or think about something on how to make those stupid reporters out of my place!” sigaw ko tsaka nag-walkout at pumunta sa aking kwarto para maghanda. Halos manginig ang wall dahil sa pagbalibag ko ng pinto ng isara ko ‘yon. Doon ko na kasi nilabas ang galit ko kaysa kung ano pang maibato kong bagay kay Ayana. Ilang minuto rin akong naghanda pero hindi ako na-satisfied. I decided to stop by the salon para naman magandang-maganda ako kapag nagkita kami ni Kulas. Nang lumabas na ako sa aking kwarto ay wala na rin si Ayana. Tiningnan ko ang CCTV sa front gate at nakita kong wala na rin ang mga reporters. Napangiti ako. Ngiting tagumpay. Kung ano man ang ginawa ni Ayana para mapaalis ang mga ito, she deserves to be praise later. Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko na rin si Joem na naka-park sa gilid ng gate. After I secured everything at na-sure kong na-lock ko lahat kahit na automatic na nala-lock naman ang bahay at gate ko ay pumasok na ako sa sasakyan. I instructed Joem to bring me to the salon. Isang oras din siguro akong nasa salon at nang masatisfy ako sa ginawa nila sa aking buhok at makeup, umalis na ako at bumalik sa kotse. “Bring me to this address, Joem,” utos ko sa company driver. Inabot ko sa kanya ang papel kung saan naka-print ang address ni Kulas. “Sigurado kayo rito, Ma’am?” nagtatakang tanong ng driver sa akin. “Base sa expression mo, I think familiar ka sa lugar,” sabi ko na prenteng nakaupo sa likod ng sasakyan. “Ah, yes, ma’am. Bagong lipat po ako diyan sa Barangay Petmalu,” tugon nito. Sigurado akong nangislap ang aking mga mata sa narinig mula rito. Pinigilan ko ang ngiting malapit nang mamutawi sa aking mga labi. “That’s good then,” wika ko tsaka tumikhim. “Do you know Hercules Panes?” I asked him in monotone. I don’t want him to see me getting excited. I am still his boss and I don’t want him to think that he can just befriend me because I was smiling while talking to him. I like my employees being intimidated with me. “Hindi ko po kilala, Ma’am, eh. Bagong lipat lang po kasi ako roon,” ulit nito. Damn. Iyon nga ‘yong sabi niya kanina, ‘di ba? Georgina, don’t get too obvious! “Okay. Just bring me there. No more questions,” utos ko rito at nag-de kwatro plus sinuot ang itim kong sunglasses. Tumahimik na rin si Joem at nagsimula nang magmaneho. Kung sinuswerte ka nga naman. Ang akala ko ay mahihirapan pa akong hanapin ang address ni Kulas, iyon pala ay may taga-Barangay Petmalu sa mga employees ko. And good choice sa pagpili ng driver, Georgina. You are really one step ahead sa lahat ng bagay, cheer ko sa aking sarili. I am so awesome! I bit my lower lip para hindi mapangiti habang papalapit na papalapit kami kung nasaan si Kulas ko. Yes, “KO”. Inangkin ko na siya dahil mapapasaakin naman talaga siya. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa and I won’t waste time. I will tell that guy right then and there that he will be with me and he can’t say no because I won’t take no for an answer. No one can resist me! I am Georgina Saavedra. Maganda, mayaman, sexy, sikat! Ano pang hahanapin niya? Ewan ko na lang kung kaya niya pa akong hindian! Mahigit isang oras din ang aming binaybay nang makarating kami sa eksaktong address ni Kulas. “Iyan na po yata ang bahay, ma’am.” Turo ni Joem sa isang two-storey house na kulay dilaw. Mukhang maayos naman at moderno ang bahay kaso may kaliitan. Ang gate nito ay may simbolong angkla. “The one with the anchor symbol in their gate?” hindi ko napigilang itanong. Is that really necessary? “Iyon po ang sabi ni google maps, Ma’am. Tsaka baka seaman po ang may-ari ng bahay kaya ganyan,” sabi ni Joem. “Oh…” That makes sense pero hindi pa rin assurance ‘yon na bahay nga ‘yan nila Kulas. I was thinking of asking Joem na bumaba para magtanong-tanong ng may dumaang pamilyar na mukha sa akin. In an impulse, ibinaba ko ang bintana sa backseat kung saan naroon ako at tinawag ito. “Pogi!” tawag ko rito. Agad naman itong lumingon at nagtatakang tumingin sa akin sabay turo nito sa sarili. “Oo, ikaw! Halika rito!” tawag ko sa kanya. Nagtataka man ay lumapit pa rin ito. Nang malapit na ito ay hindi ko napigilang mapangiti kasi tama ang hinala ko. Siya kasi iyong bungal na konduktor ni Kulas na kamukha ng yumaong komedyante na si Rene Requestas. “Akin na ang cellphone mo,” wika nito sa akin na sumandal pa sa kotse. Hindi ako umimik. Is he robbing me in the broad daylight? “Akin na ang cellphone mo para maibigay ko ang number ko. Single ako ngayon. Swerte mo,” dagdag na wika nito sabay kindat. Natawa ako nang mahina sa sinabi nito. Gusto ko ‘yong confidence ng bungal na ‘to. “I would love to, kaso ‘yong jeepney driver ang pinunta ko rito,” nakangiting sabi ko. He really look confused na pinagmamasdan ang mukha ko. Then I remembered that I am wearing my sunglasses kaya baka hindi niya ako nakilala agad kaya tinanggal ko iyon. “Oh, sorry. It’s me. Naalala mo ba ako?” Nakita kong lumaki ang mata niya. And yes, he remembered me. “Miss Ganda!” bulalas nito sabay turo sa akin. Mas lalo akong napangiti sa kanyang sinabi. “Nandiyan ba si Kulas? Gusto ko sana siyang makausap,” I said with a friendly tone. “Oo naman, yes, ma’am! Nandyan lang ‘yon si Bossing! Tara, Ma’am, punta tayo sa bahay nila,” excited na imbita nito sa akin. At hindi na rin ako nagpatumpik-tumpik pa. Bumaba na ako ng sasakyan at sumunod dito. At gaya nga ng sabi ni Joem, iyong gate na may angkla ang kanila Kulas. Pinapasok ako ng bungal sa bahay nila Kulas na parang siya ang may-ari no'n. I did not mind the house because it was really simple pero maayos naman kaya okay lang. Noong pumasok kami sa bahay ay wala kaming naabutan sa loob kaya pinaupo ako ng bungal sa sofa at mabilis itong umakyat sa second floor. Maingat na naupo na rin ako sa medyo okay lang na sofa nila Kulas. The place was really simple at pati na rin ang mga kagamitan, mga sakto lang ang presyo, I guess, pero okay na rin naman. Anyway, ang pinunta ko naman talaga ay si Kulas. And once he is with me, I can assure him that I can make his life more comfortable than this. I can’t really wait to see him! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD