KABANATA 8

2020 Words
KULAS NAGISING ako sa malakas na pagbayo sa aking pintuan ni Athena. “Kuya! Kuya! Gumising ka na! May bisita ka!” malakas na tawag nito mula sa pinto. Naka-lock kasi ang pintuan ko. For safety precaution dahil ang hilig ko pa namang matulog na walang saplot. Nagmulat ako ng isang mata at nakita sa gilid ng brown kong kurtina na maliwanag na sa labas. Umaga na pala. Total knockout kasi ako kagabi sa inuman namin. Medyo mahapdi pa rin ang kaliwang mata ko kaya hindi ko muna iminulat iyon. “Kuya!” muling tawag ni Athena sa akin kasabay nang malakas na pagkatok nito sa aking pinto. Mas malala pa si Athena kaysa sa alarm clock. Trust me. Ang sakit pa naman ng ulo ko. Mas lalo pang sumakit sa kakasigaw ni Athena.  Napilitan na lamang akong tumayo pero kalahati lang ng mata ko ang nakamulat. Nagsuot muna ako ng aking boxers na nakasabit sa upuang naroon tsaka binuksan ang pinto. Pagbukas ko ng pinto ay doon nagising ang diwa ko nang hindi si Athena ang nabungaran ko. “Anong ginagawa mo rito?” gulat na tanong ko na nag-crossed arms para takpan ang aking kahubdan. Hindi naman bago ‘yong naka-boxers lang akong nabubungaran ni Athena kapag ginigising niya ako kaya parang wala na ito sa kanya. Ngunit ibang usapan na ‘to dahil ibang tao ang kaharap ko. “Nice view,” nakangising sabi ng kaharap ko. Pumito pa ito habang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang sa... junior ko. Doon talaga sa bandang 'yon tumigil ang mga mata niya. Walang hiya talaga ang babaeng 'to! Ako pa ang nahiya sa ginawa niya kaya pasimple kong tinakpan ang aking alaga ng aking isang kamay habang ang isang kamay ay nakatakip pa rin sa bandang dibdib ko. Nakita kong mahina itong natawa. Nakakainis naman! Plano ko pa lang sanang isara ang pinto nang makapasok na ito sa loob ng aking kwarto. Nakita ko naman si Athena sa likod nito. Kumibit balikat lang ang kapatid kong kasing confused ng expression ko ang naglalarawan sa mukha niya. Pero walang imik na umalis na rin ito at iniwan kami ng aking bwisita. “Nice room. Very manly. Not so tidy pero normal lang siguro ‘yon sa katulad mong lalaki,” puna pa ng babae na pinagmamasdan ang kabuuan ng aking kwarto. Ang gulo ng kwarto ko, actually. May mga nakasabit na damit na tinanggal ko kagabi, plus my… brief! Nasa sahig din ang brief ko! s**t! Bago ko pa man makuha at maitago ‘yon sa babae ay naunahan na niya akong ituro ‘yon. “Bad, bad boy… Hindi bale, kahit burara ka gusto pa rin kita,” wika nito sa may mapang-asar na ngiti. Agad kong kinuha ang mga damit at brief ko at inilagay sa laundry basket. Nagmamadaling nagsuot rin ako ng T-shirt at shorts. “Your bed is comfortable though and I like watching you get dress pero mas gusto ko ‘yong nakahubad ka lang. Hindi ako nagkamaling may mga pandesal ka palang itinatago,” wika ulit ng babae. Paglingon ko rito ay nasa gilid na ito ng kama at parang maninila na naghihintay sa kanyang biktima kung makatingin sa akin. I am a bit intimidated pero hindi gaya dati na parang nanginginig pa ako kapag nakakasama sa iisang silid ang isang babaeng gusto akong angkinin. Tumikhim muna ako bago nagsalita. I needed to clear my throat dahil feeling ko ay nabikig iyon. “Anong ginagawa mo rito, Miss Saavedra?” casual na tanong ko rito. “I am just fulfilling my promise. Sabi ko babalik ako, ‘di ba?” she said, na hindi man lang natinag sa kinauupuan niya. “Sinabi ko na po sa inyong---“ “Did you break up with her?” putol nito sa aking sasabihin. Hindi ako agad nakasagot. “Never mind. Wala namang panama iyong kini-claim mong jowa kaya hindi ako nai-insecure or intimidate. Bukod sa mas maganda ako sa kanya ay mas mayaman pa ako. Anyway, maligo ka na. Aalis tayo,” mahabang sabi nito. “Ha?” ang siyang nasabi ko na lamang. “Maliligo ka o ako ang magpapaligo sa’yo?” Kung kailan ito nakatayo at kung kailan siya nakalapit sa akin ay hindi ko namalayan. Ang alam ko lang ay seryoso ang mga mata niya sa pagtitig sa akin at parang totohanin nga niya ang kanyang banta kapag hindi ako sumunod. Kaya mabilis pa ako kay Superman na nakatakbo papuntang banyo. Wala na rin akong nagawa kundi ang maligo. Kung bakit ako sumunod sa gusto ng babae ay hindi ko rin alam. BUMABA na ako pagkatapos kong maligo, magbihis, at magpapogi ng konti. Nakakahiya naman sa bisita ko kung hindi ako masyadong mag-aayos. Magmumukha akong driver ng babae kung talagang lalabas kami gaya ng sabi nito. Bakit ka excited? sita ng alter ego ko. Hindi ako excited! Naghahanda lang ako! tanggol ko sa aking sarili. Parang tanga lang na inaaway ang sarili, ‘di ba? Kasalanan ‘to ni Georgina Saavedra! Nang makababa ako sa first floor ay sigurado akong nangungunot ang aking noo dahil sa tawanan na naririnig ko mula sa kusina. “Oh, Kulas, nandiyan ka na pala. Nakilala na namin si George, anak,” wika ng tatay ko nang mapansin niya akong nakatayo sa baba ng hagdan. Ang lapad ng ngiti ng matanda. Patagong nag-thumbs pa ito sa akin. Hindi siya nakita ni George dahil nakangiting nakalingon din ito sa akin. Naroon din si Athena at mapanuksong nakatingin sa akin. “Ang pogi ng kuya ko, ah. Mabuti naman at makikita na kitang makipag-date. Mabuti na lang nag-exist si Ate George sa mundong ito. Akala ko talaga kasi ay magiging matandang binata na ang kuya ko,” lahad ng aking kapatid. Pinanlakihan ko ito ng mata. Wala na. Mukhang ibinenta na ako ng aking sariling pamilya. “Ako ang dapat magpasalamat na nabuhay sa mundong ito si Kulas. Kaya thank you, Tatay Zeus at Athena. Salamat sa pag-aalaga kay Kulas. Asahan niyo pong aalagaan ko rin po siya at hindi pababayaan,” narinig kong sabi ng aming bisita na nakatingin sa aking ama. Napaawang na lamang ang aking bibig sa narinig. Halatang natuwa naman ang tatay at kapatid ko sa sinabi ng babae. “Naku, hija, sinisigurado ko sa iyo na hindi ka magsisisi diyan sa anak ko. Kaya humayo na kayo at nang makarami. Bigyan mo ako ng maraming apo, ha,” bilin pa ng kunsintidor kong tatay. “Tay!” saway ko rito nang makabawi ako sa aking pagkabigla sa bilis ng pangyayari. “Siya, siya, alis na kayo. Mag-iingat kayo, mga anak,” muling saad ng aking tatay na tumayo pa at itinulak kami ni Georgina palabas ng bahay. “Ingat, Kuya at Ate,” malapad din ang ngiting wika ni Athena. “Iingatan ko po siya,” muling sabi ni George sa aking pamilya. At bago pa nito tuluyang malason ang utak ng aking tatay at kapatid, hinila ko na ito sa sa isang kamay palabas ng bahay. Tsaka ko ito binitiwan nang nasa labas na kami ng gate ng bahay. Nakita ko rin ang pamilyar na sasakyan nitong naka-park sa mismong tapat ng gate namin. Kakaiba rin talaga ang confidence ng babaeng ‘to. “Ano bang kailangan mo, Miss Saavedra?” asik ko sa babae at humarap dito. “Ikaw. Ikaw ang kailangan ko, Kulas. Tsaka hindi mo na dapat itinatanong ‘yan. Ilang beses ko ng sinabi sa’yo na gusto kita kaya mapapasaakin ka,” walang kaabog-abog na sagot nito. “Miss, hindi mo yata talaga naiintindihan. Ayoko nga---“ “Wait. Sorry. Anong nangyari sa left eye mo?” Hinaplos nito ang bahagi ng aking matang may pasa. Hindi ko na rin napansin iyon kanina. Medyo nagmadali na rin kasi ako at para sa akin ay hindi naman ito masyadong visible na. Medyo madilim kasi sa kwarto kanina kaya hindi ko rin naaninag nang maayos. Ngunit napansin niya pa rin pala ‘yon ngayon. Sabagay, nasa labas na rin kasi kami at sobrang maliwanag na. “Wala lang ‘yan,” mahinahon ng sagot ko. Nabigla kasi ako sa ginawa niya pero hindi ko maintindihan kung bakit parang ayaw namang umilag ng katawan ko. Na para bang gusto niya ring hinahawakan ng babaeng ito. Dati naman ay parang may sariling utak ang katawan kong umiilag sa mga bababeng hindi ako pamilyar at gusto akong hawakan. “Anong wala? Mukhang black eye ‘to, ah? Napaaway ka ba kahapon? Ah… sinuntok ka ni Ason, ano?” “Ha? Paanong---“ “Kulas, wala ka nang maitatago sa akin,” confident na sabi ng babae. Mahina kong iwinaksi ang kanyang kamay at medyo lumayo rito. Kinakabahan kasi ako kapag nasa malapit siya. Ewan ko ba. “Anong ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong ko. “I know it’s rude but since I was having a hard time finding you, I hired a private investigator para alamin kung nasaan ka,” sagot ng babae. “What? That’s invasion of my privacy!” Hindi ko napigilang itaas ang aking boses. Mas masahol pa ang babaeng ito sa mga babaeng gustong makipaglapit sa akin noon. Though may mga psychotic na babaeng gusto talaga akong angkinin pero mas malala ang babaeng ‘to. What do I expect sa isang mayamang babae? Damn. “I know. I am really sorry, baby. Ikaw kasi, eh, ang hirap mong hanapin,” hindi natinag na wika nito. Bagkus, mas lumapit pa ito at gusto pa akong hawakan pero mabilis akong umiwas sa kanya. “So, alam mong hindi ko talaga nobya si Asunta? Kaya ba gano'n na lang ang confidence mong ipagsigawan na wala akong nobya?” tanong ko rito. “Base sa report ng private investigator, wala ka daw naging karelasyon since birth. Pero ngayon ko lang nalaman ‘yong tungkol kay Asunta nang makausap ko ang tatay at kapatid mo. Kaya medyo nagulat ako kahapon. Tsaka marami-rami rin akong nalaman sa kanila kaya…” “Damn it!” bulalas ko at napakuyom sa aking kamao. “Huwag ka nang magalit, baby. I know na ayaw mo sa mga babae but don’t worry, I am sure na iba ako sa kanila. Kaya halika na, let’s have a date para makilala mo ako nang mabuti,” dire-diretsong wika nito. Feeling ko ay mas lalong kumulo ang dugo ko sa narinig. She’s aware na woman-hater ako pero ipinagpipilitan niya pa rin ang sarili sa akin. What kind of games is she playing? Normal lang ba talaga sa mga mayayamang tao ang mang-torture sa mga mas mababang uri? “Get out of my house, Miss Saavedra,” pigil ang galit na sabi ko. “But baby, may date pa tayo. Come on. Just give me a chance. You will see that I am really your perfect woman,” hindi natinag na kumbinsi nito sa akin. “Get out of my house, Miss Saavedra,” ulit ko na konti na lang ay sasabog na ang galit na aking pinipigilan. Ang kulit ng babaeng ‘to! “Call me George, please. Or pwede naman baby, love, honey, mahal ko, or whatever endearment you like,” wala pa ring pakialam na sabi nito. “Miss Saavedra!” sigaw ko na nagpatigil sa babae. “Get out of my house kung ayaw mong kaladkarin kita paalis rito,” banta ko sa kanya. The woman was silent for a second. I smirked, mentally, dahil parang natakot naman ito pero akala ko lang pala ‘yon. “Matigas ka nga talaga, Kulas, but I like it. Oh baby, hindi mo lang alam but I like it hard and rough,” hindi pa rin natinag na sabi ni George. “If you want me to get out of your house now… make me,” she challenged me. Nag-walkout ito but instead walking to her car, she went back inside my house. Nanggigil na napasuklay na lamang ako ng aking buhok habang sinusundan ito ng tingin. What is wrong with this woman?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD