KABANATA 7

2138 Words
KULAS “SINO raw?” narinig kong tanong ni Victor. “Si Miss Ganda raw,” sagot ni Isko. “Oh wait… Huwag mong sabihing…” wika ni Ason na ang boses ay naging excited. “Si Miss Saavedra po!” confirm ni Marlou. “All right. This is my time to shine,” ani Ason na aksyon nang tatayo pero mabilis itong nahila ni Badong kaya napabalik ito sa upuan. “Ano ba?” asik ng babae kay Badong. “Huwag ka na munang makialam. Hayaan mong si Kulas ang humarap doon sa binibini. Tsaka hindi naman ikaw ang hinahanap,” tugon ni Badong. Hindi ko na nakita ang expression ng mukha ni Ason dahil nakatingin ako kay Marlou na labas gilagid pang nakangiti. “Nasaan siya?” tanong ko sa bungal. “Nasa sala, Boss. Pinapasok ko na, ha,” napakamot pa ng batok na sagot nito. Walang imik na umalis ako sa terasa at bumaba sa first floor. Its rude kung hindi ko ito haharapin kasi dumayo pa siya sa balwarte ko para makita lang ako. I know she will just thank me kaya kahit hindi ako masyadong komportable, haharapin ko na lamang siya para matapos na. Nang makababa ako ay agad ko siyang nakita, nakaupo ito sa sofa. The woman was really beautiful at sa unang tingin ay mapapansin talagang galing ito sa mayamang pamilya. Nang mapansin niyang papunta na ako sa gawi niya ay lumingon ang babae. Tumayo ito at ngumiti. Kaso off iyong ngiti niya, maganda na sana ngunit pilit ang mga ngiting ibinigay niya sa akin. “Mr. Hercules Panes,” pormal na sabi nito at inabot ang isang kamay. “Miss Saavedra.” Nakipagkamay din ako at agad ding nagbitaw. “George na lang,” wika niya. “Kulas na lang din po,” sabi ko. “Naku… Magka-edad lang yata tayo kaya huwag mo na akong pinu-po,”she remarked. “Okay. Sure. Pasensiya na. Maupo ka, Miss Saa--- George.” Itinuro ko ang sofa. Nakakaintinding tumango naman ang babae at naupo na ulit. “Anong gusto mong inumin? Maghahanda ako ng maiinom,” I offered. “Ah, I’m good but I can use some water if that’s okay,” nakangiting sabi nito. Ayun na naman iyong ngiti niya. Hindi bagay sa magandang mukha niya ang malungkot na mga mata nito. Tumango na lamang ako at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng bottled water doon at isang baso. Naramdaman kong pinagmamasdan lamang ako ng babae kaya medyo na-conscious din ako. But I manage to play it cool. “Thank you, Kulas,” ika nito pagkatapos kong maipatong ang aking dala sa coffee table na nasa harap niya. Tumango ulit ako. Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa harap niya. “Ano nga palang kailangan mo, George?” casual na tanong ko. “Bukod sa gusto kong magpasalamat sa ginawa mong pagligtas sa akin noong isang linggo mula doon sa ex-employee kong muntik na akong patayin, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Kulas. Be my boyfriend or marry me instead. I can give you more comfortable life than this,” sabi ng babae. I am sure na napaawang ng kaunti ang aking labi sa kanyang sinabi. Tama ba ang narinig ko mula rito? Ano raw? “S-sorry… what?” nagtatakang tanong ko. “I am not sure kung naintindihan kita ng mabuti, George.” “Sigurado akong narinig mo ang aking sinabi, Kulas. But I will translate it in tagalog if hindi mo naintindihan. Gusto kong maging nobyo ka or mas mabuti kung pakasalan mo ako.” This woman is crazy! “Narinig ko ‘yong una mong sinabi pero hindi ko lang sure kung naintindihan ko. But yeah, thank you sa pag-translate, Miss Saadvedra. And no, I will not going to be your boyfriend and I won’t marry you,” I declined. Siya naman ang nakitaan kong napaawang ang mga labi. “I appreciate na dumayo pa po kayo rito para pasalamatan ako. Walang anuman po iyon. Ginawa ko lang naman ang nararapat. At kung wala na po kayong ibang kailangan, please excuse me because I have things to do,” wika ko na pasimpleng pinapaalis ito. Mahinhin, maganda, sexy, mayaman, pero sobrang aggressive. I hate women at mas lalo na ang aggressive ones! “Wait… why?” nagtatakang tanong nito. “I am simply not interested, Miss Saavedra,” mahinahong sagot ko. Tumayo na ako pero hinawakan ako ng babae sa kamay. I did not like that I felt electrified when she touched me. Pasimple kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin. Nakita kong parang nasaktan ito sa aking ginawa pero wala na akong pakialam. Hindi ko na gusto ang ganitong pag-uusap. “Are you gay?” she asked. Nakatayo na rin ito sa aking harapan. Narinig ko ang aking mga kaibigan na parang nagpipigil ng kanilang tawa dahil sa tanong ng babae. Alam kong nakikinig sila sa gilid ng hagdan. I am not sure kung aware ang babaeng kausap ko na may audience kami, pero base sa expression ng mukha nito, parang hindi niya naman napansin ang mga ito. “Hindi po akong obligadong sagutin ‘yan, Miss Saavedra. But since you are really curious…” Naglakad ako papunta sa hagdan at hinila ang nagtatagong si Ason. Nagulat ito sa aking ginawa lalo na ng inakbayan ko ito ng mahigpit. “This is my girlfriend. Her name is Asunta.” Nakita kong napatingala si Ason sa akin na puno ng katanungan ang mga mata pero pinisil ko ang balikat nito at ngitian ito sabay kindat. Alam na agad ni Ason ang ibig sabihin no'n. “Ah yes, he is my boyfriend,” awkward na nakangiting sabi ni Ason. Yumakap pa ito sa balakang ko. “Ang pogi niya, ‘no?” Napakagat ako ng aking pang-ibabang labi sa nakita kong ka-awkwardan ni Ason. “She’s not your girlfriend,” mariing wika ng babaeng kaharap namin. Sa akin pa rin ito nakatingin. “Hindi. Nobyo ko talaga siya,” insist ni Ason. Piniga ko ulit ang balikat niya dahil napaka-obvious nito. “No, he’s not. Hercules Panes has no girlfriend since birth,” giit din ng bisita. “Paano mong nala---“ Tinakpan ko gamit ng aking isang palad ang bibig ni Ason. At talagang ilaladlad pa ako ng aking kaibigan! ”Noon ‘yon pero ngayon meron na,” palusot ko. “Kaya please po, respeto na lang si girlfriend ko, tigilan niyo na iyang pagpa-prank niyo sa akin.” “I am not pranking you, Kulas. Sigurado ako sa aking sinasabi. At hindi ako naniniwalang girlfriend mo siya!”Nakita kong medyo nagagalit na ang mayamang babae. Talagang hindi niya ako titigilan? Well… Sorry, Ason. Patawarin mo ako, hinging paumanhin ko sa aking kaibigan sa aking isipan. “She’s my girlfriend,” giit ko tsaka walang paalam na hinalikan sa labi si Ason. Alam kong mabubugbog ako ni Ason mamaya lalo na at pinipilit ko siyang halikan. Mabuti na lang at hindi ito pumalag. Sobrang nagulat siguro talaga ito. “Stop it!” malakas na sigaw ng babaeng kaharap namin at pwersang pinaghiwalay kami ni Ason. Hindi ko alam kung malakas lang talaga ang babae or I let my guard down kasi napaghiwalay niya naman kami ni Ason successfully. “I don’t care if she is your girlfriend, mistress, girl toy or what. You are mine, Kulas. You are mine,” banta nito na nakalapit na sa akin. Hindi pa man ako nakakabawi dahil sa sobrang lapit niya sa akin nang biglang sakupin ng labi ng babae ang aking labi. Gaya ng ginawa ko kay Ason ay pinilit niya rin akong hinalikan at sa sobrang gulat ko ay hindi rin ako nakapalag. Ason’s lips was soft and George’s lips are soft too pero iba iyong epekto ng labi ni George sa akin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Bago pa man ako tuluyang makapag-react ay naialis na ng babae ang mga labi mula sa akin. “Akin ka, Kulas. You better break up with her now or you will regret it,” banta nito sa akin. “I will be back tomorrow. Dapat wala na ang babaeng ‘yan dito.” Iyon ang huling sabi ng babae bago umalis. Natulala pa rin akong nakatayo kung saan naroon ako. Hindi ko namalayan na hinahaplos na pala ng aking daliri ang labing hinalikan ni George kanina. Bakit ang tamis ng labi niya? “KULASSSSS!!!” narinig kong sigaw ni Ason. Hindi pa man ako nakakabalik sa aking wisyo nang makita kong sinugod na ako ni Ason. Bago pa ako makapag-react ay dumapi na ang kamao niya sa left eye ko. I was instantly knocked out dahil sa ginawa niya.   “KULAS! KULAS! Gising!” narinig kong tawag ng aking mga kaibigan sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata pero blurry iyon kaya kumurap-kurap pa ako ng ilang beses para ma-clear ang paningin ko. Tapos naramdaman ko ang kirot sa kaliwang mata ko. “Aw. Aw,” hiyaw ko sabay hawak sa kaliwang mata ko. “Lagot. May black eye.  Grabe ka, Ason,” sabi ni Badong. Doon naman biglang nanumbalik sa aking alaala ang lahat ng nangyari kanina. Nakita kong nakatayo si Ason sa gilid ko. Masamang nakatingin sa akin at nakahalukipkip pa. “Deserved mo ‘yan,” angal ni Ason. “Heto na ang yelo, Master,” sabad ni Marlou na inabot ang yelo kay Isko. Inilapat ni Isko ang yelo sa kaliwang mata ko pero kinuha ko iyon sa kamay niya at umupo. “Sorry na, Ason. Matinding pangagailangan, eh. Nakita mo naman,” hinging tawad ko sa aking kaibigan. “Hmp! Okay na ‘yon. At least naka-score naman si Miss Ganda sa’yo kaya bawi na rin ako,” wika nito at bumalik na sa panunukso sa akin. It was not the first time na ginamit kong pananggala si Ason laban sa mga babaeng nagkakainteres sa akin. It was not the first time I kissed her as well. Mga pangatlong beses pa lang siguro. Dalawa do'n ay tuwing may agresibong babaeng gusto akong maging nobyo. At lahat ng halik na ‘yon ay may kapalit na bugbog at black eye. Kaya parang wala na rin sa mga kasama namin ang nangyari sa amin ni Ason. Sabi ko naman sa inyo, tomboy si Ason. Hindi na siya muling magiging straight dahil babae talaga ang gusto niya. Inalalayan na niya akong tumayo. Paika-ika naman akong naglakad papunta sa sofa at doon naupo. “Lakas ng tama ni Miss Ganda sa’yo, Kulas,” wika ni Badong. “Masarap ba ‘yong halik?” excited na tanong ni Victor. “Mas masakit ang suntok ni Ason,” tugon ko. “Sorry na kasi. Ikaw, eh. Basta, sorry na,” sambit ni Ason. “Sorry din. Palagi na lang kitang nailalagay sa alanganin. Pero wala na kasi akong ibang pwedeng gawing excuse. Alam mo na,” paliwanag ko, hawak pa rin ang yelo at nakadampi sa kaliwang mata ko. “Hindi, okay na ‘yon. Buti nga sana kung effective pero mukhang mas makulit ang isang ‘to, Kulas,” nag-aalalang wika ni Ason. Napabuntong hininga ako. Natahimik na rin ang iba naming kasama. “Anong plano mo, pre?” basag ng katahimikang tanong ni Isko. “Ano pa nga ba? Dating gawi pa rin,” sagot ko na nakatingin sa kawalan. “Sabihan mo lang kami kung anong tulong ang pwede naming gawin,” muling sabi ni Isko. “Plan H na ba tayo, guys?” tanong ni Victor sa amin. May ilang plano ang aking mga kaibigan na binuo dahil sa sitwasyon ko. Ganyan sila ka-supportive at overprotective sa kalagayan ko. Inaasar man nila ako minsan pero kapag may seryosong kaganapan ay sila na mismo ang gumagawa ng paraan para umaliwalas ang buhay ko. Ang Plan H ay ang pagbaba-ban sa Barangay Petmalu sa mga babaeng gusto akong angkinin. Ang street namin ay nasa dulo ng buong barangay. Magkakaiba kami ng street na tinitirhan ng aking mga kaibigan kaya sa kanilang mga street pa lamang ay may ginagawa na silang paraan para hindi makarating ang mga babaeng nangha-harass sa akin. “Huwag na muna,” ika ko. I can see the confusion in their eyes dahil sa aking sinabi. “Let’s observe kung anong gagawin niya. If she’s really a threat, I will immediately ask for help, guys. Huwag kayong mag-alala,” nakangiting sabi ko. Tumango na lamang ang mga ito at hindi na nagtanong pa. At para makalimot sa nangyari at medyo mabawasan ang sakit na nararamdaman ko sa left eye ko ay ako na mismo ang nag-ayang mag-inuman kami.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD