CHAPTER 8

1498 Words

Sandaling kumislap ang pagkabigla sa mga mata ni Ryan bago siya pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa na para bang hindi ito naniniwala na beinte-siyete anyos na siya. Hindi naman niya masisi kung bakit inakala nitong bata pa siya. Five feet-two inches lang kasi ang kanyang taas at sa suot na maong shorts, sneakers, at polo blouse ay mukha naman talaga siyang mas bata kaysa sa tunay na edad. Lalo na sa tabi ni Ryan na malaking lalaki. Hanggang dibdib nga lang siya nito. “Gusto mo bang makita ang passport ko?” tanong ni Jesilyn. Bumalik sa kanyang mukha ang tingin ni Ryan. Pagkatapos ay nabigla pa siya nang bahagyang natawa ang lalaki dahilan kaya umaliwalas ang mukha nito. “Hindi na kailangan. Let’s go. I’ll accompany you just to make sure that you’re not going to do anything cr

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD