HINDI naisip ni Jesilyn noon na marami pala siyang naitatagong lakas ng loob sa katawan. Until that moment. Hindi niya alam kung paano niya nagawa pero namalayan na lamang niyang nakalapat na ang kanyang mga labi sa mga labi ni Ryan. Marahil dahil matindi pa ang adrenaline na nararamdaman niya dahil sa argumento nila, o nakaramdam siya ng pagrerebelde nang makita ang ngiti ng binata na para bang sinasabing hindi niya ito kayang halikan. O kung magiging tapat si Jesilyn sa kanyang sarili, ang tanging rason na naisip niya ay talagang gusto lang niya na halikan si Ryan. Noon pa mang unang gabi na naghiwalay sila para pumasok sa kani-kanilang hotel room, noong nakaramdam siya ng matinding pagkadismaya na kailangan nilang maghiwalay pansamantala, noon pa man ay iyon na ang gustong gawin ng ka