CHAPTER 16

2249 Words

PARANG binibiyak ang ulo ni Jesilyn nang maalimpungatan kinabukasan. Napaungol siya at nang subukang imulat ang mga mata ay lalo lamang tumindi ang sakit ng ulo. So, ito ang tinatawag na hangover, iyon ang unang pangungusap na sumagi sa kanyang isip. Nagdesisyon siya na hindi na uulitin ang pag-inom nang husto. Ang asim ng kanyang sikmura at hindi siya makagalaw sa takot na baka lalong sumakit ang kanyang ulo. May narinig siyang katok mula sa pinto ng hotel room. “Jesi? Gising ka na ba?” Tinig iyon ni Ryan na muling kumatok. Dahan-dahang dumilat si Jesilyn at lumingon sa pinto. “Y-yes,” garalgal at mahinang sagot niya. Napahinga siya nang malalim dahil sigurado siyang hindi narinig ni Ryan ang boses niya. Mabuti na lang at bahagya nang napawi ang sakit ng kanyang ulo kaya nagawa niyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD