Sinunod ni Jesilyn ang sinabi ni Ryan. She relaxed and just enjoyed their slow movement. In fact, she ended up enjoying the feeling of his arms around her. Masyado siyang komportable na natagpuan niya ang sariling humihilig palapit sa katawan nito at ang kanyang mga mata ay bahagyang namigat. Gusto niyang pumikit at namnamin ang init na nagmumula rito. “You can rest your head on my chest,” masuyong bulong ni Ryan na tila nabasa ang iniisip niya. Sandaling umangat ang isang kamay ng binata, lumapat sa likod ng kanyang ulo at bahagyang hinigit hanggang mapasubsob na siya sa dibdib nito. Napapikit siya at humigpit ang pagkakakapit ng kanyang mga braso sa batok nito. “Mabuti na lang at nakilala kita. I have someone to trust,” bulong niya. Humigpit ang isang braso ni Ryan sa kanyang bayw