INIHATID si Jesilyn ng kanyang nobyo sa bahay nila. Nang salubungin siya ng kanyang mga magulang ay umatras palayo si Apolinario upang marahil ay bigyan sila ng privacy. Nang ibuka ng kanyang ama ang mga bisig ay naiiyak na lumapit siya rito. “I’m sorry for doing something selfish,” bulalas niya. “You made us worry,” sagot ng kanyang ama na humigpit ang yakap sa kanya. “But I’m glad you came back safely.” Subalit iba ang reaksiyon ng kanyang ina. Galit na hinampas siya nito sa braso. “You selfish, ungrateful girl! Papatayin mo ba ako sa tensiyon at takot?! Ano’ng sumagi sa isip mo na bigla kang umalis? Paano mo `yon nagawa sa amin, ha?” umiiyak na sigaw nito. Napahikbi si Jesilyn at niyakap ang ina kahit na muli nitong hinampas ang braso niya. “I’m sorry. But I had to do it, Mama. Hin