Lumapit sa kanya si Apolinario at agad na kinuha ang traveling bag mula sa kanyang balikat. Pagkatapos ay ikinulong nito sa dalawang kamay ang kanyang mukha. “Breathe. Come on,” masuyong udyok nito na siya namang ginawa niya hanggang magawa na niyang makahinga nang maayos. But she could still feel the pain in her heart, as if it was breaking. At may pakiramdam si Jesilyn na mananatili ang sakit na iyon sa kanyang dibdib ng matagal na panahon. “Okay ka na?” malumanay na tanong ni Apolinario. Tumango siya. Inakbayan siya ng kasintahan at inalalayang makapasok sa elevator. Nang umaandar na iyon pababa ay saka bumakas ang frustration sa mukha nito at niyakap siya. “Damn, Jesi. Kung gusto mong mamasyal sa kung saan, sana’y sinabi mo sa amin. Hindi `yong bigla kang nawala! Alam mo ba n