8-Game Time

1346 Words
PAGDATING nila Ezra at Dash sa main house ay nasa sala na ang tatlong babae. Agad na lumapit si Dash kay Dara habang si Ezra naman ay naupo sa bakanteng sofa. “Nasaan na si Oz?” tanong ni Fiona nang makita nitong dalawa lang silang dumating. “Tulog pa. Mahirap gisingin ‘yon. Medyo mainit pa naman mga after thirty minutes na lang tayo umalis?” mungkahi ni Dash habang nakapulupot na ang mga bisig kay Dara. “Ginigising namin kaso mukhang antok na antok. Let’s give him another thirty minutes to sleep.” “Sige, pwede naman.” Nang matapos ang ilang minuto ay nagsalita si Ezra. “Pustahan tayo sinong gigising.” “Anong gigising?” “Kay Oz. Mahirap ‘yon gisingin. Umiinit ang ulo namin lahat kapag ginigising ‘yon. Si Malik lang nakakagising ng mabilis kay Oz pero naghahabulan sila after.” Napangiti si Fiona. Naimagine nga niyang masandal ay tulog si Oz dahil sa haba ng biyahe nila papuntang Batangas ay hindi man lang niya naramdaman ang presensiya nito. “Sali ako,” sabi ni Fiona. “Sure ka?” “Hindi pero dahil bored ako, sige game. Anong pusta?” “Unang game. Paunahan makarating sa bibig ang coin na ilalagay sa noo.” Natatawang sabi ni Ezra. “Parang pang-Children’s party naman!” “Ganoon talaga. Game. Pengeng limang piso tatlo, Babe.” Paglingon ni Dash kay Dara ay nakangisi ang kaibigan ni Fiona. She was looking at her with a knowing look. Hindi niya iyon pinansin dahil aani na naman siya ng maraming batikos at pang-aasar. When the game started alam na ni Fiona na matatalo siya dahil hindi pa niya nalaro iyon sa tanang buhay niya. “Isa pang laro muna tayo para may mapaglibangan.” Napatingin sa kanya ang mga kasama. Unang nagtanong si Blaze kung anong gagawin. “Bilyar?” tanong ng dalaga. Umiling si Ezra at ngumiti. “Magaling na kayo masyado doon. Iba naman tapos pustahan tayo ulit.” Nagkatinginan sina Ezra at Dash. Mukhang parehas sila ng iniisip. "Sige, call. Ano na nga ulit ang game?" Nagkatinginan sina Ezra at Dash nang si Fiona ang nagtanong. Sa tinginan na iyon alam na ni Ezra na dalawa silang umaasa na si Fiona nga ulit ang matatalo. "Mirror game. Kung anong action na ginawa ng naunang mga kalaro ay gagayahin ng sumunod. So patalasan ng isip at pagalingan sa actions. Pointing system tayo para masaya. Ang pinakamaraming errors ang siyang matatalo sa game na ito." "Grabe, ang hirap naman." Napakamot ng ulo si Fiona. "Mukhang masaya 'to, Ate. Game na?" Tumayo pa si Blaze at lumipat ng pwesto sa tabi ni Fiona para pambwelo. "Sige, pabilog tapos mauna ko pakanan. Kailangan gayang-gaya ang action ha. Pwedeng madali na action pwede rin naman na mahirap. The fun in the game lies in the ability of the players to mimic each other's action in order regardless kung anong action 'yon. Titigil lang ang game at magrereset kapag may nagkamali." "Sige. Mukhang dehado kami sa inyo ni Dash pero sige lang, Go!" Mukhang nakita ni Dara na napangisi sina Dash at Ezra habang nagpapaliwanag ng rules ng game. "Trial muna tayo," bulong ni Dash. Tumango si Ezra at saka nagsimula. Walang nagsasalita ngunit nang magsimula na si Ezra sa unang action ay nagsimula na ang trial version ng laro nila. "Grabe ang hirap naman!" reklamo ni Fiona. Dahil si Fiona ang katabi ni Ezra at si Blaze naman ay katabi ni Fiona. Nagsimula sa isang mahirap na footwork na mukhang choreography nila sa MOVERS. Natatawa man sila sa ginagawang laro ay nakakasabay naman ang lahat. Pangalawang ikot na ay wala pang nagkakamali. Hinirapan ni Dash at Ezra ang gestures. May pagtalon pa ito at pagwasiwas ng kamay. Kay Ezra naman ay dinagdagan niya ng isang mahirap na dance steps din na may body roll. Kahit namamangha ang mga kasama nila sa pasiklaban nilang dalawa, nagtawanan ang lahat ng unang magkamali si Fiona. "Grabe, madaya! Magkasunod si Dash at Ezra. Kapag pinagsunod kasama ng mga naunang gestures pamatay factor na!" Reklamo ni Fiona habang nagtatawanan ang mga kasama nila dahil sa itsura niya noong iniisip ang steps at nang ginagawa na ito. Malayong malayo sa mismong action na ginawa ng kagrupo. "Ayan may isa na si Fiona. Reset na tayo. Sige mas madali naman ngayon." Nakangising sabi ni Ezra. SIya ulit ang nagsimula. Kagaya ng naunang round ay mga choreography din sa sayaw ang ginawa niya. Dahil si Fiona ang kasunod niya ay nagkamali na naman ito. "Wait lang lilipat ako ng pwesto. Daya nyo ha." Nakairap na sabi ng dalaga habang naglalakad papunta sa may tabi ni Dara. "Game. Si Dash naman magsimula." Dahil magkatabi din si Dara at Dash at marunong naman magsayaw si Dara, napagtagumpayan nila ang round ngunit nang si Fiona na ay nagkaerror na naman. "Wait lang lipat ako ulit. Ay nakakaloka! Wala na pala ko malilipatan! Nakakainis na ha lagi na lang akong talo!" pairap muling sabi ni Fiona. "Sige na nga, game na ulit. Gagalingan ko na talaga." Mahigit treinta minutos na ang nakalipas ay puro si Fiona ang natatalo. "Pagod na 'ko. Times up na. Ayoko na," humihingal na reklamo ni Blaze habang nakangisi naman ang dalawang binatang kalaro nila. Para na rin silang nagwork out dahil nakatayo silang naglalaro at ang action na gawa ng dalawa ay mga pang full body dance moves nila na madali lang ang iba ngunit kadalasan ay mahirap. "Grabe kayong dalawa," napapailing na sabi ni Dara kahit parang nag-enjoy naman siya at malapad ang ngiti. Doon napatunayan ng dalawang miyembro ng Movers na magaling talaga magsayaw si Dara. "O siya, dahil si Fiona ang burot sa games na ito, siya ang gagawa ng pinakamahirap na task na naisip namin ni Dash kanina. Blaze, laro tayo ng Bilyar?" Tumango naman si Blaze at paalis na silang dalawa papunta ng Game room nang magtanong ulit si Fiona. "Di ko naman maimagine bakit mahirap e parang gigisingin lang naman." Kahit ganoon ang sinabi niya, nagstretching siya na parang naghahanda sa isang malaking laban. She ended up doing what she wanted to do in the first place. Ang mapuntahan si Oz na mag-isa sa Lodge.“Masa talaga,” bulong ni Fiona. "O sige na, susunduin ko na para makaalis na rin tayo." Nagkiskis pa ng palad si Fiona bago tumalikod sa kanila. Nang palabas na siya ng pintuan ay nagbilin sila Ezra sa kanya. "Pakisabi kay Oz mag sunblock. Baka matusta na naman balat niya." Tumango si Fiona at kumaway pa kaya't nagpaalam sila muling apat, "Good luck! Patience is a virtue." pabiro pang sabi ng dalawang magkaibigan sa taong inutusan nilang gisingin ang antukin nilang kagrupo. Habang wala pa si Fiona ay nagpunta ang apat sa Game room. Sa videoke room nagbabad sina Dara at Dash habang sina Ezra at Blaze ay sa bilyar naman. "May tips ka ba para matalo ko naman si Oz? Masyado na hambog ang kaibigan kong 'yon dahil lagi na lang sya ang panalo." Nakangusong tanong niya sa dalaga. "Tips? Simple lang naman ang tip ko. Practice makes perfect. Lagi lang kasi akong naglalaro dati. Tapos pinapanood ko rin ang mga sikat na nagbibilyar for some gestures or tricks na mapipickup ko habang naglalaro sila." "So hilig mo talaga?" tanong niya habang sinesetup niya ang mga bola sa billiard table. "Yes actually. Bonding kasi namin 'to ng Papa ko kapag nandito siya. Lately lagi siyang busy kaya hindi na 'ko nakakapaglaro. Buti na lang at nagpunta kayo dahil nakapaglibang talaga ako ng husto." "Bakasyon ka rin no? Nabanggit nyo kanina?" tanong ni Ezra. "Yes. Pero parang hindi naman bakasyon kasi same lang naman ng buhay ko dati ang ginagawa ko ngayon. Ang pinagkaiba lang, nandito ako ngayon sa Batangas at wala sa Benguet. Salitan kasi ang tinitirahan ko. Dati kasama pa ang Laguna since sa UP Los Banos ako pero ngayon, dito at sa Benguet na lang." sabi ng dalaga. Napangiti si Ezra at napaisip kung magkakaroon ba siya ng pagkakataon na madalaw ang iba pang rancho nila Blaze.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD