7-Distraction

1123 Words
HABANG naliligo si Ezra ay napaisip kung ano ba talaga ang pakay niya sa lugar na iyon kung hindi rin naman siya lalapit sa mga kabayo. He sighed under the shower na biglang uminit nang matabig niya ang lever. Napangiti siya nang ma-realize na modern talaga ang pamumuhay sa lugar na iyon. Kahit ang lodge ay may heater din. Kung naalagaan nila ang Rancho na namana niya sa kanyang Lolo ay baka ganoon na rin kaganda ang lugar nilang iyon. Napapikit si Ezra nang maalala ang namayapang Lolo, ama ng kanyang Mama, na siyang nagturo sa kanyang mangabayo. Apat na taong gulang siya nang magbakasyon sila ng Kuya Enzo niya sa kanyang Lolo. Habang nasa bakasyon, isinama silang makadalaw sa Rancho ng kaibigan ng kanyang Lolo sa Cavanah Valley, ang El Rancho de los Guapos. Sa kwento sa kanya ni Lolo Tunying, nagtatatalon si Ezra sa galak habang nanonood ng nangangabayo sa Rancho. Sa pagpupumilit niya, pinasakay siya sa isang maliit na pony . Ayon pa sa kwento, napaandar niya mag-isa ang pony at hindi siya natakot. Simula noon, lagi siyang nagyayaya sa Rancho na iyon. Isang trainer ng mga equestrian jumpers ang nasa lugar na iyon noon at nakita ang potential ni Ezra. Inalok ang kanyang Lolo na turuan si Ezra habang bakasyon. Noong una ay hindi pumayag ang mga magulang niya dahil delikado iyon para sa isang bata, ngunit dahil sa pagpupumilit nila ng Lolo niya at sa pagbili ng mga safety gears, pinayagan din siya. Ang dating sakitin na bata ay naging masiglahin at madalang nang magkasakit noong nagsimula siyang mag-aral. Ang Lolo Tunying naman niya ay bumili ng sariling Rancho niya at nagsimula na ring mag-alaga ng mga kabayo na naging bonding nilang dalawa. Nagkataon noon na kailangang magpunta ng mga magulang ni Ezra sa America para asikasuhin ang ilang properties ng Lolo at Lola niya sa Father side na hindi inaasahang nagtagal ng isang taon. Iniwanan silang magkapatid sa poder ni Lolo Tunying noon at dahil doon, mas nagkaroon siya ng panahon para makapagsanay at makapag-aral. Napabuntonghininga si Ezra sa ala-alang iyon. Napakatagal na panahon na ang lumipas. Ngayon ay mga katiwala na lang ang nasa Rancho de Zera at pinapadalhan na lang sila ng Financial statements at monthly reports ng nagmamanage ng lugar. Binilisan nang maligo ni Ezra at saka sya nagpatuyo ng katawan at nagbihis. Isang puting t-shirt at faded blue jeans ang suot niya para presko sa pakiramdam at malinis tingnan. Kinuha niya rin ang toiletries niya sa kanyang bag at siniguradong makinis ang mukha niya at walang bahid ng facial hair. Sinuklay ng mabuti ang buhok para kapag natuyo ay diretso at neat tingnan. Napatitig siya sa repleksyon sa salamin at napatong sa sarili kung nag-eeffort ba siya dahil may rason o sadyang ganoon lang siya araw-araw? Napailing siya at tinapos na ang pagpapapogi. Matapos nyang magbihis ay nahiga muna siya sa malambot na kutson. Ipinalibot ang tingin sa paligid. Kahit na puro kahoy ang gamit sa Lodge na iyon, mukha itong elegante at moderno sa ibang bagay kagaya ng sa mga ilaw at sa mga nakadisplay sa interior ng lugar. Nasa ganitong akto siya nang makarinig ng katok mula sa pintuan. "Pasok," sabi niya kahit hindi naman siya maselan kung papasok ba agad ang mga kaibigan o kakatok pa. Pagsilip ni Dash ay nakaligo na rin ito at nakabihis. "Dude, thirty minutes na lang alis na tayo, kaso si Oz tulog pa." Napailing sila ng sabay at napabuntonghininga. "Hayaan muna natin. Mukhang marami siyang masyadong antok. Mauna na lang tayo tapos baka pwede naman habaan pa ng thirty minutes ang call time para makatulog pa ng mahaba 'yang si Oswald," mungkahi ni Ezra. "Sige." Imbis na lumabas ng silid ay pumasok na rin si Dash sa loob at naupo sa gilid ng kama. Sa itsura ng mukha nito ay parang mayroon itong sasabihin sa kanya ngunit hindi maituloy. "Ano? Sabihin mo na." "Naisip ko lang kung dapat ba ilayo ko 'tong si Oz kay Fiona?" Napakunot ang noo ni Ezra sa tanong ng kaibigan. "Bakit naman?" "Baka lang magkagulo silang dalawa ni Fiona tapos madamay kami ni Dara." Napailing ng ulo si Ezra at tinapik sa balikat ang kaibigan. "Matindi tama mo, Dude. Pati mga tao sa paligid ni Dara pinanghihimasukan mo na. Hayaan mo lang sila kung anong gusto nila. Malaki na at matanda mga 'yan. Mag-focus ka sa panliligaw mo ulit sa girlfriend mong hilaw." Nakangisi niyang sabi. "Ikaw ba? Wala ka bang nililigawan ngayon? Anong nangyari sa dati mong pinupuntahan?" tanong ni Dash. Napaupo siya at napatingin sa mga puno sa labas ng bintana. Ibinuhol niya ang kurtina sa bintana bago siya mahiga para mas makita ang berdeng paligid. "Wala. Ayoko ng mga babaeng clingy at demanding. Lahat ata ng makak-fling ko may sayad sa utak. Kaya mas okay pa walang ka-date." Napailing si Dash at siya naman ang tinapik sa balikat. "Iba naman kasi ang definition ng date sa'yo. Dinner tapos hotel. Anong klaseng date 'yon? Parang pinakain mo muna bago mo tirahin," nakangising sabi nito sa kanya. "Buti nga 'ko pinapakain ko pa. 'Yang si Oswald nga pagkakita tira agad. Walang kain kain, I mean, edible food pala." Nagkatinginan silang dalawa sa may hidden meaning na sinabi ni Ezra bago sila nagtawanan. Sinadya nilang lakasan ang tawa para magising si Oz kaso ay mas mantika pa sa lahat ng mantika matulog ang kaibigan nilang 'yon. "Kapag nahanap na niyan ni Oz ang katapat niya baka puro pagkain na lang atupagin." "Malay mo naman si Fiona na 'yon?" "Ang masasabi ko lang, good luck kay Fiona kung mapapatino niya 'yang isang 'yan." "Napatino ka nga ni Dara. Sino naman magaakala na nakilala natin sa Cebu ang magpapatino sa 'yo ng sobra?" Napangiti si Dash at tila kinilig pa dahil sa naalala. "Hoy, kung mag-iimagine ka lang tungkol sa hilaw na girlfriend mo, tara na bumalik na tayo sa main house para magkita na kayo ni Dara." "Sige. Pano ang cart dalhin na natin parehas?" tanong ni Dash. "Dalhin natin tapos papuntahin natin si Fiona dito para sunduin si Oz mamaya. Tingnan natin kung anong mangyayari." Tumango si Dash at nauna nang tumayo. "Sige. Mabuti pa nga subukin natin ang dalawang 'yan. Baka sakaling may spark nga sila at madevelop into flames." "Potek ka, Stone Dash Fuego. Dami mo nang alam. May pa spark at flames ka pa ngayon." "Siyempre hindi pwedeng puro paglalaro ng apoy lang ang pinapraktis, kasama dapat ang may pa words of wisdom." Napailing si Ezra bago magkasunod silang dalawang lumabas ng silid. Sinilip pa nila si Oz na tulog na tulog pa bago sila lumabas ng Lodge. Gamit ang dalawang golf cart ay bumalik sila sa main house kung saan magkikita sila ng mga kasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD