9-Getting to Know

1715 Words
PAGKAAYOS ni Ezra ng mga bola sa billiard table ay napansin niyang nakatingin sa kanya si Blaze. Seryoso ang mukha nito at parang malalim ang iniisip. "Bakit? Okay ka lang?" nakakunot ang noo niyang tanong. "Ha? Oo, may naalala lang ako. O, sinong sasargo?" tanong ni Blaze habang kinukuha na ang taco niya sa rack. Sumunod naman si Ezra at nagtanong din. "Ako na lang para makatira naman ako. Anong naalala mo?" Pagkuha niya ng cue stick ay naamoy niya ang samyo ng shampoo ng dalaga. Amoy fresh na citrus. "Sige hindi ko masyadong gagalingan para mas makatira ka pa," pang-aasar ni Blaze sa kanya. Nagmake-face si Ezra at natawa naman ang kausap. "Thanks for your consideration," bulong niya na nakangiti. Kahit hindi na sinagot ni Blaze ang tanong ni Ezra kung ano ang biglang naalala nito, hindi na siya nangulit. "Okay, game." Nag-sign of the cross pa si Ezra at nagstretching bago itinutok ang cue stick sa cue ball para sa unang tira. Buong pwersa ang pagkakatira niya at sinwerte siyang pumasok ang isang bola na solid ang kulay. Dahil doon nagkaroon pa siya ng chance na tumira ng dalawang beses dahil sa pagkakapasok din ng mga sumunod na bola. Matapos ang pang-apat na tira ay nakay Blaze na ang tsansa dahil inalat na si Ezra. "Upo ka muna," pabirong sabi ng dalaga sa kanya. Ngumiti siya bilang sagot at sumunod naman sa pag-upo. Habang nasa sofa siya ng Game room na iyon, naging malaya siyang mapagmasdan ang buong kaanyuan ni Blaze habang naglalaro. Matangkad at perpekto ang hubog ng katawan nito. Her curves are all in the right places. Mayroon din siyang awra ng confidence tuwing maglalakad, sisipat ng bola at titira. Kung bibigyan ng challenge si Ezra na titigan lang siya ng buong araw, he would gladly accept the challenge dahil nakakahalina pagmasdan si Blaze. "Ikaw na," bulong nito habang papalapit na sa kanya. Dahil sa pagtitig niya sa kalaro ay hindi na niya nabantayan o napanood kung ilan na lang ba ang natitirang bola. Tumayo lang siya noong nasa tapat na niya si Blaze. He wanted to check how she would react if they were just inches apart. "Okay ka lang?" tanong nito sa kanya. She didn't even flinch or stepped backwards. Tumingala lang ito sa kanya nang magtanong. He smelled her breath na parang kumain ng fresh mint. Pakiramdam niya tuloy ay bigla siyang nauhaw. "Oo naman," sabi niya habang humakbang siya patagilid para makapunta ng billiard table kung saan naghihintay ang kalaparan niya. "Wow, hindi na pala 'ko okay," napakamot ang ulo ni Ezra nang makitang dalawa na lang ang natitirang bola ni Blaze, "How was that even possible?" bulong niya. Paglingon niya kay Blaze ay nagkibit balikat lang ito at ngumiti sa kanya. "Boring na ba? Ibang game na lang gusto mo?" tanong ni Blaze nang hindi pumasok ang bolang tinira ni Ezra. Napaisip siya kung anong game pa ba ang pwede nilang laruing dalawa. "Cards na lang tayo pagkatapos nito." Iminostra pa ni Ezra ang lamesa. Tumayo at lumapit naman si Blaze para tapusin na ang laban. Natural na natural ang paglakad niya palapit kay Ezra at sa lamesa. "Sigurado ka na ba na sa cards mananalo ka na?" nakangising tanong ni Blaze sa kanya. "Hindi ko rin sure pero baka sakali naman. So, paano? Tapusin mo na 'to? Para makamove on na tayo," nakangiti niyang sabi. "Minsan kahit tapusin naman ang laban hindi pa rin maka-move on. Nasa mind setting lang 'yan," sagot naman ng dalaga. Napaisip tuloy si Ezra kung bilyar pa rin ang pinaguusapan nila. "May instance ba sa buhay mo na hindi ka nakamove on?" tanong niya. He found her statement intriguing. Maaring maging source of discussion at kwentuhan nilang dalawa. "Ako? Marami. Worrier kasi ako. Praning din ako by nature." Napakunot ang noo ni Ezra dahil ang first impression niya kay Blaze ay cool na tao. "What do you mean by worrier?" tanong niya habang si Blaze naman ay sinipat ang bolang puti kung saan niya padadaanin para maipasok ang natitirang mga bola. Tumabi si Ezra nang dumaan ang dalaga dahil baka siya matamaan ng cue stick. Tama nga ang hinala niya, hindi na siya muling makakatira dahil sa tatlong tira lang ng kalaro niya ay talo na siya. Nang matapos ang game, napabuntonghininga siya at pumalakpak, "Congrats. Isa ka talagang alamat." Natawa naman si Blaze at kinuha ang cue stick na hawak niya para ibalik sa rack nito. Si Ezra naman ay kinuha ang mga bola ng bilyar at ibinalik sa lagayan nito. Nang matapos silang magligpit ng pinaglaruan nila ay magkasunod silang naglakad patungo ng sofa kung saan ibang game naman ang pagkakaabalahan nila. "Going back to my question earlier, ano ngang ibig mong sabihin sa worrier?" Hindi niya mapalagpas ang statement na iyon dahil baka in a way ay makarelate siya. Iba ang personalidad na nakikita ni Ezra kay Blaze, marahil dahil wala pa namang isang araw simula nang magkakilala sila. Napatitig siya sa mukha ng dalaga. Nakasandal si Ezra sa kaliwang dulo ng mahabang sofa habang si Blaze ay nasa gitna at napatingin sa lamesa. Maya-maya pa ay yumuko na ito at itinuon ang pansin sa paghanap ng cards na gagamitin nila. "For me, I guess I just I worry a lot. Mukha lang hindi pero deep inside I have so many things I'm worried about. I try not to but still hindi ko maiwasan. Siguro that's the same reason why hindi rin ako madaling maka move on," sagot nito habang may kinakapa sa ilalim ng lamesa. Mayroong compartment doon sa center table na lagayan ng mga board games at ilang cards. Maya-maya pa ay may hawak na itong dalawang card set. Isang playing cards na pangpusoy at isang Uno. Inilapag ni Blaze ang dalawang kahon ng cards sa lamesa at saka sumandal. Napansin ni Ezra na may Jenga blocks sa taguan ng mga board games. Lumapit siya sa may lamesa at kinuha ang kahon ng laro na iyon. "Mas masaya yata ito laruin," sabi niya. Sa kanilang magkakaibigan ay siya ang pinakamagaling sa larong iyon, ngunit nang makita niyang nagpipigil ng ngiti si Blaze ay napaisip siya kung magaling nga ba talaga siya o baka naman matalo na naman siya ng dalaga. "Parang natatawa ka? Huwag mong sabihing expert ka rin dito?" Napamulagat ng mata ang dalaga at napakagat ng labi. Halatang-halata ni Ezra na nagpipigil ito ng pagtawa. "Ha? Anong akala mo naman sa'kin wala na ginawa kung hindi maglaro? Expert sa lahat?" nakataas ang kilay na pagbubulaan nito. Nagsalubong ang kilay ni Ezra na parang hindi naniniwala sa sinasabi ng kaharap kaya't natawa si Blaze at kinuha ang kahon ng blocks. "Promise, hindi ako expert dito. Ito na lang?" napakagat na naman ng labi si Blaze kaya't napatuon ang paningin doon ni Ezra. "Parang kinakabahan ako, ah." Napapailing niyang sabi. Natigilan lang silang dalawa nang lumabas ng videoke room sina Dara at Dash at naupo sa pagitan nilang dalawa. Si Dash sa tabi ni Ezra at si Dara naman sa tabi ni Blaze. Umusog pa si Blaze para bigyan sila ng espasyo. Nang makita ang mga game boxes sa ibabaw ng center table sa may sofa ay kinuha ng dalawa ang mga card games. "Uy, maglalaro kayo ng Jenga blocks? Naku, magaling si---" Nahuli ni Ezra na kinurot ni Blaze si Dara kaya't nag-iba ito ng statement, "si Fiona diyan," sabi ni Dara. Noong una ay malakas ang boses nito ngunit noong nagbanggit na ng pangalan ay mahina na. "Talaga? Sa'min naman si Ezra ang hussler sa blocks. Magaling 'yan magstrategize para hindi babagsak ang stacks. Gusto sana naming maglaro kaso mukhang pabalik na ang dalawa. Punta muna tayo sa sala baka padating na sila." Mungkahi naman ni Dash. "Sige. Mabuti pa nga. Magninilay-nilay muna ko kung ano ba ang kaya kong laruin na hindi naman ako kulelat," bulong ni Ezra. Nagkatinginan sina Dara at Blaze at kapwa nagpigil ng tawa. Sa palagay ni Ezra, sa lahat ng laro ay matatalo siya ni Blaze. Sama-sama silang bumalik ng sala para abangan ang dalawang galing sa Lodge. Sakto naman na narinig na nila ang pagdating ng Golf cart. Lumabas silang apat at sinalubong ang mga bagong dating. “Nahirapan ka ba manggising?” Nakangising tanong ni Ezra kay Fiona. Umirap naman ang huli at saka ito nagsalita. “Naku, buti nga gumising na. Akala ko kailangan pang sigawan.” Lumapit si Dara kay Fiona at hinimas pa ang likod na parang nakikiramay sa pinagdaanang panggigising ng kaibigan. Naiintindihan naman nila Dash at Ezra ang pinagdaanan ng dalaga dahil kahit sila ay hirap ding gisingin si Oz lalo na kung pagod ito at kasarapan ng tulog. “Sinigawan mo kaya ‘ko!” pagkontrang sigaw naman ni Oz kay Fiona.    “Hindi, ah!” Nagkatitigan pa ang dalawa na parang nagsusukatan ng tingin. Mukhang balak pa nilang magtalo. “Tara na baka mag-away na naman kayo. Blaze, Ezra sure ba kayo papaiwan lang kayo rito?” Nakakunot ang noong tanong ni Dara. Dahil hindi naman na magbabago ang isip ni Ezra, tumango siya at nagkasabay sila ni Blaze. Maging ang pagtaas nila ng kanang kamay para mag thumbs up ay nagkasabay din. “Grabe, may choreo na kayo agad? Sabay na sabay, ah.” Nagkatawanan silang dalawa dahil sa sabi ni Fiona. Hindi nila sinasadya ngunit sabay na sabay nga at in synch ang kilos nila. Nang magpaalam ang dalawang pares na mga kaibigan nila ay pumasok na silang muli sa loob. Napansin ni Ezra na napatingin pa sa lugar ng mga kabayo si Blaze bago ito tumalikod at binuksan ang pintuan papasok ng bahay. "Sure ka ba hindi ka sasama? Okay lang talaga 'ko dito. Pwede naman akong matulog na lang," sabi niya. "Natatakot ka lang yata na matalo kita sa Jenga, e." Nakangising sagot ni Blaze. Napanganga si Ezra at nawala ang hiyang nararamdaman niya na magpapaiwan si Blaze sa pangangabayo para samahan siya. Napalitan ng pagka-competitive. "Grabe ka. Siyempre hindi. Okay naman akong matalo pero I won't give up without a fight." Desidido niyang sagot. "Talaga ba? Sige, kung gano'n. Let's make a deal." Biglang kinabahan si Ezra sa ngiting ipinukol sa kanya ng babae. Mukhang anghel ang mukha nito ngunit sa pagkakangisi at pagtaas ng isang kilay ay para itong may masamang binabalak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD