2-Episodes

1192 Words
    NANG magising si Ezra ay agad niyang nakita ang spiral design na mural ng kisame na indikasyon na nasa sariling silid siya. Paglingon niya sa kanan, si Malik ay nakahiga sa puti at grey na mahabang sofa at nakatakip ng asul na kumot ang katawan hanggang baba nito. Napailing siya nang maalalang ayaw nga pala ng kaibigan sa malamig na silid. Ang silid niya ay nasa 16 degrees ang lamig ngunit pakiramdam ni Ezra ay mainit pa rin dahil sa makapal na comforter na nakapatong din sa kanya. He looked around his room and started to feel more relaxed. Sa grey at puting theme ng kwarto ay napapanatag ang loob ni Ezra. Ang tanging shade lang ng buong tema ng silid niya ay geometrical patterns at mga cyclone at spiral na kagaya ng nasa kisame niya.   Napako ang tingin ni Ezra sa digital clock na nakapatong sa side table ng kanyang kama. Alas tres ng madaling araw nang magising siya. Maya-maya pa ay bumukas ang puting pintuan ng kanyang silid. Sumilip ang isang lalaking kamukhang-kamukha ni Ezra. Nang makita nito na gising siya ay saka lang pumasok ng kwarto.   “Tol, kumusta ka?” tanong ng kapatid niyang Doktor na si Enzo.   “Kakauwi mo lang?”   “Hindi. Andito na ‘ko kanina. Akong nag-asikaso sa’yo. May binalikan lang akong pasyente sa ospital.”   “Sila Papa?”   “Kanina pa nga tawag ng tawag sa’kin. Okay ka na ba?”   “Hindi ko rin alam. Dumadalas ang episodes ko.”   “Baka kailangan mo nang bumalik sa therapy. Ano bang nangyari at nagkakaganyan ka na naman?”   Napabuntonghininga si Ezra at ibinaling ang tingin sa kanyang kisame. It reflected how chaotic his mental state was. Paikot at walang kasiguruhan kung gaano katagal iikot. Hindi naman nawawala ang paminsan-minsang bangungot ng nakaraan na ayaw siyang patahimikin ngunit mas malala na at nakaranas muli ng araw-araw na bangungot isang buwan ang nakalipas. Nagpunta sila ng ilang kaibigan sa isang Rancho sa Batangas. Ang akala ni Ezra ay makakatulong para sa kanya na maging exposed sa ganoong lugar at makakita muli ng kabayo matapos ang limang taong pag-iwas dito. Imbis na makabuti sa kalagayan niya ay mas dumalas pa ang bangungot.   “I’ll think about it. Hindi ko rin alam. Kumusta pala ang lalaking naaksidente kanina?” Kahit ayaw maalala ni Ezra ang tagpong iyon ay hindi niya maiwasang itanong ang sinapit ng lalaking nabundol ng truck at tumilapon papunta sa haapan ng kotse niya.   “Mabuti nakapagpreno ka kaagad noong bumagsak siya sa kotse mo. Nakita naman sa dashcam ang nangyari kaya wala kang kasalanan,” Napansin ni Ezra na iyon agad ang sinabi ng kapatid. Ni hindi nito sinagot ang totoong tanong niya.   “What happened?”   Hindi sumagot ang kapatid at nag-iwas ito ng tingin. Lumingon sa dulong parte ng kwarto kung saan nakahilera ang isang display case ni Ezra ng mga mamahalin at vintage na relo. Kinabahan si Ezra. Hindi marunong magsinungaling ang kapatid niya lalo na kapag siya ang kausap. Mayroon itong ayaw ipaalam kaya ito nag-iwas ng tingin. Sa puntong iyon ay bumangon na si Malik na nagising dahil sa paguusap nilang dalawa.   “Dude, okay ka na?” tanong ni Malik sa kanya.   Tumango siya at saka bumaling sa kaibigan, “Malik, anong nangyari sa lalaking humagis mula sa motor kanina?”   “Ha? Ah.... hindi ko sigurado—”   Tinitigan ni Ezra ng masama si Malik. Halatang-halatang nagsisinungaling ito. Ang kapatid niya ay hindi rin makatingin sa kanya.   “Kuya, ano? Malik?”   Nagtinginan muna ang dalawa bago kinausap muli si Ezra ng kanyang kapatid.   “DOA.”   Napapikit siya at naramdamang naninikip na naman ang dibdib at nagsimuna na namang mahirapang huminga. Dead on arrival sa ospital ang tinutukoy ng kapatid.   “Tol, hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan. Nagkataon lang na naroon ka sa lugar na ‘yon---.” Narinig na niya ang mga salitang iyon noon pero kaparehas lang ang pakiramdam niya noon at ngayon.     “Pero bakit pakiramdam ko kasalanan ko? Baka kung wala ang sasakyan ko ‘don, hindi magiging kritikal ang lagay niya.”   “Ang trajectory ng pagtalsik niya papunta talaga sa gawi mo. Kahit hindi ikaw ang nasa lugar na ‘yon, ganoon pa rin ang mangyayari.” Mapilit ang kapatid ni Ezra. Nakakapit na ito sa magkabilang balikat niya at pinipilit na pakalmahin ang panic na nararamdaman niya.   “Ezra, walang sumisisi sa’yo. Ang truck ang nawalan ng control. Sabi sa report ng mga pulis, huminto daw bigla ang motor nang mamatay ang mga stoplight kaya hindi napansin ng truck na kasunod niya.”   “Iwanan nyo muna ‘ko. Malik, salamat sa pagpunta.”   “Dude—”   Pumihit si Ezra paharap sa kabilang side ng silid kung saan hindi makikita ng dalawang kasama ang paghugot niya ng magkakasunod na malalim na hininga at pagsubok na pakalmahin ang sarili.   “Tara na Malik, hindi makikinig ‘yan. Magmumukmok na naman ‘yan at papahirapan ang sarili kahit hindi naman dapat.” Inakbayan ni Enzo si Malik at iginiya na palabas ng silid nang makabawi si Ezra at pinagbalingan ang kapatid.   “Enzo, tama na,” bulong ni Malik sa nakatatandang kapatid ng kaibigan.   “Ano ba’ng issue mo?” tanong ni Ezra. Naupo siya at sumandal sa headboard ng kama. Muling hinarap ang dalawa. Napalitan ng galit ang panic na nararamdaman ni Ezra. Kumapit si Malik kay Enzo at pinipigilan itong magsalita, ngunit umiling ang doktor at bumuntonghininga ng malalim bago sumagot.   “Nag-aalala kaming lahat sa’yo, Tol. Akala ng ibang tao masiyahin kang tao. Lahat ng palabas mo para hindi nila malaman kung ano talaga ang totoo. Nandito kami ng pamilya mo at mga kaibigan mo. Get your act together and go back to therapy. Ilang beses ko na sinabing regular dapat ‘yan pero ayaw mo. ‘Yang katigasan ng ulo mo talaga ang issue ko rito!” Nanggigigil na sagot ni Enzo.   “Wala ‘kong sakit sa utak. Hindi ko kailangan ng therapy.” Mahigpit ang pagkakapit ng isang kamay ni Ezra sa unan sa tabi niya habang ang isa ay nasa dibdib.   “Sinabi ko ba’ng may sakit ka sa utak? Ikaw na mismong nagsabi kanina, dumadalas ang episodes mo. Ano? Teleserye ba ‘yan o Kdrama?” Namumula na ang dalawang magkapatid dahil sa sagutan nila nang pumagitna na si Malik.   “Enzo, tama na.” Hinila ni Malik si Enzo palayo ng kama ni Ezra. Sinapo ni Ezra ang mukha at pinigilang sumigaw sa sobrang pagkainis at pagkabalisa. Hindi na niya alam kung alin ang mas matimbang, ang pakiramdam ng pagkainis sa kapatid o ang naunang mabigat na pakiramdam dahil sa nangyari.   “Kung ayaw mo ng therapy, balikan mo ang trigger n’yang mga episodes mo. Baka naroon ang sagot kung bakit ka nagkakaganyan na naman. Paulit-ulit tayo, Tol. Next month magsisimula ka na sa opisina, mas madadagdagan ang stress mo. Mas lalala pa ‘yan kung hindi mo aagapan. Mauna na ‘ko sa labas. Malik, mas maganda ‘wag mong iwanan ‘yang kapatid kong artistahin.” Tumalikod na si Enzo at diretsong lumabas ng silid. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD