1-Breathless

1269 Words
    MALAKAS ang tunog ng bass sa Bar kung nasaan si Ezra. Poprock na may halong EDM ang tugtog at maraming nagsasayaw sa dance floor. Ang Danz Bar na iyon ang tambayan ng sikat na dance group niyang MOVERS noong hindi pa sila nagtatapos sa kolehiyo. Bukod sa pagiging viral ng kanilang mga dance covers ay marami rin silang subscribers sa online streaming platforms. Naanyayahan at nababayaran din silang mag-perform sa mga pagtitipon at mga corporate events. Dahil sa pagiging abala niya sa pagsasayaw at masayang kulitan nilang magbabarkada at magkakagrupo tuwing magkasama, naging panatag at tahimik ang kalooban ni Ezra. Matapos ang graduation ay nagpahinga sila ng ilang buwan at nag-focus sa pagsasayaw ngunit tapos na ang bakasyong iyon. They had to face reality and work for their respective family businesses. Ang limang kaibigan ay abalang-abala na maliban kay Ezra dahil may isang buwan pa siya bago siya magsimula sa training niya. Sa katunayan, nakaupo siya sa isang stool sa bar na iyon habang nakatitig sa baso ng scotch na hawak. Sa hawak na baso ay pinapaikot ang yelo sa loob nito. Gustong palamigin ang alak sa loob ng baso para maging kasing lamig ng buhay niya ngunit hindi kasing pait sa panlasa. Nang maliit na ang yelo ay saka ininom ng isang tunggaan ni Ezra ang laman ng baso. Napakunot ang noo dahil naging matabang naman ito. Naihalintulad na naman niya sa buhay niya ang panlasang iyon. He sighed and looked at his platinum watch. Alas-onse pa lang ng gabi ay wala na siyang magawa. He paid his tab and was about to leave when he felt a hand on his shoulder.   “Ezra Imperial?”  Paglingon ni Ezra ay may isang babaeng makapal ang kolorete sa mukha at mahahaba ang mga pilikmata ang bumungad sa kaniya. From what he could see under the dim lighting of the bar, naka-micro miniskirt na itim ang babae habang deep plunging neckline naman na pula ang pang-itaas.   “Have we met before?” tanong niya sa babaeng naupo sa bakanteng stainless steel na stool sa tabi niya. She shivered probably because of the coldness of the stool when it touched her bare skin.   “I don’t think so, but I’m one of your biggest fan! Grabe, you look taller and more handsome in person!” Sa larangan ng kaguwapuhan ay hindi naman ito maipagkakaila. Matangos ang ilong, perpekto ang kapal at arko ng kilay sa taas ng mapupungay na mata, ang labi niyang mapula kahit wala namang lipstick, maliit, maputi at makinis ang mukha. Promintente din ang jawline at cheekbones niya na nakadagdag sa appeal ng kanyang itsura. Sa tangkad naman ay kitang-kita rin ito kahit nakaupo siya. Sa lapad ng balikat at tindig niyang 6’1”, kahit ang mga modelo ay hahanga sa kanya.   “Ah, mag-isa lang ako if you’re looking for the other group members.” Hinawi niya ang bangs ng malambot niyang itim na buhok bago siya sumagot. Hindi naman sila matatawag na celebrities dahil iilang milyon lang naman ang followers nila sa social media ngunit may mga pagkakataong kagaya noon na nakikilala sila ng mga tagahanga o tagapanood ng kanilang mga vlog at dance covers.   “I meant from when you were still doing Equestrian Jumping! I followed your journey since you were four—” Parang binuhusan ng tubig na may yelo si Ezra dahil sa sinabi ng babae.   “Excuse me, I have an urgent phone call,” nakuha niya pa itong sabihin bago tumalikod si Ezra, kapit ang dibdib at nagmamadaling lumabas ng maingay at siksikan na bar. Nang makalayo na sa babaeng iyon at makarating ng kotse niyang dala ay hindi pa rin umayos ang pakiramdam niya.   Sa parking lot kung saan pinagtitinginan siya ng mga taong dumadaan dahil sa itsura niyang parang hindi makahinga ay sumandal siya sa itim na kotse niyang dala. He closed his eyes and tried to think of something to distract him from unwanted thoughts. Inisip ni Ezra ang mga pagkakataong nasa ibabaw sila ng stage at sumasayaw sa harap ng mga tao. Pinapalakpakan siya para sa isang bagay na pinaghirapan niyang aralin at pinagsikapang maperpekto. Inalala niya ang mga tilian ng mga nanonood sa awditorium ng mga paaralang pinagtanghalan nila. Maya-maya pa ay bumalik na sa normal ang kanyang paghinga at bumagal na ang pagbayo sa dibdib.   Kinuha ang susi mula sa bulsa ng itim na pantalon at saka binuksan ang kotse. He could feel his white polo shirt sticking to his skin because of his sweat. Pagpasok ng kotse ay yumuko muna at idinantay ang noo sa manibela. He still needs some time to compose himself. Nang maramdaman niyang kaya na niyang magmaneho ay saka lang niya pinaandar ang sasakyan at umatras palabas ng parking lot.   Habang binabagtas ang kahabaan ng Pasay Road ay nag-ring ang cellphone ni Ezra. Dahil nakakabit naman ito sa handsfree system ng kanyang auto ay doon na niya pinindot ang green sign para tanggapin ang tawag kahit hindi niya tiningnan kung sino ang nasa kabilang linya.   “Hello.”   “Dude, nasaan ka?” Nakahinga nang maluwag si Ezra sa boses na narinig.   “Malik, galing akong Danz Bar, pauwi na. Mga 15 minutes hanggang bahay. Bakit?”   “Good. Tara, samahan mo ‘ko pupunta kong Batangas. Nag-crave ako ng lomi.”   Napabuntonghininga si Ezra dahil sa linggong iyon ay dalawang beses na silang nagpunta ni Malik sa Batangas para kumain sa Gotohan at lomihan na paborito nilang magkakagrupo sa Batangas, ang Corazon’s. Tatanggi sana siya nang maalalang kailangan nga pala niya ng distraction. Kung makakasama niya rin ang kaibigan ay mababawasan ang pakiramdam niyang hindi maganda.   “Sige, nasaan ka ba? Gusto ko rin naman mag-long drive. Daanan na lang kita kung nasaan ka tapos ipa-pick up mo sa driver ninyo ang auto mo.”   “Papunta ko sa bahay ninyo ngayon. Mga fifteen minutes din sabi sa waze.”   “Hindi mo pa nga alam kung nasa bahay ako tapos papunta ka na agad?”   “Galing akong opisina. Bahay mo pinakamalapit natural sa’yo ko unang pupunta,” sagot naman ng kaibigan.   “Teka, Dude, biglang namatay ang mga stoplight dito sa may —s**t!”   Hindi na naituloy ni Ezra ang sasabihin. Sa malakas na pagpreno niya ng kotse matapos makita ang pagtilapon ng isang lalaki papunta sa harapan ng kotse niya ay napasubsob siya sa manibela. Kung wala siyang seatbelt ay siguradong tatalsik siya palabas ng windshield.   “Ezra! Anong nangyari?” nag-aalalang tanong ni Malik sa kabilang linya. Kapwa nila narinig ang malakas na tunog ng isang vehicle collision.   “May nabanggang motorbike ang truck sa kabilang lane. Malik, may tao sa harap ng kotse ko.” Nakita niyang may duguang kamay na kumapit sa hood ng sasakyan. Nagsimula muling bumilis ang pintig ng puso niya at manikip ang dibdib.   “Ha? Anong tao? s**t! May dugo ba? Nasa tapat ka ng nagbanggaan?” Batid na ang takot sa boses ni Malik habang tinatanong si Ezra.    “Malik—” Nanginginig ang buong katawan ni Ezra na iniangat ang handbreak ng kotse at pabulong na ang sagot nito.   “Ezra! Focus! Nasaan ka? Saang street?! Ezraaaa!”   Nakita ni Ezra na tumayo ang lalaking tumilapon sa harap ng kotse niya at dahan-dahang nag-alis ng helmet. Sumandal pa ito sa harap ng sasakyan niya bago lumingon sa kanya. He felt an intense pain in his chest when he saw the bloodied face of the man in front of him. Pakiramdam ni Ezra ay hinuhugutan siya ng hininga at pinipiga ang ulo at dibdib niya nang maalala ang tagpong hindi na niya gustong balikan pa.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD