6-Problem or Solution

1128 Words
HABANG iniiwasan niya ang tanong at iniisip kung anong isasagot, nag-focus muna siya sa usapan sa paligid niya. “Kami ni Dash. Ikaw ba, Fiona?” tanong ni Dara habang magkahawak kamay sila ni Dash na naupo sa tabi ni Oz. Nang sumang-ayon din si Fiona ay lalo nang napaisip si Ezra kung paano siya iiwas. “Hindi ka na ba masaya sa paspas ng hangin kapag motorsiklo mo ang gamit?” napatingin si Ezra sa ngiti ni Blaze nang itanong ito sa pinsan. Napaisip tuloy siya kung gusto rin ba ni Blaze mag-motorsiklo. “Iba ang hangin dito, walang usok. Isa pa, hindi naman na ‘ko nakakapagbike papuntang Tagaytay o sa Rizal dahil nga traffic.” “Morobike?” tanong ni Oz na tinanguan lang ni Fiona. Habang nagtatawanan ang mga kasama ay napatitig si Ezra sa mukha ng katabi. Nang marinig ang cabin in the woods na termino ni Oz ay binara niya ang kaibigan para maiba na ang usapan. Masyado nang naaaliw sa kaiban niya si Blaze. “Lodge!” kontra ni Ezra. “What time tayo magkikita-kita?” tanong ni Dara habang mahigpit na yumayakap kay Dash. Nakatingin si Ezra sa mga cue stick nang bumalik ang tanong na iniiwasan niya. “After an hour and a half na lang. Ipapaayos ko lang ang mga kabayo. Ezra sama ka ba?” nakatingin si Blaze sa kanya. Alam niyang nakatingin ang lahat ng kasama nila lalo na nang matagal bago siya muling magasalita. “Dito na lang ako. Medyo mainit kaya—” Tumango kaagad si Dash at Oz. Alam naman niyang sasang-ayon ang dalawang kaibigan lalo na at pakiramdam niya ay bigla siyang namutla kahit na parang nagririgudon ang dibdib niya sa kaba. “Samahan na kita, Dude. Maglaro na lang tayo.” Nagpapasalamat si Ezra sa alok ni Oz kahit alam niyang mas gugustuhin ng kaibigan na maranasang mag horseback riding na dahilan kung bakit ito sumama sa Rancho. Tatanggihan na sana niya ang kaibigan at sasabihing matutulog na lang muna siya habang hinihintay sila nang may hindi inaasahang magprisintang samahan siya. Tumingin muna sa kanya ang dalaga bago magsalita. Napansin kaya niyang hindi siya mapakali at nagpapawis ang mga palad sa kaba? “’Wag na. Ako na lang mag-stay dito kasama si Ezra. Sumama ka na kina Ate Fiona.”   Ngumiti si Oz at hindi na tumanggi. Sa oras na iyon, gusto na niyang sipain ang kaibigan para siya na lang talaga ang maiwan. Para hindi na maisip ni Blaze na siya na lang ang magsakripisyo sa pag-stay kasama si Ezra. Pakiramdam niya ay namumula ang mukha niya at tainga dahil sa pagtingin sa kanya ni Blaze. Kung tatangihan niya ang alok ay baka mas lalong magisip ito tungkol sa ikinikilos niya. “Sure ka ba? Nakakahiya naman. Pwede namang ako lang nandito,” sagot niya. “Yes. No worries. Araw-araw na ‘ko nangangabayo rito. Isa pa, kasama naman nila si Ate Fiona at Dara. Kabisado na nila ang mga pwedeng ikutan. Hindi naman ako kailangan.” Magkaharap silang dalawa at nakatitig sa mata ng isa’t-isa. Nang ngumiti si Blaze sa kanya ay parang nahypnotismo siya sa ngiti nito. He smiled back and felt like time stopped. Parang ang sinasabi nito ay hindi siya kailangan ng mga kasama ngunit kailangan siya ni Ezra? Ganoon ba? “Thank you,”  bulong niya habang hindi pa rin maialis ang tingin sa dalaga. “No problem. Let’s regroup in an hour and half. Dito na lang ulit sa main house.” Magkakasunod na nagtayuan ang magkakaibigan sa sinabi ni Blaze. “Dalhin niyo na lang ang dalawang cart. May mga gamit naman na doon. Just call us here if you need anything. May direction naman sa pathway papunta doon. Can you guys find your way there na?” Tanong ni Fiona. Si Ezra ang sumagot para maialis na niya ang tingin kay Blaze. Change of focus.   “Natatandaan ko naman. Tara na. May sunblock ba kayong dala?” pag-iiba niya ng usapan sa mga kaibigan. Tumango ang dalawa. Sa isang golf cart magkasama sina Ezra at Oz habang mag-isa naman si Dash sa isa pang cart. Habang binabagtas nila ang daan pabalik, hindi naiwasan ni Ezra na mapatitig sa nadaanang mga kwadra ng kabayo. Napapikit siya at napabuntonghininga. “Dude, okay ka lang?” tanong ni Oz sa kanya na napansin yata ang pagkabalisa niya. “Oo naman. Mainit lang talaga.” Pagdadahilan niya. Nang makarating sila ng Lodge, inabala ni Ezra ang sarili sa pangaasar at pagtatanong sa kaibigan kung anong totoong score sa pagitan nilang dalawa ni Fiona. Gusto niyang biruin ang kaibigan para maramdaman niyang normal pa rin siya. Kaya pa rin niyang makipagbiruan at tumawa kahit na hindi mapakali ang kalooban niya. Iniwanan nila Dash at Ezra si Oz sa silid nito na magkaakbay. Nang nasa sala na sila ay seryosong nagtanong ang kaibigan, “Ezra, kung hindi mo talaga kaya, ‘wag mong pilitin. Tama lang ang pagtanggi mo kanina dahil hindi ka kumportable, ang iniisip ko lang, baka hindi makakatulong na you’re blocking the chance. Baka pwedeng kahit once lang subukan mo? I’m not trying to force you or anything, but now you have someone who understands how it is. Kami hindi kami maalam sa pangangabayo pero alam namin na importante ‘yon sa’yo. Si Blaze, maybe she can help?” “I don’t know. Hindi ko alam kung anong iisipin. Hindi ko alam anong pumasok sa isip ko bakit ako pumayag magpunta dito. Baka masyado lang akong nabobored na sa paulit-ulit na routine lalo na ngayon matatapos na ang pagsasayaw natin. Busy na-“ “Temporary lang naman haitus natin. Pwede pa rin kapag settled na tayo sa kanya-kanyang negosyo. May itatayo pa tayong mga business ventures together so maybe let’s see how that would pan out. Baka makakuha tayo ng spare na oras kahit magupload lang sa YT channel, hindi ba?” Tinapik niya sa balikat ang kaibigan. “Salamat, Dude. Hindi ka nauubusan ng words of encouragement. Kung dati sinabi ko na sa’yo na kasing dami ng babae mo ang mga pep talks mo baka bagay pa, kaso ngayon, one woman man ka na so wala na ‘kong ma-comment.” Napangiti si Dash sa sinabi ni Ezra. “Yeah. Hindi ko rin alam na mangyayari ‘to. Minsan talaga babae ang problema pero mas maganda pala kapag sila ang solusyon sa problema. Mas masarap sa pakiramdam.” Hindi man naiintindihan ni Ezra ang sinasabi ni Dash ay napangiti ito at tumango. Sa mga sandaling iyon biglang nag-flash sa isip niya ang imahe ng isang babae. Ang tanong lang niya ay kung problema ba ito o solusyon sa problema? Ano nga ba ang magiging papel ni Blaze Mikayla Servano sa buhay ni Ezra Imperial?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD