5-History

2606 Words
“Sorry, I didn’t get your whole name earlier. By the way, I’m Blaze Mikayla Servano, nice to meet you—” iniabot pa ni Blaze ang kamay nito para makipagkamay ng pormal. “I’m Ezra. Ezra Imperial,” bulong niya habang iniaabot ang kamay sa kaharap. Hindi niya inaasahang mapapanganga si Blaze pagkarinig ng pangalan niya. Bakit kaya ganoon ang reaksyon nito? Napaisip si Ezra.   “Sabi na nga ba parang kamukha mo—” nakatitig pa rin sa mukha niya ang dalaga. Nag-iwas siya ng tingin at humanap ng saklolo. Nakaalis na ang cart ni Dash at Dara. Pakiramdam ni Ezra alam na ni Blaze kung sino siya. “Ha? Baka kamukha lang, ordinaryo kasi ang itsura ko. Tara na?” tanong niya habang pilit na ngumingiti. Napakunot ang noo ng dalagang kaharap ngunit tumango ito bago pinisil ang kamay ni Ezra. Hindi niya namalayang magkahawak pa rin pala ang mga kamay nila. Imbis na bitiwan ang kamay niya ay hinila siya nito papunta sa cart na ilang hakbang na lang ang layo mula sa kanila. “Maybe. Sige. Tara?” Nang ngumiti sa kanya si Blaze ay parang nawala ang naunang kaba niya ngunit napalitan ito ng kakaibang kaba nang huminto bigla at humarap sa kanya. Ilang pulgada lang ang pagitan ng mga mukha nila. Doon niya napagtanto na matangkad si Blaze. Kung 6 footer si Ezra ay baka 5’8” ang tangkad ng dalaga dahil sa pagitan ng height nila, “Ikaw na lang mag-drive pwede?” tanong nito habang ibinibigay kay Ezra ang susi sa kabilang kamay nito. Magkabilang kamay na ang magkahawak sa kanila at magkalapit pa ang mga katawan at mukha nila. Kung may makakakitang ibang tao ay baka isiping may namamagitan sa kanilang dalawa. Humakbang si Ezra paatras at saka pilit na ngumiti kahit palakas ng palakas ang kaba ng dibdib niya. Hindi pa nakatulong na parang tinititigan ni Blaze ang bawat parte ng mukha niya. “Okay.” Bumitiw siya sa isang kamay ngunit hindi niya binitiwan ang kabila hanggang wala sila sa cart. Nang makaupo na silang dalawa ay saka siya bumitiw sa kamay ni Blaze. Pinaandar ang cart at pinasibad na ito. Dahil kailangan nilang habulin ang dalawa nilang kasama. Binilisan niya ang pagpapatakbo sa maximum speed. Napapikit siya at bumalik ang pagbayo ng dibdib nang kumapit si Blaze sa balikat niya. “Masyadong mabilis.” Bulong ng dalaga sa may tainga niya. Mas binilisan pa ni Ezra para makarating sila kaagad sa bahay kung nasaan ang mga kaibigan. Dahil sa pagmamaneho niya, nakasunod sila kaagad kina Dara at Dash at nang makaparada na sa tapat ng main house ay inintay nila ni Dash lumapit sina Oz at Fiona. Kahit may pagtataka silang lahat kung saan sila nanggaling na dalawa ay hindi na sila nagtanong pa. “Ang tagal ninyo. Ang init pa naman,” komento ni Fiona. Binuksan na nito ang front door ng main house at magkakasunod silang mga babaeng pumasok ng pintuan. Doon na kinorner ni Dash at Ezra si Oz. Gusto niyang madivert ang atensiyon niya sa kakaibang nangyari noong papunta na sila ng main house ni Blaze. “Dude, ano? Okay na kayo?” tanong ni Ezra sa kaibigan.   Nagtataka pa rin sina Dash at Ezra sa pakikipagsigawan ng kaibigan nila kay Fiona dahil hindi ito ganoon. Si Oswald ang pinakapasensyosong taong kilala nila. Hindi ito nawawalan ng cool kaya nga siya ang taga manage ng mga choreography nila at parang pangalawang lider ng grupo. Takbuhan kapag may kailangan sila dahil sa rasyonal nitong pagiisip, ngunit nawalan ng cool nang makita si Fiona. “May history kasi kami ng --- “ sa haba ng sinabi ni Ezra ay tumatak sa kanya ang salitang history. “Just in case aatakihin ka ng topak mo, umiwas ka na lang, ha?” bilin ni Ezra.   Nang inalis ni Oz ang tali ng buhok niya ay may biglang naalala si Ezra. Sa isip niya, nagkasunod ang salitang history at ang mahabang buhok. Mahaba rin ang buhok niya noon. Noong nangangabayo pa siya, gusto niyang laging nakatali ang buhok niya. Iniisip niya noon na mas magiging malakas siya kapag mahaba ang buhok niya.     “Hindi ka pa ba magpapagupit? Buti pumayag ang Mama mo na mahaba ang buhok mo?” nakakunot ang noo niyang tanong. Dahil sa mga naiisip, gusto niya muling idivert ang atensiyon niya.   May kinwento pa si Oz tungkol sa pagpapagupit niya. Kahit hindi masyadong naintindihan ni Ezra dahil sa nagkakahalo-halo niyang pag-aalala, ngumiti siya at nakipagtawanan sa dalawang kasama upang hindi nila mahalata na balisa na naman siya. Pagpasok nila ng kusina, sa pagkain naman siya bumaling. “Good morning po.” Magalang nilang bating tatlo sa matandang babaeng nag-aayos ng mga pagkain sa lamesa.   “Magandang araw naman sa inyo,” may puntong Batanguena ang matanda. Nang ipakilala sa kanila ay isa-isa silang nagmano bago naupo na. Uunahan sana ni Ezra si Oz sa tabi ni Fiona ngunit tiningnan siya ni Blaze at itinuro ang silya sa tapat ng dalaga. Ngumiti siya at sinunod ang senyas.  Nang magsimula na silang kumain ay walang imik ang lahat. Nang matapos na ay saka silang lahat nagpasalamat. Nag-aya ang mga kasama niyang lumiat sa basement ng bahay. May recreation area doon. Pagbaba nila ay unang nakita ni Ezra ang billiards table. May home theater system din sa isang parte ng silid at may isang parang enclosure na pang videoke naman. Kulay peach ang interior theme ng basement at halos lahat ngamit doona y peach pwera lang ang matingkad na asul na  Billiards Table. Ang home theater flat TV nila ay kulay silver at may mga nakakabit na iba’t-ibang klase ng player, may DVD, VHS at Bluray din. Habang nagiikot at nagtitingin sa silid, narinig niyang nag-anyaya si Blaze. Halos huminto ang puso niya nang marinig ang gagawin nila. “Let’s go horseback riding after an hour. Pero dito muna tayo ang tagal kong walang nakalaro sa Billiards,” nakangiting sabi ni Blaze. Napalingon siya at nagkatama ang paningin nila.   Sina Dara at Dash ay nagvideoke muna habang sina Oz, Fiona, Blaze at Ezra ang naglaro ng Bilyar. Dahil natalo sina Oz at Fiona ay silang dalawa ang magkakampi. Dahil gusto niyang malimutan muna ang pangamba ng horse back riding, nakipagkwentuhan siya kay Blaze. Una niyang tinanong ay ang puntong Batanguenya nito. “I noticed you don’t have the Batangas accent.”   “Minsan mayroon, minsan wala. Lumaki ako na pabalik-balik lang dito o sa Benguet pero sa Maynila at sa UP Los Banos talaga ako nag-aral.” Napangiti siya sa sinabi ni Blaze. Sa UP pala nag-aral ang dalaga, ibig sabihin ay matalino ito.   “Anong course mo?” tanong niya.   “AgriBusiness and Farm Management,” sagot ni Blaze.   “Wow. That’s impressive. Ikaw ang nagmamanage ngayon dito?” Tuloy ang kwentuhan nila habang nagpapainit sa paglaro ng bilyar ang dalawa nilang kalaban.   “Sa ngayon nagbabakasyon pa ‘ko ng kaunti. Dito at ang sa Benguet pa lang ang minamanage ko since sila ang kabisado ko. Kayo anong course ninyo?”   “Lahat kami Business and Entrepreneurship,” sagot niya.      “Dude, kayo naman mag-warm up,” pagtapik sa balikat niya ni Oz nang matapos na silang maglaro sandali ni Fiona. Habang naglalaro silang apat ay hindi mapigilan ni Ezra na mapangiti. Marunong maglaro ang dalawang dalagang kalaro nila ngunit walang tatalo sa galing ng kabarkada niyang si Oz. Sa lahat ng nakalaban nila ay wala pang nanalo kay Oz. Nagreklamo siya dahil natalo sila ni Blaze ng ilang beses at nagyabang na naman ang kaibigan niya. Pagdating talaga sa Bilyar ay mas hambog si Oz. Habang nagpapalit siya ng taco, nakita niyang nagbulungan ang magpinsan.   “Can we do girls versus boys?” tanong ng dalawa. Napailing siya at napangiti. Kung confident si Oz ay susuportahan niya ito. Isa pa, sa skills na ipinakita ng dalawa, kahit pa marunong sila ay wala silang panama kay Oz.      “’Wag na. Mas bibilis ang laban baka manalo kami kaagad.” Nang magpigil ng tawa si Blaze ay nagtaka na siya at biglang kinabahan. Si Oz ang nagset ng mga bola para sa isa pang laro ng eight ball. Gamit ang isang puting cue ball labinglinglimang object balls numbered from one to fifteen, ang gagawin lang nila ay paunahang maipasok sa pockets ang solid colors na numero 1 to 7 o ang bolang may guhit na na 9 to 15. Ang mananalo ay ang grupo na mauunang makapagpasok ng numero otso, ang huling bola ng larong 8 ball. Nang lumapit na sina Dara at Dash at nakisali sa game ay mas nagtaka si Ezra dahil nagpipigil pa ring tawa si Blaze. Parang napapakagat pa ito ng labi because of amusement.   “Are you serious? Baka tatlong tira pa lang ni Oz, tapos na ang laban!” sabi ni Dash na malaki rin ang tiwala sa kaibigan. “OA ka, Baby. Baka--,” Hindi naituloy ni Dara dahil tinakpan na ni Fiona ang bibig nito. “Game na!” Mataas ang energy ni Fiona na humarap kay Oz. Naka-set na ang mga bola. Rock paper scissors best of 3 tayo para malaman sinong unang titira.” Lalo pang nagduda si Ezra nang makitang natatawa na si Blaze habang seryosong-seryoso naman ang mukha ni Fiona habang nakikipaglaro ng bato bato pik kay Oz para sa kung sino ang unang titira. Nang mapagusapan ang penalty ng matatalo, sila ang pinagdecide ni Blaze.   Nang magsisimula na ang game ay si Fiona ang unang titira sa grupo nila. Sina Dara at Blaze ay naupo sa sofa at magkaabrasiete pa.   Dahil bigla siyang kinabahan sa confidence na pinapakita ng mga girls, inudyukan niya si Oz na bilisan na ang laban. “Tapusin mo na ng isang tirahan, Dude,” maayos ang tira ni Oz ngunit nang si Ezra na ay pumalya ito. Napatingin kasi siya kay Blaze na nakangisi. His focus wavered when he saw her smirking at them. Nang tumira na ang mga babae ay doon niya napagtanto kung bakit.   Umikot ng dalawang beses palibot ng lamesa si Fiona dala ang kanyang cue stick. Parang kinakalkula nitong maigi ang posisyon ng mga bola. Lahat ng gilid ay sinipat niya isa-isa. Nang makapagisip na ay tiningnan ang pinsan at seryosong sinabi. “Kaya to ng Pyramid mo. Pwesto mo muna tapos kami na tatapos.” Nakita ni Ezra muli na ngumisi si Blaze at napakagat pa ng labi. She nodded her head and stood up. Ibang-iba ang mukha niya sa inosente at magandang babaeng una niyang nakitang nang dumating sila ng Rancho. There was something extremely sexy with the way she confidently walked towards her cousin and took the stick that she would be using. Bago ang cue stick na iyon at mukhang personal itong gamit ni Blaze.   “Thanks. Game na.” Napalunok si Ezra nang iposisyon na ni Blaze ang katawan sa lamesa. Hindi niya alam kung mag-iiwas siya ng tingin habang parang nanuyo ang lalamunan niya dahil sa pagyuko nito sa pagtira. Nakausli ang puwitan habang nakabukaka at ang dibdib ay sumayad sa gilid ng lamesa habang sinisipat ang pagtira niya. Tumayo ito ng bahagya at lumipat sa may gilid kung saan nagkataong naroon siya. Napaatras siya nang yumuko ito ulit. Kung hindi siya umalis sa pwesto ay baka natamaan siya ng cue stick ni Blaze. Dahil hindi maialis ni Ezra ang paningi sa katawan ng nasa harapan, huli na nang mapansin niyang ang trajectory ng pinuntirya ni Blaze ay hindi direkta sa mga bolang tatamaan ng puting cue ball kung hindi para tumama sa gilid ng lamesa ang puting bola. Sumargo siya ng malakas at dahil doon, tumama ang cue ball sa gilid ng lamesa at papyramid na lumibot sa lamesa. Tinamaan nito ang isang stripe ball na pumasok sa kaliwang itaas na butas ng lamesa at ang dalawa pang bola ng grupo nila ay sa magkabilang dulo naman ng lamesa lumusot. Ang nakakamangha at nakapagpanganga ng husto kay Ezra at sa dalawa niya pang kasama ay nang umusog nang dahan-dahan ang iba’t-ibang mga bolang nahagingan ng dalawang pumasok na bola at ng mismong cue ball. Pagtayo ni Blaze ay lumingot pa ito sa kanya, ngumisi at kumindat. Para bang sinadya nito na mapanganga siya at mapaatras lalo dahil sa nangyari. Lumapti naman si Fiona at pumalit sa pwesto ni Blaze. “Nakaposisyon, Dude. Paano nila nagawa...” tanong ni Dash nang hilahin naman siya ni Dara at paupuin na.   “Baby, tara dito hindi ka naman na makakatira. Maupo ka na lang dito.”   “Anong hindi na makakatira?” Hindi pa rin nawawala ang tingin ni Ezra kay Blaze na nakataas ang kilay at nakangisi habang nakatingin sa pagtira ng pinsan. Nang marinig niya ang unang pagpasok ng bola ay doon na siya bumaling. Sunod-sunod ang pagpasok ng apat na bola sa pockets ng lamesa. Napanganga na naman siya. Hindi niya alam kung namamaligno ba sila. Paano nagawa ni Fiona ang pagtira na iyon? Pito lang ang bola at naipasok na itong lahat sa dalawang tira lang. Isa na lang at talo na sila. Hindi pa rin niya maisara ang bibig niya sa sobrang gulat. “Dara, ikaw na,” bulong ni Blaze na nagpipigil ng ngiti. Naningkit ang mata nito at napakagat ng labi. Hindi alam ni Ezra kung saan siya titingin. Sa gagawing pagtira ba ni Dara o sa babaeng iyon na nagiba ang itsura dahil sa bilyar na laro nila.   “No hard feelings tayo, ha.” Nakangising sabi ni Dara sa nobyo bago tirahin ang cue ball at maipasok ang numero otso. Nakanganga pa rin sina Ezra at Dash nang matapos na ang laro sa tatlong tira lang ng mga babaeng kasama nila. Hindi pa rin sila makapaniwala nang lumapit sila sa tatlong babeng nagtatawanan at nag-high five pa. “Success!” Nag-high five sina Blaze at Fiona habang si Dara naman ay lumapit at yumakap sa mga kaibigan. “See? Sabi ko sa’yo, Ate. Kaya ‘yan ng tatlong tira lang,” masayang sabi ni Blaze. Nakita ni Ezra na naupo si Oz sa sofa at sumandal. “Grabe kayong tatlo. Lalo ka na, Blaze. Pano mo napapaliko ang bola? Nakapwesto pa!” Kahit pigilan ni Ezra ang pagkamangha sa boses niya ay hindi niya naiwasan. Noon lang siya nakakita ng bolang lumiliko sa lamesa. “Si Blaze, talented talaga ‘yan. Itong si Fiona, dahil lagi silang magkalaro kapag nagpupunta dito, nakuha na rin niya ang estilo. Tandem sila talagang dalawa. Ako naman, basic lang ang alam ko kaya kanina kabado pa ‘ko kung papasok o hindi.” Paliwanag ni Dara. “Pero kanina parang hindi naman masyadong pinakita ang galing mo?” nagtatakang tanong ni Ezra kay Blaze. “I wanted you guys to have fun. Kaso lang medyo boring na noong puro kayo ang nanalo. Masyado ring magaling ‘tong si Oz.” Naisip ni Ezra na baka nayabangan na sila kay Oz kaya’t tinuruan ng leksyon. “Rematch ba tayo?” tanong ni Oz.  “Pustahan ulit?” sagot naman ni Fiona. “Oo.” Patayo na sana si Oz nang umiling si Dara at kumontra sa kanila. “Naku, mamaya naman kayo maglaro at magpustahan. Mag-horseback riding pa tayo. Gusto ko mas mahabang oras mamasyal. Kailangan ko ng fresh air.” Tumango naman si Dash at yumakap kay Dara. Napaatras naman si Ezra at binalingan na lang ang mga bola ng bilyar. Kinuha niya mula sa mg butas ang mga bola at inayos sa lamesa. “Sino ba sasama mangabayo?” tanong ni Blaze sa tabi niya. Biglang bumilis ang pagbayo ng dibdib niya. Paano niya kaya maiiwasan ang tanong na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD