NAGULAT si Ezra nang may dumating na isa pang golf cart at pumarada sa tapat ng lodge ay nagkairingan ang dalawa nilang kasama. Si Oz na barkada at kaibigan nila ni Dash at si Fiona na pinsan ng may-ari ng rancho.
Magpapasundo na sana si Oz sa sarili nitong driver dahil ang sasakyan ni Fiona ang gamit nila papuntang Rancho nang pumagitna na silang magkakaibigan. Alam ni Ezra na siya lang ang makakapigil kay Oz.
Itinulak ni Dash palayo si Oz sa babae at doon na nakakuha ng tsansa si Ezra.
“Dude, gusto ko talagang mag-relax ngayong weekend kasama ng kahit isa lang na kabayo. Ibalato mo na ‘to sa’kin. ‘Wag ka na magpasundo. Please?”
Napabuntonghininga ang kaibigan. Alam niyang susunod ito sa hiling niya.
Kahit kalmado na si Oz ay hindi ganoon si Fiona kaya’t hinintay nila ang magiging usapan. Habang nakikinig sa pagkumbinsi ng pinsan at kaibigan ng dalaga ay hindi maiwasan ni Ezra na mapangiti sa ilang parte na narinig niya kahit hindi niya alam kung bakit.
“Ate, gwapo naman, hindi naman mukhang unggoy,” narinig nyang sabi ni Blaze tungkol kay Oz noong asar na asar ang pinsan nito.
“Hoy! Umayos ka, bawal ka mag-jowa lalo na kapag ‘yang unggoy na ‘yan.”
“Di ko naman type. Sa’yo na lang baka gusto mo.” Napangiti si Ezra at napaisip kung ano ba ang sinasabi ni Blaze na type niya.
Nang ayaw pa rin magbati ng dalawa ay namagitan na muli sina Ezra at Dash.
“Dude, ikaw na ang lumapit. Para sa’kin na lang,” pabulong niyang sabi. Alam ni Ezra na hindi siya matatanggihan ng mga kaibigan niya kapag ganito na ang sinasabi niya. Minsan lang siya humiling sa kanila at alam niyang pagbibigyan siya.
“Baby, Oz wanted to say something daw to Fiona. Mag-aapologize raw.” Inantay nilang mag-apologize nga si Oz kahit wala naman sa napagusapan nila ‘yon. Dahil wala nang nagawa ang kaibigan ay tunog ngongo na labas sa ilong ang pag-sosorry nito. Ganoon din ang sagot ni Fiona. Napatingin si Ezra kay Blaze at napangiti siya nang makitang nagpipigil ito ng tawa.
“Okay na. Solved na. Tara? Kain na tayo?” tanong ni Fiona sa kanila. Sumakay ulit ito ng cart at paalis na ng tapat ng Lodge nang patakbong sumakay si Oz.
“Dude, ikaw na magdala sa loob ng bag. Thanks!” sigaw pa ng kaibigan na mukhang nahihibang na sumakay sa cart kahit obvious namang nagkakainisan pa silang dalawa ng driver nito.
Napanganga silang apat na naiwan sa tapat ng Lodge. “Nanong nopak nan nalawang ‘yon?” tanong ni Ezra na ginaya ang pagkangongo ng dalawang bagong-alis na bagong bating magkaaway.
Napalingong ang lahat sa kanya saka sila sabay-sabay na nagtawanan. Tama nga ang hinala ni Ezra. Madaling patawanin si Blaze. Naluluha pa ang mga mata nito habang malakas na tumatawa katulad ng dalawa pa nilang kasama na nakakapit pa sa tiyan. Marahil dahil sa pagkawala ng tensiyon ay mas naging effective ang kakulitan niya.
Nang matapos ang wave ng pagtawa nila ay sinusian na ni Dara ang Lodge at magkakasunod silang pumasok sa loob.
Napangiti siya nang makita ang interior ng lodge na gawa sa kahoy. Kung hindi siya nagkakamali ay mahogany ang gamit na kahoy. May barnis din ang mga kahoy kaya’t matingkad at makintab ang kulay nito. Ang naiiba lang ay ang puting kisame at ilang paintings na nakasabit sa dingding bilang dekorasyon. May kusina at sala at tatlong kwarto. Mukha itong isang maliit na bahay o cabin na bakasyunan. Bagay ang sofa na gawa sa kahoy at kutsong cream ang kulay na nakapatong dito.
Nang pinapili na sila ni Dara ng kwarto ay naisip niyang magmadali na dahil mukhang naiinip na si Blaze na nakatayo sa may labas ng pintuan.
“You can have one room each if you want. May banyo din naman bawat kwarto. May isang banyo pa sa may bandang kusina,” sabi ni Dara habang iniikot sila ni Dash. Nang mapalingon siya sa may pintuan kung nasaan si Blaze ay nakatingin lang ito sa hawak niyang cellphone ang nakakunot ang noo.
“Ilalapag lang namin ang mga bag tapos balik na tayo sa bahay? Baka magbugbugan ang dalawang ‘yon,” sabi niya kay Dara.
“Take your time. Let them solve their differences. We’ll be staying her for two days and the first day hasn’t even started yet,” napabuntonghininga sila at tumango.
Iyon din ang iniisip ni Ezra. Dalawang araw sila doon ngunit hindi niya alam kung makakaya niya bang lumapit sa pakay niya sa lugar na iyon.
Nagkwentuhan pa sina Dara at Dash tungkol sa mga activities sa Rancho habang si Ezra ay sinilip ang mga kwarto at pumili ng gagamitin niya. Si Blaze naman ay pumasok sa loob ng Lodge at naupo sa may sofa. Tahimik itong nakatingin sa cellphone na parang may importanteng bagay na binabasa roon.
Pumasok si Ezra sa banyo ng napili niyang kwarto. Kahit simple lang ang silid ay mukhang komportable manatili roon. May salamin sa loob ng banyo sa tapat ng lababo. Tinitigan niya ang sarili at saka naghilamos. Pagpikit niya ay nakita niya sa isip ang puting kabayong nakita niya pagdating ng Rancho. Naalala niya ang mga kabayong kasama niya simula noong bata siya hanggang sa magbinata siya. Napakapit siya sa lababo, yumuko at itinapat ang mukha sa tumutulong tubig ng gripo. Ilang minuto din siyang ganoon nang marinig ang katok sa pintuan.
“Dude? Okay ka lang?” tanong ni Dash sa labas ng pintuan. Agad niyang pinatay ang tubig at nagpalinga-linga sa loob ng banyo. Nakakita siya ng maliit na cabinet sa gilid at binuksan iyon. May dalawang puting tuwalyang masinop na nakatiklop. Kinuha niya ang isa at ipinunas sa mukha niya. Binuksan niya ang pintuan. Nang makita siya ng kaibigan ay nag-aalalang nagtanong sa kanya, “Ezra? Gusto mo na ba umuwi tayo? Okay lang naman kung kailangan talaga.”
Napatitig siya sa kaibigan. Alam niya kung gaano kaimportante para kay Dash ang lakad nilang iyon dahil kasama nila si Dara. Kahit sinasabi niyang okay lang na umalis sila, alam niyang madidisappoint ang lahat kapag bigla siyang nag-ayang umalis kahit na wala pa silang isang oras doon.
“Ayos lang ako. Ayos pa. Sasabihin ko na lang kaagad kapag hindi na. Sa ngayon, I need a distraction. Hindi ko inexpect na—” natigilan si Ezra. Ano nga ba ang ineexpect niya sa pagpunta doon? Alam niyang may horseback riding doon kaya nga siya tinanong ni Dash na sumama dahil sa dahilang iyon at kaya rin siya pumayag ay para nga malaman ang magiging epekto nito muli sa kanya. Tumango si Dash kahit hindi niya naituloy ang sasabihin. Ganoon silang magkakaibigan kapag seryosohan na ang usapan. Nagkakaintindihan sila.
“Seryoso ako, Ezra. Alam ko naman maiintindihan ni Dara.” Magkasalubong ang kilay ni Dash at kumapit pa ito sa balikat niya.
“Ang drama natin, Dude. Okay pa ‘ko promise. Tara na baka nagsasabunutan na si Oz at Fiona.” Nakangiting sabi ni Ezra. Inakbayan niya si Dash bago isinabit ang tuwalya sa sabitan sa may pintuan.
Magkasabay silang lumakad palabas ng Lodge kung saan naghihintay na sina Dara at Blaze. Tumapik pa muli sa likod ni Ezra si Dash bago sumakay sa Cart na sasakyan pabalik ng Main house.
Papunta na sa cart si Ezra kung saan naghihintay si Blaze nang tumayo ito at lumakad palapit sa kanya. Nabigla siya sa sunod na ginawa nito. Huminto ito sa tapat niya at pormal na humarap sa kanya.