KAHIT na kinabahan si Ezra at tila bumilis ang t***k ng puso niya sa tingin na iyon ni Blaze ay hindi siya umatras sa hamon nito. Nasa tapat pa sila ng pintuan nang magkatinginan silang dalawa. He saw the glint of mischief from her eyes. Hindi naman natinag si Ezra ng tingin na iyon. "What kind of deal? Kahit parang kinakabahan ako, sige, go." Napangiti ang dalaga nang narinig na kinakabahan siya. Napakagat ito ng labi at naningkit ang mga mata. Iyon marahil ang mannerism ni Blaze, lip biting na sana ay hindi nito ulit-ulitin dahil napapabaling ang mata niya sa mga labi nito na mukhang malambot nga at masarap ngang kagatin. Napaiwas siya ng tingin nang maisip niya iyon. "In every game that we will play here, magparamihan tayo ng wins. Best of the best kung baga." "Hindi kasama ang mga n