PABABA pa lang ng kotse sina Ezra at Blaze nang dumating sila ng mansyon ng mga Imperial ay hindi na mabura ang ngiti sa mga labi ni Ezra. Ibinaba lang sila sa may driveway sa tapat ng bahay bago dumiretso na ang driver papunta ng garahe. Ipinababa ni Ezra ang mga paper bags para silang dalawa na ang magbitbit ng mga iyon papasok sa loob. Gusto niyang siya mismo ang magdala ng mga iyon sa kwarto ng dalaga para may dahilan siya para tumanbay doon. Nang makababa na sila sa tapat ng bahay at habang inaabot ni Blaze ang ilan sa mga paper bag na naglalaman ng mga damit na pinamili ni Ezra para sa kanya ay napansin niya ang mukha ng nobyo. "Bakit ang saya mo?" tanong ni Blaze nang makitang hanggang tainga ang ngiti ng binata. "Iniisip ko na ang sasabihin ni Mama pagpasok natin kapag pinaki