NAKATAPOS na silang bumili ng cellphone ni Blaze at mayroon na rin itong mga pamalit ng damit. Hindi alam ni Blaze kung hanggang kailan siya sa Maynila kaya't pang-isang linggo ang binili nilang mga gamit niya. Ayaw din niyang umuwi muna ng Batangas dahil baka hindi na siya paluwasin ulit matapos nang nangyari sa kanya noong pinabayaan siyang magpunta ng Maynila na mag-isa. Habang nagshoshopping sila Blaze at Ezra ay muntikan pa silang mag-away ang nang magpumilit si Blaze na utang lang ang lahat ng nagastos ni Ezra dahil wala pa siyang cash at credit card na magamit. Even her IDs were not recovered at mukhang papapalitan talaga niya lahat kaya't hindi rin siya makapag-widraw sa bangko. Kung hindi pa pumayag si Ezra na ang cellphone lang ang babayaran ni Blaze, hindi pa sila matatapos sa