SASHA ROSARIO'S POINT OF VIEW Isang mapagpalang umaga sa lahat! "Hmmm!" Nakapikit pa ang mga mata ko habang naguunat-unat ako. Nakahiga pa rin ako dahil kakagising ko lang at kung tutuusin, ay wala pa talaga akong planong gumising. Naririnig ko ang mga huni ng ibon sa labas, pati na rin ang tunog ng paghampas ng alon sa baybayin na malapit lang sa amin. Mukhang perfect maligo ng dagat ngayon dahil maganda nag klima, kahit maaga pa lang. May naririnig din akong tunog nang nagsisibak ng kahoy sa labas kaya naman iminulat ko na ang mga mata ko at bumangon na. Agad akong napatingin sa tabi ko at abot tenga pa ang ngiti ko nang makita na wala na si Angelo sa tabi ko. "Aba, napakasipag naman yata?" Taas-kilay na tanong ko pa habang hinihimas ang pwesto niya na malamig na at mukhang kan