THIRD PERSON'S POINT OF VIEW Malamig ang simoy ng hangin nang bumyahe ang bangka na sinasakyan nilang apat. Nakanguso pa rin si Sasha habang naka-crossed arm at nakaupo sa tabi ni Angelo. Habang si Andeng at Junior naman ay nasa kabilang side ng bangka. Isang pang-pasaherong bangka ang sinasakyan nila, kaya naman malaki ito at may mga kasabay din silang pasahero na pupunta sa bayan. Pansin ni Sasha ang mainit na titig ng mga grupo ng kababaihan na nasa tapat at tabi nila ni Angelo kaya naman hindi niya maiwasang makaramdam nang kakaibang pakiramdam na na naging dahilan nang pag-siko niya kay Angelo. "Ouch... may problema ba?" Sambit ni Angelo bago nagbaba ng tingin sa babaeng katabi niya na kanina pa nakanguso. Hindi niya maiwasang mapangiti habang tinitignan niya ang mukha nit