SASHA ROSARIO'S POINT OF VIEW "WAUGHHHH! WAAAAH!" Ang malakas na iyak at pag-singhot ko ang bumulabog sa buong bahay na kinaroroonan namin. Halos hindi na ako makahinga dahil sa barado kong ilong na gawa nang sipon na kanina pa tumutulo. "Aughhh! Andenggg—paano mo nagawa sa akin 'tooooo!" Sigaw ko pa kasabay nang pag-iyak. Ramdam ko naman ang paghimas ni Andeng sa ulo ko, pati na rin ang pagtawa niya. "Ano ka ba, hindi mo naman dapat iyakan ang mga gan'tong bagay." "W-Wahhhh!" Pag-iyak ko ulit, pinupunas ko pa sa damit niyang suot ang sipon ko na hindi ko na masinghot. Walang hiya! Gulat na gulat ako sa mga nangyayari! Huhu. Mahigit isang oras na ang nakalipas magmula nang makarating na kami dito sa Isla. Talagang halos maglupasay at iyak ako sa tuwa nang malaman ang isang maga