Kabanata 02: Asawa

2474 Words
SASHA ROSARIO'S POINT OF VIEW "Sasha! Siya na yata ang sagot sa panalangin no—" "Anong sagot sa panalangin? H-Hindi ko naman hiniling na magka-asawa agad—aray!" Masama ang tingin na ipinukol ko kay Andeng nang bigla niya na lang akong kultukan sa ulo. "Bakit ka ba sumisigaw? Katabi mo lang ako 'no!" Kunot ang noo na tanong niya naman sa akin. Napakamot na lang ako sa ulo. Ang totoo ay malakas pa rin ang pintig ng puso ko. Hindi pa nga ako makakakilos kanina kung hindi lang dumating si Andeng at Junior. Nagulat pa nga ako dahil naka-boxer lang si Junior at mukhang nasa gitna sila ng bonding nilang mag-asawa. Sino ba naman ang hindi mawiwindang sa lakas ng sigaw ko kanina? 'Yung sigaw ko pa 'eh parang kakatayin na ako. Kasi naman 'eh! Sino ba namang hindi matatakot at magugulat kung bigla na lang may duguan at poging lalaki na mahihimatay sa loob ng bahay mo? "Sino kaya 'to, Sasha? Ang tagal naman kasi ni Junior. Kailangan na nating linisan ang mukha 'neto para malaman kung pogi ba talaga." Inutusan kasi namin si Junior na mag-igib ng tubig mula sa balon na malapit-lapit lang naman sa bahay namin. Wala na kasi akong stock ng tubig sa drum, naubos na kanina. Napabuntong-hininga naman ako. "Aba Malay ko, Andeng. Bigla lang namang pumasok sa bahay tapos tinatanong pa ako kung sino ako? Jusko, hindi kaya baliw ang lalaking 'to?" Bakas pa rin ang kaba at pagtataka sa boses ko. Hirap na hirap akong i-proseso ang lahat-lahat sa isip ko. "'Eto na mahal!" Sabay kaming napalingon ni Andeng sa walang pinto kong bahay. Kakapasok lang ni Junior na may dala-dalang baldeng may laman ng tubig. "Ang bagal mo naman!" Reklamo pa ni Andeng sa asawa niya bago tumayo at pabirong sinuntok ang tagiliran nito. Natawa na lamang ako dahil sa kakulitan nilang dalawa. Pero agad ding nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala na may pasyente nga pala sa harap ko. "Linisan mo na ang katawan niya, Sasha. May mga extrang damit ka ba na malalaki diyan? Magpapahiram na lang muna itong si Junior diyan sa future asawa mo." Agad na nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi ni Andeng. Hindi ko pa alam kung saan ang mas tumatak sa isip ko. Ang sinabi niya ba na lilinisan ko ang katawan 'neto? O ang sinabi niyang future asawa ko ito. Kaya naman lukot na lukot ang mukha ko habang nakatingin sa kanila. Namewang naman si Andeng at nakataas pa ang kilay na tinignan ako. "Ano aber? Alangan naman ako ang mag-linis sa katawan niya 'eh mag-seselos itong yummy kong asawa." "Alangan, may asawa kang gabi-gabing nagpapalasap ng sarap sa'yo tapos hahawak ka ng katawan nang ibang lalaki?" Halata ang pagkapikon sa boses ni Junior bago ito nagdadabog na lumabas. Humagalpak naman ng tawa ang asawa niya. "Oh, siya. Linisan mo muna siya, pagkatapos kapag nakita mo na kung na saan ang mga sugat niya. Gamitin mo 'yang medicine kit para gamutin." Kumindat siya sa akin. "Goodluck, Sasha. Ingat ka, baka matuklaw ka ng cobra ha?" Humahagikhik itong naglakad palabas. "Lalambingin ko muna ang asawa kong pinaka-yummy sa lahat!" Naiwan akong nakaupo at tulala lang sa kawalan. Nanlalaki ang mga matang naigulo ko na lang ang buhok ko. "Hala Lord, bakit ba nangyayari sa akin 'to?" Impit na sigaw ko habang patuloy sa paggulo sa buhok ko. Ilang sandali pa ay malalim naman ako bumuntong hininga at sinubukang pakalmahin ang sarili ko. Pasimpleng kong tinitignan ang duguang lalaki na nasa harap ko para ma-motivate akong kumilos na. "Ano ha, Sasha? Kasalanan mo kapag namatay ang lalaking 'yan dahil sa ka-artehan mo." Bulong at pananakot ko sa sarili ko. Namilog naman ang mga mata ko. "Mas malaking gastos at hassle kapag namatay 'to! Nako, hahanap pa ako ng libingan niya dito at magbabayad para sa pa-misa bago ilibing." Hindi ko na lamang maiwasan na sampal-sampalin ang sarili ko. "Kilos na, Sasha Rosario! Lilinisan mo lang naman ang katawan." Muli akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Kinuha ko pa ang batya kong pasira na para ibuhos 'ron ang tubig na inigib ni Junior nang sa gayon ay hindi na ako mahirapan. Mabuti na lang din ay nagpakulo ako ng mainit na tubig kanina, kaya naman maligamgam ang tubig na gagamitin kong pang-linis sa kaniya. Nanginginig ang mga kamay ko nang buksan ko ang butones ng white long sleeve na suot niya. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang isang nakakasilaw na kayamanan! "H-Hele..." Bakit gan'on? Lumiliit ang boses ko. Hindi ko maialis ang tingin ko sa nagtitigasan na abs ng lalaking 'to! Maraming kargador ng isda sa labas na nakahubad tuwing nagbubuhat —pero bakit ibang-iba ang abs ng lalaking 'to?! Nabalik ako sa huwisyo nang maramdaman ang tumulo sa legs ko. Nanlalaki ang mga mata kong tinignan 'yon. "Hala, ano bang ginagawa ko?" Halos sampalin ko pa ulit ang pisngi ko. Tumulo lang naman ang laway ko matapos makita ang abs ng lalaking 'to! Grabe, Lord! Please, mabait po ako. Hindi ko na po kasalanan na masyadong out of this world ang abs ng lalaking 'to. Napapikit na lamang ako at bumuntong hininga ulit. Pinakalma ko na naman ang sarili ko dahil nanginginig na naman ang kamay ko. Kung kanina ay dahil sa kaba ang panginginig, ngayon naman ay dahil na sa excitement. Nararamdaman ko pa ang pag-init ng buong mukha ko habang pinipiga ang isang puting tela na gagamitin kong pang-punas sa katawan niya. Hindi ko maiwasang mapalunok nang lumapat na ang tela sa katawan nito, idagdag pa ang halos pigil ko ang hininga ko habang ginagawa 'yon. Lumitaw ang mga fresh na sugat at mga peklat sa katawan niya nang tuluyan ko nang maalis ang mga dugo. Kagat ko ang ibabang labi ko habang tinitignan ang itaas na katawan nitong malinis na. Napatulala pa ako't sandaling nagmuni-muni sa mga masasayang pangyayari sa buhay ko. Ewan ko kung bakit nararanasan ko ang masarap na pangyayaring 'to, hindi kaya ay mamamatay na ako bukas kaya pinaparanas na 'to sa akin ni God? Umiling-iling na lamang ako't inayos ang sarili ko. Ginamot ko na ang mga sugat niyang mukhang fresh pa. Sa bandang tyan at dibdib 'yon, may kalaliman pero sa tingin ko ay hindi naman kailangang tahiin kaya sapat lang ang mga gamit na gagamitin ko ngayon. Grabe! Sa wakas ay nagka-silbi rin ang experience ko noong nag-aral kami bilang first aider noon. Edi makakaligtas ako ng buhay nang isang nangangailangan ngayon. Sinunod ko naman ang mukha niya. Halos sapakin ko pa ang sarili ko dahil bakit nga ba ang katawan niya ang inuna ko hindi ang mukha niyang balot na balot nang dugo? Kagaya nang kanina, ay pigil ko rin ang paghinga ko ngayon habang pinupunasan ko ang mukha niya. Kumpara kanina, ay hindi na gaanong nanginginig ang mga kamay ko ang pinupunasan ko 'yon. Mas kalmado na ako, kahit kinakalaban pa rin talaga. Napasinghap ako nang makita ang isang malaking peklat sa kaliwa niyang mata. Mula noo, pababa sa halos kalahati ng pisngi niya. Fresh na fresh 'yon at talaga namang namamaga pa kaya naman nataranta ako ulit at agad na ginamot 'yon. Habang ginagamot ko siya ay hindi ko maiwasang mapaisip. Ano kaya ang nangyari sa lalaking 'to at paanong napadpad siya dito? Base kasi sa mukha niya ay hindi siya mukhang isang pilipino. Mas maputi 'rin ito sa akin at mas makinis ang mukha niya kesa sa akin. Nakakainggit din ang matangos na ilong nitong napakasarap pisilin. Idagdag pa ang mahahaba nitong pilikmata na nakikita ko ngayon dahil nga wala itong malay. Makapal at maayos din ang kilay nito. Talaga namang napaka-pogi na kahit nakapikit. Inunahan kasi ako ng takot kanina kaya hindi ko gaanong nakita ang mukha niya lalo na't nababalot ito ng dugo. Hindi ko maiwasang matutula lang at pagmasdan ang mukha niya. Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka-gwapong nilalang. Hindi kaya ay hulog talaga ito ng langit? Baka pinadala talaga 'to ni God para sa akin. O 'di naman kaya ay anghel 'to na nakipag-laban sa mga demonyo pagkatapos ay bumagsak nito sa lupa. Ang dami nang ideya na pumapasok sa utak ko, pero alam ko na masasagot lang ang mga ito kapag gising na ang lalaking 'to. "Sashaaa! 'Eto na 'yung damit—hala?!" Napapitlag ako dahil sa gulat nang malakas na sumigaw si Andeng. Nabitawan ko pa ang pamunas na hawak ko atsaka nanlalaki ang mga matang nakatingin lang sa kaniya. "B-Bakit?!" Gulat na gulat kong tanong. Nakatakip ito sa kaniyang bibig habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa lalaking nakahiga sa tabi ko. "H-Hala?! Ang pogi ng asawa mo, Sasha!!!" Malakas na tili niya't halos napatakip pa ako sa tenga ko dahil sa sobrang tinis 'non. Para siyang kiti-kiti nang lumapit siya sa akin. "Ikaw ha! Nako, mukhang yummy din ang abs niyang asawa mo. Kamusta naman ang first touch mo diyan sa naninigas niyang abs?" Pabirong tanong nito sa akin na inismiran ko lang. "Sira na ba 'yang utak mo Andeng? Kailangan ko pa naging asawa ang lalaking 'yan—" "Kanina lang, 'nong tinulungan mo siya." Pinandilatan ko naman siya ng mata. "Tigilan mo yang magiging emaginative mo, Andeng. Baka nga sakalin pa ako ng lalaking 'to kapag nagising 'eh." "Bakit ka naman sasakalin, aber?" Nagkibit-balikat naman ako. "Wala lang, ang dami niya kasing peklat. Baka mamaya 'eh mamamatay tao pala 'tong tinulungan ko't biglang tumabingi ang utak pagkakita sa akin." Humagalpak lang naman ng tawa ang babaita. "Hay nako, Sasha. Masyado kang overthinker, paano kung masyado lang talagang athletic 'tong si pogi kaya ganoon?" Dinuro nito ang noo ko. "At isa pa, may posibilidad na walang ala-ala ang lalaking 'yan. Kasi naman, kung inanod 'yan dito ng alon—siguradong nabagok-bagok ang ulo niyang sa mga bato diyan sa harap ng Isla." Napangiwi naman ako dahil sa imposible niyang mga pinagsasasabi. "Alam mo? Kakabasa mo 'yan ng mga libro mo, Andeng. Imposible 'yang mga sinasabi mo. Madalas sa pelikula lang nangyayari ang mga gan'yan." Tinaasan niya naman ako ng bago nag-crossed arm pa sa harap ko. "'Eh paano kapag nag-dilang anghel ako?" Ngumisi siya. "Paano kung gumising ang lalaking 'yan at walang maalala, huh? Sasha?" Natigilan naman ako dahil sa tanong niya. Napaisip ako pero mas pinili kong isa-walang bahala na lang muna ang mga sinasabi niya. "Tigilan mo ako, Andeng. Puntahan mo na ang asawa mo 'ron nako, baka magtampo na naman 'yon sa'yo." "Asus! Gusto mo lang ma-solo 'yang si pogi 'eh." Panunudyo niya sa akin na inismiran ko lang. "Oh siya, 'wag mong kalimutang linisin ang buong katawan niya ha?" Kumunot naman ang noo ko kaya pinandilatan niya ako. "Lahat, Sasha. Buong katawan! Aba, paano kung may isda pa pala sa brief niyan? Edi natudas na diba." Nakaawang lang ang labi ko't hindi makapaniwala sa sinabi niya. Tinawanan niya lang naman ako bago siya lumabas ulit ng pinto at nagpaalam na. Nagiinit ang mukha ko dahil sa sinabi ni Andeng. Dumako 'rin naman ang tingin ko sa ibabang parte ng katawan nang lalaki. Napatingala na lamang ako habang nakapikit. "Lord naman huhu, baka minus points na naman ako diyan sa langit 'neto." May umbok ba naman sa gitna ang trouser na suot nito. At 'wag kayo! Malaki 'yon at nakikita kong mahaba. Hindi naman ako pinanganak lang kahapon para hindi malaman kung ano 'yon. Para akong tanga na nakapikit ang mga mata habang nakaluhod ako sa ibabaw nito. Bakit nga ba ako nakaluhod sa ibabaw ng lalaking 'to? Naginit ang mukha ko nang mapagtanto ang posisyon namin. "Tanga! Tanga ka talaga Sasha. Ano bang pinaggagawa mo?" Inis na bulong ko't hindi makapaniwala sa ginagawa ko ngayon. Pinakalma ko na naman ang sarili ko ay mas minabuti na lamang na kumilos na agad. Kalahati lang ang pagkakadilat ng mata ko nang unti-unti kong abutin ang zipper ng trouser nito. Para akong isang manyak na naninilip sa isang bintana dahil kalahati lang talaga ang nakikita ko. Nakanguso pa nga ako't nanginginig ang mga kamay habang ginagawa ko 'to. Huhu, Lord. Hindi naman kasalanan ang ginagawa ko diba? Gusto ko lang namang tumulong 'eh. Ilang sandali pa, ay tuluyan ko nang iminulat nang buo ang mga mata ko dahil ako lang ang nahihirapan sa ginagawa ko kanina. Lakas-loob ko nang hinila pababa nag trouser nitong suot na may bahid din ng dugo at may mga punit pa. Nahirapan pa akong hilahin 'yon dahil nakahiga siya't mabigat ang binti niya. Nang sa wakas ay nahubad ko na 'to, dumako naman ang paningin ko sa natitirang saplot na suot niya. Napalunok pa ako nang makita na visible na talaga kung gaano kalaki ang nasa gitna nito. H-Hala, kailangan ko pa ba siyang hubaran? Pati ba 'yon? Nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko't napapalunok pa habang tinitignan ang boxer nitong suot. Buo na sana ang desisyon ko na huwag nang hubarin 'yon, nang bigla ko namang mapansin ang dugo na nanggagalin sa loob 'non. Agad na nanlaki ang mga mata ko't pumaibabaw na naman sa kaniya. Walang pagaalinlangan kong hinubad ang boxer na suot niya't talaga namang halos lumuwa ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang isang mahaba at matabang ahas na nagtatago sa boxer niya. "Mahabaging langit!" Hindi makapaniwala kong sambit habang nakatitig sa pagkalal*ki nitong tayong-tayo sa harap ko. "A-Ang laki." Grabe, ito ang unang beses na nakakita ako ng ari ng lalaki—at ganito pa talaga kalaki?! Nakaluhod pa rin ako sa ibabaw niya habang titig na titig at inusisa ang kaselanan niya. Nakalimutan ko na kung ano ang pakay ko't bakit ko hinubad ang boxer niya. Kaya naman talagang nawindang ang buong katawan ko nang bigla na lamang siyang bumangon at humawak sa magkabilang bewang ko. Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko nang magtama ang paningin naming dalawa. Ang kulay abo niyang mga mata na tila hinuhugop ako ay nakatitig sa akin. Nabalik lamang ako sa huwisyo nang maramdaman kong dumadampi sa gitna ko ang naninigas niyang pagkalal*ki. "A-Anong—g-gising ka?!" Parang tumakas ang dugo mula sa noo ko. "Who are you?" Tanong niya sa akin at walang ano mang emosyon na makikita sa mukha niya. Parang papatayin niya ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin kaya naman nataranta ako't sinagot ang isa sa pinaka-tangang sagot na dapat kong isagot ngayon. "A-Ako? A-Ako ang asawa mo." Tanga! Tanga ka Sasha, sa tingin mo naman ay maniniwala 'yan sa'yo? Gusto ko na lamang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan lalo na't hindi siya agad nagsalita at patuloy lang ang pagtitîg sa akin. Kaya naman laking gulat ko nang bigla na lang ako nitong halikan. Smack lang 'yon, kaya hindi ako agad naka-react hanggang sa nagsalita siya't nakangiti na sa akin. "Gano'n ba? Then, will you please calm me down there... wife?" Sasha, ano na naman bang sitwasyon 'tong pinasukan mo?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD