Kabanata 01: Hulog ng Langit?

2627 Words
SASHA ROSARIO'S POINT OF VIEW Mahimbing akong natutulog nang makarinig ako nang kakaibang ingay mula sa labas. Ano ba 'yon? Bakit may umaalulong na aso? Inaantok na bumangon ako bago kinusot ang mata kong inaantok pa. Inalis ko ang manipis at may punit kong kumot mula sa ibabaw ng katawan ko. Ano ba 'yon? May mamamatay ba? Ang ingay ng aso 'eh. Pero tila nawala ang antok ko nang buksan ko ang pinto nang maliit kong bahay. Nanlalaki ang mga mata ko't nasigaw. "Ahh! Burog! Puny*ta—talaga namang may kinakayog ka na naman?!" Agad na naginit ang ulo ko habang tinitignan ko ang pandak kong aso na may ka-chuk-chukan sa mismong harap pa ng pinto. Ang liit-liit na aso pero ang lakas kumayog! "Shoo! Alis, Burog! Puny*mas ka." pagpapaalis ko sa kaniya mula sa pagkaka-patong sa asong mas malaki pa sa kaniya. Buti na lang ay hindi pa sila nag-lock kaya nakaalis pa si Burog. Parang nagalit naman si Burog at halatang nabitin sa ginagawa niya. Paano, ang laki-laki ng aso na gusto niyang iskoran? 'Eh ang liit -liit lang ng mga binti niya kaya hindi maka-abot. "Pasok!" Utos ko sa aso na sumunod din naman agad sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa inis na nararamdaman ko. Napaka-gandang pamamaraan nang pagising talaga. The best talaga ang aso ko. Naiiling na lang ako at akmang papasok na ng bahay nang makarinig naman ako ng sigawan sa kapitbahay ko na nagiisa lang. "Talaga naman, Junior! S-Sandali lang—masyado pang maaga. Baka gising na si Sasha—nakakahiya!" Natigilan ako dahil sa narinig ko. 'Heto na naman sila. "Sige na Andeng, bitin na bitin ako kagabi—" Nako naman Junior, kawawa naman si Andeng sa'yo! "Isa! Naka-limang rounds na tayo Junior—nahihirapan pa nga akong tumayo!" Napangiwi ako dahil sa reyalisasyon tungkol sa topic na pinapakinggan ko. Napatakip pa ako sa tenga ko't nagbingi-bingihan at umaarte na wala akong narinig. 'Yan ang mag-asawang kapitbahay ko. Si Junior at Andeng, hindi nalalayo sa edad ko ang edad nila. At kung nagtatanong kayo kung may anak sila—wala. Processing pa raw, sabi ni Andeng ay ayaw pa raw ni Junior dahil gusto pa nitong solohin ang asawa. Sana all diba? Joke lang! Hehe, wala pa akong planong mag-asawa nako! Hindi ko pa nga napapaayos ang bahay kong malapit nang liparin ng bagyo. Ang bahay ko ay malapit sa dalampasigan at nasa dulo ng isla. Yep! Nasa Isla ako nakatira, kaya naman kutis at gandang morena ako. Sila Andeng at Junior lang ang kapitbahay ko rito, at talaga namang gabi-gabi kong naririnig kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Malayo kasi sa sakayan ng bangka ang pwesto na kinatatayuan ng mga bahay namin, kaya naman ayaw dito ng ibang ka-baranggay namin at 'andon sila banda sa terminal ng bangka. Mag-isa na lang ako sa buhay, seven year's old pa lang ako nang iwan ako ng mga magulang ko sa lola ko, Mama ni Papa. Hindi ko rin alam ang dahilan ng pag-alis nila, pero wala na akong pakialam dahil hindi 'non mababago ang katotohanan na inabanduna nila ako. Sampung taon din kaming nagsama ni Lola, marami akong natutunan na mga raket sa kaniya at isa na 'ron ay ang pag-dadaing ng isda at pagawa ng mga kwinyas na gawa sa shells. Seventeen naman ako 'nong pumanaw ang Lola ko, seven years na rin mula nang maging mag-isa ako sa buhay. Mabuti na lang nga ay may kapitbahay na ako ngayon 'eh, dati kasi ay isa ko lang talaga dito sa dulong parte ng isla. Tikom ang bibig ko't kulang na lang ay magtakip na ako ng bulak sa tainga ko. Kasalukuyan akong magluluto ng sinaing, at talaga namang may background music pa ako. "O-Oh! S-Sinabi nang mamaya na lang J-Junior 'eh!" Tama, pasintabi naman sana sa kapitbahay niyong walang asawa, huhu. Tapos ko nang hugasan ang kaldero kaya tumungo naman ako sa gilid ng bahay ko para magpa-dingas ng mga sanga ng puno at kahoy. Nabaling ang atensyon ko sa aso kong si Burog. "Oh ano? 'Wag mong sabihin na naiinggit ka sa mag-asawang 'yon, Burog?" taas-kilay na tanong ko sa aso ko. Kulay brown si Burog, at kabaliktaran ng pangalan niya ang balahibo niya. Dahil hindi siya ma-burog na tipo ng aso, malinis ito at mabalbon ang balahibo. Ikiniskis naman nito sa akin nag katawan. "Ano?! Naiinggit ka?" Pinandilatan ko siya ng mata. "Nako, tigilan mo ako Burog. Subukan mo lang talagang bumuntis ng mga aso 'don sa kabilang baryo, matutudas ka sa akin." Dinuro ko ang noo niya. "Wala tayong pang-sustento!" Parang umuusok sa inis ang ilong ko. Umuungot namang naupo ang aso ko, mukhang naintindihan niya na hindi ko nagugustuhan ang plano niya. "Ayan, very good." Papuri ko sa kaniya pagkatapos ay nagpatuloy sa pag-paypay sa kahoy na pinapadingas ko. Nako, pati ba naman ang aso ko ay balak nang bumuo ng sariling pamilya? 'Eh ako, kahit ganito lang ako ay pinagaralan naman ako. Maganda 'rin naman ako, pero mahirap nga lang. Kaya nga, mahirap na nga ako tapos magaasawa pa ako ng mahirap? Nako! No, no, no! Ikokonsidera ko lang na mag-asawa kapag pogi ang manliligaw sa akin, hehe. 'Yung parang may lahi? Taga ibang bansa at mayaman! Tumango-tango ako, sinasang-ayunan ang mga naiisip ko. Nang makitang malakas na ang appt ay pumasok naman ako sa loob para lagyan na ng bigas at isalang na ang kaldero. Ito ang morning routine ko, gigising akong maririnig ko ang ka-sweetan ng mag-asawang si Andeng at Junior. Magluluto ako ng umagahan, pagkatapos ay maglalakad-lakad naman ako sa dalampasigan para makita ko ang pagsikat ng araw. Maganda kasi ang tanawin dito sa pwesto namin, nakikita ang mga nagtataasang bundok 'don sa isla o bayan na nasa harap namin. Pero mas masarap pa rin mamuhay dito sa tabing-dagat, hindi ka magugutom kung maalam ka kung paano mag-hanap buhay sa dagat. Bumaling ako sa aso kong si Burog, nakaupo pa rin ito't winawagayway ang buntot niya. "Huwag kang aalis diyan, tawagin mo ako kapag kumukulo na 'yang sinaing." Utos ko sa kaniya. Kumahol naman ito pagkatapos ay naupo ulit. Oh diba? Well mannered 'yang aso ko—kapag walang babaeng aso na nakikita. Kapag nakakakita kasi 'yan ng babaeng aso 'eh daing pa si flash sa sobrang bilis kumayog. Ako naman ay naglakad na papalapit sa dalampasigan. Maghahanap ako ngayon ng mga shells na gagawin kong kwintas o kaya naman ay bracelet. "Haaaa!" Malakas na sigaw ko't napapapikit pa para damhin ang malamig at fresh na hangin. Masarap rin sa pandinig ang humahampas na alon sa pangpang. Hindi ko alam kung anong oras na, sira na kasi ang orasan sa bahay. Nalalaman ko lang ang oras kapag nagtatanong ako sa magasawa na mayroong mga cellphone. Wala kasi ako 'non, di ko pa afford bumili. Mas inuuna ko na munang bumili ng mga makakain ko kesa 'yon. Hindi pa sumisikat ang araw, kaya naman hindi mainit at masarap talagang maglakad-lakad. Nasa buhanginan ang atensyon ko dahil nga naghahanap ako ng mga shells. MAHIGIT kalahating oras din akong naglalakad-lakad sa dalampasigan hanggang sa marami-rami na ang nakuha ko. Sakto na may nakita akong plastic bag kanina sa kaya naman 'don ko na nilagay. Nang makabalik ako sa bahay ay 'andon pa rin si Burog. Kumahol siya nang makita ako kaya nakangiti akong dumeretso sa kung na saan ang kaldero pagkatapos ay inialis na 'yon at pinasok sa loob. "Nako, wala na naman akong ulam." Napakamot na lang ako sa ulo ko. Naubos na kasi ang daing na stock ko. Mag-asin at kanin na lang yata ako ngayon. Hayyy buhay nga naman, ang hirap talagang maging mahirap. Nagsandok na muna ako ng kanin ko't ready na akong mag-ulam ng asin nang bumukas naman ang pinto ng bahay. Napaigtad pa ako dahil sa gulat at lakas 'non. Napangiwi na lang ako nang makitang bumigay ang pinto, nasira at bumagsak dahil sa lakas nang pagkakatulak ng kung sino. "Ay... sorry." Boses 'yon ni Andeng, may dala-dala siyang mangkok. "Aba! Nice timing Andeng, anong ulam 'yan ha?" Tuwang-tuwa kong tanong. Hindi ko na muna pinansin ang pinto, mamaya na 'yan dahil gutom pa ako 'hehe. Napakamot naman ito sa batok niya bago naglakad papasok. "'Eto, naka-hingi si Junior kahapon 'don sa dumaong na bangka sa kabila. Sinabawang bonito." Halos maglaway ako dahil sa narinig ko. "'Yon oh! Thank you, at dahil diyan—bayad na ang kasalanan niyo." Natatawa kong sabi bago kinuha ang mangkok na hawak niya't inilapag 'yon sa maliit kong lamesa. Namula naman ang mukha niya dahil sa sinabi ko, marahil ay nakaramdam siya ng hiya. "P-Pasensya ka na, Sasha. Si Junior kasi 'eh." Nakangiti naman akong umiling-iling. "Nako wala 'yon, sanay na ako Andeng. Isang ulam lang solve na ang lahat!" Saad ko bago siya kindatan at nagsimula nang kumain. Inaya ko pa siya pero tumangi siya't naupo lang sa upuan na malapit nang masira. Natawa naman kaming pareho. "Ikaw ba Sasha, 'eh wala ka talagang planong mag-asawa?" Halos mabulunan ako dahil sa tanong ni Andeng. Hinahampas-hampas ko na ang dibdib ko't natatarantang kumuha naman siya ng isang basong tubig na agad kong nilagok. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya. "'Wag mo naman akong gulatin nang gan'on!" Hinihingal na sabi ko bago hinihimas-himas ang dibdib ko. Napakamot na lang ito sa batok niya. "'Eh ano namang nakakagulat 'don? Grabe ha?" Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. "Basta usapang asawa, nagugulat talaga ako. At isa lang ang sagot ko, wala akong planong mag-asawa ng pinoy!" Proud na sabi ko na ikinangiwi niya naman. "Aba, talagang umaasa kang makaka-bingwit ka ng poging taga ibang lahi ha?" "Shempre naman, ako pa ba? Sa ganda kong 'to?" Oo na, ako na ang mahangin. Pero maganda kasi talaga ako, mahirap nga lang. Tumawa naman si Andeng. "Alam ko naman, kitang-kita naman kung gaano ka kaganda. Ang kaso, paano ka naman makaka-bingwit ng chupapi kung andito ka lang naman sa Isla? Hindi ka makakahanap ng ideal man mo kung hindi ka luluwas sa ibang bansa 'no!" Hehe, may point siya. Pero ipinilit ko pa rin ang sinasabi ko. "'Eh basta! Sinasabi ko sa'yo Andeng. God will provide! Sigurado akong makaka-bingwit ako ng poging kano o taga ibang-lahi balang-araw. Sige ka, baka bukas pagising mo naka-bingwit na ako!" Mapagbirong kong sabi. Pero alam ko naman sa sarili ko na imposible 'yon. Pero malay ko ba diba? Baka favorite pala ako ni Lord kaya ibigay niya ang ninanais ko. MALAPIT nang lumubog ang araw, pero andito pa rin ako sa pinagtatrabahuan ko. Isa itong sikat na pagawaan ito ng daing dito sa bayan. Provider ng daing kumbaga. Ang trabaho ko ay paglilinis ng isda, minsan naman ay ako ang taga-bilad nito sa araw. Madali lang naman ang trabaho at dahil dito ay nabubuhay pa rin ako ngayon. Hindi na masama ang five-hundred a day, kayang-kaya nang makabili ng bigas at ulam. "Ate Sasha?! Look, maganda ba?" Napabaling ako sa anak ng amo ko, ten years old ito at ngiting-ngiti habang pinapakita niya sa akin ang ginawa niyang bracelet gamit ang ilan sa mga shells na nakuha ko kanina. "Ay? Ang ganda niyan Bella." "Bagay sa'yo ate, para ka nang si Marimar—yung palabas sa T.V.?" Hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy niya, pero napangiti na lang din ako bago 'yon kinuha. Saktong-sakto sa akin ang binigay niya kaya naman napangiti ako. "Oh siya ibalik mo na 'ron para mabenta na ni Ate mo bukas." Utos ko sa kaniya. Sila din kasi ang nagbebenta 'non sa bayan, pero shempre may pursyento rin naman ako kaya sulit ang pagod sa pangongolekta ng sea shells. Himihintay ko na lang si Aling Minda, ibibigay niya na rin kasi agad ang sahod ko para ngayong araw. Ilang minuto pa ay dumating na rin ito, may dala pa itong isang supot ng plastic na iniabot niya sa akin. "'Eto, Ija. May pa-bonus kang daing dahil umabot tayo sa quota. Mahigit three-hundred pieces ang nagawa natin." Napapalakpak naman ako sa ere dahil sa sinabi niya. "Yun oh! The best ka talaga Aling Minda, kaya favorite amo kita 'eh." Natawa naman ito bago inabot sa akin ang sweldo at supot na buong-puso at tuwang-tuwa ko namang tinanggap. PASADO alas-dies na nang nakahiga ako sa matigas kong higaan. Oo, matigas kasi banig at dalawang pirasong unan lang ang meron ako. Unan na gawa pa sa mga pira-pirasong damit o tela na 'di ko na ginagamit. Gan'to talaga kapag mahirap, lahat ay re-usable. Nagmuni-muni lang ako para makatulog ako. Diyos ko, ayaw ko nang maabutan pa ang ka-sweetan ng mag-asawa kong kapitbahay! Nakatingin lang ako sa nag-iisang ilaw ng bahay ko na mukhang malapit nang ma-pundi. De bale na, bili na lang ako ng reserba bukas. Nga pala, ang bahay ko ay iisang silid lang ang 'meron. Nasa iisang silid na ang higaan ko, kusina at sala. Saktong-sakto lang para sa dalawang tao, dahil nga ito pa ang bahay namin noon ni Lola. Akmang makakatulog na ako nang makarinig ako ng yabag nang kung sino. Nanlaki ang mga mata ko dahil papalapit 'yon sa pinto ng bahay ko. No—anong pinto?! Walang pinto ang bahay ko dahil hindi pa nakakabit mula nang masira ni Andeng kanina. Na-alarma ako't mabilis na napabangon, inabot ko pa ang kawali na pwede kong ihampas sa ulo nito kung sakaling saktan ako. Malakas ang pintig ng puso ko habang nakatingin sa pinto ng bahay, ilang sandali pa ay pumasok ang isang tao na naging dahilan ng pagkatuod ko. Isa itong lalaki na duguan, nakasuot ng kulay puting polo na puno ng dugo. Nakahawak ito sa bandang tyan at nakatingin sa akin ang walang buhay na kulay gray niyang mga mata. "S-Sino ka?!" Malakas na sigaw ko habang hawak-hawak ang kawali. "H-Huh..? S-Sino ako?" Napakalalim at lamig ng boses nito. Parang walang tono kaya hindi ko alam kung ano ang ekspresyon niya. "Oo—sino ka?! Babatuhin kita ng kawali!" natatakot kong sigaw. Diyos miyo! Baka aswang ang lalaking 'to! "W-Who are you?" Tanong naman nito sa akin. Namilog ang mga mata ko dahil ang sarap sa pandinig ng pagi-english niya. "Aswang ka 'no?! Andito ka ba para kainin ang lamang-loob ko?! Nako—sinasabi ko sa'yo, hindi ako buntis! Asawa nga wala ako, anak pa kaya?" Sobrang lakas ng pintig ng puso ko, atakihin na yata ako sa puso. Hala, na saan ba ang magasawa kong kapitbahay? Hindi ba nila naririnig ang sigaw ko? Na-alarma ako nang marinig ko na maikling tumawa ang lalaki. "C-Crazy woman." Sambit niya bago unti-unting bumagsak ang katawan niya. Nagulat dahan-dahan akong lumapit sa pwesto niya. Kinakabahan ako pero kailangan kong usisain ang itsura niya. Baka mamaya 'eh hati pala ang katawan nito, baka manananggal pala na nahirapan ipag-dugtong ulit ang katawan. Inabot ko ang isang baso na mayroong tubig, binuhos ko 'yon sa mukha niya pero hindi pa rin ito nagising. Tinitigan ko na lang ang mukha ng lalaki, nakapikit ito at tila mahimbing na natutulog. Ilang minuto pang pagtitîg ang ginawa ko hanggang sa napagtanto ko ang kabuuan ng mukha nito. "H-Hala! Ibang lahi yata 'to?!" Gulat na tanong ko bago mas tinitigan pa ang mukha niya. Biglang mag-flashback sa isip ko ang sinabi ko kanina kang Andeng. "'Eh basta! Sinasabi ko sa'yo Andeng. God will provide! Sigurado akong makaka-bingwit ako ng poging kano o taga ibang-lahi balang-araw. Sige ka, baka bukas pagising mo naka-bingwit na ako!" "'Eh basta! Sinasabi ko sa'yo Andeng. God will provide! Sigurado akong makaka-bingwit ako ng poging kano o taga ibang-lahi balang-araw. Sige ka, baka bukas pagising mo naka-bingwit na ako!" "'Eh basta! Sinasabi ko sa'yo Andeng. God will provide! Sigurado akong makaka-bingwit ako ng poging kano o taga ibang-lahi balang-araw. Sige ka, baka bukas pagising mo naka-bingwit na ako!" Hala Lord! H-Hulog ba 'to ng langit?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD