Kabanata 05: Gawin Natin..?

1662 Words
SASHA ROSARIO'S POINT OF VIEW Isang mapagpalang umaga. Napakasarap ng tulog ko at wala pa akong planong gumising. Ang sarap kasi sa pakiramdam nang higaan 'eh. Naririnig ko rin ang mga huni ng ibon sa labas, meron ding tilaok ng manok na mukhang nanggaling sa kalayuan. Hayyy, ang sarap talaga ng buhay probinsya. Nakapikit pa rin ako nang punasan ko ang laway ko. Ramdam ko kasi ang pagtulo 'non mula sa bibig ko. Nakatagilid ako't nakayakap sa unan ko, ang sarap-sarap yakapin kaya naman parang gusto ko pang matulog. "Wife..." Aba, nagsasalita pala ang unan ko? Ayos to ah, baka nananaginip pa rin ako. Mas diniinan ko ang pagkakapikit ng mga mata ko, gusto ko pang matulog lalo na't mabigat ang katawan ko. "Gising na..." Umungot lang ako dahil wala akong balak gumising. Pakiramdam ko kasi ay nananaginip pa rin ako. Deserve ng isang magandang tulad ko na matulog pa ulit para gigising akong maganda kahit pagod ang katawan. Mas ibinaon ko ang mukha ko sa unan ko, napaka-comfy! Mainit-init pa kasi, mukhang dahil sa body warmth ko't kanina ko pa yata yakap-yakap. Ilang sandali pa ay kumunot naman ang noo ko. Teka, kailan pa naging komportable ang unan kong matigas? Kunot na kunot ang noo ko pero and'on pa rin ang antok kaya naman hindi pa rin nakadilat ang mga mata ko. Grabeng panaginip naman 'to, parang totoo palang malambot at komportable ang unan ko. Ayos ah! Sana araw-araw na lang gan'to para 'di masyadong ramdam na mahirap lang ako. Buo na sana ang paniniwala ko na nananaginip lang ako, pero— "Ang pangit mo naman matulog." Literal na napabangon ako't sabay mulat ng mga mata ko. Hindi makapaniwalang nagbaba ako ng tingin sa letsugas na nagsabi 'non. Bumungad sa akin ang isang hubad na lalaki, nakatagilid ito at nakaharap sa direksyon ko habang nakatukod ang siko nito sa lapag at nakapatong naman ang ulo niya sa palad niya. Napaawang ang labi ko nang makita nag kabuuan niya. Napaka— Napaka-poging nilalang! Anghel ba ang lalaking 'to?! Umagang-umaga pero parang nakakasilaw ang ka-gwapuhan niya! Nanlalaki ang mga matang napatalikod ako sa kaniya. Sinampal ko pa ang magkabilang pisngi ko bago huminga ng malalim. Baka kasi nananaginip pa ako 'eh. Muli akong pasimple na lumingon sa kaniya— Hele?! Hindi nawalan! Legit pala talaga ang mala-anghel na nilalang sa gilid ko?! Para akong tanga na ngumingiti-ngiti. Ang pogi niya kasi, para siyang artista! "Wife, gutom na 'ko." Natigil ako sa pagpapantasya ko nang marinig ang sinabi niya. Agad na napatingin ako sa bintana na may sira o butas. Napabalikwas ako ng bangon nang makitang sobrang liwanag na sa labas. Anong oras na ba?! Muli akong bumaling kay sa lalaking pinangalanan kong Angelo. "A-Angelo, mag-bihis ka na diyan ha? Ayon 'yung damit mo." Sabay turo sa mga damit na pinahiram ni Andeng at Junior. "Magluto muna ako, at diyan ka lang!" Ngiting-ngiti at nagmamadali akong naglakad palabas ng bahay. Nauntog pa ako sa pinto na sira dahil nakalimutan kong may pinto pala. Ihh! Grabe naman, ngayon lang ako nagkaganito at parang lumulutang sa ere. NAPAHAWAK na lamang ako sa drum, nakatulala sa tubig na nasa loob 'non habang pinoproseso sa utak ko ang lahat ng nangyari simula kagabi. Hindi ako makapaniwala na isang estranghero at duguang lalaki ang nahimatay sa loob ng bahay ko, kinupkop ko't ginamot, tinulungan sa naka-saludo niyang sandata, pagkatapos ay nagpanggap akong asawa niya. Natampal ko naman ang noo ko. "Putragis! Ano bang pinaggagawa mo Sasha?" Nakagat ko ang ibabang labi ko't parang nahihiya na ako sa mga pinaggagawa ko. Kasi naman 'eh! Paano kung biglang bumalik ang ala-ala ng lalaking 'yon? Paano?! Maka masuntok ako sa mukha kung may asawa pala siyang totoo. Namilog ang mga mata ko't napahawak sa magkabilang pisngi ko. "Edi naging kabit akooo?!" Nasa ganoong sitwasyon ako nang makaramdam ako ng mga brasong pumulupot sa bewang ko. Talaga namang natuod ako't bumilis ang pagtibok ng puso ko. Baka kasi sasaksakin pala ako 'eh, tapos taktik lang na may payakap pero bumalik na pala ala-ala niya. "A-Anong ginagawa mo? Sasaksakin mo ba ako?" Kinakabahan kong tanong. Pero naramdaman ko lang ang pagsiksik ng ulo niya sa leeg ko. At mga te! Kinikilig akooo. Ahh, 'wag kang ganiyan Angelo—baka mahulog nang tuluyan ang panty ko! "Magluto ka na, wife." Mahinang bulong niya napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. Nag-guilty na ako huhu. Tama bang nagpanggap ako na maging asawa niya? Tama ba 'to?! Lolaaa, tama ba 'to? Magparamdam ka naman sa akin lolaaa! Tama pa ba itong ginagawa ko? Huhu. Napatigil ako sa pagiisip nang may isang malaki at kulay brown na paro-paro ang dumaan sa mismong harap ng mukha ko. Nanlalaki ang mga mata kong pinanuod lang 'yon na dumapo sa dingding ng bahay ko. "Lolaaa..." Mahinang at mahabang bulong ko habang tinitignan 'yon. Napanguso pa ako. 'Yun na ba ang sign Lola? Kung ganoon ay ayos lang talaga ang ginagawa ko? Nabuhayan ako ng loob at napahawak na sa kamay ni Angelo na naka-lock sa harap ko. Kinikilig na kinagat ko ang ibabang labi ko bago magsalita. "Enebe—ehem!" Bakit ba nahihirapan akong magsalita? "A-Ano, sige magluluto n-na ako! Pasok ka na pala muna sa loob." Nauutal kong saad. Agad na naginit ang mukha ko nang marinig ang pagtawa niya, mahina ata maikli lang 'yon bago siya kumawala sa pagkakayakap sa akin. Nahihiya naman akong tumingala sa kaniya at salubungin ang mabibigat niyang mga titig. "No... can I watch you?" Tanong nito sa akin. Halos mahimatay na ako dahil sa ka-OAhan ko. Kasi naman 'eh, ang pogi niya lalo tignan kapag nagi-english siya. Atsaka, hindi 'rin kasi siya mukhang Pilipino, pero marunong siyang magtagalog. Nako naman! Saang lupalop naman kaya nanggaling ang poging nilalang na 'to? Napakamot na lamang ako sa likod ng ulo ko bago nagisip ng paraan. Ayaw ba naman pumasok sa loob ng bahay 'eh. Napapitik naman ako sa ere bago iniwan siya 'ron dahil pumasok ako sa loob ng bahay para kunin ang upuan kong malapit nang bumigay—sana hindi pa dahil wala pa akong pampalit. Hehe. "Oh, upo ka dito kung ayaw mong pumasok. Baka mamaya bumukas na naman 'yang sugat mo." Napabuntong-hininga naman ako. "Hindi pa kita madadala sa hospital dahil walang byahe ang mga bangka, malakas kasi ang hangin at alon ngayon dahil may paparating na bagyo." Paliwanag ko sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita, lumapit lang siya't naupo sa upuan na dinala ko. Nakade-cuarto pa't crossed arm. Napansin kong fitted sa kaniya ang damit na pinahiram ni Junior. Halatang-halata ang dibdib niya pati na rin ang mga abs niya. Idagdag pa ang biceps niya na talaga namang umuubok! Y-Yummyyy?! Nabalik lang ako sa huwisyo nang tumikhim siya. Kaya naman nagmamadaling sinimulan ko na muna ang dapat kong gawin. As usual ay nagpa-dingas na muna ako pagkatapos ay sinalang na ang sinaing. Nakaharap lang ako sa kaldero at nahihiya na humarap sa dereksyon niya pero narinig ko ang pag-tahol ni Burog kaya naman na-alarma ako dahil baka kagatin niya si Angelo. "Burog!" Tawag ko sa pangalan nang aso ko at napangiwi na lamang ako nang makita ang sitwasyon nito. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil nahihiya ako sa nangyayari sa harap ni Angelo. Kaloka! Nasa harap lang naman namin ngayon si Burog habang naka-konekra pa din ang munting junior niya sa ka-siping niya. Natampal ko na lamang ang noo ko dahil sa nakita ko. "B-Burog! Putragis ka talaga—talaga namang pinakita mo pa sa akin 'yan! Huh?" Napahilamos ako ng mukha. "Wala tayong pang-sustento kapag nabuntis 'yan!" Nanlalaki ang mga mata na sabi ko pa habang dinuduro ang ka-siping niya. Umuusok na siguro ang ilong ko ngayon, pero tila agad din 'yong nawala nang marinig ko ang masarap sa pandinig na tawa ni Angelo. Talaga namang napalingon ako sa kaniya at bumungad sa akin ang tumatawa niyang mukha. Gusto ko sanang mahiya pero parang tumigil ang mundo ko dahil sa ka-gwapuhan niyang taglay! Huhuhu, Lord. Pagsubok na itong nararanasan ko ngayon? Pinaparusahan yata ako nang lalaking 'to! Pa-simple akong humawak sa labi ko—baka tumutulo na naman laway ko 'eh. Nagiinit ang mukha ko nang bumaling ako sa ibang direksyon, nagisip ako nang pwede naming maging topic—at buti na lang ay nakaisip ako hehe. Pero mukhang iba ang nasa isip ni Angelo, dahil iba ang sinabi niya. "Ano, punta tayo—" "Nagawa na ba natin 'yon?" Biglang tanong at pagputol niya sa sasabihin ko. Agad na kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, hindi ko kasi maintindihan kung ano ang tinutukoy niya. "Ha? Anong nagawa?" "'Yung gan'on?" sagot niya na naman. Mas lalong lumaki ang gatla sa noo ko. "Anong gan'on?" "'Yung gan'on nga, ginawa na ba natin 'yung gan'on?" Tanong niya na naman na nagpasakit ng ulo ko. . "Ano ngang gan'on ang ginanon natin?!" Medyo napalakas na ang boses ko dahil naloloka talaga ako sa usapan namin ngayon. Ayaw pa kasing deretsuhin 'eh mahina nga ang utak ko—I mean, minsan hehe, di naman palagi! Natawa naman si Angelo atsaka ngumuso na. Napangiwi pa ako dahil sa ginawa niya, pero alam kong may tinuturo siya kaya napalingon 'din ako 'ron. Talaga namang nanlaki ang mga mata ko at halos lumuwa pa nang makita at mapagtanto kung ano nga ba ang tinutukoy niya. Mahabaging langit! Tinatanong ni Angelo kung nag-siping na ba kami! Putragis, anong isasagot ko? Nangatal ang bibig ko't hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya. Nakita ko rin ang paglabas ng ugat sa braso niya kaya naman kinabahan ako. H-Hala? Hinihintay niya lang bang aminin ko na hindi talaga kami mag-asawa bago niya ako sapakin? Napalunok na lamang ako bago kinakabahang sinagot ang tanong niyang makapigil-hininga. "A-Ano... oo, hehe. L-Last month!" Tumango-tango naman ito kaya para akong nakahinga ng maluwag. Ang kaso... "Gawin natin mamaya." "H-Ha?" Gulat kong saad. "Gawin natin mamaya, I said." Anak ng—letsugas talaga! Mapapahamak na naman yata ako dahil sa katangahan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD