SASHA ROSARIO'S POINT OF VIEW
Tila lumulutang ang utak ko dahil simula pa kanina. Nakaupo kami ngayon sa lapag at nasa harap namin ang mga plato pati na rin ang pagkain.
Binigyan ako ni Aling Minda ng daing kahapon kaya naman 'yon na agad ang ulam namin ni Angelo. Pa-simple pa nga akong tumitingin sa kaniya 'eh, kasi hindi ko naman alam kung kumakain ba ito ng ganitong mga pagkain. Kahit kasi sabihin na may amnesia 'sya, ay sigurado akong maaalala pa rin ng katawan niya ang mga pagkain na hindi niya gusto.
Mahigit dalawang minuto na akong nakatitig sa kaniya, pero hindi niya pa rin ginagalaw ang pagkain niya kaya naman napalunok ako bago mag-salita.
"A-Ano... ayaw mo ba ng ulam?" Derektang tanong ko at wala nang paligoy-ligoy pa. Nakatitig lang kasi siya sa daing simula pa kanina.
Nalipat na sa akin ang atensyon niya, napalunok pa ako nang magtama ang paningin namin at tila hinihigop na naman ako ng kulay abo niyang mga mata.
"No, hinihintay kong kumain ka bago ako kumain..." Mahina siyang natawa. "Were you waiting for me to eat first before you eat?"
Ayan na naman siya sa nakaka-nosebleed niyang english! Grabe, may amnesia nang lahat-lahat pero nakakapag-english pa rin siya. Hindi kaya mayaman talaga ang lalaking 'to? O di naman kaya ay kilalang business man dito sa Pilipinas.
"Oo 'eh." Natawa na rin ako. "Naghihintayan lang pala tayo?"
Sinimulan na naming kumain pero hindi ko pa rin maiwasan na tignan siya. Pinapakiramdaman ko kung gusto niya ba ang ulam o napipilitan lang siya. Napangiti na lang ako nang makita kong wala namang bahid nang pagka-disgusto sa mukha niya nakampante na rin ako at nag-focus na sa pagkain.
Ang sarap pala sa pakiramdam na may kasabay kumain. Grabe, halos ilang buwan na rin mula nang makasama at makasabay akong kumain 'eh.
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa tuwa. Alam kong panandaliang saya lang 'to dahil sigurado akong babalik ang ala-ala ng lalaking 'to. Pero sana namang matagal-tagal ano? Para kahit papaano ay mag-enjoy ako. Hehe.
"Bakit nakangiti ka? May sira na bang ulo mo?"
Nagulat ako dahil sa tanong niya sa akin. Napatikhim pa ako para ayusin ang sarili ko. Hindi ko maiwasang pandilatan siya ng mata.
May sira raw ang ulo ko?! Talaga lang ha? Sino kaya 'tong walang maalala.
Hindi na ako sumagot pa't humahagikhik na lang habang kumakain.
Masasapak niya kaya ako kapag sinabi ko sa kaniya ang mga nasa isip ko? Hindi naman siguro no?
Hayyy, buhay. Kaya ayaw kong mag-asawa eh, ang hirap-hirap ng sitwasyon.
ILANG minuto pa at natapos na rin kaming kumain. Niligpit ko na agad ang pinagkainan at agad na hinugasan 'yon.
Ayokong makita niya ang sponge na napakaliit at kailangan nang palitan.
"Oh my gulay! Kailangan na talagang palitan ang ilan sa mga gamit dito sa bahay." Bulong ko habang inaayos ang mga plato na tapos ko nang hugasan.
Andito ako sa likod ng bahay kung na saan ang drum at tubig. Kung nagtatanong kayo kung may banyo ba? Oo meron naman akong banyo, pero gawa lang sa buho at sako na ginawang pang-harang—pero 'wag ka! Dahil mayroong inidoro, hehe.
Nang pumasok ako sa loob ng bahay ay naabutan ko siyang nakaupo sa lapag. Di ba nga? Iisa lang ang silid ng bahay namin ni Lola. Sa isang silid na 'di kalakihan ay andito na ang salas, kwarto, kusina at hapag-kainan. Masikip pa nga 'eh kung tutuusin.
Mayroon mang sahig na may nakalatag na plywood—'eh malapit na ring masira. At isa pa, sabi-sabi ng mga taga kabilang baryo 'eh may bagyo raw kaya 'di nakakapag-byahe ang mga bangka.
Namilog ang mga mata ko. Bagsak ang balikat ko pang inilagay sa taas ng maliit na lababo ang planggana na may lamang mga bagong hugas na plato.
Hindi naman kaya bahain na naman? Hindi naman eksaktong baha—pero kasi nasa dulo ang mga bahay namin, pababa ang lupa kaya naman siguradong dito mapupunta ang mga tubig baha.
Malalim akong napabuntong-hininga bago bumaling kay Angelo. Hindi inaasahan na nakatingin din pala siya sa akin at walang emosyon ang mukha niya.
Natuod lang naman ako sa kinatatayuan ko. Aba ewan ko kung bakit nagtititigan naman kami ngayon. Ito siguro ang bonding naming dalawa.
Hindi ko na kinaya at nagsalita na ako. "Ayos ka na ba?" Tanong ko sa kaniya bago pinasadahan ng tingin ang buong katawan niya.
Wala naman nang mantsa nang dugo na posibleng galing sa sugat na nag-bukas ulit.
"Gusto kong maligo."
Napaawanga ng labi ko dahil sa sinabi niya. Hala, gusto raw maligo—saan ko paliliguin 'to?!
"H-Ha? Baka m-maano 'yung sugat mo."
Kumunot naman ang noo nito. "Maano?"
Napakamot ako sa batok ko. "Oo, baka ano—mapasukan ng tubig kasi fresh na sugat pa 'eh."
Tama naman diba? Gan'on sabi sa akin ni Lola dati 'eh.
Tumango-tango naman ito. "Ok, bukas na lang."
Nakahinga naman ako ng maluwag. Hayyy salamat naman at hindi mapilit 'tong si Angelo.
NANG sumapit na ang ala-una ng hapon, ay nagpaalam naman ako kay Angelo—mali, magpapaalam pa pala.
Itinali ko ang buhok ko para maging malinis ito tignan. Mahaba at wavy kasi kaya madaling mabuhaghag. Mahangin pa man din ngayon dahil sa paparating na bagyo. Kailangan kong dumeskarte para hindi kami kawawa kapag umulan na.
"Saan ka pupunta?" Tanong ng yummy kong asawa—I mean ni Angelo.
Ih! Ang sarap yata banggitin na asawa ko siya ah? Nakakakilig naman, parang may paro-paro sa loob ng tyan ko.
"Doon lang sa malapit, kailangan kong mag-trabaho para may makain tayo bukas atsaka pang-paangat ng sahig dahil baka wala na tayong mahigaan kapag umulan na."
Para siyang isang model sa paningin ko ngayon, magulo ang buhok niya't bahagya niyang kinagat ang ibabang labi niya na talaga namang mukhang malambot. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, pero nakakatuwa na nag-uusisa rin siya sa mga nangyayari ngayon kahit pa nagkaroon siya ng amnesia.
"I see... magingat ka—"
Hindi niya natuloy ang sasabihin niya't nakatitig lang sa akin. Parang may hinihintay siya kaya naman napaisip ako. At nang mapagtanto ko kung anong gusto niya ay natawa na lamang ako nang malakas.
"Oo nga pala. Ako si Sasha, Sasha Rosario, twenty four years old, at asawa mo ako." Kinagat ko ang ibabang labi ko. Halaaa, kakarerin ko na ba talaga ang pagiging asawa ng pogi na 'to?
Sa bagay, hindi naman siguro masama. Baka kasi biglang umalis 'to kapag nalaman niyang 'di niya pala ako kaano-ano 'eh. Edi mas mapahamak pa siya.
"Angelo... Angelo Duque ang pangalan mo."
—
"Aba aba? Bakit parang ganadong-ganado ka't mas marami ang nagawa mo ngayong araw kahit tanghali ka na pumunta dito?" Ang boses ni Aling Minda ang nagpabalik sa akin sa huwisyo.
Napangiwi pa ako dahil sa tono ng boses niya. "Nako, wala ito Aling Minda ginagahan lang dahil maganda ang panahon." Wala sa sariling sagot ko namana sa kaniya.
"Aba? Talagang focus na focus ka yata Sasha ah?"
Napatigil ako sa ginagawa pagkatapos ay kunot ang noo na bumaling sa kaniya. Nakapamewang ito habang may ngiti sa labi.
"S-Shempre naman Aling Minda, kailangang kumita para may pang-kain bukas 'eh."
"Ay nako Sasha! Ako pa ang binola mo, alam kong may espesyal na tao sa bahay mo ngayon." Ngiting-ngiti na sabi niya.
Agad na naginit ang mukha ko't nangatal ang labi ko. "H-Ha?! H-Hindi, wala oi!"
"Ay hindi mo maitatanggi 'yan sa akin Sasha, chinika na sa akin ni Andeng kaninang umaga!"
Talaga naman Andeng! Humanda ka sa akin kapag nagkita tayo.
Napangiwi na lang ako't napakamot sa ulo ko. Hindi ko kasi inaasahan na may makakaalam agad dito sa kabilang baryo.
Ang bunganga talaga ni Andeng 'eh hindi makapag-pigil!
"Ipakilala mo sa akin ang masuwerteng lalaki sa susunod ha?"
Tawa na lamang ang tanging naisagot ko kay Aling Minda habang kumakaway at naglalakad na pabalik sa bahay. Madilim ang daan pero sanay na ako at hindi ako natatakot.
Habang naglalakad ay napapaisip ako kung tama ba ang mga ginagawa ko. Will naman siguro ni Lord 'to diba? Huhu. Nakakaloka, nakakabaliw at nakaka—arghh!
Napailing-iling na lamang ako habang naglalakad dahil biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ni Angelo.
Kagat ko ang ibabang labi ko't hindi maiwasan na makaramdam ng init sa katawan ko. Kasi naman 'eh, naaalala ko ang abs at pogi niyang mukha. Isama pa ang mataba at mahabang sandata na tinitago niya sa ilalim ng short niya!
Lumilipad sa ibang lupalop ang utak ko hanggang sa makauwi na ako. Bukas ang pinto dahil nga hindi pa rin ito nakakabit, ngiting-ngiti ako pero agad din iyong naglaho nang hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin.
"Jusmiyo! Anong g-ginagawa mo?!" Malakas na sigaw ko't sinabayan pa ng malakas na pagtibok ng puso ko.
Hindi ako mapaniwala, kahindik-hindik ang nakikita ko ngayon! Gusto ko na lang magpalamon sa lupa at 'wag nang bumalik pa.
"What? I'm just staring at it." Sagot naman ni Angelo na gabing-gabi na pero ginugulat pa rin ako.
"P-Pero! Ahhhh!" Mahaba ang naging sigaw ko nang mag-marcha ako palapit sa kaniya. Mabilis kung inagaw ang panty kong may butas sa gitna mula sa pagkakahawak niya.
Jusko! Nakakahiya! Ano bang nangyari at nasa kamay niya na 'ito?!
"Bakit may butas?" Nakangisi nitong tanong sa akin.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Nakakahiya! At talaga namang gusto ko na lang mag-laho ngayon.
"A-Ano—"
"Sinandya mo 'no?" Napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya. Anong sinadya?
Mahina at maikli siyang tumawa. "Sinadya mo bang butasin para mabilis na lang ipasok 'to mamaya?"
H-Huh?!! Ano bang sinasabi ng lalaking 'to? Talaga namang nabawasan na yata ng turnilyo sa ulo.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Pero parang malalaglag na ang panty ko nang makita kong kagatin niya ang ibabang labi niya para pigilan ang ngiti niya.
Bumaba naman ang tingin ko sa kamay niyang nakapatong sa gitna parte nito. At halos lumuwa na lamang ang mata ko ang makita ang malaki at mahabang umbok 'don!
"Let's do it, right now—Sasha..."
"A-Ano?! Hindi pa nga tayo kumakain." Palusot ko.
"What's the use? Mapapagod rin naman tayo pagkatapos—we can just do it now, ang eat later."
H-Hala Lord, wala na ba talaga akong takas 'neto?!
Hindi naman ako makasagot, pero nagsalita siya ulit kaya medyo kumalma ako.
"Don't worry... isang round lang, wife."
Ayos pala, hehe. Isang round lang daw...