SASHA ROSARIO'S POINT OF VIEW "Andenggg!!!" Hindi ako mapakali at para akong kiti-kiti habang kumakatok ako sa pinto ng bahay nila Andeng. Nakarinig naman ako nang yabag papalapit sa pinto at ilang sandali pa ay bumukas na 'yon. Bumungad sa akin ang nagtatakang ekspresyon niya sa mukha, may hawak-hawak pa siyang isang baso na naglalaman ng gatas. Tinaasan niya ako ng kilay. "Aba? May maganda bang nangyari? Bakit parang mapupunit na yata ang labi mo dahil sa lapad ng ngiti mo?" Wala sa sariling nahampas ko ang braso niya. "Enebe—ehem." Umayos ako ng tayo. "Wala ah, ano ka ba." Pagtanggi ko pa pagkatapos ay mabilis na pumasok sa loob ng bahay niya. Nilibot ko ang paningin ko't sinilip pa ang mga silid para tignan kung may tao. Safe naman dahil wala si Junior, mukhang kasama ito ng m