4.2 Kinm's POV FLASHBACK

1603 Words
"Mine." The little man repeat his words with a deep growl na siyang bumura sa masayang emosyon na nasa mga mata ng hari. "Sinusuway mo na ba ako Kaizen?" Puno ng galit na untag ng hari gamit ang malakas nitong boses na siyang naging rason upang yumuko ang lahat ng mga tauhan nito. "Mine!" Ulit muli ng bata imbes na sagutin ang sinabi ng ama. Siguro nga hindi ito makapagsalita ng kahit ano dahil ang lobo nito ang may hawak ng kontrol sa katawan nito. Ngumisi naman ang hari dahil sa narinig at nakita kong akmang tataas ang kamay nito para saktan ang sariling anak. Ngunit agad na pinigilan ito ng aking ama. Gamit ang mga salita nito na siyang nagpaigting sa panga ng hari. "Wala ka na ba talagang puso? Pati ang sarili mong anak ay kaya mong saktan dahil lang sa iyong kasakiman?" Nanlaki ang mga mata ng bata dahil tila hindi nito inaasahan na ipagtatanggol siya ng aking ama. Hindi ko rin alam kung bakit pinagtatanggol ng aking ama ang isang bata na alam nitong papatay sa kaniya. Pero alam kong napakabait ng aking ama. Dahil sa sobrang kabaitan nito ay kaya nitong magsakripisyo para lamang sa mga taong nakikita nitong nahihirapan. Hindi rin nito kayang makita na may nasasaktan sa mismong harapan nito. O kahit marinig lamang nito ay agad na magbibigay ito ng tulong. Kaya nga nagtataka ako kung bakit ginaganito ng hari ang aking pamilya e' sa pagkakaalam ko wala naman kaming ginawang masama. Napakabuti ng aking ama at ina. At hindi ako naniniwala na may nagawa silang masamang bagay upang madeseve nila ang ganitong trato mula sa mismong hari na inaasahan ng lahat na siyang proprotekta at gagabay sa kanila. "Ano ba ang alam mo sa pagdidisiplina?" Dahan-dahan ay lumapit muli ang hari sa aking ina at hinaplos-haplos nito ang pisnge ng aking ina. Samantalang ibinaling naman ng aking ina ang kaniyang mukha sa ibang direksyon dahil nandidiri ito at upang mailayo na rin nito ang sarili mula sa taong pinandidirihan nito. At hindi ko inaasahan ay mabilis na tumaas ang kamay ng hari at dumapo iyon sa mukha ng aking ina. Napasigaw ang aking ama at pumiglas ito at tila ba ang lakas-lakas nito dahil nakawala ito mula sa pagkakahawak ng mga tauhan ng hari at walang babalang tinakbo nito ang pagitan nito at ng hari na siyang nanakit sa aking ina at mabilis na sinuntok nito ang hari na siyang naging dahilan upang mapaupo ang hari sa sahig. Ngunit agad naman nahawakan muli ng mga tauhan ang aking ama at kahit anong piglas nito ay hindi na ulit ito nakawala. "Hanggang doon lang ba ang pagdidisiplina mo?" Nakakalokong sambit ng hari at agad na nakaramdam ako ng awa dahil tinitingnan ko pa lamang ang ina ko na ngayon at umiiyak ay hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin kundi ang umiyak na lamang. Hindi ko tuloy mapigilan ang isip ko na sisihin ang aking sarili. Kasi kung naging mas malakas sana ako ay imbes na ako ang pinoprotektahan at tinatago ngayon ay ako sana ang nandoon sa labas at gumagawa ng mga bagay na ginagawa nila. Hawak ng aking ina ang pisnge nito at ni hindi man lang nito magawang tingnan ang aking ama dahil tila ayaw nitong ipakita ang naging epekto ng pagsampal ng hari. Samantalang ang ama ko naman ay naiiyak na rin dahil wala itong magawa. Kahit gusto nitong yakapin ang aking ina at lapitan ito ay hindi rin nito magawa sapagkat hindi na siya binigyan pa ng pagkakataon na muling makawala. "Damn you! Pinapangako ko na balang araw ikaw ay paparusahan sa paraang hindi mo inaasahan. Pinapangako ko na ang lahat ng ginawa mo sa pamilya ko ay babalik sa'yo—" hindi natapos ng aking ama ang sasabihin sana nito nang sinensyasan ng hari ang isang tauhan nito at walang ano-ano'y nakita ko na lamang na napaluhod ang ama ko dahil sa sakit nang sinuntok ito ng isang lalaking tauhan na sa wari ko ay mataas ang katungkulan sa mga linya ng kawal sa palasyo. Tinandaan ko ang malapilak na mata nito pati na rin ang malaking peklat sa gilid ng mga mata nito. Balang araw pinapangako ko na dahan-dahan ko silang papatayin. Pinapangako ko na hindi ko hahayaan na hindi ko maibalik ang mga bagay na ginawa nila sa sarili kong pamilya. Kuyom ang mga kamay ko na tiningnan ko isa-isa ang mga taong nasa loob ng aking silid. Pilit kong tinandaan ang bawat mga mukha nila. Sinisigurado ko na hindi mabubura sa isip ko ang mga mukha ng mga taong nanira ng kasiyahang meron kami ng aking mga magulang. Hindi sinasadya ay nahagip ng aking paningin ang bulto ng batang kanina pa pala ako tinitingnan. Ni hindi pala nito inalis ang tingin sa akin at ngayon ay nakatingin ito sa akin na para bang gusto nitong lapitan ako pero sinamaan ko ito ng tingin na siyang naging rason upang yumuko ito. Kumunot ang noo ko sa ginawa nito. Napakahina pala ng anak ng hari at mabilis mapatiklop sa isang masamang tingin na binibigay ko. Ito ba ang pinagmamalaki niya? "Kaizen, come here." Sigaw ng hari na siyang naging rason upang mapalingon ang bata sa kaniyang ama. "I said come here!" Ginamit ng hari ang malakas na boses nito at tila naging tuod muli ang bata na sumunod sa utos ng ama. Walang emosyon na lumapit ito hanggang sa nasa harap na ito ng aking ama. Pero nagulat na lamang ako nang iniharap ng hari ang bata sa aking ama at sinenyasan nito ang mga tauhan nito na bitiwan ang aking ama. Susugod sana ang ama ko sa hari nang bigla na lamang ay inilagay ng hari ang matulis nitong kuko sa leeg ng aking ina. Natigilan ang aking ama kaya ngumiti ng pagkatamis-tamis ang hari. "Stay." Malumanay na usal nito na sinunod ng aking ama dahil ang kuko ng hari ay bumaon ng kaonti sa balat ng aking ina. "Ganiyan, matuto kang makinig. Alam mo napag-isip isip ko na kailangan mong matutunan ang paraan ng tamang pagdidisiplina kaya, here's my son." Tinulak ng hari ang sarili nitong anak papalapit sa aking ama na para bang nagtatapon lang ng basura. "Kill him for me." Napasinghap ako ng mahina pero mabilis na napatakip ako ng aking bibig sa takot na baka marinig nilang andito ako. Hindi ko lang mapigilan na hindi magulat sa ginagawa at sinasabi ng hari. Paano nito naaatim na sabihing okay lang na patayin ng ibang tao ang sarili nitong anak? "W-what?" Hindi makapaniwalang sambit ng aking ina at ama na siyang ikinatawa ng hari. Para itong nasisiraan ng ulo na kahit walang nakakatawa ay basta na lamang ito tatawa ng malakas. "I said kill him at kapalit nito, I'll spare your life." Natameme ako sa aking narinig samantalang napatingin ang aking ama sa bata pero sandali lamang iyon dahil mabilis na iniwas ng aking ama ang tingin nito at dumako ang mga mata nito sa akin. Para bang nag-isip ito ng malalim saka ito napangiti. Ewan ko ba pero nang makita ko ang mga mata nito ay alam ko na ang magiging sagot nito sa nais ng hari. Alam kong mabuting tao ang aking ama. At hindi ito papayag sa mga masasamang bagay. Tumulo ang luha ko at umiling ako para sabihin sa ama ko na huwag nito ituloy ang balak nitong mangyari pero ngumiti lamang ito at saka bigla na lamang ito lumuhod sa harap ng prinsepe at saka ito matamang tumitig sa lobo ng prinsepe na siyang may kontrol sa katawan ng bata. Hinawakan ng aking ama ang kanang kamay ng bata na may mga matutulis na kuko na hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik sa normal na anyo no'n. Napakapikit ako sa kahoy ng mahigpit dahil nakakaramdam ako ng labis na poot. Bakit ang unfair? Bakit sa lahat ng pwedeng mangyari ay ito pa talaga. "If you will become a king please protect her. Please find her and make her your queen." Madiin na saad ng aking ama samantalang walang reaksyon ang prinsepe at ni sumagot o tumango ay hindi nito ginawa kaya nagulat ako nang ginulo ng aking ama ang buhok ng prinsepe na para bang isa itong normal na bata. "Nagpapasalamat ako na nakilala kita bago ako mawala." Nanlalaki ang mga mata ko dahil kasabay ng pagbikas ng ama ko sa mga salitang iyon ay itinapat niya ang matutulis na kuko ng bata sa tapat ng dibdib niya at walang ano-ano'y hinayaan niyang bumaon iyon sa dibdib niya. Gulat na gulat ang bata sa ginawa ng aking ama at pilit nitong hinihila ang kamay ngunit hinawakan ng aking ama ang kamay nito ng mahigpit. Ewan ko ba pero biglang naging tahimik ang lahat. Alam kong nagsisigaw ang aking ina pero halos wala akong marinig. Ni hindi ko na alam ang gagawin ko. Basta na lamang akong umatras ng isang hakbang dahil hindi ko matanggap na kusang binigay ng aking ama ang buhay niya para sa prisepe. Tila ba tanggap na nito ang kapalaran nito pero ni hindi man lang niya naisip na nandito ako. Na kailangan namin siya ni inay. Ni hindi niya naisip na ang batang iniligtas niya ay katulad din ng ama nito na isang halimaw. Hindi niya alam na balang araw ay ipagpapatuloy ng bata ang sinimulan ng kaniyang ama. Pero kami ng aking ina ay saan kami kakapit ngayon? Ano na lamang ang gagawin namin? Kung wala na ang inaasahan naming proprotekta sa amin. Dahil kay Kaizen! Dahil sa prinsepe! Nasira ang pamilya ko! Dahil sa kaniya nawalan ako ng ama!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD