Short update Kinm's POV FLASHBACK

520 Words
His claws appeared at kita ko kung paano tuwang-tuwang pinapanood ng hari ang kaniyang anak na lumalapit papalapit sa aking ama. Samantalang parang huminto sa pag-inog ang aking buong mundo dahil hindi sinasadyang napatingin sa maliit na butas ang aking ama at nang makita nitong sumisilip ako ay nanlaki ang mga mata nito hanggang sa tuluyang nanubig iyon. Itay... Para akong pinatapatay ng dahan-dahan sa aking nakikita. Hindi ko kayang makitang ang sakit at pagdurusa sa mga mata nito. "Ako na lang ang patayin mo, payag na akong sumama sa'yo pero huwag mo na saktan ang asawa ko o kahit ang anak ko. Parang awa mo na..." Sigaw ng aking ina na siyang naging rason upang umangat muli ang mukha ng aking ama. Kita ko roon ang galit hindi lamang para sa sarili nito kundi pati na rin sa sarili nito dahil ramdam nitong wala itong magawa para mailigtas ang pamilya nito. "No! Please huwag mong gawin iyan! Mas gugustuhin ko pang mawala kaysa ang makita kang mapapasakamay ng demonyong iyan! Kaya ako na lang! Ako na lang ang patayin mo! Lubayan mo ang asawa at anak ko." Napaluha ako at napahikbi, kagat-kagat ko ang palapulsuhan ko kung saan nalalasahan ko na rin ang malakalawang na dugo roon. Dahil sa nangyarinh iyon ay nakita kong umangat ang mukha ng hari pati na rin ang iba pang lobong nasa loob ng aking kwarto. "The smell! s**t I want the smell!" Sigaw ng hari kaya nanlaki ang mga mata ng aking ama kaya napaatras ako at napatingin ako sa boteng binigay sa akin ng aking ama. Nanlalabo ang mga matang binuksan ko iyon at nagbuhos ako ng kaonti sa aking sugat at nagulat ako nang bigla na lamang tumigil sa pagdugo at agad naman narinig ko ang naiinis na sigaw ng hari. "Where is it! Nasaan na ang amoy na iyon!" Para akong nawalan ng lakas at muli ay dahan-dahan na nilapitan ko muli ang maliit na butas at mula roon sumilip akong muli hindi sinasadyang nakita kong nakatingin sa gawi ko ang bata. Nanlaki ang mga mata nito at nawala ang kalamigan sa mga mata nito. Napalitan iyon ng kakaibang emosyon na hindi ko mapangalanan. Alam kong ang lobo ng bata ang nakatingin sa akin pero parang ang mga mata nito ay kinulong ang aking mga mata. Natulos ako nang akmang hahakbang ito papunta sa aking gawi. "Damn it! Search everywhere! Find the owner of that scent. She would be mine!" Sigaw ng hari pero nagulat ako nang biglang nag-iba ang emosyon ng bata sa narinig nito mula sa ama nito. He growled lowly at nagulat bigla ang ama nito. Kahit ang aking ama ay nagulat din sa ginawa ng bata. "What's your problem!" Gigil na tanong ng hari pero walang sagot ang batang lalaki at mas pinakita lamang nito ang matulis nitong pangil. Kahit man ako ay hindi ko rin alam kung ano ang dahilan ng galit sa mga mata nito para bang may hindi itong nagustuhan sa sinabi ng ama nito. "Mine." Matigas ngunit madiin na sambit ng batang prinsepe at napasinghap ang lahat ng lobong nasa aking silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD